NAIPARADA agad ni Mang George ang kotse sa parking lot sa loob ng bahay ng mga Sable. Naunang lumabas si Lucy para ihanda ang wheelchair ni Raleigh. Si Mang George ang umalalay kay Raleigh na makalabas ng sasakyan hanggang sa makaupo ito sa wheelchair. Wala pa ring imik si Lucy. Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong sila ni Antonette na naghihintay sa kanilang pag-uwi. Nagtaka siya, si Raleigh at Lucy lang ang umuwi. "Si Linden at si Celso, saan sila? Nagpaiwan ba?" Muling bumagsak ang mga luha ni Lucy. Nasa likuran na niya si Raleigh. "Ma'am, nawawala po ang anak ko. At si Mang Celso," umiiyak pa ring sagot ni Lucy. "What? Raleigh, totoo ba ito? Saan si Linden?" Nag-panic na si Antonette sa narinig mula kay Lucy. "Totoo po. Nawawala po sila, mom. Nai-report na po nami

