MAGKATABI sina Cleo at Primo sa kama. Nasa condo sila ng binata. Katatapos lang ng kanilang pagniniig. "What's your plan now?" tanong ni Primo habang bumuga ng usok sa hinihithit na sigarilyo. Umangat ng kaunti si Cleo para mapantayan sa mata si Primo. Saka hinalikan ang balikat ng nobyo. "Wala pa nga akong naiisip. What would you suggest?" balik na tanong ni Cleo. "Hmm." Primo hmm. "Kung nahihirapan ka doon sa ex mo. E, 'di ang babae ang gamitin natin. Anong masasabi mo, babe?" Namungay ang mga mata ni Cleo. Saka matamis na ngumiti. Bakit nga ba hindi niya naisip? "Ang talino talaga ng babe ko! Kaya mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Hindi si Raleigh o kahit na sino. Ikaw lamang. I love you very much, Primo," puno ng pagmamahal na sabi ni Cleo sa nobyo. "And

