NAGULAT na lamang si Vivianne sa sagutan na nangyari kanina. Nakita niyang napaupo na lamang si Sharlene nang makaalis ang dalawa. Bumili na siya ng pagkain nilang tatlo, sasamahan na niya rito ang dalawa. Alam niyang mag – iiba na naman ang takbo ng kanilang oras at panahon ngayon, dahil sa nangyari kay Ashley. Napakuyom siya sa kanyang kamay at napatitig siya kay Tashia noon. Sinisisi rin niya ang nangyari, dahil hindi niya sinabi kay Sharlene ang mga pangitain niya. Napabuntong – hininga siya at tumabi kay Sharlene, pinagitnaan na lamang nila ito. Tahimik lang itong nakahalumbaba na nasa malalim ang pag – iisip. “Huwag mong sabihin sa akin na nagsisisi ka?” napatanong na lamang niya at napabuntong – hininga. Nagpakawala ito ng hangin at tiningnan siya noon. “Tama ba iyong ginawa ko

