NANDITO ngayon ang asawa ni Sharlene, tiningnan niya lamang itong magkatabi na nakaupo masaya pa itong nagkwentuhan, benabalewala na lamang niya ang kanyang nakikita ngayon.
Napabuntong – hininga siya, nandoon si Ashley na katabi ng kanyang asawa, alam niyang kinukuha nito ang atensyon ng ama, ngunit, hindi nito pinapansin. Masakit sa damdamin niyang makita ang anak niyang ganoon. May ama nga ito, subalit, hindi naman nito pinapansin.
Naging abala na naman ang gabi niya ngayon, malapit na nilang ihatid sa huling pahingahan ang kanyang lola, dahil nag – leave lang siya sa trabaho para asikasuhin ang hindi niya inaasahang problema.
Naramdaman niyang may humihila sa manggas ng kanyang damit, kaya naman, tiningnan niya ito, sumalubong sa kanya ang malungkot na tingin na ibinibigay ni Ashley sa kanya, hindi man ito kumikibo, pero, dama niya ang kalungkutan nito.
“Bakit?” tanong niya sa bata na hinaplos ang pisngi.
Umiling – iling na lamang ito sa kanya. “Ma, papahinga na muna ako.” Mahina nitong sabi sa kanya.
Kinarga niya si Ashley, ihahatid na lamang niya ito sa kwarto nila, total lumalalim na rin ang gabi at kailangan ng matulog ng kanyang anak ngayon.
Nilampasan niya ang dalawang nagkwentuhan.
“Sharlene.” Tawag ng kanyang magaling na asawa.
Lumingon na lamang siya at tiningnan nang makahulugan.
“Gusto ko na munang kargahin si Ashley.” Ngumiti pa ito sa kanya.
“Matutulog na si Ash, kanina lang siyang nag – aantay sa iyo.” Kalma niyang sabi sa kaharap niya.
Ayaw niyang magalit ngayon.
“My bad, my bad, napasarap lang ang kwentuhan namin ni Shiela, hindi ko napansin si Ash kanina.” Napatawa pa ito nang mahina.
Kumulo bigla ang dugo niya sa kanyang narinig.
“Go on, nakaabala pa kami sa pag – uusap ninyong dalawa.” tiningnan niya nang mataman ito.
“S—Sharlene, sorry if you feel that way, masyado lang talaga akong madaldal, look, kami na muna bahala sa bata.” Sabat naman ni Shiela noon, na marahang ngumiti sa kanya.
Napansin niyang ayaw ng lumapit ni Ashley sa mga ito, kaya naman, hindi na niya pinansin pa ang pinagsasabi ng kaharap niya, kailangan na niyang maihatid ito at matulog nang mahimbing.
Lumakad siya papalayo sa dalawa.
“Sharlene!” tawag pa ni Shiela sa kanya. Hindi siya nakinig pa, at tuloy – tuloy siyang naglakad hanggang nakarating sila sa kwarto.
Agad niyang pinatulog ang kanyang anak.
“Huwag kang mag – aalala, di aalis si mama sa tabi mo hangga’t hindi ka pa nakatulog.” Hinalikan niya ito sa noo, masuyo niyang tiningnan ang kanyang anak na nakatingin sa kanya.
Nalulungkot pa rin ito ngayon. “Anong gusto mong gawin ni mama?” tanong naman niya sa bata.
Ngumiti ito sa kanya. “Dito ka lang sa tabi ko, ma, hangga’t makatulog ako.” Sabi pa nito.
Tumango na lamang siya, tinabihan niya ito sa pagtulog, nakayakap lang ito sa braso niya, siya naman hinaplos – haplos nito ang pisngi ganoon na lamang ang kanyang ayos hangga’t sa napansin niyang nakatulog na ito nang mahimbing.
Dahan – dahan siyang bumangon para hindi niya maabala ang pagtulog ng kanyang anak noon, inayos pa niya ang hihigan nito para maging komportable ito sa pagtulog.
Lumabas siya sa kwarto nang may nag – aantay sa kanya, napabuntong – hininga na lamang siya at nilagpasan ang lalaking nag – aantay sa kanya. Hindi niya inaasahang hindi pa ito nakitulog sa ‘kaibigan’ nito.
Sinusundan siya nito.
“Humingi ka ng paumanhin kay Shiela, Sharlene.”
Naigting ang tenga niya at tiningnan nang masama ang lalaking kaharap niya, umarko ang kilay niya noon.
“Anong nagawa kong kasalanan na kailangan kong humingi ng paumanhin?” napatanong na lamang niya.
“You disrespect her, alam mo bang nag – abala pa iyong tao na makiramay sa iyo.” Sabi naman nitong naka – cross – arm pa na tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Napakunot naman ang noo niya.
“Disrespect? What a big word coming from you, Martin.” Matama niyang tinitigan ang kausap niya.
Lumapit ito sa kanya, tinitigan siya nang matalim na tingin. “Kung hindi mo kayang respetuhin ang bisita ko, binabalaan kita, Sharlene, hindi maganda ang mangyayari sa iyo.”
“Pwede mo bang sabihin sa akin kung paano ko siya winalangya, Martin?” tanong naman niya rito na hindi nagpatalo sa titigan na ibinigay ng kanyang asawa.
Napailing na lamang ito sa kanya at biglang lumayo “You really are disgusting woman.” Agad itong umalis at lumabas sa bahay.
Napakuyom lang siya sa kanyang palad noon. Napaupo na lamang siya sa couch noon nang mag – isa, iniisip niya kung tama ba ang desisyon niya na kumapit sa isang relasyong alam niyang hinding – hindi na kayang buuin. Nag – aalala siya sa mga kilos na makaapekto sa kanyang anak na si Ashley. Nanginig ang kamay niya sag alit sa kanyang sarili.
You really, hopeless, Sharlene. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napapikit siya noon, at agad sumandal sa couch.
“Ate.” May tumatawag sa kanya.
Napalingon na lamang siya, nakita niya si Tashia.
“Tashia.” Napabuntong – hininga na lamang siya noon.
“Ayos ka lang?” pag – aalala nitong tanong sa kanya.
“Pasensya na, medyo napagod lang.” paghihingi niya ng pasensya.
Napabuntong – hininga na lamang ito. “Nasaan si Ashley, ate?” tanong nito sa kanya na hinahanap ang bata sa paligid.
“Ah, she’s sleeping soundly.” Napangiti na lamang siya sa kanyang kausap.
Napatango na lamang ito sa sinabi niya. “Pwede ko ba siyang bisitahin?” tanong na lamang nito sa kanya.
Nagulat naman siya sa inaasta ng kanyang kausap. “O --- Oo naman.”
“Wala na ba sa labas silang Martin?” tanong naman niya kay Tashia.
Hindi naman ito nakasagot sa katanungan niya. “Nakita ko silang umalis na, dahil may trabaho pa silang dalawa bukas.” Sabi naman nito sa kanya.
Napatango – tango naman siya. “Mabuti naman wala na sila.”
“Bakit ate? Anong ginawa nila sa iyo?” tanong naman sa kanyang kausap.
“Ah,” nag – iisip siya ng sasabihin. “I --- I mean, kailangan nan ga nilang umuwi, dahil, may mga trabaho pa sila.” Sabi niya para hindi magduda si Tashia sa relasyon na kinasangkutan niya.
Napabuntong – hininga na lamang ito. “Dadalawin ko na muna si Ashley, pagkatapos, magpahinga ka na muna, ako na muna bahala ngayon.” Rinig niyang sabi ng kanyang kausap.
“Salamat, Tashia.”
Kumikirot ang noo niya at hinimas – himas niya ito, naramdaman na lamang niyang parang may tumabi sa kanya. Kaya naman, nagising ang kalamnan niya napatingin naman siya sa kinauupuan niya ngayon.
Wala siyang nakitang tao na tumabi sa kanya, hinahaplos – haplos ng malamig na hangin ang braso niya na siyang nagpapatayo ng kanyang balahibo sa katawan. Napalunok na lamang siya, agad siyang umisod noon, pero, nakaramdam pa rin siya na may katabi siya sa couch.
Kumalma ka, Sharlene. Ito na lamang ang nasabi sa kanyang isipan, babalewalain na sana niya ang nararamdaman niya ngayon nang may nahagilap ang tingin niya na isang babaeng nakasoot ng panluksang kasootan.
Napabaling na lamang siya, hindi niya mahanap ang boses niya at hindi siya makasigaw, hindi niya makita ang mukha nito, ngunit alam niyang nakatitig ito sa kanya, bigla – bigla na lamang itong ngumiti sa kanya.
Shh. Rinig niya ang boses na humalo sa hangin biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakita niya ngayon.