Hindi ko alam kung tatakbo ako o piliin nalang na kainin ako ng lupa ngaun. Mariin ang titig ni Raj kay Riley habang mabilis ang pag taas at baba ng dibdib niya.
"What to do?" Mahinang bulong ni Alice. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Riley.
"Mama, I think I know him." Salita ni Riley. Nahuli ko na nakatigin din pala ang anak ko kay Raj. Humigpit lalo ang hawak ko sa kamay ng anak ko.
Marahan naglakad si Raj papunta sa amin. Sa hindi ko alam na dahilan ay biglang may naglabasan na studyante mula sa entrance ng hotel kaya nawala kami sa mata ni Raj.
Mabilis akong gumalaw. Hinila ko si Riley at patakbong pumasok sa hotel.
"Gotica!" Sigaw ni Raffy Alice at si Raj na din. Binalewala ko sila. Sinamantala ko ang pangyayari para makatakas.
"Move fast Riley." Sagot ko sa anak na halos magkapatid patid na sa paghila ko. I know it's not good pero hindi ko pa alam ang isasagot ko kung sakaling mag abot kami ni Raj.
Hingal na hingal na ako at hindi alam kung saan tatakbo. Malaki ang hotel na ito at hindi ko naman talaga kabisado.
"Mama, why are we running?" Inosenteng tanong ng anak nang huminto kami. Kita ko ang hingal at pagtataka niya pero binalewala ko pa din.
"Gotica!" Sabay kami napatingin ni Riley kay Raj na halos malapit na sa amin. Hinawakan ko ulit ang kamay ni Riley at nagsimulang tumakbo.
"Mama, I'm tired." Sagot ni Riley at pilit kumakawala sa kamay ko. Hindi ko iyon pinansin. Lumiko ako sa hallway na hindi ko alam kung saan patungo.
"Dito dali." Halos mapalundag ako ng lumitaw si Raffy sa harap namin ni Riley.
"Jesus, Raf!" Sagot ko na medyo hingal pa at hawak ang dibdib.
Kinarga niya ang anak ko at mabilis kami naglakad na halos patakbo. Pagliko namin sa isang hallway to open the fire exit at bumungad si Raj at nagkabanggan kami.
"Uhhh," salita ko dahil sa impact ng sakit. Napahiga ako sa sahig. Mabuti nalang at carpeted ito kung hindi ay lagas lagas na ang likod at ulo ko sa lakas ng impact.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko habang nakangiwi. Mukang umikot pa ang mundo ko dala ng hilo.
"Are you okay mama?" Tanong ni Riley. Siya agad ang bumungad sa akin. Magsasalita sana ako ng lumitaw si Raj st walang emosyon nakatingin sa akin.
Ganun pa man ay tinulungan niya pa din akong tumayo. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya. Nanginginig ang kalamnan ko habang tumatayo. Si Raf sa gilid ay hindi ko maipinta ang itsura. He is more on annoyed.
"Mama, are you okay? Why are we running?" Tanong ni Riley. Tumingin pa siya kay Raj at ngumiti. "Thank you for helping my mama sir." Salita niya.
Nakuha ni Riley ang atensyon ni Raj. Tumitig siya sa anak. Walang bakas ng kahit ano sa mukha ni Raj. Sobrang seryoso niya at tila ba inaalam ang bawat detalye ng mukha ni Riley. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya sa harap ng anak ko.
"You're welcome. May I know your name?" Tanong ni Raj sa anak. Tila ba may inaalala sa pagtitig kay Riley. Parang sasabog ang puso ko ngaun sa sobrang takot at kaba. Gusto kong umiyak ngaun at yakapin ang anak pero wala akong nagawa. Tumunganga ako sa kanilang dalawa.
Kahit si Raffy ay hindi na makapagsalita at wala nang magawa.
"I'm Prince Riley Gatchalian sir." Proud na sagot ni Riley. Natutop ang dila ko. I can't control what is happening now. I know this is inevitable but I didn't expect that it will happen this way. Bakit ganito pa? Bakit ngaun pa?
"Ica--" sigaw ni Alice. Napatigil din siya sa pagsasalita ng makita si Raj at Riley na magkaharap.
Napanganga si Raj kay Riley. Tila ba may gusto sabihin pero walang lumabas sa bibig.
"Is Gotica is your mom?" Tanong ulit niya ng makabawi. Ngumiti si Riley at tumango ng paulit ulit. Napasinghap ako ng balingan ako ni Raj. Mamula mula ang mga mata niya at galit na napatingin sa akin. Bumilis ang hinga ko sa pinaghalong takot at kaba. Tila ba inaakusahan ako ng mga mata niya na para bang may ginawa akong mali.
Takot ako na alam niya ang totoo. Riley is not hard to figure out. Kamukang kamuka niya si Raj at hindi maipagkakaila ang katotohanan. Kahit hindi ako magsalita ay malalaman ang katotohanan.
"Yes sir." Sagot ni Riley. Napapikit ako ng mariin ng mahinang nagmura si Raj.
Nang dumilat ako ay nakayuko na si Raj para magpantay sila ni Riley. Kitang kita ko ang panginginig niya habang marahan hinawakan ang anak ko sa braso. Hindi gumalaw si Riley o nagreklamo. Tinagilid pa niya ang ulo niya tila ba nagtataka kung bakit iyon ginagawa ni Raj.
Seryoso na din ang anak ko habang nakatingin sa kanya. "How old are you?" Tanong ulit ni Raj. Napatingin ako kay Alice na hindi ko alam kung iiyak ba o ano. Sa huli, ngumiti ng malungkot si Alice sa akin at tumango.
"I'm five sir." Seryosong sagot ni Riley. Hindi ko alam kung naguguluhan ba siya o ano pero titig na titig na din siya kay Raj. Hinawakan ni Raj ang mahabang buhok ng anak ko at hinaplos.
For some reason, Riley started to cry. Parang nawawasak ang puso ko na makita ang tahimik na luha na pumapatak sa mga mata niya. Nakita ko din kung paano tumulo ang mga luha sa mga mata ni Raj.
Wala nang nagsalita. Unti unti ay yumakap si Raj kay Riley. Nanlake pa ang mga mata ko ng yumakap pabalik si Riley at hindi manlang nagreklamo.
Kitang kita ko ang pag pikit ni Raj na tila ba dinadama ang yakap ng anak ko. Nang kumawala ang anak ko mula sa pagkakayakap ni Raj ay masama itong napatingin sa akin. Marahan pa nga akong napalunok dahil sa kaba. Ang mga mata niya ay puno ng sakit at panunumbat kahit wala naman lumalabas sa bibig niya.
Bumaling siya kay Alice na nag iwas ng tingin sa kanya. "C'mon Riley." Sagot bigla ni Raffy at sinusubukan kunin ang anak ko mula kay Raj. Humigpit ang hawak ni Raj sa kamay ni Riley habang nag igting ang panga na napatingin kay Raffy.
Bumalik ang tingin niya kay Riley na titig na titig sa kanya. "Is he your papa?" Tanong niya kay Riley habang turo si Raffy. Mahinang nagmura si Raffy at napapikit ng mariin.
"No, he is my tito Raffy." Sagot ni Riley at paulit ulit umiling. Doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Tumayo ng matuwid si Raj na hindi pa din binibitiwan ang kamay ni Riley . Nagtataka pa ako dahil hindi manlang nagrereklamo o nagtatanong si Riley.
Paulit ulit ang pag igting ng panga ni Raj. Sa kabila ng galit ng mga mata niya ay nangingibabaw pa din ang sakit. Hindi ko siya matignan sa mata. I'm scared.
"We need to leave." Sagot ni Raffy kay Raj. Lalong nag igting ang panga ni Raj.
"You can leave." Malamig niyang sabi. Lalong tumindi ang kaba ko sa lamig ng boses niya.
"What--" hindi na natuloy ni Raffy ang sasabihin niya ng pigilan siya ni Alice.
"Raf," umiling si Alice sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin ni Raj. Maraming tanong ang mga mata niya. Makikitaan mo din ito ng galit at sakit. Lumunok ako habang titig na titig siya sa akin.
"We need to talk." He said. Tila ba hindi tanong iyon. Utos iyon na hindi mo pwede tanggihan.
"Can we talk later or tomorrow?" Nilaban ko pa din. Palipat lipat ang tingin sa amin ni Riley na tila ba naguguluhan na din.
"No, we will talk now." He said. Tumikhim si Raffy pero pinigilan siya ni Alice. Napatingin sa akin si Alice at malungkot siyang tumango sa akin.
Nagsimulang maglakad si Raj." Wait sir. I will hold my mama." Salita ng anak at patakbong pumunta sa akin sabay hawak ng kamay ko. Walang nagawa si Raj. May sasabihin sana siya pero mas pinili niyang itikom ang bibig.
Habang naglalakad kami ay kabang kaba ako. Panay ang pag igiting ng panga ni Raj at paminsan minsan ay nanapikit ng mariin habang hinihilot ang bridge ng ilong.
Si Riley naman ay tahimik din nakahawak sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero alam kong naguguluhan din siya.
Lumiko siya sa restaurant ng hotel. May kung no siyang sinabi sa host. Ngumiti ito sa amin at tsaka kami dinala sa isang pribadong kwarto.
"We will wait." Sagot ni Alice ng mapatingin ako sa kanya bago kami pumasok sa silid. Tumango pa siya sa akin ay tipid na ngumiti. Tila ba pinapalakas niya ang loob ko.
Alam ko dadating ang araw na ito. Dadating na malalaman ang totoo. Ang hindi ko lang pala alam ay kung kelan ako magiging handa. Coz' honestly speaking.. hindi ko din alam agn sasabihin ko o pano ako magsisimula.
Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay bumungad ang isang bilog na lamesa na pang apatan.
"Come," tawag ni Raj sa anak ko. Tumingin muna si Riley sa akin tila ba nanghihingi ng pahintulot. Tumango ako sa anak at marahan hinaplos ang buhok niya.
Umupo si Raj sa gilid at itinabi si Riley sa kanya. Tahimik ang anak ko habang balik balik ang tingin sa amin dalawa.
"Seat down, Gotica!" Halos mapalundag ako sa gulat at takot ng magsalita si Raj na puno ng authoridad. Nawala ako sa pagtunganga at tumango. Marahan akong naglakad papalapit sa lamesa at umupo sa tabi ni Riley.
Hindi ko pa din matignan si Raj kahit alam kong pinapanood niya ako.
Kinuha ni Raj ang menu at saka iniiabot sa anak ko. "Do you know how to read?" Tanong niya kay Riley. Puni ng lambing ang boses niya habang kausap ang anak ko. Hindi pa din matanggal ang paninitig niya kay Riley na nakatitig din sa kanya.
"Yes sir, but I can't read everything. There are some words I can't read." Ngumuso si Riley at dumapo ang mata sa menu. Ngumisi si Raj sa anak at ti-nap ang ulo nito.
"That's fine. I will help you." Inilapit ni Raj ang upuan niya kay Riley at nagsimula silang magbasa ng menu. Doon na ako napatingin sa kanila.
Suddenly, bigla nalang pumatak ang luha ko sa hindi alam na dahilan. Magkahalong saya at sakit ang nararamdaman ko para sa kanya at kay Riley. Mabilis kong pinunasan ang mga luha na pumatak.
Sa huli, umorder si Riley ng Wagu steak at ice cream.
"What do you want?" Tanong ni Raj kaya napasinghap ako. Masyado akong nilalamon ng takot at kaba ngaun.
"Anything." Sagot ko sabay iwas ng tingin. Tumaas ang kilay niya sa akin. "Okay." Sagot niya.
Pumasok ang waitress sabay bigay niya ng order namin. Si Riley ay bumalik na sa katinuan at nagsimula ng gumuhit sa Ipad niya.
"Care to explain this." Biglang tanong ni Raj. Ang mga mata niya ay nakaktutok pa din sa ginagawa ni Riley.
"What do you want me to explain?" Sagot ko. Pinipilit ko pa din paniwalain ang sarili ko that he doesn't know anything kahit humihiyaw na sa mukha niya ang katotohanan.
He smiled sarcastically at tsaka umiling."Seriously? What happened six years ago?" He asked seriously. Ngaun ay nasa akin na ang buong atensyon niya. Paminsan minsan ay napapatingin sa main si Riley pero bumabalik naman ito sa Ipad niya.
"Nothing happened Raj. Bigla kang nawala. Yun ang nangyari." Sagot ko. Ang kaninang takot ko ay napalitan ng galit. Inalala lahat ng hirap na dinanas nung nawala siya.
Saglit na natahimik si Raj. Nag igting ang panga niya at ang mapait na ngumiti.
"You need to explain everything to me, Gotica. I don't buy your reason for blaming everything to me. I know my mistakes and I'm trying to make it right. But this is something different." Tumingin siya sa anak ulit. Napabuntong hininga siya at bumalik ang tingin sa akin.
"Is he my.." hindi niya matuloy ang sasabihin niya ng titigan ko siya. Sa huli, siya na din ang nag iwas ng tingin sa akin.
Ngumiti ako ng mapait sa kanya at umiling.
"You are lying! Kahit hindi mo sabihin I know it. I can feel it." Medyo nanginig ang boses niya.
"Explain now. I wanna know everything. And you have no reasons to escape from me. We have our lifetime strings. He is our strings." Salita niya na tila ba siguradong sigurado. Tumingin siya kay Riley na nakatingin na ngaun sa amin.