"HON, anong balita? May nakuha ka na bang impormasyon?" tanong ni Carmina. Lumalapit siya sa asawa niya. Napansin niya na parang namumutla ito. Nanlalamig ang mga kamay ni Brandon habang hawak ang isang dokumento. Napaangat ang tingin niya sa asawa. "Hindi ko alam kung pano ko sisimulan na sabihin sa 'yo 'to, hon. Kung tama bang sabihin ko sa iyo ang mga nalaman ko?" Nanginginig ang boses na sagot ni Brandon sa asawa. Parang kinabahan si Carmina sa narinig. May inililihim ba si Brandon sa kanya? Ilang taon na din silang nagsasama bilang mag-asawa. Hindi pa ganoon kalalim ang pagkakakilala niya dito. Wala siyang alam tungkol sa magulang nito o kung may kapatid pa ba ito. Basta ang alam niya ay bodyguard ito ng daddy niya noong nabubuhay pa. Pinilit na ngumiti ni Carmina para mawala ang

