Eight (Painted)

1223 Words
ilang minuto rin ang nilakad namin bago kami nakarating sa talon na sinasabi ko kay denver. "Wow ang ganda!" rinig kong wika ni denver na siyang nagpangiti sa akin . Pumunta muna ako sa cottage na itinayo pa nung mga panahon na parati akong naririto,mga panahon na hindi pa kami magkakikilala medyo luma na rin ang cottage na ito pero halata mo naman ang katibayan. Inibaba ko na lahat ng gamit namin ng makarating na ako sa cottage pagkatapos kong ma arrange ng ayos ay humarap na ako kay denver pero halos maibuga ko ang softdrinks na iniinum ko ng makita kong unti-unti nitong hinuhubad ang suot nitong damit nanginginig kong hinawakan ang can ng soft drinks ko ng umpisahan nitong hubarin ang suot nitong pang ibaba ,isusunod na sana nito ang suot nitong boxer ng bigla itong napatingin sa akin at sabay talon sa falls na siyang ikinahinga ko lamang . Kinuha ko na ang silong dala namin at pumunta na ako sa area na kung saan madalas akong mamingwit ng isda habang wala pa akong nahuhuli ay sumisipol lamang ako ng paborito kong kanta ,nagulat na lamang ako ng biglang may sumasabay na sa sipol ko ,hinanap ko amg sipol na iyon at napagtanto kong nasa tabi ko lang ito. "Denver anong ginagawa mo rito ? " bulalas ko sa kanya . "Gusto ko rin kasing mamingwit meron ka pa bang extra na silo" sabi nito sa akin .Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito dahil abala ako sa pagtitig aa kanyang mukha ,gusto kong pahirin ang mga tunutulong tubig sa mukha nito .napakagwapo talaga ni denver hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanya . "Dexter!" nagulat na lamang ng kawayan nito ako sa aking harapan . "Huh?" naguguluhan kong tanung ko sa kanya at isang ngiti naman ang ibinigay nito sa akin . "Ang sabi ko ,kung may extra ka pang panghuli ng isda" natatawa nitong sabi sa akin habang ako naman ay nahihiya sa ginawa ko para akong batang nahuli ng nanay na nangunguha ng pera sa pitaka nito. "meron saglit lang kunin ko lang" sabi ko sa kanya aalis na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko . "Bakit?" tanung ko sa kanya . "Wala" sabi nito at binitiwan na nito ang kamay ko ,pumunta na lamanga ko sa cottage at kinuha ang extra kung pamingwit at bumalik na ako kaagad pagkatapos kong kunin ang pakay ko . Patuloy kaming namimingwit at medyo marami rami na rin kaming nahuli at ng sakto na ang nakuha namin para sa aming pa nang halian ay tumigil na kami sa pagkuha . Pagkatapos naming mamingwit ay inayos na naminang mga nahuli naming isda pero mukhang hindi yata isda ang nahawakan ko kundi ang kamay ni denver . Dahan-dahan kong inangat ang kamay nito habang nakatitig sa mga mata nito na tila ng hyponitismo ang mga mata nito. hinawakan ko ang kabilang pisngi nito na pababa sa kanyang labi at dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha at ilang metro na lang ay maglalapat na sana ang labi naming dalawa ng biglang mag ring ang phone nito na nasa tabi nito. "Rrrriiiiinnnnngggg" Natataranta naman nitong kinuha ang cellphone nitong nakapatong sa tabi na siyang nag pabalik sa amimg ulirat. "Sayang"hinayang kong bolong sa sarili ko.Napansin kong bahagyang lumayo sa pwesto ko si denver at pasulyap sulyap ito sa akin habang ako nakatitig lang sa kanya.Hindi naman ako bingi para hindi ko marinig ang sinasabi nito sa fiance nito kahit ilang pulgada na ang layo nito sa akin. "Ok lang naman ako Raven dito" rinig kong sabi ni denver. "Ahhh oo andito ako kina auntie ,sa isang buwan na ako uuwi dyan ,oo hindi ako galit sayo ,promise ,i love you raven,bye" Sunod-sunod nitong sabi sa kausap nito ,isang buntong hininga na lamang ang ginawa ko at ipinagpatuloy ko na lamang ang pag iihaw ng aming hinuling isda . After kung mag ihaw ay inayos ko na ang lamesang nasa cottage ,Yung itsura ng cottage is bale may second floor sa itaas nito ay may dalawang kwarto may kuryente rin dito kaya walang problema kung matagalan kami .malayo kasi ung bahay ko sa falls na ito halos ilang oras din kasi ang nilalakad bago ka makarating sa lugar na ito . "Denver kakain" sigaw ko sa kanya habang inaayos ko ang lamesang pagkakainan naming dalawa . Agad naman dumating si denver sa harapan ko at agad rin itong nag sandok ng kanin na siyang ikinangiti ko dahil nasa harapan ko na anag taong pinapangarap ko. "Kamusta ng pala ang buhay mo sa loob ng limang taon " seryosong sabi nito sa akin at halos maibuga ko naman ang kinakain ko dahil sa tanung nito . "ako ,ayos lang naman ,medyo mahirap kasi wala ka" sabi ko sa kanya at napangiti naman ako ng makita kong namula ang pisngi nito. "Ah ,kanino pala itong cottage na ito?" pag iiba nito ng tanung . "Sa Dad ko ito,dahil nga wal na si Dad ay sa akin na ito pinamana" sabi ko sa kanya kahit ano naman galit ko kay dad dahil pinaglayo kami ni denver ay hindi ko maiwasang hindi malungkot kahit papaano. "Ano nga palang ikinamatay ng tatay mo?" casual nitong tanung habang sinisilip ang mga litratong nakapasabit sa dinding kahit naman gawa sa kawayan ang cottage na ito ay matibay naman bale semi house kung baga . "I love you" bukubg kong sabi ko sa kanya pero mukhang narinig nito ang sinabi ko dahil humarap ito sa akin ng nakakunot ang noo. "Anong sabi mo?" naguguluhan nitong tanung sa akin . "Sabi Car accident ang ikinamatay ni dad" sabi ko sa kanya . "Naihatid pa naman namin siya sa hospital ngunit ilang araw lang ang itanagal nito sa ospital agad din itong binawian ng buhay" segunda ko sa kanya .tanging pag tango na lamang ang ginawa nito . "Baka gusto mong mag pahinga " sabi ko sa kanya . "Gusto ko sana kaso wala naman kwarto dito" sabi nito hindi mo kasi mahahalata na may kwarto ang cottage na ito. "tara" sabi ko sa kanya . "Saan?" tanung nito . "Diba gusto mong magpahinga " sabi ko sa kanya at tumango lamang ito habang humihikab halatang antok na nga ito marahil ay napagod sa paglangoy. "Sumonod ka na lamang sa akin" sabi ko sa kanya . at sumunod naman ito hinatid ko na siya sa kwartong naririto sa itaas hindi ko na sinabing dalawa ang kwartong meron ang cottage na ito dahil gusto kung matulog na katabi ito o di kaya kahit hindi na katabi basta masigurado ko lang na hindi na ako nananaginip . Kinuha ko ang extrang komot sa kabinet ay unan at ibinigay ko iyon sa kanya agad naman itong nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata. "Saan ka pupunta?" rinig kong sabi nito sa akin . "Ah eh baba muna ako sa ibaba magpapahangin lang " sabi ko sa kanya "Wala ka bang balak mag pahinga" segunda nito . "mamaya na lang siguro " sabi ko sa kanya at umalis na ako pero bago ako umalis ay isang sulyap muna ang ginawa ko ,kasabay nito ang pagukit ng ngiti sa mga labi . "Sana wala ng wakas ang ngayon para hindi na dumating abg bukas" .. at tuluyan na akong umalis sa kwartong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD