"Riley! Tama na!" sigaw ni ate Reese kay Riley na tawa ng tawa habang hinahabol niya. Napailing nalang ako sa anak na alam ko naman na nanadya lang mangulit sa tita niya. "C'mon tita, you're so pagong." Sigaw ni Riley. Nakita ko kung paano nalake ang mga mata ni ate Reese. Nagulat pa ako ng bumaling siya sa akin at nahuli akong nakangiti. Tumaas ang kilay niya at bumaling kay Raj na nagkibit balikat lang sa kanya. She's single and all her life, she dedicated it to work hard and find Raj. Kaya ngaun natagpuan niya si Raj ay nagkaroon siya ng instant na pamilya. Palagi siyang nagpapasalamat sa akin lalo na kay Raj coz he gave her the chance and forgave her for not being here for a long time. "Hey, where's your manners?" Salita niya kay Riley. Nilabas ni Riley ang dila niya at dinilaan

