Ten (Painted)

1176 Words
Maaga ako ngayong nagising nakahiga lamang ako sa isang manpis na kumot at isang unan .Tumitig ako sa mukha ng lalaking katapat ko. "Sana ako na lang" at kinintilan ko ito ng isang masuyong halik sa labi pasalamat na lamang ako at malalim pa ang tulog nito kung kaya nagawa ko ang balak ko. Lumabas na ako sa kwartong pinagtulugan namin at dumeritso na ako sa banyo upang nakapaghilamos na rin at mag sipilyo . Pagkatapos ng morning ritual ay agad akong pumunta sa kusina kahit nakatapis lang ako ng tuwalya . Agad akong nagtimpla ng pancake at agad ko rin itong niluto ,nagtimpla na rin ako ng dalawang kape at gumawa na rin ako ng syrup para sa pancake na ginawa ko. Pumunta ako sa kwarto na pinagtulugan namin ni denver upang gisingin ito at makapag almusal na . "Denver" sigaw ko sa pintuan habang kinakatok ang pintuan ngunit walang sumasagot . Binuksan ko na ang pintuan at bahagyang lumapit sa natutulog na anghel . "Denver ,how much i miss you and now you here ,sana ako na lang" bahagya ko itong niyogyog ngunit kahit anong gawin ko sa kanyang pang gigising ay balewala . "Paghindi ka gumising hahalikan kita" sabi ko habang patuloy ko itong ginigising ngunit wala paring epekto. "Ayaw mo talagang gumising huh,hahalikan na kita" dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niti at isang malakas na tampal ang bigla kong naramdaman ng astang hahalikan ko na ito. "Sayang " bulong ko habang hinawakan ko ang pisngi kong nasampal . "Hahalikan mo ba ako" sita nito sa akin habang inaayos nito ang nagusot nitong damit. "Hi-hindi ko naman yun gagawin " sabi ko sa kanya at bahagyang iniliko ang mga paningin ko upang iwasan ang mga tingin nito. "Bakit mo nilalapit ang mukha mo sa mukha ko ,aber" seryoso nitong sabi sa akin na siyang ikinapatak ng pawis ko kahit bago naman akong ligo. "Ah eh ,gigisingin lamang sana kita " nauutal kong sabi sa kanya . "Ganyan ka na bang mang gising?" nakakunot nitong sabi sa akin at bago pa ako mabuking ay iniba ko na lamang ang usapan . "Nakahanda na ang pagkain sa ibaba ,kumain na tayo" sabi ko sa kanya at dali-dali akong tumakbo papalabas ng kwartong iyon. "s**t muntik na ako roon" at isang ngiti na lang ang ginawa ko at sabay lakad papuntang kusina . "Gusto mo bang sumama sa rancho?" tanung ko sa kanya habang kumukuha ko ng isang pirasong pancake na gawa ko. "May rancho kayo!" bulalas na sabi nito sa akin na halata sa mukha nito ang matinding kasiyahan . "Oo " sabi ko sa kanya at isang ngiti ang ginawad naman nito sa akin . ------+-------+------+----------+-------+--------+------- "Señorito ,siya na ba?" bungad sa akin ni kuya ben na isang bantay rito sa rancho. "Opo siya na po" sabi ko kay kuya ruben or ben . Hinawakan ko na ang kamay ni denver buti na lamang at hindi ito nagreklamo at banayad ko itong hinila papunta sa kwadra ng mga kabayo na maari naming sakyan . "Pumili ka ng gusto mong kabayo na sasakyan mo" sabi ko sa kanya at nan laki naman ang mga mata nito dahil sa sinabi ko .Agad itong kumuha nv kabayo na gusto nito . at agad itong sumukay ng makapili na ito at ganun rin naman ako. Masaya kung dinama ang ihip ng hanging tumatama sa aking balat at bahagya kong ibinaba ang renda ng kabayo upang makakain man lang ito ng sariwang dama habang namamasyal ito. Ilang oras din namin nilibot ang buong hacienda na pag mamay-ari namin . At sa ngayon ay nakaupo kami sa lilim ng punong mangga . "Dexter pwede akong magtanung?" sabi nito ,ipinikit ko muna ang aking mga mata bago ko sinagot ang tanung nito. "Ano ba yun?" sabi ko sa kanya habang dinadama ang ihip ng hangin dito sa lilim ng mangga. "Ano ba talagang nagyari ng gabing iniwan mo ako ,ano bang totoong dahilan at iniwan ko ng ganun ganun na lang" sabi nito na siyang nagpadilat sa aking mga mata. "Ba-bakit naman yan ang naitanung mo" kinakabahan ko wika sa kanya . "Gusto ko lang malaman lahat-lahat " sabi nito sa akin na siyang dahilan ng pagtingin ko sa bahagi nito at nagulat na lamang ako ng bigla pumatak ang mga luhang galing sa mga mata nito . "halos araw-araw ,tinatanung ko sa sarili kong ano ba talagang nangyari,ano bang nagawa kong mali para iwan mo na lang ako ng basta basta ,araw araw kung tinitiis ng amg sakit dulot ng pagkawala ,at kung kailan handa na akong kalimutan ang lahat saka ka naman dumating" mahaba nitong sabi na siyanh dahilan ng pagkahinga ko nv malalim . "Sorry " "Sorry yun lang sorry lang wala kabang balak man lang mag explain sa mga ginawa mo" galit nitong sigaw sa akin na siyang dahilan ng pagpatak ng luha ko. Dahan dahan kong pinahid ang mga luha ko at bahagya akong huminga ng malalim at ipinikit ko ang aking mga mata . "Natatandaan mo pa ba nung unang araw kita iniwan ,Nagising ako noon ng madaling araw na may kumakatok sa pintuan noon .Pinagbuksan ko ng pintuan ang kumakatok ng gabi iyon na sana hindi ko na lang ginawa dahil sa ginawa ko hinuli ako ng mga tauhan ni dad pabalik sa kanya .Na duwag ako ng mga panahon na iyon at hindi ko magawang lumaban dahil natatakot ako na baka masangkot ka sa gulo ng pamilya ko ,natatakot ako na baka saktan ka ni dad ,wala akong magawa ng takutin nila ako papatayin ka ni dad kapag hindi ako nakipaghiwalay sayo sobra akong natakot ng mga oras na iyon kaya gumawa na lang ako ng paraan na kahit labag sa loob ko para lang hindi ka nila masaktan" mahabang litanya ko sa kanya at sabay pahid ng luha ko sa aking mga mata . "Ng makapaghiwalay na ako sayo ay agad rin niya akong dinala sa amerika upang doon na mag aral ng kolehiyo .Wala akong nagawa ng pwersahan nila akong dinala roon " . "Bakit wala ka man lang nagawa ?kahit man langa ng sulatan ako ay hindi mo man lang ginawa" "Maniwala ka man o hindi ,ginawa ko ang bagay na iyan pero nalaman ko kay Dad pinipigilan pala nito ang mga sulat na pinapadala ko sayo" "May cellphone Dexter, may computer kahit ano pwede mong gawin pero bakit hindi mo nagawa " nahihimigan ko sa mga salita ang matinding hinanakit . "Nang dalhin ni dad ako sa amerika lahat ng bagay na meron ako ,gadget ,cellphone at maging ang mga cards ko ay kinuha nito " sabi ko sa kanya . Hindi ko pa kayang ikwento sa kanya ang buong pang yayari dahil sa ayokong mag alala pa ito. "Uwi na tayo" malamig na sabi nito sa akin kasabay ng pag sakay nito sa kabayo at ako naman ay pinahid ko muna ang ilang luhang tumakas mula sa mga mata ko bago ako sumakay sa kabayo ko. At nilisan na namin ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD