DIRETSO kaagad si Tashia sa ospital, pagkatapos ng kanyang klase, nasa private room na inilagay si Ashley noon, nalaman nila sa assessment na nag – re – respond ang gamot nito at isa pang gamot para malusaw ang blood clot nito sa utak. Ngunit, kasabay ng magandang balitang iyon, ay may kailangan silang gawin, tutulungan nila si Sharlene sa gagawin nito, pinagsawalang – bahala pa rin ng kanyang ate ang asawa nito, at ang naging kaibigan ni Sharlene kay Sheila. Dahil alam nilang may kinalaman ang kapatid nito noon. Sa kanyang pag – iisip ay nakaabot na siya, at dali – dali siyang pumasok. Nandoon si Sharlene, hinahaplos ang noo ng anak na alam niyang nangungulila sa yakap at lambing ni Ashley, hindi pa rin ito tinanggalan ng oxygen, para matulungan pa rin itong huminga. Tiningnan niya

