(an hour ago)
"Looks like my cousin here is serious about closing those deals uncle!" sabi ni Patrick na pinsan niya.
Halos kakabalik ng mga ito from their vacation in the Philippines .Nag-attend din ng kasal nila Luis at Rina ang mga ito.
Jett's dad nodded as he sips his bourbon.Nasa dining table sila.Ang dalawang anak nila Patrick at Wendy nasa sala while playing online games.
"Dapat lang.Kanino pa ba naman mapupunta ang mga ito kundi sa kanya? And it's about time.Eventually mag-kakapamilya na din siya.Oras na para mag-seryoso and I want to retire early. " sabi ng papa niya.
Hindi na lang nagsalita si Jett.Hindi pa niya nasabi sa ama na may ibang businesses siyang gustong buksan using his own money.But this is not the right time to tell him.Kailangang may mapatunayan muna niya sa ama.Vocal ito about how he disapproves of his modeling before pero hinayaan na lang siya nito dahil na din sa pakiusap ng mama niya.Tutal naman natapos niya ang kurso na gusto ng ama so his father just shrugged his shoulders.
"And sabi ni Luis you are not into big bikes anymore...mas maingat na talaga ang pinsan ko! Baka nga naman mabiyuda agad ang gf niya! biro ni Patrick.Jett glowered at him.
Natawa lang ang pinsan at nailing lang ang ama nito.
"Kung hindi pa niya naging girlfriend si Ashley hindi niya maiisip that riding those monsters is dangerous." komento naman ng mama niya.
"Since you mentioned that tita, have you seen Jett's girlfriend?" tanong ng asawa ni Patrick sa ina ni Jett.
"Not yet.Palaging gustong solohin ng anak ko so hindi ako makasingit pag nag-uusap sila.But I heard that she is pretty at may sariling negosyo." sabi nito na nakangiti.
"Pretty is an understatement tita..she is gorgeous! Kaya dapat magtino talaga si Jettie! " biro ni Wendy which made the two men chuckle but Jett grunted.
Natawa din ang mama nito.
" I agree cousin! It's not enough that you have good looks..dapat marunong ka ding mag-alaga." sabi n Patrick.
"Gusto kong makita sa personal ang dahilan kung bakit pati ang mga pinsan niyo nabugbog ng magaling kong anak." the older Mr.Alejandre said dryly na naiiling.
"You will soon meet her ,Pa." sabi ni Jett .
Mrs.Alejandre clucked her tongue.
"Kanino pa ba magmamana ang anak mo Armando? Sino ba ang muntik ng makulong dahil nanapak ng anak ng mayor na nanliligaw sa akin dati?" tanong ni Mrs.Alejandre.
Nagkatawan lahat.Jett sneered and shook his head from left to right.Dati pa na kinukuwento ng ina kung gaano din kaseloso ang papa niya at kabasagulero.Yun ang dahilan kaya palagi silang nagka-clash ng ama dati.He said na ayaw nito na magaya sa kanya ang kaisa-isang anak.
"Alam mo naman na ayaw kong may nanliligaw pa sayo nun,sweetheart.Huwag mo ng ikwento yung ibang pinaggagawa ko noon baka lalo pang dumami ang alam ng anak mo.Mas matindi pa nga yan sa akin baka lumala pa." kunot ang noong sabi nito sa asawa .
"Sakit ng mga Alejandre yan! Buti na lang Patrick ako ang kadugo mo...kung hindi kawawa naman ang asawa mo." Mrs.Aljandre said with a sigh.
Naiiling na tumayo na lang si Jett matapos mag-excuse to get more booze sa wine cellar.
He smiled when he slightly heard what his father answered to his cousin's question bago siya lumiko para pumasok sa sala .Andun ang wine cellar nila.
"So boto ka sa gf niya uncle kahit nambubugbog si Jett because of her?" tanong ni Patrick.
"He is just protecting what's his.Importante seryoso na siya......"
Hindi na niya narinig ang sunod na usapan dahil nakita niyang nag-aaway ang 7 at 9 year old na anak nila Patrick at Wendy.Umiiyak na ang mas matanda.Jayden is hitting his brother with the throw pillow.
"Hey! Don't do that Jayden!" saway niya matapos paghiwalayin ang dalawa."What's wrong?" tanong niya sa dalawa.
"It is my turn to play." sabi ni Jordan.
"No it's not!" sabi ng isa while holding on to their mother's phone.Naglalaro ng online games ang dalawa.Akmang susugurin na naman nito ang kuya.
"Stop that Jayden! Here!" inilabas niya ang cp and kinuha niya ang hawak ng 7 year old at binigay ang kanya."Use my phone.Let Jordan use your mom's okay?" Umoo naman ito at tuwang-tuwa naman ang kuya.
"No more fighting or I will tell your mom." pananakot niya sa mga ito.
Sabay na tumango pa ang dalawa while already busy tapping the phones.
Naiiling na lang na iniwan ni Jett ang dalawa.
-------after 10 minutes or so---------
"Uhh...ohhh.." nakangiwing sabi ni Jayden.
Tumingin ang kapatid dito.
"What's wrong?"
The younger kid scratched his head.
"Don't tell uncle Jett but I think I accidentally deleted a text for him ." sagot ni Jayden.
"Okay." sabi lang ng kuya na busy na ulit sa paglalaro.
--------at the moment-----------
Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magmura ng mabasa ang text ni Seth.
Dude..patay ka kay Ashley mo!Jill uploaded your pics with Margaux.
He decided to call him bago kunin ang laptop na nasa lamesa ng kwarto niya.
"Dude! Nakita mo? Ano ba kasi yan?" tarantang tanong ni Seth.
"f**k! " mura niya while typing his password.
"Ang mahirap dude, nagcomment ang isa yata sa kaibigan ng ate ng gf mo so malamang nakarating na yan sa kanya!"
"s**t!" he cursed sa sinabi ni Seth.
Mas malutong ang mura niya when he saw the pictures and one of the comments na nasa baba nung The hottest couple in the Party..
They are not a couple..I know Jett's gf .Her sister is my friend.
Ang masama pa tinag ng nagcomment ang ate ni Ashley.
"f**k!!f**k!!!" he furiously kicked his bed repeatedly.He will call Margaux and Jill.
Mag-aaway pa sila ng nobya niya nito.
---------------------------------
Palabas na sana siya ng pumasok ang ate niya sa kwarto.
"Ash..may lakad na naman kayo ni Chad? Andiyan siya sa baba. Ano ba yan ha? Alam ba ni Jett yan?" tanong ng ate niya.
She pretended to check the contents of her bag .
"Ate, break na kami ni Jett so I can go out with anyone I like.Pero don't worry,magkaibigan lang kami ni Chad." sabi niya.
Chad had been her confidant mula nung makita niya yung mga pictures na yun.Iniiwasan muna niyang makausap si Kat kaya sabi niya this week mag-ooff muna siya ng ilang araw tutal andun naman si Lianne.Si Kat naman ang mag-babakasyon next week.
"Look Ash.. pictures lang yun! Actually agad ding tinanggal yun eh.Hindi ko na nga nakita.Siguro sinabihan ni Jett ang nag-upload.Hindi sa pinagtatanggol ko siya pero di ba dapat magusap muna kayo? Paano kayo nag-break eh hindi mo nga yata sinasagot ang mga tawag niya." komento nito.
Ashley sighed.
"Ate may iba pang dahilan kaya ako nakipag-break sa kanya.I texted him na break na kami.Sige na ate.Sinasama ako ni Chad sa birthday nung pamangkin niya.Nagpaalam na ako kay mama."
"Ash ang bilis naman yata? "
"Ate...kaibigan lang si Chad ." sagot niya bago laumabas.
"Chad..it's too soon for me to have a bf." sabi ni Ashley.
They are sitting in one corner of the venue.Ilang araw din na nagpaparinig si Chad ng damdamin nito sa kanya.Alam niya na sinabi niya kay Jett na magnonobyo na siya pero naisip niya na unfair naman sa lalake.She is from a rebound.
"Please Ashley.Hindi ba mas maganda na magka-bf ka na para hindi ka na guluhin ni Jett? Para hindi na siya bumalik.Kahit hindi mo ako totoong sagutin.Pakita lang natin na tayo na." sabi pa nito.
Nakagat ni Ashley ang labi.Actually naisip na din niya yun.
"I will show you how I really feel about you.I will make you fall for me and I swear..hindi kita lolokohin." sabi nito .Naglakas loob ito na kunin ang kamay niya.
"Puta dude! Okay lang yang pinsan mo?Pinagsabihan mo ba yan? Anak ng....! Hindi pa nadala sa ginawa ni Jett sa kanya?!" naiiling na tanong ni Andy kay Dale.
Nasa kabilang lamesa sila.Nagulat din siya ng makita niya na kasama ni Chad si Ashley.Ngayon lang sila ulit nagkita nito matapos ang insidente sa mall.Alam niya may LQ si Jett at si Ashley according to Seth.Pero since bugbugin ng kaibigan ang pinsan niya, hindi pa sila ulit nakapag-usap.Si Seth ang nakakausap nito palagi.
Nahilamos na lang niya ang mukha ng palad ng makita na hinawakan ni Chad ang kamay ni Ashley.
"Ewan ko sa gagong yan! Itatakwil ko na talaga yan eh!" galit na sabi nito.
Nagmura sila ni Andy ng halikan nito ang kamay ni Ashley matapos tumango ng dalaga.Ang lapad-lapad ng ngiti ng mokong.
"Wala na.....condolence in advance sa pamilya mo, dude.Basta out ako diyan!!"sabi ni Andy.
-------------------------------------
(Jett)
He had been trying to contact his woman for days but he can't reach her.Apparently wala din sa Pilipinas si Brenda kaya wala itong maireport sa kanya.Hindi din niya makontak si Kat, maybe umiiwas din ito na kausapin siya.Baka pati ito naniwala na may relasyon pa din sila ni Margaux,Plano na niya talagang bumalik sa Pilipinas but his hands are tied.It's a matter of choosing to see his girl to explain in person or finally dealing and finishing what he came here for.
Masasayang lahat ng pinagtiis niya na malayo kay Ashley kung aalis na lang siya basta-basta .Sabi ng mama niya ilang araw na lang naman okay na ang lahat.He can go back to the Philippines at maayos na niya ang problema nila ni Ashley.His father had to talk to him too para lang makumbinse siya.
"Don't waste this Jett! Para din sa inyo ni Ashley ito so huwag kang padalos-dalos! She is after all..yours! Simpleng misunderstanding lang yan and it's something that can't be solved! Hindi naman kayo nag-break for Pete's sake!" sabi ng papa niya.
He knows his parents are right so sumang-ayon na lang siya.
And now this......
Nagtagis ang bagang niya and his breathing became shallow.He felt blood slowly came up his neck then to his head .
He is watching the video na pinadala ni Seth ngayon-ngayon lang.
Ashley and Chad are together. The f*****g son of a b***h has his girl's hand and he kissed it.
Hinagis niya ang telepono niya in rage matapos magmura.Like a wild angry beast he howled and got the table in his room.He threw it with a lot of force sa kabilang dulo ng kwarto niya.Pinaghahagis din niya lahat ng madampot niya.
He is ready to kill someone.
"YOU'RE DEAD!" he said through gritted teeth na nanlilisik ang mga mata.
"Oh my God Jett..!" His mother said in shock when she entered his room.
----------------------------
She finally decided to talk to Kat.Galing ito sa isang shoot sa bandang Bulacan so hindi sila nagkita sa AshKat.They will meet in their favorite cafe.
She is in a mall's multi-storey park.Bago siya bumaba sa kotse tumawag si Chad.Gusto sana siyang samahan nito but he has a job interview.Nagdesisyon ito na mag-try magtrabaho sa Pilipinas.
"Hello." she answered.
"Babe.." sagot nito.
"Chad..wala namang nakakarinig..you can call me Ashley."saway niya dito.
She finally agreed sa gusto nito na kunwari sila.Gusto na nga niyang mag-backout dahil parang tinototoo naman nito.Pero palagi nitong sinasabi na mas mahihirapan silang kumbinsihin ang mga tao lalo si Jett kapag kulang sila sa practice.Pumayag naman siya kasi hindi naman ito gumagawa ng lampas sa tama.Yung paghalik lang nito sa kamay niya sa birthday ng pamangkin nito ang pinaka-grabe.Malamang nga nakita sila ng mga barkada ni Jett na andun din that time.Wish nga niya alam na ni Jett na sila na ni Chad para hindi na ito bumalik sa Pilipinas.Importante nabasa nito ang text niya na ayaw na niya.Buti na lang wala na naman ng bansa ang parents niya so hindi na muna niya need magpaliwanag.Ang ate naman niya hindi na siya kinulit after nilang mag-usap nung isang araw.Sinabihan lang siya nito na as long as alam niya ang ginagawa niya hindi na ito makikialam.Basta pinagsabihan na daw siya nito.
Since madami din namang magagandang katangian si Chad...malamang naman mahulog din ang loob niya dito.Yun na lang ang palaging isipin niya.Chad is better than her ex.
"I just parked.Kat is on her way too." sabi niya.
"Okay.Wait babe..tatawagan kita ulit later.The secretary just called me.." he said.
Bago siya makasagot, "I love you." sabi nito before he hang up.
Nailing and bumuntung-hininga na lang siya.
She turned off the engine then put her phone and keys in her bag.
Paglabas niya, she shivered.
Walang tao sa parking and medyo madilim.
Nagumpisa na siyang maglakad.Medyo malayo ang kotse niya sa elevator.
Muntik na siyang mapasigaw when she heard a strange sound from somewhere.
Mas binilisan niya ang lakad niya.She heard footsteps behind her.Ang lakas na ng kabog ng dibdib niya sa takot.Naimagine niya ang mga morbid scenes in movies na nangyayari sa ganitong lugar .
Halos takbuhin na niya ang elevator.Habang patuloy sa mabilis na paglalakad,napalingon siya nang parang may bumagsak sa likod niya.
She shrieked when she bumped into something solid.
Takot na humarap siya dito.
Natakpan niya ang bibig ng kamay nang makita niya ang nasa harapan niya.Nanlaki ang mga mata niya.
"Hello Love..I'm back...did you miss me? " Jett asked in a spine-chilling voice as he looks at her.
Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito and he has an ugly smile on his lips.