8 (CONTINUATION)

3506 Words
"Ano ba problema mo ha!" Sabay tulak ko sa balikat nya. "Nakaka badtrip ka ah!" Sigaw ko sa kanya, naiirita na talaga ako sa babaeng to, kontrabida talaga to! Naawa pa 'ko nito nong nakaraang araw pero na bwesit nako sa kanya ngayon. Napataas ako sa kilay ko nang nag amoy-amoy sya sa harapan ko. "Ang fragrant mo ngayun ah, kaya naakit muna si Drain, mang aagaw ka talaga. You b*tch," diing sabi nya at akmang sas@mpalin ulit ako pero hinawakan ko ang kamay nya at piniga ko yun. "Oh inggit kang burik@t ka? Makapag sabi ng b*tch wagas! E kung ih@mpas ko sayo ang kamay mo na sin@mpal mo sa 'kin!" Sigaw ko at piniga ko nanaman ang kamay nya kaya napa daing sya at binitawan ko na ang kamay nya. Nakita kong inis na inis na 'sya ngayon at gustong pum@tay, pero taas noo nya akong tiningnan. "Shut up. By the way what's your perfume? At ang l@ndi ng amoy... Kagaya mo!" Bwesit talaga to! Pero palaban tayo! "Buti tinanong mung burik@t ka! Ofcourse Avon ang perfume ko!" "Tss, how cheap, pano mo nal@ndi si Drain sakin ha?!" At naglakad pa papunta sa 'kin. "Malamang nil@ndi! And guess what! Yung perfume ko sa Avon is page 32 at ang bango nga ng page nayun eh! At ninodnod ko lang ang page nayun sa damit ko! Edi look at me blooming di kagaya mo parang bulok!" "Hindi mo sya mahal, at hindi ka nya 'rin mahal, dimo nga alam ang paborito nya! Baby nga ang tawagan na 'min non! At Ako lang yung may alam sa mga gusto nya! Kaya bat ka nya minahal! Dapat ako lang yun!" Tinaasan ko ang noo ko, "oo nga, alam mo ang paborito ni Drain at alam mo rin ang ugali nya. Haha pero ang layo mo pa 'rin sa pinag samahan namin." Sinampal nya ulit ako. "Mas malayo kami! 6 years kami nag sama! Eh ikaw! Minahal ka lang nya noong bumalik ka!" Napahawak ako sa mukha ko. "Kahit 6 years kana nyang minahal, ako pa 'rin ang mag papa-amo kay Drain, at ako pa 'rin ang nag iba sa ugali nya, at yung mga paborito nya noon iniba nya narin, sabihin nalang natin napaka paborito na ni Drain ang mga pagkain na kinakain ko ngayon. At yang baby na tawagan nyo... Tsk!... Napaka luma na kasi ng tawagan nyo! Eh yung samin, Tangi! Alam mo ba bakit tangi ang tawag nya sakin? Kasi ako lang ang tanging mahal nya, ang tanging hahalikan nya, ang tanging lal@ndiin nya! Kaya wag kang kapal! Bwesit ka!" At sinampal ko sya. Mas malakas pa sa ginawa nya sakin! Tinulak ko pa sya! At umalis na 'ako doon! Nag madali akong sumakay sa taxi para di nya ako mahabol. Pumunta nalang ako sa isang mall, para ayosin ang sarili ko. Bumili pa 'ako ng bagong damit kasi binuhosan nya ako ng milktea na ininom ko kanina. Bwesit talaga ang babaeng yun! Pati yang si Drain nainis na tuloy ako! Kung sana dinahan-dahan nya ang pakikipag hiwalay kay Cassandra edi sana hindi ako napahiya at nasampal kanina! Bwesit talaga! Putr@gis! Sarap mag wala! *Beep Beep* Napatingin ako sa cellphone ko na nag ring, at nakita ko ang call ID ni Drain, pero hindi ko iyon sinagot kasi nag da-damit pa 'ako at wala akong balak na sagotin ang tawag nya kasi na bwesit ako! *Beep Beep* Bwesit! Ano nanaman ang kaylangan ng lalaking to?! Ika tatlo na nyang pag tawag sakin! Kinuha ko ulit ang cellphone ko at na hang-up nya na pala, at may mga text pa sya sa 'kin. From Drain: ●Paw? Where are you? ●Mag gagabi na oh. ●Come back home please. ●It's 5pm but you're not her. ● Or your with Kurt? Don't you dare go with that man! ● Umuwi ka na nga sabi eh! And answer my call's also! Nag riring pero ayaw mong sagutin! ●Paw naman eh! Wag matigas ang ulo! "Tss, bwesit tong lalaking toh!" Maka uwi na nga lang! Pagka uwi ko sa bahay ay nakita ko si Drain, nakabusangot at naka sandal sa pader, naka cross arms pa. Sinara ko ang pintoan at nag lakad ako papunta sa ka 'nya at akmang lalampasan ko sya pero hinawakan nya ang balikat ko, kaya tiningnan ko sya ng masama. "Do you know what time is it now Paw? Ha?" Tanong nya sa 'kin. "May relo ka dyan Drain tingnan mo Malamang malapit na alas sais boy." Hinigpitan nya ang pag-kakahawak sa balikat ko, "Really? At namimilosopo kapa talaga sakin?" "Luh, nagtanong ka sakin tas ngayon galit ka? Bipolar ka beh," at inikotan ko sya ng mata. "Where the h*ll did you go? At bakit wala ka rito nang bumalik ako? Mhm?" "Pumunta ako sa kompanya, yun lang." "At naka suot ng ganyan?" Sabay taas sa kilay nya, "a oversized t-shirt and a pants? Really? You can't fool me Paw." At hinila nya ako sa dibdib nya. "Just tell me the truth." Lumayo ako sa ka 'nya at inayos ko ang damit ko. "Pumunta ako sa mall! Yun lang! Gumala lang ako!" Binigyan nya ako ng nakaka taka na tingin at ngumuso pa 'sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Sinisinghot singhot nya pa 'ako kaya nailang ako. "Ano ba!" Sabay tulak ko sa ka 'nya. "Grr, wag kang malikot," inis na sabi nya at sininghot pako, tas hinawakan ang mukha ko kaya napa tingala ako sa kanya. "Ano ba problema mo?" "Walang mabahong perfume na dumikit sayo ni Kurt but your face... It's red? Did someone hit you?" Sabi nya kaya nilayo ko ang kamay nya. "Kumain na tayo, mamaya nalang tayo mag usap," sabi ko at tumalikod na sa ka 'nya pero inakbayan nya ako. "Ano na naman?" "W-wala, aakbay lang ako," sabi nya kaya wala na 'akong nagawa. "So how's the other company that you've been managing?" Tanong nya sakin habang may nginunguya syang pagkain. Kanina pato daldal ng daldal. Kairita. "Ayun, It still doing nothing, It just standing there, hindi nga napag isipang umupo man lang. Tanongin mo nalang sya kung okay ba 'sya dun habang nakatayo, wala payung kain eh." Sarcastic na sabi ko. Kaya mukhang nainis sya sa sinabi ko. "Really? You're being sarcastic now hm?" Inis na ngisi nya, pero alam kung napikon nato sa inasta ko. "Ayaw mo maniwala?... Edi, tanungin mo dun." At kumain na ako ulit. Hinampas nya ang kamay nya sa lamesa kaya tiningnan ko sya, "what's your problem Paw? Kaninang umaga okay naman tayo ah, tapos ngayon pag uwi mo dikana okay! You're so mean." "Tss, wag kanang mag drama kumain ka nalang." "What happend to you kasi? Badtrip na nga ako kanina kay Cassandra tapos ngayon ang maldita mo pa,"sabi nya. Wait, nag kita sila ni Cassandra kanina? "Ano ba ginawa ni Cassandra sayo?" Walang mood na sabi ko, kaya lumapit si Drain sa 'kin at lumuhod sya tapos kinuha nya ang kamay ko at nilagay nya sa ilong at sa pisngi nya. "Ugh, she just slap me, kaya nga oh! Dumugo yung ilong ko Paw, tingnan mo, yayay ako," parang bata na sabi nya kaya ngumiwi ako. Gag0 pala yung Cassandra nayon, sinampal kaming dalawa ni Drain. Ano kala nya sa ginawa nya sa 'min! Crossfire at dinobol k*ll nya?! Hyss, kairita. Kinuha ko ang kamay ko, "pareha lang tayo, sinampal din ako ng babaeng yun kaya nga na badtrip ako sayo ngayon! Kasalanan mo kasi eh, sana dinahan dahan mo ang pag hiwalay nyo, yan kasi padalos-dalos," irita na sabi ko. "So sinampal ka nya rin? What?!" "Ay hindi! Di 'nya ko sinampal," sarcastic na sabi ko kaya sumimangot na talaga sya. "Stop being sarcastic okay," naka simangot na sabi nya. *Woof Woof* Nagulat ako nang may tumahol sa ilalim ng mesa at napatayo ako sa gulat kasi nakita ko ang isang balbon na aso! Ano to!... Aso?!... San to galing!... Isang Shihtzu! Na kulay gray white! "Bwesit!" Sigaw ko, dahil sa gulat kaya nahawakan ako ni Drain. "Woah, chill chill," sabi ni Drain. "Kanino yan?! Bat yan naka pasok!" Sigaw ko. "Oh, I bought that for you, I didn't tell you earlier bad trip ka kasi," sabi nya at napa kamot sya sa batok nya. My gosh! Kala ko talaga ano! Nagulat tuloy ako. "P-para s-san?" "Ng liligaw diba ako sayo? Kaya binibigyan kita ng aso, I just want to impress, you know," ngiting sabi nya habang naka pikit kaya pinisil ko ang mukha nya. "Aww, thanks," sabi ko kaya namula ang pisngi nya. Kinuha ko ang aso, ang cute talaga, katulad sa bumili. Nawala tuloy yung stress at galit ko. "Hello, ang cute mo," nang gigigil na sabi ko, at nilingon ko si Drain, "anong name gusto mo? Ako gusto ko chessy, cute ng name noh?" "No, it's ugly," sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay, "I want to name him... Drainy, para maalala mo 'ako." "Lalaki toh?" Sabi ko kaya tumango sya. "Is he cute? Like me?" Naka pamewang na sabi nya kaya tumango ako. "Hi Drainy, kumain kana?" Sabi ko. *Woof Woof* "Oo," napalingon ako nang si Drain ang nag salita. "Hindi ikaw! Tang@!" Sabi ko kaya sumimangot sya. May dalawang cute na nilalang nako rito! Isang Tao na Drain at isang Aso na Drainy. NANDITO ako ngayon sa opisina at may chini-check ako na mga papeles, nang may biglang matangkad na lalaki na humarap sa lamesa ko kaya tiningala ko ito, at nakita ko si Kurt, naka ngiti sya kaya napatayo ako. "Kurt," gulat na sabi ko. "I'm glad that Drain's not here," sabi nya kaya napatingin ako sa paligid at wala nga si Drain. "Bat ka pala nandito?" Tanong ko at napatingin ako sa likoran nya at may tinatago syang... Flowers?! "I bought this flower for you," sabi nya kaya mas nagulat ako. "Kurt, di 'ako pwedi nyan may allergy ako nyan," sabi nya kaya tinaasan nya ako ng kilay, "I mean! Si Pauline allergy sya dyan, at alam mo namang nag papanggap ako na Pauline diba? Kaya di 'ako pwedi nyan," kinakabahan na sabi ko kaya mabilis na lumabas si Kurt at siguro tinapon nya ang flowers. Nakabalik si Kurt na may dala nanamang... Pusa! What?! "I'll just change my gift for you," sabi nya kaya napalunok ako. "P-para s-saan?" "Wala lang, I just want to give you a gift. Natandaan mo ba?" Sabi nya kaya napa isip ako. Tandaan ang ano? "Check the date," sabi nya kaya bigla kong naalala! Anniversary pala namin! "You know what Paw, I just want to say sorry to what I have done to you, bumabawi lang ako. Even thought I'm not your boyfriend anymore... I always remember the day you say yes to me, kaya here, a cat for you because you always scratch my heart everytime I see you, and you also give me shiver's," hiyang sabi nya kaya kinuha ko ang pusa na kulay puti. Balbon din ang isang to, parang yung aso na binigay sakin ni Drain noong nakaraang linggo. "Ehem!" Napalingon kami nang makita namin si Drain na naka cross arms. "D-Drain?" Kinakabahang sabi ko. Lumapit sya sa 'min kaya napalunok nalang ako."What brings you here? Mr Northern? Looking for me?... Or..." At tininganan ako ng masama ni Drain. "You're looking for my wife?" Diin na sabi ni Drain sa bawat salita na sinabi nya kaya nilagay ko nalang ang pusa sa upoan. "Hehe, wala wala Drain, nangungumusta lang sya sakin," kinakabahan na sabi ko habang ngumingiti. "Oh really?" Mapanlarong sabi ni Drain. Ugh! Kairita talaga ang ganitong tuno na boses ni Drain, parang hindi na niniwala at para bang nag babanta sya ng kamat@yan. "O-oo nga, d-diba Kurt?" Sabi ko kaya tumango si Kurt. "Tss, as far as I heard... Someone has an anniversary right now? Ow, anniversary nyo pala ngayon?" Sabi nya habang nakalagay ang isang kamay nya sa panga nya at ang isa naman ay nasa tyan nya. Parang binuhusan ako ng tubig sa kaba, "k-kanina k-kapa ba n-nakikinig?" "You seems very very very intense Paw, shempre kanina pa 'ko sa labas!" Sigaw nya at akmang lalapitan si Kurt para bugbogin pero pinigilan ko sya. "Wag ka ngang humanap ng away Drain," pigil na sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa likoran nya. "Let go of me Paw! Pap@tayin ko tong gag0ng to! Aagawin ka sakin! Ugh!" Sigaw nya at winawagay way nya ang kamao nya para masuntok nya si Kurt pero iwas ng iwas naman si Kurt. "Tama na Drain! Bwesit ah!" "Nooooooo Paw! Come here you son of a b_tch! Binigyan mo pa ng pusa ang asawa ko for your anniversary! Come here! I'm gonna k*ll you! Ugh! Bitawan mo 'ako Paw! Pap@tayin ko ang lalaking yan!" Sigaw nya na para bang isa syang bata na nakikipag away sa isang classmate nya. Habang ako naman pinipigilan ko 'sya sa pagiging ka immatchuran nya! He's acting like an immature man right now! "Drain! Tama na nga! Bwesit ah! Pag hindi ka tumigil yari ka sakin! Hindi mo talaga magugustohan ang gagawin ko sayo!" Malakas na sigaw ko kaya napa hinga ako nang hindi na nag pupumiglas si Drain. Tiningnan nya ako ng masama, at nagulat ako nang nilayo nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa ka 'nya. "So your on his side?! I can't believe you Paw! She's stealing you away from-" Di 'nya na tapos ang sasabihin nya kasi may biglang pumasok at nagsalita. Isang... Isang matandang boses! "What is happening in here?!" Si... Si Don Bernardo! Waa ang Lolo Dad ni Drain! Deds na talaga! "Bat kayo nag sisigawan? May nangyari nanaman ba sa inyong dalawa Paw at Drain?!" Galit na sabi nito kaya napa yuko nalang ako at inayos ang buhok ko. Tumakbo si Drain sa likuran ni Don Bernardo at nag sumbong. "Sila kasing dalawa Lolo! Si Pauline ah! Palaging kinakampihan si Kurt! Ako na nga tong na agrabyado! Dun pa sya sa kaaway kakampi!" Galit na sabi ni Drain kaya napa nga-nga ako. "H-hindi ko na-na 'man pinag tatanggol s-" "Silence!" At malakas na tinatak ni Don Bernardo ang tungkod nya kaya napalunok nalang ako. "Yan kasi, palaging naka kampi sa ibang lalaki," naka cross arms na sabi ni Drain at inikot nya ang mata nya. Ano batong inaasta nya? Parang brat! Nilingon ko si Kurt sa likoran ko na naka yuko rin. Nagulat nanaman ako nang magsalita ulit si Drain, "looking at him again?! Really Paw?!" Galit na sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Akala ko ba mag kakaayos kayo ni Paw habang nandito kayo sa Canada?! But what is this! You just start another argument! Nalaman ko sa mga tauhan ko na nag aaway kayo this past month, and this month naman hindi na raw kayo nag aaway! Pero ano to? Nag aaway parin kayo! Oh my god! What am I supposed to do with the two you ha!" Galit na bulyaw nito. "Edi... I hiwalay nyo kami ni Drain," sabi ko at nakita ko ang pagka pula sa mukha ni Drain, galit na galit nato. "No!" Sigaw ni Don Bernatdo. "Ayaw nyo kaming mag away diba? Kaya nga ihiwalay nyo na lang kami para tapos na!" Sabi ko. Biglang lumapit si Drain sa upoan at kinuha nya ang pusa doon... At ang sunod na ginawa nya ay nag pagulat sakin! Hinagis nya ang pusa sa mukha ko at muntik nako ma faceshot nun, buti sa dibdib ko lang, at nakuha ko pa ang pusa na sumigaw sa pag hagis nya. "That's it! I'm f_cking done in here! Wag na wag mo talaga akong kakausapin Pauline! Mag sama kayo!" Sigaw nya at lumabas sa opisina at hinampas pa ang pintoan na napaka lakas. 1.93 Napa hilot nalang sa sintido si Don Bernardo. "Habolin mo yun Paw, ininis mo na yun, mag aaway nanaman kayo nito kaya habolin mo yun!" Galit na sabi ni Don Bernardo kaya napalunok ako at tumakbo nalang ako sa labas. "At ikaw rin Mr Northern! Get out of here! You just made a big mess!" Galit na bulyaw nito kaya napatingin ako kay Kurt na sumunod narin sakin. "Sorry Paw," malungkot na bulong nya. "Okay lang, sumabay ka nalang sakin, susuntokin ko talaga ang Drain na 'yun! Tingnan nya anong ginawa nya sa pusa na binigay mo sakin!" "Just give me back the cat-" "Mm! Ayaw ko! Aalagaan ko toh! Basta sumabay ka sakin pupuntahan natin yung drama king nayon! Bwesit talaga!" Nakita ko si Drain na papalapit sa isang Elevator kaya tumakbo ako at wala akong paki kung may tao, si Kurt na 'man sumunod sa 'kin. "Drain!" Sigaw ko, kaya nilingon nya ako at tiningnan nya ako ng masama at mabilis syang sumakay sa Elevator, at pag 'ka punta ko sa harap ay maliit nalang at mag sisirado na ang pintoan, buti nalang ay na harangan ko sa kamay ko, at pumasok ako. "The f_ck why are you here!" Galit na sabi nya pero pumasok nalang ako at pumasok din si Kurt, at mas lalong lumala ang mukha ni Drain. "Get the f_cking out of here!" Sigaw nya kay Kurt pero sumirado na ang pintoan. "Hoi Drain! Alam mo napaka drama king mo kanina! Eh ex ko lang si Kurt eh!" Di 'nya ako kinibo kaya tinapik ko sya pero di nya parin ako nilingon. "Hoi!" Tawag ko pa sa kanya pero wala syang kibo. Pinindot nya ang number 6 at 0 pabalik-balik. "Ugh! This is taking so long," iritang sabi nya habang pinipindot nya parin ng pabalik-balik ito kaya nag ka cause ng pag 'ka stock sa elevator! *Bogsh* Minalas na 'man! *Electric Sound* Muntik akong matumba kaya buti nalang nahawakan ako ni Kurt kaya inikotan ako ng mata ni Drain at nakita ko ang pag kuyom sa kamao nya, tas nag-taas baba pa ang dibdib nya, umigting pa ang panga! Selos na selos na talaga to! B-baka di 'nako magustohan ng lalaking to! "You okay?" Tanong sa 'kin ni Kurt kaya tumango ako. *Electric Sound* Nawala na ng tuloyan ang ilaw rito kaya dumilim na pero hindi masyadong madilim nakakakita parin naman. At ang init pa! Dyos ko! Can this day get any worser! Kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang cellphone ko pero diko pala nadala kaya napa takip nalang ako sa mukha ko, may pusa pa 'akong kasama rito. "Hello! May tao ba dyan!" Sigaw ko pero walang nakakakinig kaya hinampas ko ang kamay ko sa elevator, ang sakit tuloy. "Sinong may cellphone sa 'inyo? Ikaw Drain meron ka?" Pero di 'nya ako tinapunan ng tingin naka igting lang yung panga nya, galit na galit talaga to kaya pinabayaan ko nalang. "Ikaw Kurt?" "S-sorry I don't have also," sabi nya habang tumutulo ang pawis nya. Hinawakan ko ang balikat nya, "oi, okay ka lang ba?" "Y-yah, i-it's just ang init eh tapos yung amoy sa elevator nakaka suka,"sabi nya kaya sininghot ko ang elevator pero dinaman ah, ganito talaga ang baho pag nawalan ng aircon ang isang lugar. "Dikaba sanay?" Tanong ko at umiling sya at tumulo nanaman ang pawis nya. "May panyo ako rito, gamitin mo nalang." Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ko yun. Ibibigay ko na sana kay Kurt nang hablotin iyon ni Drain. "Ano ba?!" Napatingin ako sa kanya pero inikotan nya lang ako ng mata. Sya ang gumamit sa panyo at pagkatapos nun nilagay nya sa bulsa nya kaya nainis na 'ako sa kanya! Sarap nyang bugb0gin sa inasta nya ngayon pero dapat pigilan ko ang sarili ko kun 'di malalagot ako nito. "I-it's fine P-paw, ako nalang ang mag aadjust," sabi nya kaya napakunot ako sa noo ko kasi bigla syang nag hubad sa harapan ko! Yaa! Yamete Kudasai! Ano toh! Waa! "Hoi! Anong ginagawa mo!" Kinakabahan na sabi ko. "Sorry Paw, ang init kasi eh," hinihingal na sabi nya kaya tumango nalang ako at napiga ko pa ang pusa kaya hinimas ko nalang. Napatingin ako nang mag salita si Drain, "your right, ang init nga rito kaya let's make it more hotter," sabi nya at hinubad nya rin ang coat nya at pati ang puting long sleeves nya! "Hotter than the inner core," sabi nya pa ulit kaya muntik nako matumba dahil nahubad nya talaga ang damit nya! Shemay! Kung si Kent ay may katawan ng isang fitness instructor si Drake naman ay katawan ng mga hot greek gods! Ano bato! Dalawang lalaki na malalaki ang muscle! First time ko maka incounter nito ha! Tapos itong si Drain naman humirit pa! Di 'nako makahinga sa dalawang to kaya umiwas nalang ako ng tingin, kasi alam ko ang pula na ng mukha ko ngayon, tas maka tayo sila parang hindi ordinaryo kasi naka pose tas winagay-way pa ni Kurt ang damit nya para mahanginan sya kasi di nya gusto ang amoy sa loob. Understand ko si Kurt kasi masyadong namimili sya ng amoy at madali syang nasusuka pero itong Drain nato! Nag papakitang gilas lang to! Umiiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang tatlong oras na kami rito at diko na makayanan ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD