NAPABUNTONG – HININGA si Vivianne matapos niyang makausap ang kanyang kapatid. Ang dami naming hindi alam. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, minasdan niya ang batang natutulog ngayon. Nakaka – guilty ito, kung hindi ba napahamak si Ashley? Hindi rin ba namin malalaman ang lihim na iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Kung kailan pa talagang madamay ang bata, doon pa talaga malalaman no? napailing – iling na lamang si Vivianne. Mahimbing siyang nakatulog nang tumawag ang kanyang kapatid na si Tashia, hindi pa nakabalik noon si Sharlene, dahil aalamin pa nito ang katotohanan, isa pa’y isa siya sa dahilan kung bakit hindi niya natulungan si Leah noon. Habang tinitingnan niya ang bata, bigla na lamang bumukas ang pintuan. Akala niya’y bumalik na si Sharlene, laking gulat n

