7 (CONTINUATION)

4936 Words
"U-uhh... Wala kang matandaan kahapon?" Nauutal na tanong nya kaya tumango nalang ako, "o-oh, o-okay," sabi nya kaya napa ngiti ako sa sarili ko kasi na nenerbyos sya dahil sa nangyari samin kagabi. Nahalikan ko na sya kaya dalawa nalang ang gagawin ko, ang ma inlove sya sakin. Tapos yung isa is yung love making. Pag natapos ko na yun tapos na misyon ko. "Anong day ngayon?" Tanong ko sa kanya kaya nagulat nanaman sya. "Kanina kapa gulat na gulat ah, ano ba nangyari sayo?" Tanong ko at akmang lalapit sa ka ’nya pero nag salita sya. "W-wag kang lalapit s-sa ’kin, you s-stay right there." Sabay taas sa kamay nya kaya diko sya malapitan sa inaasta nya ngayon. "Ano ba nangyari sayo? Nakakita kaba ng multo?" "N-no! S-something is just bugging me right now," sabi nya kaya tumango-tango nalang ako. Ganito pala sya ma nerbyos noh? Haha, ang cute lang ha. "Feel ko may na-aalala na ’ako," sabi ko kaya halos matalisod sya sa pagkaka-tayo nya. "A-ano? N-no! Don’t say it to me!" Tarantang sabi nya sabay iling sa ulo nya. "Edi don’t, by the way anong araw nga ngayon?" Pag uulit ko "Stop asking me Pauline okay! At kung pwedi ba wag mo akong kausapin!" Sabi nya sabay gulo sa buhok nya. "Ugh! F_ck this life!" Sigaw nya ulit. "Edi stop, may sayad ka siguro sa ut@k mo noh, tss. Atleast wala kang s@yad sa labi natin kagabi char," mahina na sabi ko pero nilingon nya ako. "A-ano sabi mo? Did you say l-labi n-na ’tin kagabi?" Nerbyos na sabi nya. "Yah, bakit?" Diretsong sabi ko at taas noo. "Ugh! Don’t talk to me! And stay away from me!" Nandidiring sigaw nya at pumunta sa itaas. May s@yad talaga yung lalaking yun, tsk tsk. Ang cute pag na-nenerbyos pfft. GABI NA NGAYON kaya napag isipan kong mag luto na ng pagkain. Pumunta ako sa itaas para puntahan si Drain, mag tatanong lang kung ano ang gusto nyang kakainin kasi yun din ang lulutoin ko. Hashtag goodmood ako! May girlfriend nayon pero aagawin ko alang-alang sa misyon. *Knock Knock* Pagkatok ko ay parang may nag-wala sa loob kaya binuksan ko yun nang walang pasabi, at nakita ko si Drain! Naka upo sa sahig mukhang na hulog sya sa upoan nya kasi natumba rin kasi ang upoan nya. Nagulat nanaman ba sya sa 'kin?! "Ahh!" Sigaw nya sabay hawak sa dibdib nya tas umisod sa sahig. Ano nanaman ang problema ng lalaking to? Kanina pato sigaw ng sigaw. "Okay kalang ba? Kanina kapa sigaw ng sigaw ah," sabi ko sabay lapit sa kanya pero umisod nanaman sya. "W-wag kang la-lalapit s-sabi eh!" Nauutal na sigaw nya at tinuro pako tas panay atras siya sa sahig, kaya tumaas ang kilay ko. "Ano bang problema mo? Kanina kapa sigaw ng sigaw at gulat na gulat? Nahulog ka tuloy sa upoan?" "W-wala," sabay tayo nya, at inayos ang damit nya. "W-what do you need?" Sabay iwas ng tingin sakin kaya lumapit ako sa ka 'nya at napa-atras na naman sya. Atras ng atras sya tapos ako lakad ng lakad papunta sa ka 'nya at nang nasa pader na sya lumunok sya nang ilang beses kaya napangiti ako at kinorner ko sya. Haha, nerbyoso talaga tung lalaking to, ang lakas ng aircon pero sya pinag papawisan. "Okay kalang ba? Kanina kapa kinakabahan? Is there something wrong?" Sabi ko sabay lapit sa mukha ko sa ka 'nya at nakita kong pumula ang pisngi nya at umiwas sa mukha ko, kaya napa ngisi ako sa inakto nya. "How cute," mapang akit ko na sabi at nakita ko syang napatakip sa mukha nya. Haha! Grabi! Ang cute mong tingnan Drain! Nahuhulog natalaga ako sayo! Slight lang. "A-ahh, w-why are you doing this to m-me?" Tanong nya habang naka takip pa 'rin ang mukha nya. "Wala lang, sarap mo palang asarin noh," sabi ko sabay hawak sa pulso nya, "alisin na 'tin ang amay mo sa mukha mo, gusto ko makita kung ano reaksyon mo ngayonn, bilis," sabi ko, at nakuha ko talaga ang kamay nya sa mukha nya at maspula na ang mukha nya ngayon kesa kanina, yung mata nya dina mapakali. "You're so damn cute," sabi ko, at nakita kong natalisod sya at laking gulat ko nang. Mahimatay sya! Putch@! Nahim@tay talaga! Oh no! "Hoi, Drain!" Sabay tapik ko sa ka 'nya pero walang malay eh, pawis na pawis ang buong katawan nya kahit napakalakas ng aircon. "Gising oi! Gage!" Kinakabahan na sabi ko pero nahimatay talaga put#! "Sige ka! Pag dika gigising dyan hahalikan kit-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi tumayo na 'sya kaya nauntog ang ulo namin sa isat-isa. Hys! Malas talaga "Aray!" "Ouch!" "Bat ka kasi tumayo diretso eh! Sakit ng ulo ko bwesit ka!" Nakapikit na sigaw ko. "E-eh ikaw kasi, d-dina a-ako m-maka hinga dahil s-sayo, and this moment I'm currently taking a bath with my own sweat, t-tas binantaan m-mo pa a-akong h-ha-halikan," hingal na sabi nya at may narinig akong napaka lakas na beat. *Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!* "A-ano yun? Ang lakas?" Tanong ko kaya nakita kung ang basa na ni Drain at hawak hawak nya ang dib-dib nya. Naligo nga sa pawis ang lalaking to. ... -_- ... "W-what the h*ll is happening t-to me?" Tarantang sabi nya na mangiyak-ngiyak. "I-i can't b-breath," sabi nya at nawalan ulit ng malay! Nahimatay sya ulit... Ugh! Put@! Bat ang lakas ng impact sa nangyari sa 'min kahapon! Dahil sa halik na ginawa na 'min nag kakaganto na 'sya! Ha! Bakit! Bakit! BINANTAYAN ko sya hanggang sa magka malay na si Drain, grabi ng lalaking to pag na nenerbyos diretso nahihimatay. Tsk tsk tsk. Ang galing ko talaga para mangyari to sa ka 'nya. "Gising kan-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sumigaw nanaman amput@. Di nako magugulat pag naging multo na talaga ako. Palagi nalang kasi syang sigaw ng sigaw sa mukha ko pag nakikita nya ko. "Wahh! F_ck sh*t! Nandito kananaman! Nakita pa kita sa panaginip ko tas ngayon your here again!" Gulat na sigaw nya at dahil sa kaka likotan nya sa kama nya nahulog tuloy ang alarm clock nya at nag ka cause ng maingay na alarm clock at sumigaw nanaman sya ulit dahil sa gulat. "Ahh! Waah!" "Hoi! Bakla! Manahimik kang elgag0 de put@ ka! Kahapon kapa tili ng tili! Gusto mo putolin ko yang b@yag mo! Para may silbi yang tili mo!" Inis na sigaw ko. Hindi ko na sya tatawaging Lucifer noh? Bakla nalang! Napakatinis ng boses! *Kring Kring* Kinuha ko ang alarm clock at hinampas ko iyon sa pintoan ni Drain kaya nagulat nanaman sya. "Manahimik ka ngang bakla ka! Kahapon kapang umaga tili ng tili! Ano kaba bakla?!" Sigaw ko kaya umamo ang mukha nya. "I-i w-was... K-kasi... A-ano eh... Uhh... K-kasi..." "Kasi ano?! Kahapon kapa! Mukha ba akong multo sa mukha mo? Alas dos na ng umaga tili kapa ng tili! Sus sarap mong halikan habang nakatali! Sarap mo talagang lalaki ka! Nang gigil na 'ko sayo," inis na sabi ko. "B-bakit ka kasi nandito e-eh!" Taas noong sabi nya at parang bata ang boses. Nag papa-cute bato? Huh? "Nag papa-cute kaba at ganyan boses mo? Parang bata?" Tanong ko kaya napatakip sya sa mukha nya. "I-i'm not-" "You're not? Pero hanggang ngayon bata ang boses mo? Ano yan? Ha?" Naka pamewang na sabi ko. "H-hindi nga eh," inis na sabi nya kaya inikotan ko nalang sya ng mata. "Hoi! Balik trabaho tayo bukas, kaya wag kang ganyan umasta na parang batang bakla, dahil lang sa halik na ginawa na 'tin nung nakaraang gabi ganyan kana, pati kahapon sa gabi, na nilapit ko ang mukha ko sa mukha mo nahimatay ka at pinag papawisan, tas ngayong alas dos ng umaga tili kapa ng tili, wag kang umasta ng ganyan bukas ha. Bakla na talaga tawag ko sayo." "W-wait? Na-naala mo... Y-yung n-nangyari s-sa a-atin? Oh my sh*t! Why! Ugh! It's so embarassing!" Sigaw nya sabay taklob sa mukha nya. "Bahala kana nga dyan, kung gusto mung kumain, kumain kanalang sa ibaba may pagkain doon. Matutulog na 'ko, at pwedi ba wag kang gulat ng gulat ha, baka ma multo ka talaga!" Sigaw ko ulit at hinampas ang pintoan. Ganun si Drain ma nerbyos at mahalikan! Pero hinalikan sya ng gf nya nun diba? Eh hindi naman ganun reaksyon nya? Ay baka nung first kiss nila noh? Siguro not sure. *Knock knock* Bumukas ang pintoan sa kwarto ni Drain, at nakita ko siya na naka gray office outfit at naka rolex watch pa, sanaol. Bagong paligo rin sya kasi ang basa ng buhok eh. Fresh na fresh si Baklang Lucifer. Ang dami ng nickname nya, Lucifer, Bakla at Washingmachine. "W-what?" Tanong ni Drain nang binuksan nya na ang pintoan. Di 'sya maka tingin sa 'kin ng diretso which is madalas nya ng gawin sa 'kin ngayon, nauutal din sya minsan at nagugulat. "Bumaba kana nakahain na ang pagkain tapos aalis natayo pagkatapos," sabi ko pero hindi ako umalis kaya tiningnan ako ni Drain na nag tataka pero umiiwas ng tingin sa kin. "B-bat h-hindi kapa umaalis?" Nauutal na sabi nya sabay lunok tas iwas ng tingin nanaman, kaya ngumisi ako tapos nag lakad papalapit sa ka 'nya. "W-what a-are you doin?" Kinakabahan na tanong nya. "Wala bang morning kiss dyan?" Tinagilid ko ang ulo ko ko tas pinindot ko ang pisngi ko sabay nguso. Kaya halos matalisod sya at tumakbo sa gilid ng higaan nya at dun tumago. "Tsk, nag bibiro lang nerbyos ka kaagad, bahala kana dyan ma lalate natayo, tara na!" Sabi ko at umalis na dun. Sana hindi ako itakwil ni Drain kasi alam kung ayaw na ayaw yun sa mga mal@ndi! Pero dinaman ako mal@ndi ah! Na force lang okay! Kaya don't judge me. "Sarap ng pagkain, pero mas masarap ang nasa harapan ko ngayon," masiglang sabi ko at nakaharap ko na si Drain ngayon na ngumunguya rin. Pumula nga ang mukha sa sinabi ko. Nakatingin lang sya sa pagkain nya parang naiilang sa 'kin. Yung mukha nya parang tuta na nahihiya tas namumula. Haha how cute, nasan nakaya yung cold wolf form nya? Umalis siguro at sinapian ng tuta. Pfft! Cute lang ha. "Tangi, kain kapa," sabi ko sa ka 'nya gamit ang pangalan na binigay nya sa 'kin nung nag panggap akong lasing. 'Tangi' Dahil sa pag tawag ko sa ka 'nya ng 'Tangi' ay na bulonan sya at napa ubo. "O-okay ka lang ba?" "Y-yah, nevermind, I-im fine," sabi nya sabay tapik sa dibdib nya. I bet may meaning ang Tangi kaya nabulonan at nagulat sya sa pagtawag ko nun. *Ring* Naalarma ako nang may tumawag sa cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko at tiningnan. Si Kurt pala ang tumawag pero hindi ko sya sinagot, nag message nalang ako sa ka 'nya na kumakain ako tas nag okay sya. Nilagay ko ang cellphone ko sa lamesa at kumain ulit. May nag message, at si Kurt uli yun kaya napa tawa ako sa message nya tas nag send pa 'sya ng picture sa ginagawa nya. "Waa ang cute," mahinang sabi ko nang mag send sya ng aso na inaalagan nya ngayon. To Kurt: Mamaya na Kurt kumakain pa 'ko nanggigigil na 'ko sa mga aso nayan ha, sanaol lang. Hmph! From Kurt: Okay okay, fine, kita tayo mamaya ha mamasyal tayo. To Kurt: Di 'ako sure eh pero pag may time ako tatawagan kita okay? From Kurt: Oum, sige sige kain ka muna ha bye bye love yah. To Kurt: Love you rin, as a prend and as a crush. Pfft. Lol. Mag cha-chat pa sana kami, pero binaba ko na ang cellphone ko kasi nagulat ako nang nag salita si Drain. Na heart attack ako run ah. "Ehem!" Tas tingnan ako ng nakataas ang kilay nya, "we're eating, bat ka nag ce-cellphone tapos nag sasalita kapa and your smiling pa. Hm?" Seryosong sabi nya. Nasan nayong maamong mukha kanina? Umalis na siguro at naging wolf ulit! Hmph kainis! "W-wala wala, may nag chat lang," kinakabahan na sabi ko tas tumango sya. Nilagay ko ulit sa lamesa ang cellphone ko at kumain ulit. Mayamaya ay umubo si Drain kaya tiningnan ko sya tapos nag akma syang kukunin ang cellphone ko! Oh no! Kaya mabilis ko yung kinuha! Kasi papunta yung kamay nya sa direksyon ng cellphone ko baka makita nya yung chat namin! Kairita! Nang nakuha ko ang cellphone ko ay nag smirk lang sya kaya nagtaka ako. "Tss, I'm not honna snatch your phone, because I was supposed to get this," sabi nya sabay kuha sa pitcher. "You think kukunin ko ang phone mo? Tss, kahit hindi ko yan kunin ang cellphone mo malalaman ko ang mga chat and calls mo, I'm had my ways Paw, try me." Sabay inom sa tubig nya. Ugh! Kairita! Kala ko kukunin nya yung cellphone ko kasi... Kasi mag kalapit lang ang pitcher at ang cellphone ko kaya nakabahan tuloy ako. "Napaka stalker mo talaga! Eh, ano naman kung malaman mong nag cha-chat kami ni Kurt, well wala kana run, may girlfriend ka nga-" Diko na natapos ang sasabihin ko kasi hinampas nya ang kamay nya sa lamesa. Kaya nagulat ako at napangisi ako kasi nakita kung umusok ang ilong nya tas galit, naging fiesty wolf na si Luc*fer. "At inaamin mong si Kurt ang ka text mo at katuwaan mo? Ha! Sa harapan ko pa talaga?! Really?" "Really~" Pang uulit na sabi ko sa ka 'nya habang naka ngisi. "You're unbelivable," iling na sabi nya. Nilagay ko sa dalawang kamay ko sa panga ko tas tiningnan si Drain."Oh washingmachine? Nag seselos ka? Pano kaya pag naging boyfriend ko sya noh?" Pang-aasar ko sa ka 'nya sabay pikit sa mata ko. Selos na selos nato. "I-i'm gonna k*ll him," mahinang sabi nya kaya tawang tawa na 'ako sa sarili ko. Selos nga sya! Pano na kaya kung na fall to sa 'kin. "Huh? A-ano yun? Diko marinig eh?" Maang-mangan ko sa ka 'nya at nakita kong iritang-irita na sya ngayon. Ahh... Sarap mong asarin Drain, may gusto ka na talaga sa 'kin. Ang galing ko talaga. "H-hindi mo na 'rinig yung sinabi ko?" Tanong nya kaya tumango ako at mas nairita sya. "Fine! Bahala ka na nga dyan! Kairita ka!" Nakasimangot na sabi nya tapos nag toothbrush sya kaya sumunod ako sa ka 'nya. "Pano pag sagotin ko ulit si Kurt noh? Ang gwapo pa naman nun tas madaldal pa, type na type ko kasi madaldal, hyss natamaan natalaga ako," pang aasar ko at nagulat ako nang nabali yung toothbrush nya. "Ay nabali, pero yung pagmamahal ko sa ka 'nya hindi," pang aasar ko ulit, at umusok yung ilong nya sa galit. Waa selos sya. "****,칫솔에 일어난 일은 그에게도 일어날 것입니다. ฉันสาบานว่าฉันจะฆ่ามัน. Και δεν λέω ψέματα, Pauline." Tuloy tuloy na sabi nya habang naka harap sa mukha ko at nag tatagis ang bagang nya sa galit, kaya binatokan ko sya. "Aray!" Sigaw nya, "What was that for?" Nakasimangot na sabi nya. "Ano sabi mo? Diko ma gets, ano bayon? May korean tapos ano payong iba?! Para kang tang@! Ganyan kaba mag selos sinasapian ng language master? At gumagamit ng ibat-ibang lenggwahe! Ha!" "It contains 4 language okay," sabi nya tapos umiling. "Wait, why did I say those words?" Mahinang sabi nya sabay iling. "Ano anong lenggwahe? Paki translate!" "Nothing, j-just forget it, kasalanan mo eh!" Naka simangot na sabi nya kaya napanga-nga ako. "Kasalanan ko p-" Hindi ko na natapos ang sinabi ko ng pinatahimik nya ako gamit ang daliri nya. "J-just shut up okay, a-and stop mentioning Kurt! Will yah!" Inis na sabi nya tas ginulo yung buhok nya. "Aww okey!" Inis rin na sabi ko. Napaka weird talaga ng lalaking yun! Kainis! NANG makapunta kami sa kompanya ay pinag trabaho nya ako ng kahit ano, at nang umalis si Drain ay lumabas ako para pumunta sa company bathroom. "Hello?" Sabi ko nang dinayal ko ang number ni Kurt, kaylangan ko syang makausap para ipa delete nya yung lahat na converstation na 'min, baka kasi makita yun ni Drain may pagka stalker pa naman yun. Hindi lang pagka! Stalker talaga ang lalaking yun! Hindi marunong sa word na privacy! "Oh, Paw? Why did you call me?" Tanong ni Kurt na mukhang naka ngiti. "Bilisan mo Kurt, ipa delete mo lahat ng conversation nating dalawa kasi alam kung makikita yun ni Drain, may pagka stalker pa naman yung lalaking yun. Ipa delete mo sa eksperto ha, ang l@ndi mo pa naman sa mga text mo, tapos baka malaman nya yung mga ibang pinag-usapan na 'tin at baka malaman nya pa ang to-toong pag katao ko," dalidaling sabi ko sa tawag. "O-okay, wait tatawagin ko muna ang mag papa delete sa conversation na 'tin." Nakahinga ako ng maluwag nang nadelete na ang converstaion na 'min at di na yun ma tra-trace ni Drain, kanina pa kasi ako di mapakali sa mga chat namin. "Where the hell did you go?" Sabi ni Drain sa 'kin nang makapasok na 'ako sa opisina namin. "Sa restroom," sabi ko. "Tss, there's a restroom here, lumabas kapa talaga." "Gusto ko eh, paki mo ba," tas inikotan ko sya ng mata. "Tss, just go back to your work, sungit nito," sabi nya kaya ginawa ko nalang. Maya-maya napag pasyahan kong mag break muna kasi sakit ng likuran ko, tapos alas dose na! Uuwi sana ako kanina pero gusto ni Drain na hindi muna, kasi marami ang tra-trabahoin. "Pauline," napatingin ako kay Drain sa office table nya at naka sandal sya ngayon sa upoan. "Ano?" "Stop being grummy will yah?" "Oo na, so ano?" "Lumabas ka, and go buy me a food on the nearest convenient store," sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay at napa cross arms ako at sumandal sa upoan ko. "Ehem! Alas dose na ngayon, sirado na sila, at ano ba ang ipapabili mo?" "They are 24/7 open Pauline, and I want you to buy me uhh..." "Ano?" "Uhh..." Napa ikot nalang ako sa mata ko kasi ang hina ng utak ng lalaking to, may ipapabili nga lang tapos wala pang maisip! Kala ko ba napaka talino nito! Tss! Mahangin kasi eh! "Ano? Hina mo naman." "Oh, a chocolate! Yah a chocolate, go buy me a chocolate," sabi nya kaya napa nga-nga ako. "May chocolate naman sa bahay mag hintay ka nalang na maauwi tay-" "No, I want it now." "Ugh! Oo na! Pasalamat ka gwapo ka di kita matiis," mahinang sabi ko pero alam kong maririnig ni Drain yun, namula tuloy yung mukha at yung tenga nya kaya napa iling nalang sya. Nang nasa harapan nako sa ka 'nya nilahad ko ang kamay ko. "Pera." "Here," sabay bigay nya, "and also bring your phone, wallet, and your bag. At mag lakad ka." "Huh? Bakit naman? Pinapahirapan mo ba ako? Gabi na oh! At syaka bat mo naman ako papadalhan ng mga gamit ko?" Naka pamewang na sabi ko. "Stop asking will yah? Gawin mo nalang ang sinabi ko, kasi uuwi na 'rin tayo." "So, uuwi naman pala tayo eh, may chocolate sa bahay yun nalang ang kainin mo." "No, I want it now." "Ugh! Oo na! Pag may nangyari sa 'king masama matatamaan ka sakin," sabi ko sabay pakita ko sa kamao ko pero inikotan nya lang ako ng mata. Lumabas na 'ako sa malaking kompanya ni Drain at tiningnan ko pa ang cellphone ko kung saan ang malapit na convience store at buti malapit lapit lang pala, mga ten minutes kung lalakarin. Off we go! "GO and snatch her bag," I said while having a call on my phone. "Yes sir." Ugh, I really need to do this for the fist time, because when I was supposed to spy on their messages I didn't find anything it was... F_cking empty! Denelete nila yun lahat! Ugh! What if they had an affair?! Ugh! Nakakainis na ha! But I need to calm, because sooner or later I will get her phone and her other secret's. Isusumbong ko talaga sya ni Lolo Dad for the first time, at hindi ko sya pagtatakpan pag nalaman kong hinah@rot nya si Kurt, matatali talaga sya sa 'kin! And I'll f_cking do that! Tss, kainis ka Kurt! Mang aagaw! Mam@tay ka sana! TAPOS nakong bumili ng chocolate para kay Drain kaya naglakad nako ulit papunta sa kompanya, nang may biglang humarurot na motor at may dalawang amerikano na bumaba sa harapan ko. "Snatch her bag! Quick!" Sigaw ng isang amerikano na naka mask. Sh*t! Anong gagawin ko bwesit! Holdap to! Biglang kukunin nila ang bag ko pero sinipa ko silang dalawa, pero nakatayo silang dalawa, kaya tinapon ko ang bag ko sa malayo at hinabol nilang dalawa iyon. At dahil marunong ako mag motor kasi isa rin ang pagmomotor o pag tri-triycle driver ko, ang trabaho ko rin noon. Kaya tumakbo ako sa motor nila at pinaharurot ko iyon sa malayo. Nakita ko silang nag mura kasi na snatch ko ang motor nila. Ugh! Kaylangan kong kunin ang bag ko! Nasa kanila pa kasi eh! Kaya nag short-cut ako. Mayamaya nakita ko silang dalawa ulit na nag lalakad at parang dismaya sa pag snatch ko sa motor ko sa kanila, kaya humarurot ako sa likod nila at nang makalapit na 'ako ay hinablot ko ang bag ko, nahablot ko pa nga ang braso ng isang holdaper pero sinuntok ko iyon kaya na bitawan nya ang bag ko. "Hey!" Sigaw nila pero nakalayo na 'ako. Hay salamat! Nakuha ko ang bag ko! At walang na nakaw! Kala nila noh! Matalino yata ang hinoldapan nila. Karma nila! Sila tuloy ang nanakawan ng motor ang ganda pa naman ng motor na ito, I bet hinoldap din nila to. Pat@y yung Drain sa 'kin! Muntik natalaga akong manakawan! Dahil sa bwakening sh*t na chocolate na to! Nasa kompanya na ulit ako pero sinabihan ako ng mga empleyado rito na wala na 'raw si Drain umalis na, nag mamadali raw. Tarant@do talaga ang lalaking yun! Iniwan ako! Nasa bahay na 'ako dala-dala ang malaking motor na nakuha ko sa mga holdaper, at nandito na talaga si Drain kasi nandito na ang sasakyan nya. Pumasok ako sa gate at nilagay ko ang motor sa garage at pumasok na ako sa loob. Pumunta ako sa itaas at narinig ko si Drain na may kausap sa phone nya kaya diko yun inisturbo dahil mamaya ko ito bubugb0gin. "What the f_ck?!" Sigaw ni Drain kaya nagulat ako sa pag sigaw nya pero tumago lang ako sa haligi. "Didn't I say snatch her bag as fast you could! But why on earth- Ugh! Don't cut my words! Both of you are fired!" Sigaw nya kaya napatulala ako sa narinig ko. "Bwesit talaga! Bat hindi nila na kuha ang bag ni Pauline! At sila tuloy ang nakunan ng motorbike! Ugh! I'm pissed! Naisahan nya ako!" Sabay gulo nya sa buhok nya kaya lumabas ako sa pag kakatago ko sa haligi at nakita kong gulat na gulat si Drain. "Ahh!" Sigaw nya at napahawak sa dibdib nya, tumalon pa nga. Naka crossed arms lang ako at galit na naka tingin sa kanya. Sya pala ang may pakana nito! Bwesit tung Luc*fer nato! Bat nya ako gustong nakawan? Ganito naba sya ka hirap? At ng sna-snatch? "So, ikaw pala ang may pakanan nito? Huh?" Sabi ko at hinampas ko sa mukha nya ang chocolate na pinabili nya sa 'kin. "Gag0 ka talaga Drain! Bat mo yun pinagawa! Alam mo ba na trauma ako run! Tangin@! Anong pumasok sa isipan mo at nagawa mo yun!" Galit na sigaw ko sa ka 'nya at nakita ko syang napayuko pero tiningnan nya rin ako. "Ano sumagot ka! Bat mo gustong ipa holdap ako! May saltik kaba! O sadyang baliw ka talaga!" Sabay diin sa daliri ko sa noo nya pero nakuha nya rin yon. "Stop it." "Anong stop ha! Gag0 ka eh! Bat mo yun pinagawa! Ha! Magsalita ka!" Sabay kuha ko sa daliri ko. "Okay okay! Fine! I'll tell you!" Sabi nya kaya tumaas ang kilay ko. "I-i was uhh... Uhh..." Lunok sya ng lunok, ni hindi ko sya maintindihan. "Ano?" "D-diko kasi makita yung conversation nyong dalawa ni Kurt that's why I-i asked my Man's to snatched y-your bag," sabi nya kaya napa awang ang labi ko. The f! Ang creep talaga ng lalaking to! Ng sta-stalk na nga to sakin everytime na umaalis ako! Hinoldapan pa 'ko! "My god Drain! Yun lang ang dahilan?! Tss, you're unbelievable!" Sigaw ko at nakita kong sumeryoso ang mukha ni Drain. "Yah, I'm unbelievable." Sabay dukot nya sa pulsohan ko, at akmang kukunin ko ang pulsohan ko pero kaso ang lakas ng pag kakahawak nya sa 'kin. "You're also making me confused, why? Why are you doing this to me? You're always making me confused on your actions, you've change alot, you change your attitude, your clothing style, your manners, and your feelings. I'm f_cking confused Pauline, simula nung nawala ka sa mansyon nang limang buwan tas bumalik ka... Parang ibang babae na ang kaharap ko, so please tell me also, kasi sa totoo lang diko rin alam kung ano na ang pinag gagawa ko sayo at ano pinag gagawa mo sa 'kin, so tell me also on why are you always making me confused on you... So damn much, huh?" Mataas na sabi nya kaya tumibok ang puso ko nang napaka lakas. Mahigit limang minuto kami nag tinginan ni Drain kaya umiwas na 'ako, "people change Drain, sige na bitawan mo na 'ako, matulog kan-" Diko natapos ang sinabi ko ng hinatak nya ako sa pader at kinulong ako sa matatas nyang balikat. "Ang taas ng sinabi ko tas yan lang ang sasabihin mo? Ha, you really did change," at mapait syang tumawa. Ngayon nya pa nakita ang pag babago ko? Ang tagal na naming mag kasama? January ko pa syang kasama! Tas ngayon pa sya nag open? "Bitawan mo nalang kasi ako at wag mo nga akong ma korner-korner dyan,'" sabi ko at inaalis ang balikat nya pero diko magawa. "Sabihin mo nga sakin Pauline, may namamagitan ba sa inyo ni Kurt?" Tanong nya kaya napalunok ako. "B-bat mo gustong malaman ha!" Nauutal at diin na sabi ko. "Cause... I'm... F_cking... Jealous!!! Selos na selos nako Pauline! Simula nung party nayon na nag kita kayo ni Kurt! I wan't to do something that I can't even explained! The way you look at him nakaka selos! Sobra! You can't even looked at me the way you looked at Him, Pauline! Maamo mo syang tingnan pero sakin iritang irita ka! This is the feeling that I'm trying to tell you!" Sabay turo nya sa dibdib nya. "I'm f_cking confused at this feeling Pauline, so damn confused!" Hindi ako maka salita sa mga sinabi nya... Hindi talaga maka function ang utak ko. "H-ha?" Wala sa sariling tanong ko. "Don't act, like you didn't hear me at all," sabi nya at umalis na sya sa harapan ko pero may sinabi pa sya. "I don't know on what the hell have you done to me Pauline, I'm just f_cking confused." Hinabol ko sya, at hinawakan ko ang balikat nya at pinaharap ko sya. "W-what?" Sabay iwas nya sa mukha ko. "Tatanongin kita ng diretso-an Drain, may gusto kaba sakin ha? Kasi sa totoo lang parang may gust-" Diko na natapos ang sinabi ko kasi sumigaw sya. "Oo! Gusto kita! I like you so damn much! A de@dly one! What did you do to me Pauline?! My heart always beats fast when I saw you grumpy, smiling at me and being pissed on me! Nawawala na 'ako sa sarili ko dahil sayo! I thought hindi kita magugustohan because your so papansin tas mal@ndi kapa! Pero ano to! You just made my system go crazy! A de@dly crazy!" Sabi nya na tumutulo ang luha nya at ginulo ang buhok nya. Napatakip ako sa labi ko kasi... May gusto na sya sa 'kin. He like's me na. Kaylangan ko nabang mag fiesta! Kasi tumatalon na sa saya at kaba tung puso ko! Sa mga confused sa sinabi ni Drain na ibat-ibang lenggwahe nung naputol yung toothbrush, ito pala ang translation. NAKATINGALA lang ako sa kisame, nag hahanap ng butiki which is wala namang nag eexist dito. Dalawang linggo! Oo dalawang linggo! Ilang na ilang kami sa isat-isa, nahihiya mag usap, maski mag tinginan, di namin magawa. Naiinip na nga ako. Parang na miss ko yung pag tri-trip nya sakin at yung boses nya rin. Yah, aamin ako. Napaka lungkot. Hindi na ’rin ako pumapasok sa kompanya. Tapos si Drain palagi pumapasok para maka iwas sa 'kin. Ugh! Ano bang gagawin ko ngayon! Inip nako eh! "Ugh! Kairita! Sana hindi ka nalang nag confess sa ’kin, ako tuloy ang nahihirapan!" Sabi ko sabay hampas sa unan ko. L@ndiin ko kaya sya? Putragis! Bat ba pumasok sa isip ko yang pag lal@ndi! Gabi na kaya bumaba ako at wala pa si Drain, siguro nasa trabaho pa, nag papalunod sa mga papeles nya. Biglang bumukas ang pintoan at laking gulat ko nang pumasok si Drain. Halos panlakihan namin ng mata ang isat-isa. Naka black office attire sya, tas naka rolex watch, magulo ang buhok. Ang gwapo talaga. Nag lakad sya papalapit sa ’kin kaya napalunok ako at pumunta sa kabilang side para maka daan sya pero nasa harapan nya pa 'rin ako, kaya lumipat ako sa kabilang side nanaman pero nasa harap ko nanaman sya, pumunta nanaman ako sa kabilang side... Pero nakaharang pa ’rin ako sa ka ’nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD