Episode 2

1430 Words
**Year 2011** Grade 6- Section 1: Pilot First day ng klase, di ko akalaing magiging classmate ko si Calixto. Kaso may nagbago, nalungkot ang bata kong puso dahil naramdaman kong di na kami tulad pa ng dati. Bago ang bakasyon, lagi kami magkasama ni jerome. Kahit tapos naman na ang klase ay kailangan namin maglinis ng classroom noon dahil required un bago ang bakasyon. Ayos lang sakin un dahil makakasama ko pa si Jerome bago magbakasyon. Napapansin ko si Calixto na, nakatingin lang samin at ngumingiti pag nagtatama mata namin. Napatunayan kong walang pagasa na mapansin nya talaga ko ng higit pa sa kaibigan. Si Ayla naman, pansin ko ang lagi nyang pagdikit kay calixto. Halos di ko na sila nakakasama at nakakausap tulad ng dati. Naputol ang pagbabalik tanaw ko, ng marinig ko ang tawanan nina Calixto at ng mga bago nyang kaibigan. Nangilid ang luha ko dahil hindi ko maintindihan bat parang nawala na ung friendship naming dalwa. May nangyari kaya sa kanila ni Ayla? Pero panu ko naman matatanung si Ayla. Wala naman na sya dito sa skul. Kinuha na sya ulit ng Mama nya pabalik ng Maynila. At si jerome? Syempre grumaduate na yung batch nila, 1st year Highschool na sya kaya di na din kami nagkikita at nagkakausap. Ni wala kaming maayos na usapan about sa aming dalwa, buti na lang may kapatid syang Grade 3 student, si Leila. Nagpaabot ako ng sulat sa kanya para sa kuya nya, at classmate ko ang pinsan ni Jerome si Gabriel. Hindi ako ganu nalulungkot na magkalayo kami dahil anjan naman si Leila at Gabriel para balitaan ako ng mga nangyayari kay Jerome. Hanggang isang araw, tumigil na lang bigla ang paguusap namin sa sulat ni jerome. Tinanggap ko na lang un dahil alam kong busy na sya sa buhay nya. "Tami? Okay ka lang ba?" napatingin ako kay gabriel. Malamang iniisip nyo na bat hindi na lang si gabriel tutal close ko naman sya at di pa ko mahihirapan dahil kaklase ko sya. Ang problema di ko alam kung babae ba o lalaki ang gusto nya. "Ayos lang ako Gabriel, baka tama lang din naghiwalay na kami ng landas ni jerome dahil bata pa naman kami pareho para sa ganyang relasyon. Nalulungkot lang ako kasi naging parte na sya ng buhay ko. Alam ko na masyado pa maaga para magseryoso at kailangan naming magrow up pareho" Ngumiti ako kay Gabriel assurance na okay lang ako. "Wag ka magalala friend, malay mo pagpasok natin ng first year, next year magkausap ulit kau ni Jerome, tutal iisang campus na ulit tau nun. Kung hindi naman marami ka pang makikilala dun". Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabe ni Gabriel. Kailangan kong magfocus muna sa pagaaral ko. Kung kaya't dumaan ang buong taon na un na pagaaral lang ang inintindi ko. Si calixto naman, hindi ko na sinubukan ulit syang kausapin. Itinatak ko sa isip ko na di nya na ko kailangan dahil may mga bago na syang kaibigan. Akala ko walang manggugulo na naman sa buhay ko. Pero 2 buwan bago magbakasyon nagparamdam sa akin ang classmate ko na si Toper. Hindi ko intensyon pero talagang makulit sya. Si Toper ang 2nd boyfriend ko, mabait si toper na di ko akalain dahil may pagkatimang talaga sya at maingay sa klase, isa din sya sa kaibigan ni Calixto. Kasama kaming dalwa sa player ng Volleyball na lalaban sa District ngaung taon. Sabe nya kaya nya din ako napansin dahil lagi kaming magkakasama sa training. " Nasan na ba si Toper, sbe nya sabay kami kakain ngaun e" Nandito ako sa Gilid ng building namin dahil alam kong nasa likod ang tambayan nila, at naririnig ko ang tawanan nila, nagsalita si Neslie, isa sa kaibigan ni Toper. "Toper, lilipat ka na pala ng private school ngaung pasukan, e di hindi ka na namin makakasama" napahinto ako sa paglapit sa kanila. " Panu si Tami? Iiwanan mo sya? Sinabe mo na ba sa kanya na sa St. Martin ka papasok ng Highschool?" Boses ni Calixto un, napangiti ako ng mapait. Kilala nya pa din pala ko, at St. Martin? Private school un sa bayan ah, walang nababanggit si Toper sakin. Nangilid ang luha ko, maiiwan na naman ako. " Hindi ko pa nasasabi kay Tami, hindi ko alam panu ko sasabihin sa kanya e" Alam ko na mangyayare, maghihiwalay at maghihiwalay din naman kami, kahit anung gawin namin dun din naman ang punta nun. Di ko maiwasang umiyak kahit anung pigil ko sa luha ko. " T-tami? Kanina ka pa ba jan?" Nakita ako ni Calixto. Tumunghay ako at nanlaki ang mata nya ng nakita nyang umiiyak ako. Umalis ako agad dahil nahiya ako kay Calixto nakita nya pa na ganun sitwasyon ko. Naiinis ako sa sarili ko. "Tami wait, please magusap tau" Humahabol si Toper sa likuran ko. Ayoko sya harapin ngaun. Natatakot ako dahil alam ko kung san kami magtatapos. "Please hindi ko ginusto un, sina Mommy pa din magdedesisyon nun alam mo yan" totoo sinasabe nya, OFW ang Daddy ni Toper kaya di na nakapagtataka na kaya sya pagaralin sa isang private school. Tumigil ako sa paglalakad, dapat harapin ko sya. Hindi ko matatakasan ung sitwasyon namin ngaun. "Toper... Kapag nagkahiwalay tau ng skul, sa tingin mo ba magiging okay lang lahat? Sa tingin mo ba magwowork tau ng hindi nagkikita at naguusap?" Tiningnan ko sya, hindi sya makapagsalita. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya. "Ayos lang Toper, wag ka na magalala, bata pa tau. Enjoyin na lang natin ung mga time na magkasama tau, okay?" Hinawakan ko ang kamay nya, gusto ko iparamdam na okay lang ako. Namumula ang mata nya at napilitang tumango. "Tara na kain na tau gutom na ko e, kanina pa kita hinahanap, libre mo ha? May atraso ka sakin e" "Sge tami, kahit anu gusto mo kainin, bibilhin ko lahat, salamat tami, salamat sa pagintindi mo sakin". Masaya kaming nagkwentuhan kahit sa kabilang isip ko ay natatakot ako, kinalimutan ko muna lahat ng alalahanin ko. Habang dumadaan ang mga araw, hindi ko pinahalata kay Toper na nalulungkot ako dahil palapit na ng palapit ang araw ang graduation namin. Normal akong umaakto sa harap nya. "Anak, malapit na graduation mo, next week na din uwi ng mama mo, excited ka na ba?" Masaya si papa, papalapit sa akin. " Nagdadalaga na ang anak ko parang kelan lang baby ka pa". " Naku pa, di na ko bata". Maghigh school na po ako. "Kahit na anak, kahit magcollege ka pa ikaw pa din ang baby girl ko". "Anu ba yan Pa, binababy mo pa si Ate e, may boyfriend na nga yan e". Nagulat ako dahil biglang sumulpot ang kapatid ko, si Jeff o japoy ang bunso kong kapatid grade 5 na sya, at lagi kaming magkaaway. Aso at pusa literal! "Tami! Totoo ba yun!?". Natakot ako sa pagtaas ng boses ni Papa, kahit anung mangyari di pwede malaman ni Papa kundi yare ako. Mabait si Papa, pero ayaw na ayaw nya na nagsisinungaling kami at ayaw na ayaw nya na Magboyfriend ako sabi nga nya dapat magkaboyfriend ako pagkatapos ko magaral ng College. "Hoy Japoy, tigilan mo nga ako, Papa wag ka maniwala jan. Nagaaral nga ako mabuti ngaun kasi malapit na Graduation e" "Siguraduhin mo lang Tami ha?". "Opo pa," sabay finger cross, at binelatan ko si Japoy. ______________________________________ GRADUATION DAY "And again! Congratulations to us Graduates!!" masayang itinapon pataas ni Calixto ang graduation hat nya. Ganun din kaming buong batch. Syempre walang ibang Valedictorian sa batch namin kung hindi si Calixto. Masaya naman ako sa achievements nya. Alam kong masaya sya ngaun dahil proud sa kanya ang magulang nya. Tumingin ako sa paligid, grabe ang dami ng tao sa covered court ng school namin. Halata ang excitement at saya sa bawat isa. Ito din ang araw na ayoko pa sana dumating. Masaya naman ako dahil sa wakas another ng chapter ng buhay ko ang magtatapos at magsisimula ulit ako ng panibago sa Highschool life. Andito din ang Mama ko, at mamaya paguwi namin sa bahay ay nagaabang si Japoy, Papa, Lola at Lolo dahil magcecelebrate kami ng simple ngunit sama-sama. Lumapit si Neslie, at may pasimpleng ibinigay na maliit na papel. "Bukas tami, magusap tau sa tambayan after natin maglinis ng classroom-Toper" Ito na nga yata ung moment na kailangan naming magpaalam sa isat isa. Pero iwinaglit ko muna ito sa isipan ko dahil baka mapansin ni Mama. Umuwi kami agad at nagdiwang kasama ang pamilya ko. Kasama ang mga taong totoong nagmamahal sa akin at hindi talaga ko iiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD