6 (LAST PART)

5000 Words
"Okay kalang ba?" Tanong nya sa 'kin, kaya tumango nalang ako. "San tayo pupunta?" Ako. "Five star restaurant, ikaw san mo ba gusto pumunta?" "Kahit saan basta may fried chicken at spaghetti okay nayun sa 'kin," sabi ko, kaya tiningnan nya ako ng napaka weird. "Ano?" Tanong ko. "Uh... Nothing pareha kasi kayo ng hilig ni Paw. I always remember her from you," malungkot na sabi nya. Aba shempre! Ako yun eh! Naging tahimik kami sa loob ng kotse at nasa isang McDo na pala kami! Waa! One of my peyborit! Pumasok na kami roon, at umupo ako sa isang upoan. "Ikaw nalang ba mag o-order or tayong dalawa?" Tanong ko. "Ako nalang, mag hintay kanalang dito sa mesa," sabi nya, kaya tumango nalang ako. Hmmm... Ang sarap talaga ng hangin dito may french fries, fried chicken, burger. Mhm... Nakakatakam ginutom ako mwetit! Maya-maya ay tapos na si Kurt sa pag o-order at nag dala sya ng halos lahat ng favorite ko! Dinala nya! "God! Buti binili mo lahat ng favorite ko Kurt, the best ka talaga," sabi ko at kinain ko yun. "Hehe, favorite mo pala yan lahat? Ow parehas kayo," sabi nya, kaya napa isip nanaman ako na kinokompara nya ako kay Paw which is ako! "Yah yah, pareha na kung pareha basta mas maganda ako," sabi ko, at tumawa. "God Pauline, pareha talaga kayo. Sa pananalita palang," sabi nya kaya kinabahan ako. Masyado bang halata ang mga kilos ko? Oh no! Iibahin ko nanaman ba yung attitude ko? "Haha, siguro," iniwasan ko nalang sya ng tingin. Tapos na kaming kumain at alas tres na pala ng hapon, at diko na sya pinasabay sa 'kin sa pag-uwi, kasi uuwi na ako baka ano pang masabi ni Drain sa 'kin! Sasabihan nya nanaman ako na ng lal@ndi ako kahit wala naman! Nang maka pasok na ako sa bahay namin dala-dala ang mga binili ko ay wala akong makita kasi napaka dilim dito, naka sirado kasi lahat ng bintana tapos wala pang ilaw. Kaya nilagay ko ang mga ibang pinamili ko sa sahig at pumunta ako sa light switch at halos ma patalon ako ng mabangga yung mukha ko sa parang matigas na bagay. "Bwesit," sabi ko habang yung mukha ko ay naka dikit pa 'rin sa matigas na bagay kaya lumayo ako at mas nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at halos pigain ako. Diko makita ng maayos kasi naka sumbrero ako ngayon, kaya tumingala ako. At si Drain! Pala yun! Bwesit! Parang demony0ng pa sulpot-sulpot! "Ahh! Ano ba! Muntik nako mam@tay sa gulat Drain!" Sabay tulak ko sa ka 'nya. "Apat," sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Huh? Anong apat ang pinag sasasabi mo?" Nagugulohan na sabi ko. "Apat na oras kang nawala, san ka galing? Don't lie to me Pauline," sabi nya, kaya mas napa nga-nga ako. "Sinabihan nakita kanina diba, gamitin mo rin yang mata mo! Tingnan mo yung mga dinadala ko, ano tawag dyan ha?!" "Grocery." "Oh, so pumunta ako sa mall para bumili ng mga grocery tapos ngayon nag tatanong kapa," galit na sabi ko. "San kapa pumunta?" Tanong nya ulit. "Sa McDo, bumili ng pagkain kasi napaka selfish mo at hindi mo ako pinakain sa binili mung pag kain kanina!" Sabay turo ko sa dibdib nya. "Who's with you?" Tanong nya ulit kaya napa ikot ako sa mata ko. "Paki mo!" Sabay hagis ko sa sumbrero ko. "Watch your mouth Pauline," may diing sabi nya. "Watch your mouth Pauline," pang gagaya ko sa ka 'nya, "paki mo ba Drain? Akala ko ba wala tayong pakihan sa isat-isa! Tas ngayon may paki ka sa 'kin." "Then? Anong magagawa mo kung may paki ako?" Sabi nya, kaya muntik ko syang masuntok sa inasal nya. "Alam mo, kung maganda lang ang pinagsamahan na 'tin sinabihan nakitang nag seselos ka! At oo may kasama ako yung Ex ko! Bakit? May problema ka run ha!" Taas noong sabi ko maangas na style at pina straight nya ako sa pag tayo ko. "Ang angas mo talaga noh," seryoso na saad nya, binitawan nya ako. "Oh ano naman, eh ano naman sayo ngayon ha!" "Wala... So Ex mo si Kurt same as Alex? Did he f_cked you also?" Walang emosyon na sabi nya tapos napanga-nga ako sa sinabi nya. Ano! Did he f_cked you?! Sinabi nya yun sa 'kin! Gag0! Kinuha ko ang sumbrero na tinapon ko kanina at hinampas ko yun sa mukha nya at nabigla sya sa ginawa ko. "Gag0 kaba! Yucks Drain! Naririnig mo ba ang sinasabi mo! Ano kala mo sa 'kin mag papa ehem! Sa mga lalaki!" Sigaw ko sa ka 'nya. "You're not a virgin anymore Pauline, and most of all may nangyari na sainyo ni Alex! Kay Kurt pa kaya, he's also you're Ex right? Kaya imposible na walang nangyari sa inyo, ang l@ndi mo kayang babae ka!" Galit na sabi nya. "Ha! Ikaw pa nagalit! Gag0! Hindi ko Ex si Kurt!" Sinungaling sigaw ko sa mukha nya. "Oh really? So ano kayo?" "Friends! Bakit! Selos ka!" "No I'm not! Friend's with benefits kayo noh! Atsyaka pala pinasundan ko kayong dalawa kanina, pinasakay mo pa sya sa sasakyan mo, at sya pa ang nag dala ng mga pagkain na binili mo, I swear Pauline itatapon ko yan lahat! And what's worst ay kumain kayong dalawa na mag kasama sa fast food restaurant, you just lied to me!" Sigaw nya sa 'kin, kaya napa hilamos ako sa mukha ko sa inis. God! Nang gigigil nako sayo Drain! Napaka ingay mo para kang washingmachine na pinaandar! Sana kumain ka ng surf powder noh! Bwesit ka! "Eh ano naman ngayon kung mag kakilala kami! May problema kaba dun? Ha!" Sigaw ko sa mukha nya. "Oo may problema talaga ako sayo! Pano pag nalaman ng ibang tao na nakikipag kita ka sa ibang lalaki ha! You're making our name in a shame condition Pauline!" Malakas na sigaw nya. Sabi nya at muntik naako mapaluha sa sinabi nya... Pina paiskandalo ko nga sya. At pgod nako sa kakaulit at kaka replay sa mga sinasabi ko. "Right, pinapaiskandalo ko ang pangalan mo. Eh ikaw ba! Yung gf mo ngayon! Ha! Ako lang ba ang pweding pagalitan mo! Pagalitan mo 'rin ang sarili mo!" Sigaw ko at napatawa ako ng mapakla, maliit nalang iiyak nako pero wag kang mag papa dala maging matapang ka. Tiningnan ko ng masama si Drain. "Pero tandaan mo ito Drain wag kang umasta na asawa kita, kasi sa totoo lang hindi kita asawa at hinding hindi kiya ituturing na asawa, were just married in a forced way, at wala akong paki kung maging eskandalo man ang pangalan nyo sa social media!" At kinuwelyuhan ko sya. "Listen up baby boy, I may be look like I care on your names but deep inside I really don't f_cking care. At maka panglait ka ang sakit! Eh, isa ka 'rin naman palang mal@ndi sa girlfriend mo." At tinulak ko sya. Nakita ko pa ang pagka gulat ng mukha nya at pag ka dismaya sa sinabi ko pero binalewala ko nalang yun. Nakaka sakit kasi sya eh. Ng stalk pa ang put@! Kunin kana ni Sat@nas please! Nag mamakaawa ako! DALAWANG araw na ang dumaan at sa totoo lang hindi ko na pinapansin si Drain, nag mumukmok nalang ako sa kwarto ko, gusto kong lumabas pero hindi ako makalabas kasi sa tuwing lalabas ako nakikita ko si Drain, kala ko pupunta sya sa kompanya pero wala. Nakakalabas lang ako pag gabi, ni hindi ako makakain ng maayos kasi ayaw na ayaw ko na talagang makita ang pag mumukha ni Drain. At dahil bored na bored na 'rin ako rito sa loob ng kwarto ko siguro dapat nalaga akong lumabas kasi kung hindi ako lalabas anong mapapala ko rito? Shempre wala! Kinuha ko ang sketchbook ko at lapis ko kasi napag pasyahan kong mag drawing habang kakain sa ibaba. At kung mag kikita man kami ni Drain ngayon aww wala akong magagawa kun 'di dedmahin sya! Nang maka baba na 'ako ay nakita ko si Luc*fer. Naka upo sa sofa may kinakain. Pero diko sya tiningnan. Kumuha ako ng pagkain sa cabinet at kinain ko yun habang nag dra-drawing. "Pauline..." Kumulo ang ulo ko nang marinig ko ang boses na hindi ko na narinig ng dalawang araw. Umupo sya sa isang upoan na malapit sa 'kin kaya napalunok ako ng bahagya pero nag drawing pa 'rin ako. "I-i'm sorry.I'm really freakin sorry of what I do," sabi nya kaya napatingin ako sa kanya na gulat. "Nag dru-dr*gs kaba?" Nakataas ang kilay na sabi ko. "N-no, I just want to say sorry," sabi nya kaya nanlambot ang buong katawan ko. Hindi Paw! Wag ka mag padala sa kanya. Kahit napaka cute nyang tingnan ngayon ay may tinatago pa 'rin itong ka dem0nyohan. "Mhm," walang mood na tango ko. Wag mo nasyang pansinin Paw. Okay! "Lumingon kana man sa 'kin oh, I'm sorry dahil ginawa ko yun sayo," sabi nya ulit pero tumayo nalang ako at hindi ko sya pinansin. Oh my lord! Anong nangyari kay Drain! Ano itong ginagawa nya? Ng susuyo? What I don't get it! Bipolar nga ang lalaking to! Paiba-iba ang attitude at mood. "Ayaw mo talaga akong pansinin Pauline?" Sabi nya na naiirita pero pumunta lang ako sa sofa at pinag patuloy ang pag dradrawing ko. Pero laking gulat ko ng binuhat nya ako! Oh my gosh! Ano tung gunagawa nya ha! "Hoi! Ibaba mo ako!" Sigaw ko sabay hampas sa mukha nya at sa dibdib nya. "Ugh stop it! May gagawin pako sayo!" Iritang sabi nya at mas nagulat ako kasi sa sinabi nya. May gagawin? Anong gagawin nya sakin? Nakalabas kami sa likuran ng bahay kung nasaan ang swimming pool na four feet lang kasi takot si Drain sa Mataas na tubig pero pinalagyan pa 'rin ng lolo dad nya. "Hoi! Ibaba mo ako!" Sigaw ko nang nakarating na kami sa harapan ng swimmingpool. "Sure ka?" Mapang larong sabi nya. "Oo nga e-" Diko na natapos ang sinabi ko nang tinapon nya ako sa swimmingpool! Waa! Halos mabaliw ako sa gulat at na pa singhap pa ako ng tubig sa ilong ko! Ugh! Sakit ng pwet ko. "Ahh!" Sigaw ko nang makatayo ako sa swimming pool na hanggang bewang ko lang. "Bwesit ka Lucifer! Bat mo ako tinapon dito! Pati yung sketch book ko! Ha!" Sigaw ko sa ka 'nya, habang sya ngiting demonyo lang. "I know naawa ka sa 'kin sa pag sorry ko kanina pero I'm not gonna say sorry to you, kaya nga pinagawa ko itong swimmingpool nato even though ayaw ko kasi may plano ako sayo rito. Which is nagawa ko na sayo," ang he give me the most irritating smile ever! "Ugh! Bwesit ka! Bad trip nako sayo Lucifer! Dikana naawa sa pang tri-trip mo sa 'kin! Scam ka talaga kala ko seryoso ka sa sorry mo! Yun pala may plano ka! Your so heartless! Ugh!" "Tss, whatever." *Ring* MABILIS kong hinablot ang cellphone ko nang may tumawag. Tiningnan ko ang calling ID at napatalon ako nang si Kurt pala ang tumatawag sa 'kin! Binigay ko kasi yung number ko sa ka 'nya, alam nyo namang marupok ako pero slight lang. Nandito pala ako sa opisina may ginagawa. Napatalon ulit ako nang may humampas sa ulo ko na unan. "Piste! Ano ba! Bat mo yun ginawa yun! Gago ka ba!" Sabay tayo ko. "Stop shouting, dika nakikinig sa 'kin! Kanina pako tawag ng tawag sayo!" Galit ma sabi nya. "Hoi Luc*fer!" Sabay turo ko sa kanya. "May atraso kapa sakin kahapon! At pwedi bang bumalik ka nalang sa upoan mo at gawin mo ang mga ginagawa mo!" Sigaw ko sa ka 'nya. "Pero hindi ka na kikinig sa 'kin!" "May tumatawag pa sa 'kin eh!" Sigaw ko rin. *Beep Beep* Napa hawak nalang ako sa sintido ko kasi na cancel na ang tawag ni Kurt, bwesit talaga tung lalaking to! "Ano ba problema mo ha!" "I need my schedules," maikling sabi nya. "Oh ito!" Sabay bigay ko sa ka 'nya na pahampas. "May kaylangan ka paba!" Supladang sabi ko. "Oo meron pa, I want you to do all this work of mine," sabi nya kaya napataas ako sa kilay ko kasi pumunta sya sa desk nya at bumalik sya sa 'kin at may dalang mga papeles. "Finish all of this," sabi nya kaya kinuha ko yun. "Oh, tapos?" Ako. "Make me a coffee," sabi nya sabay crossed arms. "Oh, tapos?" "Wala na." "Oh, wala na pala pwedi bang umalis kana sa harapan ko! At isuli mo yang unan sa sofa!" "Okay, may pupuntahan pala tayo mamaya." Napataas ang kilay ko. "Saan?" "Pupunta tayo sa isang important dinner meeting," sabi nya. "Ugh, ikaw nalang pumunta mag-isa, kainis ka. Umalis ka nga sa harapan ko!" "What's wrong with you? Your so harsh, at wag mo nga akong pangaralan." "Paki ko ba! Tumawag crush ko tas ang epal mo 'rin. Bwesit!" At padabog akong umupo sa upoan ko. Halos gulat ang mukha nya ngayon at tinaasan ko sya ng kilay. "Anong klaseng mukha yan ha? At pwedi ba umalis kana, wala akong oras makipag talo sayo." "You had a crush?! What!" Gulat na sabi nya. "Oo, paki mo ba! Umalis kanga rito!" Pang tataboy ko sa kanya. "Isusumbong kita kay Lolo Dad, at kung makikita ko ang lalaking yan I'll make sure to make him suffer from hell, I'm your husband tas nag ka crush kapa sa ibang lalaki. Nakakadiri ka!" "Ugh! Paki mo ba! At asawa lang kita sa kontrata! At higit sa lahat ikaw yung mas nakaka diri rito noh may asawa kana tapos may girlfriend kapa! Ano to two timer? Eww! Mal@ndi ka rin noh!" Inis na inis na sabi ko. "Y-you." *Knock knock* "Come in," sabi ni Drain at tiningnan ako ng matalim pero inikot ko lang ang mata ko. Kala nya diko pa na kalimutan ang pang tri-trip nya sa 'kin sa mga nag daang araw. Inis na inis nako sa ka 'nya! "Sir-" Hindi pa nga naka pag salita ng maayos si Patricia ay sinigawan na ni Drain. "What!" "Hello, bro, badtrip ka ah?" Nagulat lang ako nang pumunta ang dalawang kampon ni Luc*fer, si Jake at si Lucas. Ano ginagawa ng dalawa rito? Tumingin sa 'kin sila Lucas at Jake pero naka busangot lang ako. At nilampasan sila para kumuha ng kape. "Nag away ba kayo ni Pauline?" Rinig kong tanong ni Lucas kay Drain. "Oh no were not, sa katunayan ako lang ang umaaway sa ka 'nya," sabi nya kaya mas mahigpit ang hawak ko sa coffee maker. Bwesit talaga yang Drain na 'yan nag flashback nanaman lahat ng mga katarantadohan na ginawa nya sa 'kin. Pero dapat e-erase ko nalang yun para hindi ako mawala sa sarili ko. Binuhusan ko ng maraming asin ang kape ni Lucifer, pero yung kape para kay Lucas at Jake ay hindi. Nag lakad na 'ako papalapit ulit sa kanila. At inikotan ko lang ng tingin si Drain pero sya bungis-ngis lang, lakas talaga mag pa inis ng lalaking yun! Sarap halikan habang nakahub@d tas sakyan! "Oh ito," sabay bigay ko sa mga kape nila. "Thanks," sabi nila Lucas. "Mhm, sarap ah, I can't believe you make this, gumamit kaba ng coffee maker? Kasi hindi naman ganito ka sarap ang nasa coffee maker eh," manghang sabi nya. "Oo ginamitan ko pero may nilagay pa 'ako dyan," sabi ko. Nakita kong tinikman na ni Drain ang kape nya kaya lumayo ako para hindi nya ako ma duruhan sa iniinom nya. Nakita ko syang napa ubo pa sya at may lumabas sa ilong nya na mga kape. Karma! "Pauline!" Sigaw nya sa 'kin at akmang susugorin ako pero pinigilan sya nila Lucas at Jake. "Hoi! Tumigil ka nga." "Bwesit! What did you put on my coffee! Ha! Lal@sonin mo ba ako?!" Sigaw nya at gustong makawala sa pag kakahawak nila Jake at Lucas. "Tinatanong pa bayan? Ambobo0 mo talaga! Shempre asin, kape, gatas, sugar ang nilagay ko! Yun lang gusto mo pa ng iba? Gagawan kita, with free alikabok! At oo lal@sonin kita! Ang itim kasi ng budhi mo! At pag nal@son na kita! Pupunta na sa 'kin lahat ng pera mo tas sasama ako sa matandang lalaki!" Sigaw ko. Sila Lucas at Jake naman natawa sa sinabi ko. "You! Lika rito!" Sigaw nya pa. Grabi sya ha! Pag ako yung pinag tripan nya diko sya nagagantihan kasi tatakbo ang put@, tapos pag sya, parang pap@tayin ako. "Let go of me! Ugh!" Sigaw nya sa dalawang kaibigan nya. "Chill kalang pre, babae yan," natatawang sabi ni Jake. "Just shut up Drain, napaka immature nyong dalawa ng asawa mo!" "Ugh! I'm not immature Lucas! Sya yun! Bitawan nyo nga ako para mas@kal ko ang babaeng yan." "Tss, manahimik ka dyan Luc*fer! Karma lang yan sayo, pinag tripan mo ako kaya pag tri-tripan din kita!" At umalis ako roon, gusto ko maka kuha ng fresh air. Pag 'ka labas ko sa opisina ay pumunta ako sa parking lot, at tiningnan ko ang cellphone ko. "Kaylangan ko nang tawagan si Pauline, ugh! Late nanaman ako, sa pag update pati si Mama nakalimutan ko na, bwesit kasi yung Drain nayun!" Iritang sabi ko at pumasok na 'ako sa kotse ko at pumunta ako sa same place na pinuntahan ko last month. Sa Cat Cafe. Pag 'ka labas ko sa sasakyan ko ay pumunta na 'ako sa Cat Cafe. Habang nag lalakad ako ay nakaramdam akong parang may naka sunod sa 'kin, nang tumingin ako sa likuran ko ay... Wala naman. Nakapasok nako at umupo sa isang upoan. "Iced tea please," sabi ko sa babae habang minamasahe at hinahaplos ang pusa sa kamay ko. Tinawagan ko na ang number nila Alex at Pauline. At may narinig pa 'akong daing at ungol. Yucks! Ang l@ndi talaga ng dalawang iyon! Pati ako nadadamay sa mga paratang ni Drain! "Ugh, h-hello? Uh- Ugh," halos ma pa ngiwi ako nang marinig ko iyon. First time kong marinig ng ganun. "Yuck! Tumigil nga kayong dalawa dyan. Mga bwesit kayo!" "Oh, ikaw pala Paw... Tumigil ka nga muna Alex," rinig kung sabi ni Pauline. "Here's your order, Ma'am," sabi ng babae, at iniwan nako. "So anong nangyari dyan Paw? Nag improve ba ang pag sasama nyong dalawa dyan o wala pa 'rin?" "Uh... Wala eh nag aaway lang kami, pano kasi binu-bwesit ako ng lalaking yun, akalain mo hinagis ako sa pool pati yung sketchbook ko na damay, bwesit yung lalaking yun. Napaka bipolar at mapag kunwari pa nun. Hyss! Kunin sana sya ni Sat@nas," inis na sabi ko pero haplos lang ako ng haplos sa pusa. "Haha, just fl*rt with him," natatawang sabi ni Paw. "Fl*rt with him? Tss, hindi ngayon mahilig mangl@ndi, nandidiri lang ang put@. Hyss ng gi-gigil nanaman ako sa lalaking yun sa twing iniinis ako," sabay hampas ko sa table kaya nagulat ako sa ginawa ko at nag peace sign sa mga tao. Kahiya! "Chill ka lang," tawang sabi ni Alex. "Hyss, tulongan nyo naman ako oh, nahihirapan na akong e-tame ang lalaking yun, napaka hirap paamohin, dinaig pa ang aso. Buti pa kayo dyan l@ndi lang kayo ng l@ndi." "He's a wolf, kaya mahirap," tawa nila. "Yah, tama kayong dalawa, mahirap nga. Kaya nga diba tulongan nyo ako kung pano ko yun pa aamohin." "May ask muna ako sayo Paw. Feel mo nag iimprove ba ang pag sasama nyo? Yung maka tingin sya sayo? Naiinis ba sya sayo palagi? Yung gusto ka nyang pat@yin? Or iba sya makatingin sayo? Palagi ba syang nakasimangot sayo?" Tanong sakin ni Alex. "Well, hindi naman, tinatawanan nya ako minsan which is dun ako naiirita sa tawa nya, ng nunuya nga yun sa 'kin palagi! Sarap ibalib@g. At alam mo ba maka sabi sa 'kin ng mal@ndi ang wagas tapos pag umaalis ako ang dami pang tanong kung saan daw ako aalis, sino raw ang kasama ko. Tss, sarap sak@lin. Subrang kulit." 1.64 "I think he's starting to fall on you Paw," sabi nito sa tawag kaya muntik ko nang matapon ang ininom kung iced tea. "Gag0, haha, yun ma fa-fall sa 'kin? Ang halimaw nga ng ugali nun," pagtatanggi ko. "The only thing I can give you a tip Paw is to fl*rt with him, ipamukha mo 'rin sa ka 'nya na hindi mo na sya mahal para habolin ka nya, in other word's kung ano ang ginawa nya kay Pauline noon yun din ang gagawin mo sa ka 'nya ngayon, pero l@ndiin mo rin sya. I bet mahuhulog sya sayo, sige na we have to hang up na, basta update us next month okay? See you," at hinang-up na nila ang tawag habang ako tulala lang. Posible bang may gusto na sakin si Drain? Pero slight lang? Is it time for me to fl*rt with him? Hindi!... P-pero gusto ko na 'rin tung matapos ang misyon nato, hirap na hirap nako sa pang-tritrip sa 'kin ni Drain, siguro it's time for me to flirt with him noh? TINAWAGAN ko na ang private doctor ni Mama. "Hello? This is Paw Velarde, the daughter of Margareta Velarde." "Oh hello, Ms Velarde. I had a bad news for you and also a good news," sabi nito kaya napalunok ako. "Unahin mo nalang ang bad news," sabi ko habang kinakabahan. "Hinahanap ka ng Nanay mo, Ms Velarde, she's always finding your presence in here. Kaya pinapatulog nalang namin sya through injection," sabi nito at uminom ako ng iced tea. Nakahinga ako ng maluwag nang sinabi nya sa 'kin yun, kala ko talaga kung ano ang bad news nya. "And the good news is, hindi na lumalala ang sakit nya. Pero we're not sure kung hindi bato tataas ang sakit nya. We're still working some test on her." "Ah, ganun ba doc, sige salamat. Uhm doc... Pag hinanap ako ng Mama ko, paki bigyan nyo nalang sya ng Jolibee, tas sabihin nyo na pinapabigay ko iyon at busy lang ako," sabi ko. "Oh, sige, Ms Velarde." "Thanks, I'm gonna hang it up," at hinang-up ko na. May naramdaman akong may nakatingin sa 'kin, kaya lumingon ako sa likoran ko ulit, at may nakita akong lalaki na may binabasa na new's paper at naka takip iyon sa mukha nya, kaya hinintay ko yung lalaking yun na itanggal nya ang new's paper sa mukha nya at binaba nya talaga ito. At laking gulat ko nang nakita ko si... Kurt! Si Kurt! What the! Anong ginagawa nya rito? Sinusundan ba 'ako ng lalaking to! Nakita kung tinaas nya ulit ang new's paper pero pumunta na 'ako sa table nya. "Hoi Kurt! Sinusundan mo ba 'ako rito ha!" Sabay tulak ko sa balikat nya. "Uh... Yah," diretso na sabi nya kaya napa-awang ang labi ko. "W-what? Bakit? Narinig mo ba yung pinag usapan ko sa tawag? Ha!" Naging malakas ang boses ko kaya pinakalama ako ni Kurt. "Oo, Paw lahat yun, narinig ko. Bat ka naging ganito? I don't get it, are you hiding from me huh?" Sabi nya at nakita ko ang lungkot at saya sa mukha nya. Napa suklay ako sa buhok ko gamit ang kamay ko. God! Ano na ang gagawin ko! Nalaman nya ang sikreto ko! "Kurt, pag sinabi mo ito sa ibang tao makakatikim ka talaga sa 'kin," pambabanta ko sa kanya at lumakad ako sa table ko. Kinuha ko ang gamit ko at umalis na roon. Nakita ko syang sinundan nya ako, tinatawag nya pa nga ako. "Paw! You should explain this to me! Paw! Tell me everything!" Sigaw nya pero nag lalakad lang ako, wala akong paki sa mga tao, gusto ko nang maka-alis dito. Ugh! Ano ba tung malas na nakuha ko! Bwesit! Nang nasa parking lot nako ay may pumigil sa 'kin sa pag bukas ng pintoan sa kotse ko. "Ano ba Kurt! Ano bang gusto mo!" "I need explanation, anong nangyari sayo? Bat nag-iba ang texture ng buhok mo pati kulay nag iba, at higit sa lahat yung status ng buhay mo ngayon? Why are you acting someone who isn't really you ha? What the f_ck is wrong with your life right now?!" Sabi nya at mas hinigpitan ang kapit sa balikat ko. Kaya inalis ko yun. "Bitawan mo nga ako! Wala kanang dapat malaman kasi hindi na importante, pero pag sinabi mo ito sa ibang tao kung sino ako... I swear Kurt, hinding hindi kita mapapatawad." "Then explain it to me, I want to know the truth Paw, gusto ko malaman kung anong nangyari sa buhay mo, sa nag daang taon. I wanna know!" Nag susumamo na sabi nya kaya napapikit nalang ako sa mata ko. Bwesit talaga! Kung minamalas naman. "Sumakay ka sa sasakyan at mag usap tayo," sabi ko at pumasok na kami sa kotse. Naging tahimik pa ang atmosphere rito kaya inunahan ko na. "Marami ang nangyari sa 'kin simula nung magka sakit ang Mama ko," paninimula ko. Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa buhay ko, pero hindi lahat. "What! So yun ang nangyari sayo? Pero bakit mo tinanggap? Why did you accept on being a fake wife on that man?!" Galit na sabi nya. "Wala na 'akong choice Kurt," sabay iyak ko, "kaylangan ko ng pera sa mga oras na 'yun, lumipat pa nga kami ng ospital at bahay kasi may nag babayad sa mga medical needs ni Mama at mga operations nya, at diko yun kilala! Natakot ako ng mga oras nayun, kasi baka-" Diko na natapos ang sinabi ko nang hawakan nya ang mukha ko. "You're so silly, but ka umalis? Bat ka natakot sa taong nag babayad sa nga kinakailangan ng Mama mo? Alam mo bang tinutulongan kita noon," sabi nya kaya napahinto ako. "Huh?" Nagugulohan na tanong ko. "I was the anonymous man who is paying your Mom's medical need's and her operation's, kung alam ko lang na matatakot ka roon edi sana nag pakilala na 'ako sayo." Halos di 'ako maka salita sa sinabi nya. Sya lang pala ang taong nag babayad sa mga gamot ni Mama noon?! "Bat mo ginawa yun Kurt? Ang laki nun, halos isang milyon na ang natulong sa 'kin. Anong trip mo? Pano kita babayaran nun?" "No need to pay it Paw, I just helped you, naawa ako sa mga oras nayun, sana hindi ka nalang umalis at pinabayaan mo ako na mag bayad sa mga yun," sabi nya kaya mas naiyak ako at nayakap ko sya. "Alam mo ba, na trauma ako sa mga oras na 'yun kasi kala ko kung sino yun." "Sorry, atleast nalaman mo nang ako yun. And Paw kaya ako narito because I want you back Paw, I want you back on my life, Paw, so bad," sabi nito at halos matulala ako. "A-ano?" "Umalis ka sa misyon na yan, sila na ang bahala sa mga buhay nila." "Hindi pwedi Kurt, pag umatras ako sa misyon nato, diko mapapagamot ang Mama ko, at ayaw kung umasa sayo, at higit sa lahat hindi ko matutulongan sila Pauline at yung Nobyo nya ngayon, masaya sila sa buhay nila ngayon ayaw kung sirain yun! Ikakamatay ni Pauline pag hindi ko itutuloy ito. Dapat ko talaga tung gawin. I'm gonna make him fall inlove with me, pag natapos na 'ako, dun na ako aalis, yun naman talaga ang plano. Ayaw ko lang talagang malungkot si Pauline." "Ha! Uunahin mo sila Paw? Pano ka? Sabi mo nga naiinis ka kay Drain kasi sinasabihan ka nyang mal@ndi tas pinag tri-tripan kapa nya. For real I want to k*ll him!" Nag tatagis ang bagang ni Kurt. "Wag kangang OA, hindi naman masakit yung physical at mentally bully nya sa 'kin, nakakainis lang," sabi ko pero tiningnan nya ako ng masama. Halos nanginig ang tuhod ko sa tingin nga. "A-ano? B-bat mo ako tinitingnan ng ganyan?" "I'm not OA, Paw, I'm just worried, umalis ka nalang kasi sa buhay nila, ako na bahala sa lahat ng mga kaylangan mo, papakasalan kita just like how I promised to you, last 4 years," sabi nito at nagulat ako. "Ayaw ko Kurt! Ayaw kung gumawa ng bagay na ikakamatay ng dalawang tao na nag mamahalan," pag tatangi ko. "I don't wanna be selfish, sinimulan ko na to at ayaw kung taposin rito, gusto kung taposin sa magandang paraan." "No Paw, I can't let Drain fall inlove with you, pano pag minahal mo 'rin sya ha?! You should only be mine, akin ka lang," natalula ako sa sinabi nya. Yah, pano pag dumaan ang araw na mahalin ko si Drain? Ang taong kinakainis ko? Pano nga ba pag minahal ko yun? Pero imposible, ayaw kung mahalin ang demony0ng yun! Luc*fer Drain Washingmachine yun! Tas BJDHCA yun! (Big Jerk Demonic Heartless Cold Asshole!) "See you're speechless. Ayaw kung ma agaw ka nya sa 'kin Paw, ikakamatay ko 'rin yun," malungkot na sabi nya, "I'll be freakin jealous, Paw, pag hinalikan ka nya, and what's worst baka may mangyari sa inyo, hindi nga kita nahalikan. Baka unahan nya pa 'ako!" "Hindi Kurt, wag kang mag-isip ng ganyan, at desisyon ko ito Kurt, please lang pabayaan mo muna ako, please, let me finish this, pag natapos ko na to, dun na 'ako titigil." "Malamang dun ka titigil pag tapos kana, pero ayaw ko Paw, ayaw ko nang mag hintay." "Bat mo kasi ako iniwan Kurt, alam mo bang ikinamatay rin ng puso ko yung pag iwan mo sa 'kin halos dika na nag paalam sa 'kin nun, nalaman ko lang ang pag-alis mo sa mga school mate's na 'tin, ang sakit ng ginawa mung put@ng ina ka," iyak ko sabay hampas sa ka 'nya. Hindi yun pabebe na hampas! Lalaking hampas ang ginawa ko sa ka 'nya! Parang suntok! "Sorry okay, diko yun sinasadya, I'm sorry Paw." Sabay yakap nya sa 'kin. "Fine, taposin mo nalang yan, at tutulongan kita, pero Paw pag hinalikan ka ni Drain mapap@tay ko si Drain," sabi nya kaya napalunok ako. Imposible namang hindi yun mangyari sa 'min. "Di 'naman kita boyfriend para pag sabihin ako ng ganyan! Alalahanin mo ha! Ikaw ang nang iwan at break na tayo," inis na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD