CHAS- Chapter 52

2925 Words

"Wow! Ang ganda rito!" Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at lumabas na mula sa sasakyan. I heard Gian, sinasabihan n'yang mag-ingat ako ngunit hinayaan ko na lang s'ya. Dire-diretso ang takbo ko paakyat sa sementadong hagdanan. Mamasa-masa pa iyon at medyo madulas. Mukhang umulan sa parteng ito pero suwerte pa rin kami dahil saglit lang yata iyon at ngayon nga ay okay na. Nasa isa kaming private campsite rito sa Barangay San Luis sa Antipolo. Gusto pa sana namin ni Gian na roon sa mga sikat na pampublikong campsite ngunit parehong nagbago ang mga isip namin dahil na rin sa estado ko. Muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala ako basta makakapag-camp sa mga pampublikong lugar. Baka magkaroon pa ng komosyon at hindi pa rin ganoon kabukas sa publiko ang relasyon namin ni Gian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD