“FELICIA, nandito ka na pala.” Ito lang ang narinig ni Felicia dahil pinapunta siya ng isang lalaki, alam niyang ama ito ni Manuel, naninigarilyo ito kaya amoy na amoy niya ang hinihithit nitong sigarilyo. “Huwag kang matakot sa akin, bagkus, gusto ko lang pasalamatan ka sa iyong ginawa.” Napangisi pa ito sa kanya. Wala siyang kibo na nakikinig na lamang sa pinagsasabi nito. “Name your prize, my dear, Felicia.” Napasabi pa nito sa kanya. “Kagaya ng napag – usapan natin.” tipid na tipid sumagot si Felicia sa kanyang kaharap. “Sure, sure, ibibigay ko ang lahat nang iyon, alam ko namang madali kang kausap e.” May mga pinirmahan itong mga papeles. Ito ang kapalit na hindi siya tumuloy sa pagtulong sa kaso ni Leah, isa pa’y kapag hindi siya sumunod dito, manganganib din ang buhay niya.

