Liam's POV
sobra ang paninibughong naramdaman ko ng malaman kong tumuloy si kate na makipagdate kay laurence, naiinis ako sa sarili ko alam kong wala akong karapatan, pero I feel really mad, like she's cheated on me, kahit alam kong ako ang may kasalanan, naisip ko tuloy kung paano kung magustuhan nga nya si laurence, pano kung piliin nya si laurence, Halos parang nababaliw na ako, kaya nasaktan ko sya, at sobrang kong pinagsisisihan ng makita ko syang umiiyak, para akong natauhan sa ginawa ko, sobra akong nasasaktan na makita syang umiiyak, lalo na nung makita ko ang pamamaga ng labi nya dahil sa kagagawan ko,
I dont want to hurt her, lalo na nung natakot sya sakin ng makita ko ang reaksyon nya, parang dinudurog ang puso ko, 'anu bang ginawa ko." bulong ng isip ko, humingi ako ng tawad sa kanya, nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko, feeling ko natunaw lahat ng galit at takot ko, Pakiramdam ko dinadamayan nya ako sa lahat ng problema ko, and it really melt my heart, niyakap ko sya na para bang mawawala sya kapag binitawan ko, I didnt deserve her, but i want to be with her, and now she's sleeping beside me, and I really love her scent, pinag mamasdan ko sya habang natutulog, napaka ganda nya, bahagya siyang gumalaw, sign na gising na sya, nagkunwari naman akong tulog, nang tatayo na sya ay pinigilan ko sya kaagad, ayoko pa syang umalis parang gusto ko siyang itali sa katawan ko buong araw, tinignan naman nya ako,
'hindi ako pwedeng hindi bumaba mag pprepare kami ng breakfast." anito.
'ayoko, hayaan mo na sila manang duon, at niyakap ng mas mahigpit, wala naman sya nagawa, ng halikan ko sya sa batok bahagya syang nakiliti at napatili sya na ikinatawa ko, natahimik naman kami ng may kumatok sa pinto.
'sir, may itatanong lang po sana ako." boses ni manang miding.
bumangon ako at tumungo sa pinto, si kate naman nagtalukbong ng kumot, ng binuksan ko ang pinto nakita ko si manang na parang balisa, 'bakit manang may problema ba." pagtatanong ko,
'Sir, kasi si kate, itatanong ko lang po sana kung nagpaalam ba sayo ang batang yun, kasi wala na sya pagising namin, di ko din napansin kung umalis nagaalala na din ako." may pagaalalang saad nito.
'Aahhh, uo si kate." maang kong sagot, napakamot naman ako ng ulo, di ko alam kung saan ako huhugot ng palusot, 'nagpaalam sya sakin kagabi, nakasalubong ko siya nung uminom ako ng tubig, nakiusap siya na payagan ko siya umuwi emergency daw, kaya baka anung oras na sya makakauwi." pagsisinungaling ko.
'Ahh, ganun ba sir, mabuti naman po, makakampante na ako, para ko na kasing anak ang batang yun sir, kaya pasensya na kung inistorbo ko pa kayo, handa na nga din po pala ang breakfast nyo, saad nito. tumango naman ako,
'Sige, manang pwede pakidala nalang dito, kasi di ako papasok sa office kaya dito na ako mag bbreakfast." saad ko,
'sige sir, iaakyat ko na po." tugon nito
'Salamat manang." saad ko, sabay sara ng pinto, bumangon naman si kate, ng balingan ko sya mukha itong tense na tense, 'bakit?." Tanung ko
'Ee kasi, anu sasabihin ko mamaya." napangiti naman ako, para kasi kaming mga daga na nagtatago sa pusa para hindi mahuli,
'Wag mu muna alalahanin yun, dito ka muna sa tabi ko ok." ngumiti naman sya, at niyakap ko siyang muli, napaka lambot talaga ng maliit nyang katawan, ang sarap nyang yakapin, 'masaya akong kasama ka." malambing kong saad. napansin ko namang namula sya sa sinabi ko, and it was really cute...
Kate POV
matapos ang tagpong nangyari kagabi, bigla nalang naging sweet si sir liam saken, nang kumain nga kami kanina kulang nalang subuan nya ako, para siyang ibang tao, hindi siya ang Liam na nanakit sa damdamin ko, kundi ang Liam na masarap mag mahal, ewan ko ba basta ang alam ko masaya ako sa ginagawa nya, kasalukuyan sya ngayong may kausap sa phone, kaya malaya ko syang napag mamasdan napaka kisig niyang tignan, naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi, 'iihhh." para akong maiihi sa kilig, ane beehh, kese nemen si sir ee, 'my god." Impit kong tili
ibinaba nya ang phone at bumaling sya sa akin, 'mag ready ka." aniya, napakunot naman ang noo ko, 'bakit?." tanong ko, Meron kasi akong business trip sa japan, 1 week at isasama kita, napaawang naman ang labi ko sa sinabi nya, pero teka, anu sasabihin ko kay aling miding kung bakit wala ako, at paano yung mga gamit ko." sunod sunod kong tanong, tumingin naman sya sakin, 'ok lang, pagdating nalang doon tayo bibili ng mga gagamitin mo, sa ngayun daan muna tayo ng mall." saad niya, 'Sigurado ka." paniniguro ko. ngumiti naman ito, 'Uo naman, mukha ba akong nagbibiro." anito
'Grabe, pangarap ko lang makapunta ng ibang bansa ngayon ito na, agad agad naman kaya, parang nawiwindang pa ako. Sinuguro muna naming walang makakita sa akin palabas papunta ng kotse, at mabilis kaming umalis, sinabi kasi ni sir liam na mag lileaved ako, at pinayagan nya ako kaya, 1week ako mawawala, nang makarating kami ng mall dinala nya ako sa isang botique, at pinamili lang muna nya ako ng susuutin pabyahe, dun nalang daw kami mamimili ng gagamitin ko sa japan, medyo nawindang pa ako dahil sa ang mamahal ng binili niya, private plane ang sinakyan namin kaya wala kaming ibang kasama, habang nasa byahe kami talagang napapawow ako, firsttime ko bumyahe sakay ng eroplano, kaya sobrang excited ako, hinapit naman nya ang bewang ko kaya napatuon ako sa kanya, 'nagugutom kaba?." alalang tanong niya, Umiling naman ako, 'hindi, naeenjoy ko lang talaga ang nakikita ko." tugon ko, ngumiti naman sya, 'kung ganun sabihin mo sakin kapag may gusto ka ok." ngumiti naman ako sa kanya, he's too sweet, hindi nya ako hinahayaang mapagod or magutom manlang, lagi nyang tinitignan ang lagay ko, hindi ko tuloy maiwasang maisip na ganito pala mag alaga si sir liam, napakaswerte ni stacey, bigla naman akong nakadama ng lungkot, ewan ko kung bakit hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay na yun at dalhin ako dito, ang alam ko lang gusto ko sya makasama, kahit alam kong mali, pero kahit ngayon lang sabi nga kahit isang araw lang gusto ko pa siyang makasama, tumingin naman sya sa akin, 'bakit, may problema ba babe, May masakit ba sayo." puno ng pagaalala nitong saad, ng makita ang pagbabago ng mood ko, Napalingon naman ako sa kanya dahil medyo nabigla ako sa tawag nya sa akin, anu daw babe." Lahat yata ng iniisip ko tinangay ng hangin at napalitan ng kilig, 'wala naman, medyo inatok lang ako." pagsisinungaling ko. ngumiti naman ito na parang nabunutan ng tinik.
'Ganun ba, halika." saad nito at sinandal nya ang ulo ko sa matigas nyang dibdib at yumakap sa akin, ang sarap sa pakiramdam.
nagland na ang eroplano na sinasakyan namin at dumiretso kami sa isang botique, pinamili muna nya ako ng mga gamit, magwiwinter na kasi dito sa japan kaya hindi uubra ang suot kong jacket, ng matapos kami mamili dumiretso na kami sa villa na tutuluyan namin, sa villa nya kami dito sa japan, magsstay, ng makarating kami sa villa napaawang ang labi ko sa ganda nito, kulay brown and cream ang bahay, modern din ang disenyo nito pero japanese style padin, napakalawak sa labas at may pool at garden, nakakahanga ang ganda ng garden, nakakarelax itong tignan, ang aliwalas ng ambiance ng buong lugar, pagpasok namin nakita ko ang mga painting, wala akong alam sa painting pero napakaganda nitong tignan sa loob ng bahay, maliwanag ang mga ilaw na hindi masakit sa mata, nasa baba ang kitchen at dining sa taas naman ang living room at may space na open, may lamesa duon at chair parang ang sarap tumambay duon, sa kabila naman ng living room ay isang fire place ang ganda talaga, pati view ng bahay sa labas ay maganda, glass wall kasi dito kaya kita ang buong view sa labas, at nataong sa high place pa ito nakapwesto kaya kita mo ang napaka aliwalas na view, grabe talaga, akalain mo yun, hanggang ngayun nagugulat parin ako sa mga kakayanan ng lalaking ito, ng nasa villa nya na kami naramdaman ko na ang pagod ko, pero mukhang sya hindi pa, dahil hawak na nya ang loptop nya, 'magwowork naba agad sya." mahinang bulong ko, ng mapansin ako ay lumapit sya sakin, 'pagod kanaba." tanong niya, 'Magpahinga kana muna may kailangan lang akong gawin ok." saad niya, tumango naman ako bilang tugon, hinalikan lang nya ako sa noo ng saglit at nag umpisa na sa work nya, ako naman ay tuluyan na ngang nakatulog, ng magising ako medyo madilim na, napansin kong hindi pa sya tapos sa ginagawa nya, kaya ng bumangon ako mula sa kama, at napatingin naman sya sa akin, 'gutom kanaba." may pagaalalang tanong niya, Lumapit naman ako sa kanya at yumakap sa likod nya, 'uo, medyo, mahinang saad ko, pinaupo nya naman ako sa harap nya kaya naka kandong na ako sa kanya, 'dont worry, nagkapagorder na ako paparating na rin yun ok, ngumiti naman ako at tumango, 'hindi ka paba tapos sa ginagawa mo, hindi ka paba pagod." may pagaalalang saad ko, Ngumiti naman sya saken, 'hindi, ok lang ako, sanay na ako kaya hindi na ako naninibago, at kailangan ko kasi magawa agad ito ngayon." saad niya.
Mayamaya dumating na ang inorder nya, kaming dalawa ang nag prepare ng hapag, para tuloy kaming magasawa na bagong kasal ang sarap sa feeling, Yung tipong kaming dalawa lang sa mundo namin, habang kumakain di sadyang natabig ko ang baso ng tubig sa tabi ko, pero ng balingan ko si liam, pagak pa itong natatawa habang umiiling, napakunot ako ng nuo sa kanya, Nabasag na nga natatawa ka pa, mataray kong saad, tumuon naman sya saken, 'Ang clumsy mo kasi." natatawang saad nya, napanguso naman ako sa kanya, 'ganun ba talaga ako ka clumsy." mahinang bulong ko.
Pagkatapos namin kumain kaming dalawa din ang nag hugas ng pinggan at nag linis, napapangiti naman ako kapag napagmamasdan ko sya, may time pa nga na nagkakatitigan kami tapos ngingitian nya ako sabay smack sa lips ko, sobrang kinikilig ako, sana di ito isang panaginip, kasi kung panaginip ito ayoko ng magising, nakakatawa parang kanta lang, pero alam kong kapag nagising ako sa panaginip na ito magiging sobrang sakit, napa balik ako sa reyalidad ng lumabas sya ng kwarto, mukhang ang bango nya, bagong ligo ito at amoy na amoy ko ang napaka manly na scent nya, umupo ito sa tabi ko at yumakap sa bewang ko, 'may gusto kaba gawin." napaisip naman ako, 'wala ee." saad ko, tumayo naman sya at ini on ang tv, Nood nalang tayo ng movie anito at namili ng palabas, pinili ko naman yung fast and furious 7, ilang beses ko na napanuod yun pero di ako nagsasawa, ang exciting kasi ng movie episode na ito, at gustong gusto ko ng sasakyan, napakunot naman sya ng nuo, 'sure ka?, Ayaw mo ba ng mga lovestory, romance ganun,? Anito na nagtataka.
'Uo, ito gusto ko." tugon ko sa kanya, natawa naman sya, 'ang alam ko, girls loved romantic movies with their boyfriend, but you're different." nakangiti nyang saad, napaawang naman ang labi ko sa sinabi nya, 'anu, boyfriend ba talaga sinabi nya." di makapaniwalang bulong ng isip ko. tumawa naman sya sa naging reaksyon ko, kaya pinalo ko sya ng bahagya sa braso, at nang mag umpisa na kami manuod, ewan ko kung saan sya natutuwa, sa palabas ba or sakin, kasi parang ako ang pinanunuod nya, sa twing naeexcite na ako lalo na nung pinalipad ng bida ang sasakyan sa building, napapatalon pa ako, napapatawa naman sya saken, 'you really like those kinds of movie huh." anito na parang namamangha, 'uo bakit? ang wierd ba." saad ko, Ngumiti naman sya saken sabay pisil sa tungki ng ilong ko, 'oouch..masakit ahh, singhal ko, bilang ganti kinagat ko ng bahagya ang tenga nya, natawa ako ng mapansing namula sya, 'so cute." bumaling naman siya saken at hinapit ang kawatan ko, tinitigan nya ako at bahagyang nilapit ang mukha nya, 'naughty girl." bulong nya saken sa nang aakit na boses, at walang pasabing sinsakop ang labi ko, masuyo nya akong hinalikan, hindi ko na namalayan tumutugon na ako sa halik nya, humiwalay sya saakin at pinakatitigan nya ako kaya nag titigan kaming dalawa.
'kate, I'm sorry, kung hanggang ngayon hindi pa ako sure sa feelings ko, ayokong maging unfair sayo, pero gusto kong malaman mo na gusto talaga kita makasama, at masaya akong nandito ka, alam kong selfish pakinggan nito pero pwede bang dito ka lang sa tabi ko hanggang makapag decide ako, Anito.
Pinagmasdan ko lamang siya at wala akong masabi, naguguluhan din ako, pero alam ko sa sarili ko na gusto ko sya, pero paano kung maiwan akong luhaan, sa sinabi nya alam kong, pwedeng ako ang masaktan or baka mawasak pa pag nagkataon, pero nauunawaan ko siya, isa lang ang alam ko, ibig sabihin nito may nararamdaman din sya para sa akin, pero paano kung sa huli ikasira ito ng buong pakatao ko, may girlfriend sya at sa pagbalik nito ay magpapakasal na sila, paano ako kapag nangyari na yun, Sobra na akong naguguluhan, ng wala akong maibigay na sagot ay ngumiti lang siya sa akin, 'Halika na matulog na tayo." pagaaya nito. matamis akong ngumiti at tumango bilang tugon
'ok, sagot ko pa at nagpatianod na ako sa kanya papuntang kwarto.