CHAR- Chapter 4

1557 Words
"Alright! Make it hot!" Halos tumirik ang mga mata ko nang marinig ang request ng photographer. Photoshoot ng bagong ila-launch na alak ang dapat na nangyayari pero mas gusto n'ya yata na kalandian ang makuhanan ng camera n'ya. Akala n'ya yata ay rated SPG ang shoot na ito. Umismid na lang ako bago ginawa ang gusto n'ya. Inisang lagok ko ang laman ng wine glass at iniabot iyon sa isang staff. Kaagad namang sinalinan ng staff ang baso ng matapang na alak na ilalabas na sa market sa mga susunod na linggo. Mapang-akit na tumingin ako sa camera bago idinikit ang bibig ng wine glass sa mga labi ko. Ang isang kamay ko ay bahagyang nakahaplos sa pagitan ng mga dibdib ko habang ang kaliwa kong paa ay nakapatong sa armrest ng sofa. I'm wearing a red dress. Mababa ang neckline niyon kaya bahagyang nakasilip ang dibdib ko. May mahaba rin iyong slit sa magkabilang hita at dahil sa posisyon ko ay kitang-kita ang maputi at makinis kong hita. "That's great!" Sabay pang sigaw ng direktor at ng photographer. Muli akong nailing at umayos ng tayo. Iniabot ko sa staff ang wine glass at humakbang patungo sa photographer para makita ang mga shots. "You were really good!" the director told me. Tumango na lang ako at pinasadahan ang mga shots. They were all good. Nakuha ng mga shot ang gusto ng director, a mysterious, seductive yet elegant touch of shots. Matapos makita ang mga shots ay nagpaalam na ako sa kanila at maging sa mga staff. Masama pa rin ang timpla ko nang dumiretso ako sa dressing room ko. "Hey!" Mabilis na nakasunod sa akin ang manager ko. "What was that? Maganda naman ang mga shots, bakit parang badtrip ka na naman?" I rolled my eyes. Hinarap ko si Kian. "This is the last time na magsu-shoot ako ng ganitong uri ng photoshoot. I belong to the runway and then, photoshoot ng alak?" Napapalatak si Kian. "Hello, Sabina! Naririnig mo ba ang sarili mo? Isang kilalang brand ang Peroci! At sa oras na pumayag kang maging ambassador nila ay malaki ang kikitain mo at may rasyon ka pa ng mga alak nila monthly!" Mabilis akong umiling. "No. I love alcohol but I rather spend money than to do that. Kulang na lang ay sabihin nila sa aking makipaghalikan ako sa wine glass para lang makuha nila ang gusto nilang shot!" Natatawang napailing na lang si Kian. "But you have to consider the offer. And huwag ka nang magreklamo dahil parusa mo ito dahil sa ginawa mong paglalayas noong nakaraan." Lumabi na lang ako at itinaboy s'ya. "May iba ka pa bang sasabihin? Magbibihis muna ako pero kung gusto mo akong samahan, puwede naman," mapanuksong wika ko. "Yuck! Kadiri ka!" Halos tumirik ang mga mata n'ya. "Kung may gusto man ako sa katawan mo, iyon ay ang malulusog mong hinaharap saka gusto ko for me not as in like ko! Gusto ko rin lang ng katulad n'yang mga bola mo sa dibdib!" Natatawang binato ko s'ya ng nahawakan kong damit. Umismid pa si Kian bago tuluyang lumabas ng silid. Pinagtuunan ko na ng pansin ang pagbibihis. Isang short shorts at tube top ang isinuot ko na tinernuhan ko ng leather jacket. Inayos ko ang buhok at binura ang makeup. Nang matapos ay isinuot ko naman ang boots at lumabas na ng dressing room dala ang bag. "Oh my God, Sabina!" Halos lundagin ako ni Kian. "Bakit ka ba lubos na pinagpala sa babaeng lahat, huh?" Kinunutan ko s'ya ng noo. "Bakit? Huwag mong sabihing gusto mo na namang angkinin ang isa sa mga dragon balls ko?" tanong ko at hinawakan pa ang kaliwang dibdib. "Gaga!" Pinandilatan n'ya ako ng mga mata at hinila palabas ng studio. "Ang gusto kong malaman ay kung bakit lahat yata ng papa na nakapaligid sa 'yo ay mga makikisig!" Halos magwala na s'ya nang ituro ang receiving area sa labas ng studio'ng kinaroroonan namin. Saka ko lang naintindihan ang dahilan ng pagwawala ng hormones n'ya nang makita ang hindi inaasahang bisita. Prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa ang lalaki at walang kamalay-malay na may isang nilalang na naglalaway sa kanya. "Ay, kulang ng isa," dismayadong wika ni Kian. "Dalawa sila kanina." Hindi ko na lang s'ya pinansin at naglakad na patungo sa bisita. "Josiah Calian Stefano, anong masamang hangin ang nagtaboy sa 'yo rito sa France?" malakas ang boses na tawag ko sa matalik na kaibigan. Awtomatik na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni JC. Binitawan n'ya ang binabasang magazine at mahigpit akong niyakap. "I miss you, Sab!" Nakangiting tinapik ko ang balikat ng kaibigan. Siguro ay dahil na rin sa tagal ng pinagsamahan namin noon kaya kahit hindi s'ya nagsasalita ay alam ko na agad na may problema s'yang dinadala. "It's been years," tugon ko at dumistansya sa kanya. "What are you doing here?" Naupo kami sa sofa. Ipakikilala ko sana sa kanya si Kian pero nang hanapin ko ang manager ko ay nakita kong abala na s'ya sa pakikipag-usap sa cellphone n'ya. Nagkibit ng mga balikat si JC. "Wala namang dahilan. I just want to wander without a map." I tilted my head. "So, you want to go into places without a destination..." JC smiled weakly. "Nasa Pilipinas na si Gabriella. May ilang linggo na at balita ko ay nagsisimula na s'ya sa trabaho n'ya sa main company." Tumango ako. "Yeah. We met in Canada before she went home, kasama namin sina Sebi and Alfon." "And Sebastian told us that you almost p**e at him." "Almost." I giggled then turned to him. "By the way, tell me the real reason why you're here. Huwag mong sasabihing kagagala mo ng walang destinasyon ay nakarating ka rito sa Pransya?" JC chuckled. "I want a change of career, Sab." Hindi ako nagsalita. "Kaya iniwan ko muna ang kompanya namin na ilang taon ko ring inalagaan. I thought gusto ko ng sarili ko so I build one with Chris." I nodded. "I heard about that. Kumusta naman ang kompanya n'yo?" "It's unbelievably doing great." "But you're not," kaagad na tugon ko. He grinned. "Yeah." "Anong sinabi ni Chris? Alam ba n'ya ang tungkol sa pagbabagong sinasabi mo?" "Yeah. He told me to go and find what I wanted in my life." Tumango-tango ako. Tinapik ko ang braso ng kaibigan. "Then, go. Sail without a map." JC smiled. "I want to go back to the sea." Hindi man ako umuwi ng ilang taon sa Pilipinas ay may alam naman ako sa nangyayari sa kanila. Kasama na roon ang dating career ni JC. He was a captain of a ship for two years. "Does it excites you?" tanong ko. "It's giving me goosebumps all over my body." He smiled, a genuine one. "I miss the ocean, you know." Pinisil ko ang kamay n'ya. "Then, sail. Alam mong kahit anong piliin mo ay susuportahan ka namin." "Sabina, long time no see." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nang iangat ko ang mga mata ko ay kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman ko sa sandaling ito. "Markiel!" Nilundag ko ang bagong bisita at kung hindi siguro athlete si Markiel ay baka pareho na kaming gumulong sa sahig. "Hey! Calm down," natatawang wika ni Markiel. Ibinaba n'ya ako. "You look good." I smiled at him. "And you look like you were destined to me." Dahil sa sinabi ko ay nag-collab ang halakhak ng dalawang siraulo. Ngumuso na lang ako. "Seryoso ako, uy. Ano nga palang mayroon at bakit nandito kayong dalawa?" Itinuro ni JC si Markiel. "Naisip kong manuod ng laro n'ya sa Belgium. Nagkita kami roon at nagkasundo kaming bisitahin ka rito dahil malapit na lang naman." Napailing ako. "Kakaiba ka talagang magliwaliw, nakaabot ka na pala sa Belgium." JC laughed. "I want a fresh start, you know." "What did you told him?" Markiel asked me. "I hope you didn't scold him." I shook my head. "Of course not! I'm not immature anymore. I told him to swim the Pacific Ocean!" Natatawang ginulo ni Markiel ang buhok ko. "Na-miss kita, Sabina." Hindi ko naman pinalampas ang pagkakataon, agad akong nag-puppy eyes. Mas lalong natawa ang dalawang lalaki dahil sa ginawa ko. "Nasabi ni Sebastian na wala ka raw planong bumalik sa Pilipinas, totoo ba iyon?" maya-maya ay tanong ni JC. "You should visit there," segunda naman ni Markiel. "Nakauwi na si Gabriella." I looked at them. "Wala namang rason para bumalik pa ako roon, nandito na ang buhay at karera ko. Kuntento na ako rito." Nagkatinginan silang dalawa bago huminga nang malalim. Sabay pa talaga sila! "Let's not talk about me." Inayos ko ang bag at tumayo na. "How about alcohol? Libre ko." "Bawal ako." Ngumisi si Markiel. Nakalimutan kong atleta nga pala ang lalaking ito. "Ayoko naman. Tinatamad akong uminom," tanggi naman ni JC. Nagkibit ako ng mga balikat. "E 'di don't. Ako na lang mag-isa ang magba-bar." Tumawa ang dalawa. Inirapan ko na lang sila. Kaagad nga lang akong natigilan nang may pamilyar na lalaking dumaan sa salaming dingding ng studio. Si Gian? Mabilis akong tumakbo palabas ngunit wala akong nakitang Gian doon. Sinubukan ko pang habulin ng tingin iyong mga taong naglalakad ngunit hindi ko na nakita ang hinahanap. What the hell was happening with me? Noong una ay sa Canada, ngayon naman ay dito sa France?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD