get his attension

3911 Words
Ilang araw na rin ang lumipas at patuloy lang inaasar ni liam si kate, para tuloy silang aso at pusa, ngunit di naman talaga sila nag aaway, gusto lang talaga ni liam na inaasar ang dalaga, clumsy na nga ang tawag sa kanya ng binata. atleast mas masasabi naman ni kate na mas naging close sila, nakauwi narin naman galing cebu si aling miding, ngunit madalas padin sya ipatawag ni liam, at may kung ano anong ipinapagawa sa kanya, madalas naman nag aasaran lang silang dalawa para tuloy silang bata, Kasulukuyan ngayon nasa garden si kate, sobra kasi siyang napapasaya ng mga bulaklak, naramdaman naman niya na may dumating, napabaling siya dito hindi nya akalain na si yuan pala ito, talagang crush nya ito, hanggang ngayon, kaya palihim syang kinikilig nang lapitan sya nito. 'ahhmm bakit sir, may kailangan po ba kayo, pagtatanong ni kate. nginitian naman sya nito, wala naman, inaantay ko lang si liam, sabi pa nito. 'ahhh ganun po ba?." mas lumapit naman ito upang tignan ang pinagkakaabalahan ng dalaga, 'anung tinitignan mu?.'' Tanong nito. 'ahh wala naman itong mga bulaklak lang, namumulaklak na kasi yung mga halaman, ang refreshing tignan ang ganda kasi." tugon naman ng dalaga. 'uo nga tama ka, ang ganda nga." anito na nakatingin sa kanya. nagkatinginan sila ng matagal, parang medyo kinabahan ang dalaga, 'Anu yun sino tinutukoy nya maganda?." Tanong nya sa isip nya. nasa ganoon tagpo sila naabutan ni liam, tumikhim ito ng malakas, dahilan upang balingan nila ito, nakatitig ito ng masama sa kanila, bahagya naman napakunot ng noo ang dalaga ng makita ang reaksyon nito, 'anu ginagawa mu dito yuan?." tanong ni liam sa malamig na tono, para itong nagpipigil ng inis. tinignan sya nito bago muling bumaling kay yuan, tumawa naman si yuan. 'anu kaba bro, bakit ayaw mo naba na pumupunta kami dito?." Tanong ni yuan? Na para bang inaasar si liam, nagtaas naman ng kilay si liam, patunay na wala sya sa mood makipagbiruan. napatawa naman lalo si Yuan sa nakikitang pagkainis kay Liam, 'sige na nga, ito pirmahan mo, sabay bigay ng folder na hawak, urgent ko yan kaya dinala ko na agad dito akala ko kasi andito kana." ani ni yuan. kinuha naman ni liam ang folder at sumenyas kay yuan na sumunod, pero bago pa sila makaalis binalingan muli ni liam si kate, at tinignan ng masama, naiwang nagtataka naman si kate?, 'Bakit may nagawa ba ako?." Sabi nya sa sarili. Ilang araw na ang nakakalipas simula ng last na nagkita sila ni liam, para bang iniiwasan sya nito, napapaisip naman ang dalaga kung bakit? Gabi na at tulog na lahat pero wala parin si liam, hindi naman nya ito inaantay, di lang talaga sya dalawin ng antok, nag decide nalang sya lumabas para uminom ng tubig, ngunit natigilan siya ng may makita sya daga, bahagya pang napatili ang dalaga sa pagka bigla, ang laki!! nabibiglang usal ni kate, patay ang lahat ng ilaw tanging liwanag lang galing sa labas ang maaninag, pero sigurado siya na daga iyon, nagtago sya sa gilid ng aparador na hindi malaman ang dapat na gawin, bigla namang dumating si liam, at kapwa sila nagulat at muntik pa syang masaktan ni liam, mabuti na lamang at hindi natuloy ni liam ang amba nya sa dalaga, 'anu ginagawa mu jan." tanong ng binata, 'sshhh, saway ng dalaga na nakalagay ang isang daliri sa labi na pinapatahimik siya, sabay hatak sa binata, 'anu ba bakit?." Ulit na tanong nito, parehas na sila nakatago, 'may daga." mahinang sabi ng dalaga, nanlaki ang mata ni liam sa pagtataka paano magkakaroon ng daga sa bahay nya? 'Nasaan." tanong ng binata? 'Andun nag tatago sa ilalim." saad ng dalaga, 'akmang susunggaban ito ni liam, ngunit pinigilan sya ng dalaga, anu kaba baka magulat at mas lalo pang makatakas yan, saway ni kate dito, 'anu gusto mu? Tanong naman ng binata, 'antayin nating lumabas." ani ng dalaga. napangisi naman si Liam dito, 'Nagpapatawa kaba, panu kung hindi na yan lumabas jan, edi buong magdamag tayo dito." saad ni liam. 'hindi basta lalabas yan." sabi lang ng dalaga, wala ng magawa si liam kundi mag antay kasama sya, bahagya pa syang natawa, pagod sya galing sa office, pero imbis na magpahinga andito sya nanghuhuli ng daga. san kapa nakakita ng maghuhuli ng daga ng nakaformal wear pa ang susyal ng dagang huhulihin ko. Natatawang saad sa sarili. napabaling ang atensyon nya sa dalaga, hanggang ngayon ay nakahawak pa parin ito sa kanya simula ng hilain sya nito, napatitig sya sa mukha nito, hindi malaman ni liam kung bakit parang mas gusto pa nya ito titigan ng mas matagal, wari bang kinakabisa nito ang mukha ng dalaga, samantalang ang dalaga ay nasa inaantay na daga ang attensyon. napabalikwas si liam ng kalabitin sya ng dalaga at sumenyas na anjan na!!, akmang unti unting lumapit si liam ng may mapansin sya at natigilan, napataas pa ang kilay ny dito, May daga ba na tumatalon? takang saad ni liam. napa Ha? naman si Kate, na parang naguguluhan, 'baka nagpraktis sya tumalon, ani pa nya, tinignan naman sya ni liam na hindi makapaniwala sa sagot nito sa kanya, napapailing itong kinuha ang phone sa poket nya at nag flash light, pag bukas nun sabay nilang nakita ang isang rabit na kulay itim, Dahil sa excitement na hawakan ang rabit, sinunggaban yun ni kate dahilan para matriger ang rabit na kagatin sya, pipigilan sana sya ni liam sa gagawin nya dahil alam nito na ganun ang mangyayari, ngunit huli na ang lahat, napa aaarraaayyy naman ang dalaga, nakita nalang nya na dumudugo ang daliri nito, 'bakit mu kasi sinunggaban." ani ni liam sa nagaalalang tono. 'hindi ko naman alam na nangangat yan ee!." napabuntong hininga nalang ang binata. hindi nila malaman kung papano nakapasok ang rabbit sa bahay, mukhang alaga ito baka nakatakas lang ng hindi namamalayan at naligaw sa kanila. kasalukuyan naman silang nakaupo sa kusina habang ginagamot ni liam ang sugat ni kate, hindi naman ito umiyak pero nakikita ni liam na talagang nasasaktan ito, pagkatapos nya na itong gamutin nakaisip naman ng kalokohan si liam, palihim pa itong ngumiti, 'ok na yan kaso." bitin na saad ni liam, 'anong kaso." takang tanong ni kate na nababaghan, bumuntong hininga naman si liam, dahil pinipigilan nyang matawa, 'kaso kasi malakas ang rabies ng rabbit, kung hindi ka makakapag paturok kaagad, magiging malala tlaga! pangungumbinsi nito, halos muntik pa siya mapatawa habang nakikita ang reaksyon ng dalaga, 'kasi nakakamatay ang rabbies nito hindi lang halata sa kanila pero malakas ang rabbies nila." pananakot pa nito, nakita naman nya ang reaksyon ng dalaga kaya pigil na pigil nya ang tawa nya, 'sige, matulog kana magpapahinga narin ako, saad pa ni Liam, pag talikod nya tahimik na tumatawa ang binata habang paakyat ng kwarto. Si kate naman ay di makatulog sa pag aalala sa sinabi ng binata, alam kasi nito na lisensyadong doctor ito, kaya di naman siguro masasabi lamang ito sa kanya ng ganun, mas lalo naman syang kinabahan, 'Panu kung totoo nga, hayy, bahala na." frustrated na saad niya kinabukasan pumunta nga ng hospital si kate at dumiretso sa emergency room, nakita naman niyang busy ang nurse, at lumapit sya sa taong naka uniform na blue, di nya alam na ito pala ang attending physician ng mga oras na yun, ngumiti naman ito sa kanya, at napansin nya ang kakisigan ng doctor kaya bahagya syang pinamulahan ng mukha, 'anu po ipapakonsulta nyo, may masakit po ba sa inyo? tanong ng doctor. 'ahh eehh, kasi dok, magpapaturok po sana ako ng anti rabbies." aniya tumango naman ang doktor, nasaan po ba ang kagat, tanong ng doktor, pinakita nya ang daliri niya, tinignan naman ito ng doctor, bahagya naman itong napakunot ng nuo habang pinagmamasdan ang sugat niya, 'hmm hindi naman ito mukhang kagat ng aso or pusa, ani ng doctor, 'hindi po mas matindi po kasi rabbit po ang kumagat sa akin." napatingin naman ang doctor sa kanya at halatang pinipigilan nito matawa, pero may kumawala paring impit na tawa. 'bakit po?.'' tanung ng dalaga. tumikhim naman ang doctor, para maalis ang pinipigilang tawa, 'kasi wala namang rabbies ang rabbit." saad nito na bahagya pang napangiti. pinamulahan naman ng mukha si kate dahil sa hiya, 'ganun po ba, pasensya na po sa abala." aniya na Sobrang hiyang hiya. 'no its ok, saad naman ng doktor, at nagpaalam na sya, habang naglalakad palabas ng E.R ng hospital nagngingitngit sa galit si kate, 'patay ka saken liam." galit na saad niya. Maaga naman bumaba si liam para mag breakfast, may pupuntahan sila ni yuan na isang Site kaya expect nya na darating ito, 'good morning bro." bati ni Yuan dito, tumango naman si Liam bilang tugon dito, sabay upo sa hapag ni Yuan, ipinaglatag naman siya ng matandang katiwala ng pinggan at kubyertos, 'salamat manang." magalang nitong saad, manang asan po si kate tanong pa ni yuan, kinunutan naman ito ni liam, 'maaga nga umalis pupunta daw sya sa hospital kaya pinayagan ko, sagot ni manang miding... biglang nagulat si liam, muntik pa niya maibuga ang kapeng hinigop niya, napatingin naman sa kanya si yuan na may pagtataka, 'bakit anung problema?." Tanong ni yuan na nagtataka, 'Yare, dalian mu, alis na tayo." pagmamadali ni liam, nagtaka naman si yuan, kahit di pa tapos ay sumunod na ito, ngunit napahinto sila ng bumukas ang pinto, parang si san goku na naka super sayan mode, ang dalaga sa sobrang galit. hindi malaman ni liam ang gagawin lalo na ng makita nya kung gaano kagalit ang dalaga, napangiting peke si Liam dito, saka kumaway sa dalaga, 'go-good morning." utal na saad niya, sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng takot sa isang tao, nagulat nalang si yuan ng batuhin ni kate si liam ng bag na dala nya, ngunit mabilis ni liam na iniwasan yun, 'Ikaw, niloko mo ko, nagmukha akong tanga." bulyaw nito, nakatingin naman si yuan na malaki ang pag tataka, wari siya nanunuod ng mag asawang nagaaway. 'hindi ko naman inaasahan na gagawin mu talaga yun ee." katwiran naman ni liam, pero mukhang mas lalo naginit ang galit ni kate dito, ni hindi na nito naisip na boss nya ang inaaway nya, 'bro, tingin ko tapos ka ngayon sa kanya." saad naman ni Yuan, nang mapansin ni liam na yare talaga sya sa kay kate dahil sa ginawa nya, sumenyas sya kay yuan ibigsabihin ay takbo, tumango naman si Yuan, bumilang sya ng tatlo at mabilis silang tumakbo palabas na para bang tumakas para sa buhay nila, hindi na nagawa pang humabol ni kate sa bilis nila, 'may araw ka din sa akin." inis na usal ng dalaga sa sarili nya, habang hinihingal sa sobrang galit. Habang nasa byahe si liam at yuan pagak silang nagtatawanan dalawa, 'grabe bro yung galit nya, kung nahuli ka nya malamang mata mo lang ang walang latay, anu nanaman ba kasi ginawa mu sa kanya." ani yuan na tawang tawa, 'paano kasi nakagat sya ng rabbit, at sinabi ko sa kanya na matindi ang rabies ng rabit, hindi ko naman inasahan na talagang pupunta sya ng hospital para dun. 'grabe ka bro, kaya naman pala ganun nalang ang galit nya." ani Yuan 'Haha I know right!." sabi pa ni Liam na natatawa. gabi na ng makauwi si liam galing sa trabaho, expect nyang tulog na ang lahat, napangiwi naman sya ng maalala ang kalokohang ginawa nya kay kate, iniisip tuloy nya kung panu sya magpapaliwanag dito, para di na to magalit sa kanya, napailing pa siya ng maalala kung paano siya hinabol kaninang umaga, paakyat na sya ng makarinig sya ng kumakanta kaya sinundan nya ito, at dinala sya nito sa rooftop, sa may gazebo nakita nya si kate na tumutugtog ng gitara habang kumakanta, at nang mapansin sya nito sumimangot ito at tinalikuran sya. Nilapitan naman nya ito, at nang makita ni kate na umupo ito sa tabi nya, ay mabilis naman syang tumayo, ngunit pinigil sya ni liam, nagkatitigan sila ng ilang sandali at ng makabawi ng hininga si kate ay agad winaksi ang kamay ni Liam, 'bakit, nanaman, anu nanaman ang sasabihin mong kalokohan saken, pagsusungit nito, nagulat nalang siya ng hapitin sya ni liam, 'sorry hindi ko na yun uulitin, at bahagyang lumayo upang tignan siya ng diretso nito, 'promise, I won't do it again." sinserong saad ng binata, tinitigan naman sya ng dalaga na wari binabasa ang nasa isip nya, 'Promise i swear." pangungumbinsi nito ng nakataas pa ang kamay, ngunit parang ayaw parin maniwala ni kate, hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga, inilapit niya ito sa mga labi nya at hinalikan, sabay titig sa mga mata ng dalaga, I swear, I wont tell a lie to you again, diretsong saad ng binata, dahil naman sa sinabi nito ay tila napakaraming paro paro sa tyan ng dalaga na nagliliparan, at napakalakas ng kabog ng dibdib nya, hindi nya mapigilan sumabay sa titig nito sa kanya, pilit naman nagbawi ng tingin si Kate ngunit wari hinahatak siya ng titig nito, at talagang nasasayahan siya dahil kitang kita nya ng malapitan ang maamo nitong mukha. tinitigan nya ang mapungay nitong mata, makapal na kilay, at manipis na labi na para bang ang sarap kagatin, napakagat sa ibabang labi si kate ng hindi nya namamalayan, at napatuon duon ang mga mata ng binata, hanggang sa unti unting mas nilapit nito ang mukha nya sa dalaga, inilapat nito ang kanya labi sa labi ng dalaga, mabini nya idinampi ang labi nya ngunit agad din nagbawi si liam, pilit niyang pinigilan ang sarili at hindi nya itinuloy ang pag halik dito. 'anu ba itong ginagawa ko?." naguguluhang tanong nya sa sarili. agad naman nyang binalingan si kate na halos hindi makapagsalita sa kabiglaan, 'Im sorry." paghingi ni liam ng dispensa, saka umalis, si kate naman ay naiwang naguguluhan. Ilang araw na ang lumipas simula noong nangyaring tagpo sa kanila ni Liam, at simula noon ay iniiwasan na sya ni liam, si kate naman ay walang magawa, nasasaktan at nalulungkot sya sa hindi malamang dahilan, iniisip tuloy nya kung mahal na nga ba nya ang binata, Pero kahit sya hindi nya iyon masiguro, baka dahil nadadala lang sya ng bugso ng damdamin kaya ganun ang nadarama niya sa binata. problemadong napasapo sa ulo niya si Kate, 'hay naku malaking gulo at problema to." ani kate sa sarili, ang mahulog sya sa binata ay isang malaking problema, para iyong suntok sa buwan at mahal ng binata ang girlfriend nitong si stacey. 'tama, hindi ako dapat mahulog sa kanya." ani ni kate sa sarili, naihanda na ang hapag ay tulad ng dati pumupunta na agad sila sa maids quarter, maya maya narinig na nya ang ugong nga mga sasakyan, 'mukhang kasama ni liam ang mga kaibigan nya." bulong ni kate sa isip nya, 'ee anu naman ngayun!." Pagkastigo naman nya sa sarili, sa inis nya ay sinabunutan nya ang sarili, napatingin naman sa kanya ang mga kasama nya na nawiwirdohan na din sa kanya. 'Anu nangyayari sayo ok ka lang?." Tanong ni sheena 'Ahhh, uo ok lang ako, makati kasi anit ko ee, siguro sa shampoo ko, pagsisinungaling niya. Mayamaya pa ay tinawag sya ni manang miding, nagpatulong ito magdala ng pagkain sa gazebo, tumugon naman agad si kate. At nang maihatid na ang pagkain at maiayos, nag paalam na sya para bumalik sa maids quarter, habang tinatahak nya ang daan pababa, nadaana nya ang opisina ni liam, kasama nito ang mga kaibigan, bahagya nakaawang ang pinto kaya dinig nya ang usapan sa loob, paalis na sana sya ng marinig nito ang pangalan nya sa usapan ng mga ito, 'bro alam mu ba grabe yung pangloloko na ginawa nyang si liam kay kate, ani yuan, isipin mu sinabi nya na may rabbies yung rabbit, kaya nag mukhang katawatawa si kate noong pumunta ng hospital, ipinag taka naman ito ni laurence, 'bakit mo naman yun ginawa." tanong nito kay liam. 'nag sorry na ako and hindi ko naman inasahan na maniniwala sya ng ganun lang." usal ni liam. 'Naku bro, baka kakaasar mu jan, kayo pa magkatuluyan nyan." saad naman ni ryan 'Come on bro, she's not my type, sagot naman ni liam. para naman binuhusan ng malamig na tubig si Kate sa sinabi ni Liam. 'bakit naman." pagtatanong pa ni cedrick. 'Ang liit nya, tapos baduy pa, di pa kagandahan, at para syang laging natatabunan ng buhok nya." walang kagatol gatol na saad ni liam. Sobrang nasaktan si kate sa narinig nya, bumalik sya sa maids quarter ng umiiyak, pero hindi nya ito pinahalata, humiga nalamang siya sa kama habang nakatalukbong, 'kaya ba ayaw nya sakin dahil di ako maganda." usal ni Kate sa sarili. 'oo nga naman, sino nga ba naman ako para sa kanya, pangungutya niya sa sarili, habang tahimik na umiiyak, buong mag damag syang umiyak, kinabukasan walang ganang mag trabaho si kate, bigla naman niya naalala ang kaibigan nyang si daphny, inaalok kasi siya lagi nito na aayusan sya ng libre, agad niya itong kinontak, sakto dahil day off niya kinabukasan, 'hindi ako basta mag mumukmok lang." bulong niya sa sarili isang ring palang ay sumagot na ito kaagad, 'yes, best bakit? Tanong ng kaibigan. 'best diba sabi mo mamake over mo ako, ani kate. 'oo naman best, matagal ko nang gusto yun, kelan mo ba gusto, tanong ulit nito. Bukas best pwede ba? 'Oo naman, ikaw pa, beshy kita ee, masayang ani ng kaibigan. 'Salamat best, buti nalang at may magaling at napakabait at napakaganda akong kaibigan." pagpuri ni kate dito. 'Sus, nambola ka pa, may problema ka ano." hirit naman nito, kilalang kilala talaga siya nito, 'Wala ahhh! ikaw tlaga, sige, bukas nalang best, pagiwas nya sa tanong ng kaibigan. Bumuntong hininga naman ito, 'ok fine." sabihin mu nalang kapag ready kana, 'bye best, see you tomorrow, mwuah, pagpapaalam ng kaibigan. ngumiti naman si Kate na wari ba nasa harap lamang niya ito, 'Bye best." usal ni Kate saka iniend ang call. Nasa mall si kate at inaantay ang kaibigang si daphny, 30 minutes na syang nag aantay sa napagusapan nilang tagpuan ni daphny, ilang sandali pa nakita na nya ang kaibigan, napaka pansinin talaga nito, kabaliktaran naman nya dahil katamtaman ang height nito na 5'6 at slim na katawan magagandang legs at magandang mukha, bagay nga siyang artista pero dahil ang gusto nya talaga ay maging fashion artist, nag business ito ng mga damit na sya mismo ang nag design, at nag boom iyon karamihan mga artista ang buyer nya, totally oposite kami, pero dahil napaka bait ni daphny dahilan para magtagal ang pagkakaibigan namin. 'Ohh, ano ready kana." Tanong nito sa akin. nakangiti naman akong tumango, Inuna namin ang mag punta ng salon, nag pagupit naman ako, hindi naman sobrang iksi, ang alam ko layer na nilagyan ng koting bangs, na sakto para lumitaw ang natural na hugis ng mukha ko, after ay nagpa treatment pa kami, pinakulayan nya ang buhok ko, tutol pa ako pero wala rin akong nagawa kinulayan nila ng ash brown ang buhok ko, ang di ko akalain na sa tagal ko nagsstay sa work, unti unti din nag lilight ang complexion ko, pagkatapos makulayan ang buhok ko mas lalong lumiwanag ang kulay ko, feeling ko tuloy ang puti ko, at hindi masakit sa mata tignan, para saken kasi, parang ang dumi kapag may kulay ang buhok. Next namin ay sa isang spa, nag pafacial kami siguro 3 treatment ang ginawa sa amin, sobrang nakakarelax feeling ko natanggal lahat ng dry skin ko sa mukha, pagkatapos ay sobrang lambot ng balat ko, kung alam ko lang na masarap pala mag pa ganito matagal ko na ito ginawa, tinuruan din ako ng mga nagttreatment saken ng mga skin care routine, napaka dami pero makekeri ko din yan, at ng masatisfy ako, dinala naman ako ni daphny sa shop nya, binigyan niya ako ng mga damit, meron off shoulder, long sleeves, dress, plaided skirt, at iba pa, pero ang nagustuhan ko ay yung off shoulder na plain cream color na tinernohan ng plaid skirt na lalong nagbigay ng korte sa akin, at heels at sling bag na may saktong haba, ang akala ko tapos na hindi pa pala, dahil tinuruan pa ako ni daphny kung paano gumamit ng make up, tapos tinuruan nya ako ng make up na natural look lang, grabe talagang napatunayan ko na ang hirap maging babae, pero ikekeri ko yan, 'fighting." Lumipas na ang oras, dahil ilang oras din kami nag chikahan ni daphny, kaya naman hindi na namin napansin ang oras, hinatid naman ako ni daphny gamit ang kotse nya, napa wow nga ako at may kotse na sya, ibinaba nya ako sa harap ng bahay ni sir Liam, 'salamat best." ani ko sa tonong naglalambing. 'Sus, wala yun best, ikaw pa love na love kaya kita, Na touch naman ako at niyakap sya. umalis na agad si Daphny dahil may mga kailangan pa daw syang gawin, nagpaalam na din naman ako sa kanya, hindi din naman ako nahirapan makapasok dahil may susi ako sa gate, bawat maid ay may hawak na susi, pero sila sir liam finger print scan sila, susyal diba, naligo lang ako then natulog na, sobra akong napagod talaga hanggang sa naigupo na ako ng pagod. Kinabukasan maagang bumangon si Kate, excited sya na ipakita ang new look nya kay liam, nagulat pa sila aling miding sa tranformation nya, at lahat ng sinasabi nila ay puro magaganda, napaayos naman siya ng dumating si liam para kumain ng breakfast, ngunit nadismaya naman siya ng ni hindi manlang sya nito pinansin o tinapunan manlang ng tingin, sobra nya itong dinamdam, nag paalam naman sya kay aling miding na pupunta sya sa maids quarter, bago pa man sya maiyak, at habang nasa maids quarters tahimik na umiiyak si kate, napatunayan nya kasi na kahit konte ay walang pagtingin sa kanya ang binata, 'anu ngayon bakit ako papaapekto." mahinang bulong nya sa sarili, 'care ko kung ayaw nya sakin, ngunit patuloy parin sa pag luha na mas ikinaiinis nya sa sarili, 'ang hirap pala talaga mafall ng walang sumalo, habang impit syang humihikbi, nanatili lamang siya duon hanggang sa humupa ang luha nya. Ilang araw pa ang nagdaan iniwasan narin ni kate si liam at iniwasan na rin nya na maisip pa ito. Liam's POV Mula ng huling naging tagpo namin iniwasan ko na si kate, hindi ko kasi mapigilang mapalapit sa kanya tuwing kasama ko sya, para akong namamagnet sa kanya, naalala ko pa nung sinagip ko sya sa pool, alam kong naramdaman din nya yung kuryenteng naramdaman ko nang magdikit kami, dahilan para bahagya nya akong naitulak, simula din nuon ay mas naging close kami, madalas ko siyang inaasar natutuwa kasi akong asarin siya, madalas ay pinapagawa ko siya ng kung ano ano sa office ko, para makasama siya, pero sa ngayon naguguluhan ako sa sarili ko. she's not even my type pero nung makita ko syang kausap si yuan, naiinis ako ng sobra, parang gusto ko kaladkarin palabas si yuan, sinubukan ko siya iwasan, not until ng manghuli kami ng daga daw na rabbit naman pala, at mapagkatuwaan ko sya, feeling ko gusto ko sya yakapin para lang mapatawad niya ako, ewan ko ba, naguguluhan ako, sumasakit tuloy ang sentido ko, kasalukuyan naman nakahawak sa masakit nyang ulo si liam ng dumating ang secretary nya, 'sir start na po ng meeting." saad nito. tumango naman si Liam, 'ok lets go." saad pa niya, at nauna ng lumabas na sinundan naman ng secretary nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD