CHAS- Chapter 28

2007 Words

It was a chaotic night. Hindi ko na nga alam kung paano natapos ang eksenang iyon sa loob ng bar. Ang gusto ko na lang ay mag-destress sa pamamagitan ng pakikipag-away doon sa dalawang babae. I didn't ask Letticia, even Gabriella. Mukhang kilala nila iyong dalawang pokemon at baka nga ay kilala ko rin— hindi nga lang sila relevant kaya hindi ko na tinandaan kung anong role nila rito sa mundong ito. May kutob nga lang ako na iyong sumampal kay Letti ay iyong mapapangasawa ni Mackisig. Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng plano na pigilan ang kasal nilang dalawa. Hindi ako papayag na mapupunta sa isang kulang sa manners iyong si Mackisig! Kahit ganoon ang isang iyon, mahal ko naman ang kaibigan naming iyon! "Ow, bakit kita nadala?" tanong ko sa yakap na bote ng alak habang papunta sa park

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD