"At hindi mo man lang sinabi sa amin ang tungkol sa bagay na ito, Sabina?!" Mataas na ang boses ni Tito Rafael. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon ng tiyuhin. Sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa inakala kong prank calls na natatanggap. Maging iyong text message na inakala kong na-wrong send lang sa akin. Nandito na rin sa opisina ko sina Investigator Lucas at ang iba pa n'yang mga kasamang pulis. Iniimbestigahan nila iyong mga ipinadalang funeral flowers ngunit hanggang ngayon ay wala pa yata silang nalalaman sa sender niyon dahil through call nag-order ang taong iyon. Iyong mga numerong tumatawag naman sa akin ay sinubukan na rin nilang i-trace ngunit wala silang nakita. Hindi na raw nag-e-exist ang mga numerong iyon kahit pa nga iyong katatawag lang sa akin kanina. Pi

