Chapter 2

1311 Words
[Paris' pov] Isang linggo na ang nakalipas at patuloy pa rin ako sa lihim kong pagsilay kay Carl, ang lalaking kinikilalang Campus Nerd. Doon ko lang nalaman na super classmate ko pala siya pero hindi ko man lang napansin noon. "Pwe!" Inis kong sambit ng bigla na lang akong sabuyan ng asin ng aking mga kaibigan. "Hoy! Ano ba? Anong problema niyo?" Pinagpagan ko ang aking damit dahil sa mga asin na sinaboy nila sa akin. Para silang mga timang bigla na lang ba ako sabuyan ng asin? Kainis! "Paano naman kasi tuwing dadaan si nerd ay naeengkanto ka yata, Paris." Naiiyak na sabi ni Kylie. "Ano naman kasi ang nakita mo sa nerd na iyon para magkaganyan ka?" Naparolyo na lang ako ng mga mata sa kanilang mga sinasambit. Nasasabi lang nila iyan dahil hindi pa nila nakakausap si Carl. He is different. I can feel that he is the perfect man for me. Siya ang taong matagal ko ng hinahanap. Napangiti ako habang iniisip si Carl. "Nagayuma ang tawag diyan." Naghihisterikal na sambit ni Hannah. "Ano ba pangontra sa gayuma?" Umakto na tila napapaisip si Cindy. Naglabas pa sila ng kanilang phone ay search ng pangontra sa gayuma. Napailing na lang ako sa kanilang ginagawa. Kaysa suportahan nila ako sa una kong pag-ibig ay ganito pa ang inaakto nila. Hinawakan ako ni Kylie sa aking balikat ay niyugyog ito. "Paris, gumising ka sa katotohanan!" Sambit niya. "He is a nerd and you are a goddess!" Inis kong pinalis ang kanyang kamay. "Tss. Stop it." Saway ko sa kanila. "Hindi ako naengkanto, nagayuma or what." Napalumbaba ako at napatingin muli kay Carl. "It is destiny." Nangangarap ko pang sabi. Umaktong nasusuka sila sa sinabi ko. "Destiny raw. My gosh! Timang na talaga!" Hindi makapaniwalang sabi ni Hannah. "Alam ko bobo si Paris pero grabe pala ang kabobohan niya. Hindi ko kaya itake." Pumasok ang professor namin sa pinaka-hate kong subject ang math. Taas noo itong naglakad papunta sa unahan. Nilibot niya ang kanyang tingin bago ngumisi. "Choose a partner." Maawtoridad na sabi niya. "May set problem ako ipapagawa by pair." Hindi ko maiwasang mapairap dahil hindi uso sa kanya ang pagbati ng 'good morning class'. Set problem agad ang binungad niya sa amin. Pagbaling ko sa aking mga kaibigan at may kani-kaniya na silang kapareha. Magkapartner sina Hannah at Kylie samantala si Cindy ay may ibang nahugot na ibang kaklase namin. Sinamaan ko sila ng tingin ngunit nagpatay malisya lamang sila. Talaga naman iniwanan ako sa ere! Hmmmp! Nilibot ko ang tingin sa classroom. Marami naman ang lumalapit sa akin upang makipareha pero ayoko sa kanila dahil alam ko na magpapacute lamang sila sa akin. Wala akong oras para sa kanila. Natigil ang tingin ko sa direksyon ni Carl. Wala man lang lumalapit sa kanya para makipareha. Napangiti ako at saglit na sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay. Dali dali ako tumayo  sa aking upuan at naglakad na tila isang modelo sa runway papunta sa kinauupuan ni Carl. Huminto ako sa kanyang harapan kaya napaangat siya ng tingin. Napakagat labi ako para pigilan ang aking ngiti. "Hi Carl." Nahihiyang bati ko at pasimpleng inipit ang aking buhok sa likod ng tenga. "If you don't mind... pwede ba na magpartner tayo? You see my friends my kani-kaniya ng partner eh." Dagdag ko sabay ngiti na kinababaliwan ng mga lalaki. Rinig ko ang mga pagtutol ng ibang tagahanga ko sa ginagawa ko. Inayos ni Carl ang suot niyang salamin at tila napapaisip. Halata na nagulat siya dahil tinawag ko siya sa kanyang pangalan. Nilapit ko ang aking mukha sa mukha niya na tila hindi niya inaasahan. "Please..." Nakikiusap kong sambit. "Those guys will keep bugging me." Tumingin siya sa iba naming kaklase na nag-aantay sa akin para maging kapareha nila. Napabuntong hininga na lang si Carl bago tumango at yumuko sa kanyang desk na tila wala lang na ako ang kapareha niya. Napanguso ako dahil sa pagdededma niya saka agarang umupo sa tabi niya. Kulang na lang ay idikit ko ang sarili ko sa kanya para pansinin niya ako. Tumahimik ang buong classroom kaya napalingon muli ako. Pagtingin ko sa mga kaklase ko ay mga nakanganga sila at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Tinaasan ko lang sila ng kilay at pinagpatuloy ang pagdikit kay Carl. Tumikhim ang aming professor kaya nakuha nito ang atensyon naming lahat. "Mukhang nakakuha na kayo ng mga partner niyo." Seyosong sabi ng Professor Aye.  "I'll give you a set of math exercises that you will submit next week. One paper only per partner." Pagkaabot sa akin ng copy ko at tila nahilo ako sa mga number. Geez! I hate this kind of stuff. Bakit ba kasi kailangan pa gumawa ng problema ng professor? Tumingin ako sa katabi ko na seryoso inino-note ang sinabi ng aming professor. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kanya ay inangat niya muli ang tingin at nagtatakang tumingin sa akin. "Saan tayo gagawa?" Malambing na tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa kanyang braso. "My place or your place?" Bigla siya napaiwas ng tingin at tila nandidiring inilayo ang kanyang sarili sa akin. "Sa inyo na lang tayo." Sabi niya "Maliit sa bahay namin kaya baka hindi mo magustuhan roon." Inaamin ko na medyo nasaktan ako sa ginawa niyang simpleng paglayo sa akin. It is a simple act of rejection. He doesn't see me in the same way that I do. I want him to notice me. "O-Okay Carl..." Nautal na sabi ko. Nakakunot ang noo niya na tumingin muli sa akin. "What?" Takang tanong ko. Tumikhim siya bago nagsalita "Why are you calling me in my name? They call me 'Nerd' since I am a nerd." Takang sabi niya. Alam ko ang bagay na iyon. Medyo nahirapan nga ako malaman ang name niya noong una kung hindi ko lamang kinulit ang librarian ay hindi ko malalaman ang real name niya. "Maybe you are a nerd but still you have a name." Sagot ko. "Pero kung ayaw mo, I can call you baby, love or honey." Natigilan siya saka napaiwas ng tingin sa akin. "Tss. Carl then." Sabi niya na may diin ngunit hindi nakawala sa akin ang pamumula ng kanyang tenga. Napangiti ako dahil kahit papaano ay apektado pa rin pala si Carl sa akin. "And by the way, thank you for the help in the library." Nakangiti kong sabi. "You save me a lot in my paper." *** Pagkatapos ng klase ay nagyayaan sina Kylie na dumaan muna kami ng mall. May bibilhin kasing dress si Hannah dahil may pupuntahan kasing party ang kanyang pamilya. Habang namimili kami ng dress ay nakakapagtaka ang katahimikan ng dalawa kong kasama (dahil tahimik naman talaga si Cindy). Minsan pa silang susulyap sa akin saka mapapailing ng kanilang ulo. "What's up with you girls?" Taas kilay na tanong ko sa kanila. "As in seriously Paris, you don't know what did you just do?" Nakairap na sabi ni Hannah. "We are concern about the nerd and you." "Boplaks si Paris kaya hindi ka niya gets." Naiiling iling na sabi ni Kylie. Nabatukan ko si Kylie sa inis. Kailangan talaga ipamukha sa akin na hindi ako katalinuhan? "Are you even aware how famous are you in the whole school?" Sabi ni Cindy at malakas na isinara  ang librong hawak niya. "And are you even forgot about Jasper?" Tumaas ang kilay ko at pilit inaalam ang gusto nilang sabihin sa akin. Saan naman sila naging concern? Puro panlalait lang naman sila sa amin ni nerd! "Paris, Paris, hindi ka ba naaawa kay nerd?" Nakasimangot na tanong ni Kylie "Hello! Your fans will find out na ikaw ang nakipartner mismo sa kanya kaya sa palagay mo ba hindi man lang makakarating kay Jasper iyon?" "Kylie, don't call him nerd. His name is Carl." Saway ko kay Kylie "Saka so what kung malaman ng mayabang na iyon ang tungkol kay Carl? Mas maganda nga iyon malalaman niya para tigilan na niya ako." Napatapal sila ng kamay sa noo na tila hindi ko nauunawaan ang totoong sitwasyon. "Okay, erase erase!" Sabi muli ni Kylie at napaisip kung paano mas maipapaliwanag sa akin. "What do you think Jasper will do to him? You know how desperate is he when in comes to you." Bigla ko naalala kung gaano kahambog at siraulo si Jasper. Gayun pa man ay sinusunod siya ng mga karamihan sa aking mga tagahanga. Napatapal ako sa noo at naisip ang ginawa ko kay Carl. What if they hurt him? What if they t*****e him? No, I need to save him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD