Laurence POV
simula pa lang ng una kong makasama si kate talagang natutuwa na ako sa kanya, inisip ko baka dahil cute sya kaya ganun, nakakatuwa kasi talaga siya kasama, at komportable ako sa kanya, kapag iniinsulto sya ni liam sa harap namin, nakakaramdam ako ng inis,
naalala ko nung nilait ni liam ang physical appearance nito hindi ko napigilan hindi umimik, pinagsabihan ko sya na kung wala syang magandang sasabihin sa tao wag na syang magsalita, alam kong nagalit ito sa sinabi ko base sa tingin nya, kilala ko sya kaya alam kong uminit ang ulo nya, pero mas pinili na lamang nito na tumahimik, ngunit kung nag patuloy sya mauuwi kami talaga sa suntukan, ewan ko bakit ganun sya magsalita kay kate, naisip ko tuloy di kaya may gusto sya dito, pero base sa reaksyon nya kapag nandyan si kate ay wala itong interes dito, nang gabi na naghapunan kami sa bhay ni liam, talagang nakakabigla ang sobrang pag babago nito, napaka ganda nya, ngunit ang talagang nakapukaw sa akin, ay ang reaksyon nya ng mapansin nya na nakatitig kami sa kanya, bahagya syang nailang at bahagyang namula ang pisngi, and it is really atractive,
Kaya hindi na ako nag dalawang isip na ayain sya manatili kasama namin, napansin ko na nilapitan sya ni zack at inalok na uminom, sinaway ko kaagad ito mabuti at sumunod naman ito, kilala ko si zack hindi sya basta basta lalapit sa babae ng walang motibo, pero nung si yuan ang lumapit kay kate, i felt triggered, lalo na nung ngitian sya nito, ewan ko pero bahagya akong nainis kay yuan, it seems like, they were really close, naisip iparamdam sa kanila na binabakuran ko ito, inaya ko siya sumabay samin kumain at pinaupo sa tabi ko, ako ang naglagay ng pagkain sa pinggan nya, nag abot ng inumin dito, tinitignan na nga ako ng makahulugan ng mga mokong pero wala akong paki, dahil yun ang gusto ko ipaalam sa kanila, this girl is mine, noong nilapitan ko sya para hingiin ang number nya, nagulat ako na lumapit din si yuan, tinitigan ko ito na pinapaalis ko sya, ngunit gumanti din sya ng tingin, na sign ng pagtanggi nya, hiningi din nito ang number ni kate,
kung ganun gusto din nito si kate,
Alam ko na didiskarte ito kay kate kung ganon, uunahan ko na sya,
Aayain ko lumabas si kate, nag send ako ng message sa kanya...
'' hello kate. i just wanna Ask ,if it's okay for you, if I invited you for a date these weekend.?''
Ilang minuto lang at nakatanggap ako agad ng replay nya..
'' naku sir hindi po ako pwede hindi po kasi ako day off nun ''..
Kaya agad kong tinawagan si liam, sumagot naman ito kaagad.
(Liam): bro. Bakit?.
(me): bro, gusto ko sana I date si kate payagan mo sya magday off sa sunday
(Liam): bakit pumayag naba sya?
(me): f**k bro payagan mo nalang sya.
(Liam): anu paba magagawa ko, hindi ka naman tumawag para makiusap, your comanding me.
(me): hehe, sige bro salamat, bye.
Sabay end ng call.
napatawa naman ako, hindi naman talaga ako yung tipong nag aabuso ng posisyon, pero sa ginawa ko parang ganun na din, wala kasi kahit sino sa kanila ang tatanggi kapag nagutos ako, sa ganung way, alam kong hindi tatanggi si liam, babawi nalang ako sa kanya kapag sya naman ang may favor, agad akong nag send ng text message kay kate.
...''nasabi ko na kay liam na niyaya kita lumabas kaya ok na at yun ay kung papayag ka?!'' then sent, ilang minuto ko pa inaantay ang text nya, kaya agad ako napangiti ng magreplay na sya.
...''sige sir wala pong problema saan po ba tayo magkikita?!''..replay nya..
...''good!!!. im going to fetch you on sunday at 7am ok..'' sinend ko
'' ok sir ''... Napa yes ako pa ako, nakakaramdam ako ng excitement, ewan ko ba kung bakit, pakiramdam ko tuloy para akong teen ager na nagaaya ng date sa crush ko.
Liam's POV
'really, usal ko sa sarili, aayain nya talaga si kate na makipag date, is he serious, come on.
kakatawag palang kasi sakin ni laurence at inutusan akong payagan si kate na magday off sa sunday, dahil inaya nya ito ng date, Palibhasa alam nyang hindi ako makakatanggi kapag inutusan nya ako, ewan ko ba para kasi syang may super powers na kapag nagutos napapasunod nya kami,
'Pumayag kaya si kate." bulong ng isip ko, Parang gusto ko siyang tanungin pero bakit ko naman gagawin yun, 'hhhaaayyyy." frustrated kong usal, naihilamos ko pa ang sarili kong kamay sa mukha ko, mas lalo lang ako naiinis, pero di talaga ako makapagpigil kaya naisip kong tumawag, natigilan pa ako ng maisip na wala nga pala akong number ni Kate, ni hindi rin kami friends sa mga social media accounts ko, nakagat ko pa ang ibabang labi ko sa pag iisip, naisip kong sa landline ng bahay tumag, agad kong kinuha ang phone at dinial ang number sa bahay, ilang ring palang nito at may sumagot na kaagad,
'Hello, Sino po sila." tanong ng nasa kabilang linya, alam kong si manang miding ito, 'manang si liam to, Sabi ko pa.
'Ayyy sir kayo po pala may papagawa po ba kayo?." pagtatanong nito.
napatikhim naman ako, 'Ahhmm, si kate, gusto siya kausapin." saad ko.
'Si kate po, Nasa taas po sandali tatawagin ko." anito
'sige manang." tugon ko, 'anu ba!. ''Bakit ko pa siya hinanap." pagkastigo ko sa sarili, 'anu bang ginagawa ko?, Ano naman ang sasabihin ko sakanya." natatarantang saad ko sa sarili. 'kung kamustahin ko sya." bulong ko sa sarili 'iniwasan mo nga sya, ang obvious mo." pagkastigo ng isip ko, para na akong nasisiraan.
'Hello sir." boses ni kate
pagkarinig ko sa boses nya biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko, parang halos di ako makahinga at di makapag isip ng matino, 'bilis mag isip ka ng dahilan liam." Mahinang usal ko sa isip.
'Hello sir." Anito na natatagalan sa sagot ko.
'Aahhh, may folder sa office ko sa ibabaw ng table, may laman iyon na documents, dalhin mo dito sa office ko ngayon na." maawtoridad kong saad.
'Ok po sir, yun lang po ba." Tanong nito.
'Oo yun lang, and please lang wear decent clothes, bye." Sabay end ng call.
Hindi naman talaga ganun ka importante yung document na yun wala lang ako maisip na dahilan, 'naku!." usal ko sabay sabunot sa sarili ko, 'anu ba tong ginawa ko, pinapunta ko pa siya dito, yung taong iniiwasan ko, pinapunta ko dito sa office ng walang mahalagang dahilan, baliw na nga yata ako."
Kate's POV
tumawag si sir Liam para ipadala yung papeles na kaylangan nya, kasalukuyan akong naririto sa harap ng napaka laking building, sa labas palang napaka enggrande na nitong tignan, kung di ko alam na office ito at mga employee ang nandito aakalain kong hotel ito, mula sa magagandang ilaw at stone ceramic na sahig at magagandang mga paintings, may sofa na pwedeng maging comfortable ang mga tao, may mga mangilan ngilan akong nakikita na nakaupo doon, malawak at maaliwalas ang buong reception, napakaganda ng design, buti nalang at sinunod ko ang sinabi ni sir Liam na magsuot ng disente, kung hindi magmumukha akong basahan dito, naka maroon fitted dress ako ngayon na above the knee tapos nag heels na din ako ng tumankad naman ako, maliit na sling bag na hanggang sa hita ang haba, syempre nag ayos na din ako, naglagay nalang ako ng light make up, lumapit ako sa receptionist at nginitian naman ako nito. 'hello po gudafternoon, pwede ba kay sir liam." nakangiti kong saad.
'Sorry maam, pero may appointment po ba kayo sa kanya?." Tanong nito.
'Ahhh, hindi may pinapadala kasi sya sa akin na documents." saad ko.
'Ok maam, please wait for a while." Magalang na saad nito.
sige po, saad ko. napansin ko naman na may tinawagan ito tapos ay bumaling syang muli saakin.
'excuse me, maam, are you miss kateleen perez." tanong nito
tumango naman ako 'Yes maam." sagot ko pa.
'Ok, miss perez you may go in 20th floor, sir liam is expecting you at his office. nakangiting saad nito.
'Thank you po...ani ko naman at pumunta na sa elevator at pinidot ang 20th floor.
pag bumukas ang elevator na pa wow ako sa ganda ng lugar, carpeted ang sahig nito at napakalawak pero walang kataotao, napansin ko naman ang isang babae sa loob ng isang glass wall na room, mahaba ang buhok nito at naka office attire, 'siguro ito yung secretary ni sir Liam." bulong ko sa sarili, Kumatok naman ako, bumaling naman ito sa akin at ngumiti, pumasok na ako ng tuluyan upang magtanong,
'Ahhh, maam, saan po ang office ni sir liam." pagtatanong ko, tinignan naman ako nito maigi, na para bang sinusuri ako, napakunot naman ako ng noo.
'Miss kateleen perez, Sir liam is waiting for you inside, please follow me." saad nito at kumatok sa pinto na nasa gilid lamang nya, binuksan niya ito at pumasok, sumunod naman ako sa kanya, nakita ko si sir liam na nakaupo sa table at siryosong nakaharap sa computer.
'Sir Liam, miss perez is already here, anito.
tumingin naman ito sa gawi ko saka bumaling sa secretarya.
'Ok, thank you, you may go. tumango naman ito at umalis.
Lumapit naman ako dito, 'ahhmm sir Liam, ito na po yung folder na nasa table nyo." saad ko naman
'Ilagay mu nalang jan." utos nito ng hindi manlang tumitingin, ipinatong ko naman ang folder na dala ko sa table nya, 'sige sir Liam, aalis na po ako." pagpapaalam ko. nakita ko naman na umayos siya ng upo at bumaling sa akin, 'Bakit pinaalis naba kita." walang emosyong Anito.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya, 'aba anong gusto nya tumayo ako mag hapon sa harap nya." mukhang napansin nya ang pag taas ng kilay ko, kaya bahagya pang natawa,
'Umupo ka muna." saad nito at itinuro ang sofa, at dahil masunurin ako umupo ako tutal nakakapagod din ang magbyahe,
'Nakakain kanaba ng lunch." tanong nito habang nakatuon sa computer,
'Opo sir." ani ko naman
'Okay then, eat again." anito
napa 'Ha." naman ako
'Hindi pa kasi ako kumakain kaya samahan mo ako." anito na ikinagulat ko. 'di ba todo iwas ito sa akin, bakit ngayon nagpapasama siya saakin, di kaya may naiisip nanaman itong kalokohan, di pa ako nakakabawi dun sa rabbit ha!, Naku bibingo kana talaga." puno ng pagdududang bulong ko, wala naman akong magagawa sasamahan ko talaga sya kumain, at nang tumayo sya at inaya ako palabas, sumunod nalamang ako.
Dinala naman nya ako sa isang mamahaling restaurant, my god, kahit minsan di pa ako nakakain sa ganitong restaurant, nakakahiya man aminin pero yun ang totoo, kasi mukhang mayayaman ang mga customer dito, siguro napaka mahal ng pagkain nila dito, pero syempre di ko yun pinahalata, habang sya ay nakatingin sa menu, tinignan ko din naman ang menu, binaba ko din ito agad, ee pano wala akong mabanggit kahit isang pangalang ng dish, ang hirap bigkasin para tuloy akong hindi marunong mag basa, lakas maka engot.
'May napili kanaba?." Tanong nito.
'Wal." sabi ko naman, napakunot naman sya ng noo.
'Bakit naman, ayaw mo ba dito." aniya
'Hindi sa ganun, hindi kasi ako pamilyar, ikaw nalang ang bahala." ani ko, parang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin at sya na ang nag order, habang inaantay ang order namin sandali naman kaming natahimik, dahil walang may gusto mag salita samin, bigla naman akong na awkward, 'anu ba yern." bulong ko sa isip ko, tumikhim naman sya kaya napabaling ako sa kanya, 'nasabi nga pala ni laurence yung date nyo." biglang anito, bigla ko naman yun naalala, 'sabi nga nya, binangit niya na pinagpaalam niya daw ako sayo."
'No." Anito na ikinakunot ng nuo ko, anu sinasabi nito? 'Hindi ka nya pinagpaalam saken inutusan nya ako na pumayag." anito. napataas naman ako ng kilay sa kanya, So, anu to, sinasabi ba nya na napilitan lang sya pumayag, anu naman, bakit nya to binabanggit.
'Ok." puno ng pagtatakang tugon ko napa kunot naman siya ng nuo nya.
'Ok." Ulit nya na parang naiinis.
Anu ba gusto nitong marinig, 'bakit may problema po ba sir." Sabi ko pa...
Natahimik naman sya at nakatitig lang sakin, hanggang dumating na yung order namin, tahimik kaming parehas hanggang matapos kami kumain, nag paalam lang ako sa kanya sandali na mag pupunta ng wash room, naghugas lang ako ng kamay at nag ayos ng konte palabas na sana ako ng may makabungguan ako, napa sigaw naman ang babaeng kabungguan ko, nahulog kasi ang bag nya at nagkalat ang mga gamit, 'naku mukhang mamahalin pa naman kung magkataon ubos ang sweldo ko baka kulang pa nga pambayad." nagsorry naman ako ng akmang pupulutin ko ang gamit nya, nang tinulak nya ako at napadapa ako sa sahig, ang sakit ng tuhod ko pero pilit akong tumayo, binalingan naman ako ng babae, "dont touch my things!!." sigaw nito sa akin,
'My god, alam mu ba kung magkano itong bag at mga gamit ko." mataray at galit na galit nitong saad, ang mas ikinagulat ko ay nang lumapit ito at sampalin ako ng ubod ng lakas, napaiyak ako sa sakit, pati na din sa sama ng loob, buong buhay ko wala pang sumampal sakin ng ganun, kahit pa mismong magulang ko hindi ako sinampal ng ganun, pero dahil lamang nagkabungguan kami sinampal nya ako ng ganun ganun lang, bakit dahil ba mayaman sya, may karapatan syang saktan ako!!." sigaw ng isip ko, kaya tinignan ko sya ng masama, 'at talagang lalaban kapa ha!." sigaw nito at akma nya akong papaluin ng bag na hawak nya, natigilan ito ng may pumigil ng kamay nya, nang makita ko kung sino yun, nakita ko si sir liam, hawak nya ang kamay ng babae, halatang mahigpit ang pagkakahawak nya rito dahil napapangiwi ang babae sa sakit, 'bitawan mo ko!." sigaw ng babae. pabalya nyang binitawan ang babae at tinitigan ito ng masama, na sobrang nakakatakot buti nalang at hindi ako ang tinitignan nya ng ganun, first time ko sya makita magalit at talagang nakakatakot.
Binalingan nya ako, nag iba naman ang ekspresyon ng mukha niya, lumambot iyon na may pagaalala, pinahid niya ang luha sa pisngi ko, at ng hawiin nya ang buhok ko, may pinahid sya sa labi ko, dumudugo pala ito hindi ko na namalayan, pero nang gawin nya yun parang may kung anu na masakit sa dib dib ko, napaiyak ako na para akong nagsusumbong na bata dahil inaway ng kalaro, hindi na ako nahiya pa sa kanya, ang alam ko lang pakiramdam ko safe na ako ng dumating sya, niyakap naman nya ako, at muling bumaling sa babae,
'Sino kaba? Tanong nya sa malalim na boses.
'Bkit?? anung paki mo, tatangatanga kasi ang babaeng yan, ani naman ng babae.
'Wala kang karapatan na gawin ito sa kanya, because you are just a slut." pang iinsulto nito sa babae.
'anong sinabi mo, hindi mo ba ako nakikilala, ang lakas ng loob mo sabihan ako ng ganyan! asan naba ang manager!." bulyaw nito.
maya maya ay lumapit na ang manager dahil pinagtitinginan na kami, nang makita nito si sir liam ay nagulat ito at napatingin sa akin, lumapit ito kay sir liam, 'sir I'm really sorry for what happen sir Liam, hinging patawad nito hindi naman ito nag salita.
'Bakit ka humihingi ng dispensa sa kanya , dapat sakin ka humingi ng sorry ako ang argabyado dito." bulyaw ng babae, inawat naman sya ng manager, 'maam, kung pwede po humahon kayo." ani ng manager, 'anung kumalma bakit sino ba ang isang yan, hindi nyo ba ako nakikilala?." baka gusto mong ipatanggal kita dito." anito na hindi nagpapapigil, bakit sino kaba?! Tanung naman ni sir liam na nagpupuyos na sa galit pero nanatiling kalmado, lumapit naman ang manager kay sir liam, 'ahh, sir anak po sya ni mr. Chen ng li group, ani nito.
Napangisi naman si liam, 'ahhh, ganun ba!." Sabay kuha ng phone nya may dinial at nilagay sa tenga
'Hello, mr chen." anito na ikinabigla ng babae.
'Imposible nagsisinungaling ka!." Sigaw ng babae...
'Ni loud speaker nya naman para marinig ng babae,
'Mr chen kilala mo ako diba, confident na sabi nito habang nakatingin ng matalim sa babae.
'Yes, mr liam han." sagot ng nasa kabilang linya
Nakita ko ang pamumutla ng babae.
'Tungkol sa business proposal na sinubmit nyo saken." saad ni sir Liam habang nakatuon parin sa babae ng namumutla na sa takot.
'Yes mr han, sana ay mapag bigyan mo kami, malaking tulong ito sa amin, anito
'Sorry pero hindi ako mag sasign ng contract, at kasalanan yan ng anak mo." nakangising saad ni nito,
'Pero mr liam.!! Pahabol ng nasa kabilang linya, pero pinutol na ni sir liam ang tawag, at binalingan ang babae na ngayon ay namumutla at nanginginig, nawalan ito ng imik, nginisihan naman ito ni sir liam, ano kilala mo na siguro ako, anito sa nanunuyang tono, sabay hawak saakin at inalalayan ako palabas ng restaurant, naiwan namang nakatulala ang babae, at hindi makapaniwala sa nangyari,
Inalalayan nya ako na makapasok sa kotse at pinaupo sa tabi ng driver seat, habang nasa byahe walang nagsasalita ni isa sa amin, nang makarating na kami sa building ng office, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko papasok, Kaya lahat ng makasalubong namin ay nakatingin samin, gusto ko hatakin ang kamay ko pero ang higpit ng hawak nya, pagbukas ng elevator ay sumalubong secretary nya samin.
'Bring me the first aid kit, utos niya dito, agad naman sinunod nito.
Pinaupo nya ako sa sofa akala ko bibitawan nya na ako at aalis na, pero hindi, naramdaman ko nalang na umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang baba ko at pinarap nya ako sa kanya, bumilis nanaman ang kabog ng dibdib ko at nandyan nanaman yung mga paro-paro sa sikmura ko, sinalubong ko ang tingin nya at nakita ko ang pagaalala nya, hinimas nya ang pisngi ko kaya bahagya akong napapitlag sa kanya, pero tinitigan lang nya ako, mabuti at dumating ang secretary nya kaya naalis ang pagkakatitig nya sakin, anu ba ang ginagawa nya magpapafall nanaman sya tapos hindi nanaman ako sasaluhin, nag eenjoy ba sya sa ginagawa nya saken, saad ng isip ko, napansin ko nalang na may kinuha syang bulak at nilagyan ng ointment, at pinahid sa gilid ng labi ko, napa aray naman ako, masakit pala yun mahapdi kasi yung ipinahid nya, mahapdi ito, pero mapapagaling nito agad ang sugat mo, anito. tiisin mo lang ng konte, dagdag pa nya wala naman ako nagawa, napatitig ako sa kanya lalo na ng hipan nya itong sugat ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nag alala ako na marinig nya ang puso ko kaya umiwas ako kaagad sa kanya,
'akala ko ba matapang ka!." Agad na sabi nito, napatingin naman ako ng masama sa kanya.
'Bakit di ka lumaban nung sinaktan ka nya? anito.
'gagawin ko yun dumating ka lang." singhal ko sa kanya.
napangiti naman ito, 'Talaga!!! ee bakit para kang pusang ngumangawa kanina, anito na nanunuya.
'Grabe sya, ang exagerated mo, napaluha lang." sagot ko naman sa kanya, napailing nalang siya sa sagot ko, 'nga pala." pag agaw ko ng atensyon nya napatingin naman siya saken, bakit tanong naman niya.
'Ee kasi tungkol dun sa tatay nung babae, talaga bang di kana mag iinvest sa kanila." nagaalangang Tanong ko. napakunot nuo naman sya sa akin,
'Oo." tugon niya 'bakit." Tanung ko naman, 'dahil ayoko sa ugali ng anak nya dapat matuto syang disiplinahin ang anak nya." anito. 'dahil ba sa nangyari kanina, saad ko naman, pero tinitigan lang nya ako, 'wag mo sana idamay ang kumpanya nila sa pagkakamali ng anak nya, wala syang kinalaman duon, at sapat na siguro na malaman nya na mali ang ginagawa ng anak nya, may mga ganun kasi na magulang, para sa kanila ang pinaka magandang ibigay sa mga anak nila ay ang magandang buhay na matatamasa nila, hindi nila alam na napapariwara na ang anak nila, sometimes kaylangan lang silang maunawaan." diretsong saad ko, nakita ko naman syang napangiti kaya napatuon ang attensyon ko sa kanya, 'bakit." tanong ko Pero tinignan nya lang ako saka ngumiti.
'Wala lang nakakatawa lang na, ikaw na nga ginawan ng masama pero gusto mu pa sila bigyan ng pabor." saad niya
Nginitian ko naman sya, 'ok lang yun madali lang kasi ako magpatawad mahirap kaya ng masama ang loob." tugon ko naman, napa tingin naman sya sa tuhod ko, di ko din napansin na may pasa pala ako duon, pinahidan nya iyong gamot para daw mabilis itong mawala, ganun nalang ang gulat ko ng tumingin sya sken, sakto namang nakayuko din ako, halos naamoy na namin ang mga hinga ng isat isa, iiwas na sana ako pero nagulat ako ng hapitin nya ako, tuluyan na akong nahirapan huminga sa bilis ng t***k ng puso ko, nagtitigan kami napansin kong napalunok sya, di ko na napigilan tignan ang malambot nyang labi, para akong nanghihina kaya hindi ako makabawi ng hininga, hanggang di ko na namalayang hinalikan na nya ako, nagulat ako pero hindi kona namalayan na tumugon din ako sa halik nya, napaka mabini nang klase ng halik nya, parang sinusuyo nya ako, naramdaman ko na pinapasok nya ang dila nya sa bibig ko pero hindi ko yun pinapayagan, hindi kasi ako kumportable, hindi ito ang first kiss ko pero ito ang unang romantic kiss ko, kaya naman humiwalay sya ng konte, at bumulong, open your mouth for me, saad nito sa nakakaakit na boses, at muli akong siniil ng halik, sa pag kakataong ito mas mapusok na ang klase ng halik na ginawa, nya binuka ko ng konte ang labi ko kaya naipasok nya ang dila nya sa bibig ko, at malayang ginalugad ng dila niya, hindi ko naiwasang mapaungol ng sipsipin nya ang dila ko, pakiramdam ko matinding kahihiyan ang ungol nayun pero kumawala padin, napasinghap ako ng buhatin nya ako, at pinaupo sa harap nya, habang hindi naghihiwalay ang mga labi namin, nagtagal kaming naghahalikan ng tumunog ang phone nya, halos ayaw nya pa sagutin yun kung hindi pa ako ang umawat sa kanya, wala naman syang nagawa kundi sagutin ang tawag.