Sam POV.... NATAHIMIK kami ni Allen ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa noon si Zyra. Malamig nua lang kaming pinagmasdan bago sya nagsalita. "Bakit nyo ako pinapunta dito?"-malamig na tugon nya saamin. Napayuko na lamang ako.Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa,kung sa paghingi ba ng tawad sa kanya?o sa pag-explain kung bakit kami magkasama ngayon ni Allen.Dahil ramdam ko rin ang galit nya dahil sa pagsisinungaling ni Allen sa kanya. Katahimikan ang bumalot saamin bago napagpasyahan kong basagin ang katahimikan. "Allen,mas maganda siguro kung lumabas ka muna.Iwan mo muna kami ni Zyra dito."-sabi ko sa kanya.Tumango lamang sya at umalis na ng silid. Dalawa na lang kami ngayon ni Zyra sa kwarto ko. "Sam...kung wala kang importanteng sasabihin mas maganda siguro

