meeting my boss

2278 Words
Kate's POV kasalukuyan naman ako ngayon nag aayos ng mga gamit ko, mabilis kong natapos ang lahat ng dapat kong linisin, sinabi naman sakin ni manang na samahan ko daw syang mamalengke, at tulungan ko syang mag luto mamaya. kaya habang wala pa akong ginagawa ay mabilis kong iniayos ang mga gamit ko, at magikot ikot muna ako sa loob ng bahay. habang nagiikot di ko naman maiwasan ang mamangha sa buong bahay, 'ang ganda talaga, sarap siguro kung may ganito ka kalaking bahay, mahinang saad ko sa sarili, 'balang araw mag kakaroon din ako ng ganitong bahay." bulong ng isip ko, 'sige lang, kate mangarap ka ng gising." bulong ng eksaherang isip ko, 'bakit, wala naman masama mangarap." pagkastigo ko naman sa sarili. napansin ko naman na nasa kusina sina sheena at rona, sila ang kasama ko magtrabaho dito, lumapit naman ako sa kanila para makipagkwentuhan. 'Hello." bati ko sa kanila, bumaling naman sila sa akin at ngumiti, anong pinagkakaabalahan nyo, tanong ko naman. 'naglilinis pero patapos na rin kami, lilinisin nalang namin yung estante dito sa kusina." tugon naman ni Rona. 'ikaw?." Tanong ni sheena. 'Ahh natapos ko na yung mga pinagawa ni aling miding, sabi nya magpahinga na muna daw ako, Mamaya sasamahan ko siyang mamalengke." tugon ko. 'hmm. ganito lang talaga dito, hindi naman mabigat ang trabaho basta marunong kang sumunod sa patakaran, at wag ka papasok sa office ni sir, ipinagbabawal ang maid dun, tanging si aling miding lang ang nakakapasok dun, saad pa ni Rona. Hindi ko tuloy napigilang mag tanong, 'Masungit ba boss natin." wala sa sariling tanong ko, nagtinginan naman sila sa akin. 'Bakit?." Tanong kong muli dahil sa pagtataka. 'Hindi kami nagpapakita kapag andyan si sir Liam, dapat habang wala sya tapos na lahat ng gagawin, si manang lang ang nakakausap kay sir Liam." saad naman ni Sheena. ipinagtaka ko naman iyon, 'bakit ayaw ba nya ng may kasamang tao?." bulong ko sa sarili, 'Nasaan ang pamilya nya?." Tanung ko ulit sa kanila. 'Hindi ko pa nakitang may nag puntang kamaganak dito si sir Liam, ang madalas na pumunta dito ay yung mga kaibigan ni sir Liam na kay ggwapo." kinikilig na saad ni Sheena. 'Naku kung makakilig ka, ni ayaw makipag usap sa mga kagaya natin yung mga yun." wika ni Rona. 'Bakit naman." tanong ko naman, 'e kasi mayaman sila maid lang tayo yun yon!." Ani Sheena, mag tatanong pa sana ako ng dumating si manang at inaya na ako sa supermarket. mabilis naman kaming nakapamili ng mga kakailanganin sa pagluluto at mga essentials sa bahay, kasalukuyan ko ngayong inaantay si aling miding, magpapadala lang daw sya ng pera sa mga anak nya sa cebu, kaya andito ako nagaantay sa kanya, buti nalang at may service naman kami at Hindi ako nahihirapang mag bitbit, isang plastik nalang ang buhat ko, ilalagay ko na sana ito sa sasakyan ng may makabungguan ako, nakita ko nalang ang mga laman ng hawak ko na nakakalat na ngayon, Kaya pinulot ko ito kaagad. di ko na pinansin kung sino ang nakabanggaan ko, humingi naman ako ng paumanhin habang pinupulot ang mga pinamili namin, nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tinulungan nya ako pulutin lahat ng pinamili namin na nagkalat ng magkabungguan kami, 'aba mabait naman pala." saad ng isip ko. Nang tumayo ako ay iniabot nya sakin ang mga pinulot nya, dahilan para mapatingin na ako sa kanya, agad naman akong namangha ng mapagmasdan ko siya, isang napaka tangkad na lalaki cguro 6ft ang tangkad nya nanliit ako ng makita sya, 'my god ansabe ng 5 flat kong hight buti na nga lang umabot pa ng 5 ee, at talaga naman ang kinis at puti ng kutis nya, ang tangos ng ilong at mapupungay na mata, kung titignan para syang half chinese kasi kahawig nya si luhan ng exo, 'gwapo, my god wag mu hayaan malaglag panti mu." mahinang saad ng isip ko, wari ba may dumaang anghel sa harap ko. Tumikhim sya kaya napabalik ako sa reyalidad. Nakakahiya tinititigan ko sya ng matagal at aware sya dun, grabe gusto ko na kainin ng lupa, 'Pasensya na ulit." hingi ko ng dispensa sa kanya, ngumiti naman ito saakin. Ohhh 'my god!! nasisilaw ako sa mapuputi at maganda nyang ngipin." 'Ok lng pasensya na din di kita napansin." magalang nitong saad. 'oouucch ahh." sinasabi ba nyang maliit ako. 'ahhmm do you need help?." Tanong naman nya? 'No its ok. Thank you." saad ko naman, nahihiya na kasi talaga ako sa kanya, mukha kasing naiistorbo ko na sya. tinawag naman sya ng kasama nya, narinig kong tinawag sya nitong Yuan nang kaibigan nya, ahhh.. impit kong tili sa isip ko, Yuan pala pangalan nya, mahinang sabi ko sa isip ko, nag paalam na sya saken pero bago sya umalis sa harap ko binalikan nya ako ng tingin habang nakangiti. 'omg, ang panty ko ok pa ba? kinapa ko pa para sure hehe." Matapos ang nangyari kanina hanggang ngayon laman parin ng pantasya ko ang Lalaki kanina, grabe yung ngiti nya, hindi ko makalimutan, napapangiti din ako habang tumutulong magluto ng hapunan kay aling miding. 'Oohh, mukhang masaya ka yata." Bati ni aling miding, 'ah, Wala lang po inspire lang." saad ko, Natawa naman sya sa sinabi ko, 'maganda yan para hindi ka naboboring sa trabaho mo dito." aniya. 'Opo." Sagot ko naman na nginitian nya. nga pala ituturo ko na sayo ang mga ayaw ni sir na pagkain, Para kapag wala ako ikaw muna ang magluto ayos lang ba yun sayo?." Saad ni aling miding. 'opo wala po yung problema keriy ko yarn." sabi ko pa, Natawa naman sya sa sinabi ko, hanggang sa natapos na kami at pinapunta na kami sa maids quarter sabay ng pagdating ng sasakyan malamang si boss na yun." bulong ng isip ko. curious talaga ako kung anong klaseng tao siya, 'siguro matandang binata dahil wala pa siyang pamilya." usal ko sa sarili, LIAM's POV kakauwi ko lang galing sa Empire hotel, inikot ko kasi ang lahat ng hotel namin sa buong ncr mga 5 branch, sobrang napagod ako, chineck ko lahat kung tumatakbo ba ng maayos ang business at kung kamusta ang marketing and kung maayos bang naibibigay ang mga services, at satisfied naman ako sa mga nakita kong reports at feedback ng mga customers. papasok na ako ng bahay ng maamoy ko ang masarap na amoy ng niluluto, mas pinipili ko talagang umuwi ng bahay kesa ang kumain sa labas, kasi atleast in this way I feel like I have home, na may magluluto para saken, at mas masarap talaga ang lutong bahay, Kaya kahit na pumupunta ako sa bar ni Red na tinatambayan namin, dumadaan ako ng bahay para lang kumain, ewan ko ba, basta Im happy that way, Pagpasok ko palang ng pinto sumalubong kaagad sa akin si aling miding. 'Anung niluto mu manang." tanong ko sa kanya 'sir nagluto kami ng kaldereta." aniya. 'Ahhmm mukhang masarap! prepare mu na at magpapalit lang ako, kakain na ako pag baba ko." saad ko 'Opo sir." agad naman tugon nya. Umakyat na ako ng room para magbihis, napatingin ako sa isang larawan, Larawan ng isang taong sobrang minamahal ko, kahit mas pinili nya pumunta ng paris para sa mga pangarap nya, kesa ang pakasalan ako, ay ito inaantay ko parin ang pagbabalik niya, at sa pagbalik niya ay magpapakasal na kami at hindi ko na siya bibitawan pa, 'Its been 1 and half year stacey, and I missed you so much." bulong ng isip ko, Isang katok mula sa pinto ang nag pabalik sakin sa reyalidad, 'yes manang?." tanong ko. Sir ready na po ang pagkain nyo, tugon ni manang miding, 'sige pababa na ako." agad kong saad Habang nasa hapag kainan ay talagang masarap ang pakaing hinain ni manang miding, nakakapagtaka dahil parang mas sumarap pa ito kesa nuon, Natuon naman ang pansin ko kay manang miding, 'bakit manang may problema ba." Tanong ko. 'Wala sir, gusto ko lang po sabihin na nandyan na po si Kate, yung bago pong maid." saad nito. napatango naman ako 'Ahh, Ganun ba, sige, papuntahin mu sya mamaya sa office ko at kakausapin ko sya." saad ko naman. 'Sige po sir." mabilis na tugon manang Kate's Pov Habang akoy nasa maids quarter at kasalukuyan kong tinitipa ang phone ko, saka naman ng pag dating ni aling miding, 'Kate," tawag nya sa akin. 'Bakit po?." Tanong ko naman 'pinapatawag ka ni sir Liam, kakausapin ka nya tungkol sa trabaho mu rito, nasa office sya." wika nito, agad naman ako nag tungo sa office ni sir Liam gaya ng sabi ni manang miding, isang katok palamang ay pinapasok na nya ako, agad kong naramdaman ang malamig na aircon at mabangong amoy ng kwarto ng mabuksan ang pinto ng tuluyan makapasok ay inilibot ko ang tingin sa lugar, at nakakamanghang ang laki ng opisina nya, halatang pinag isipan lahat ng detalye ng opisina, mula sa mga shelves ng libro, hangang sa mga nakadisplay na painting at mga awards, kasalukuyan syang nakatalikod sa akin habang may kausap sa phone, pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang larawan ng isang magandang babae na nakasabit sa wall kasama ng iba pang painting, napansin ko din na matangkad at maganda pala ang pangangatawan ng boss ko, expect ko pa naman medyo may edad na lalaki ang boss ko yung tipong 40s gnun, pero sa tikas nya parang ang bata pa nya, ibinaba na nya ang phone nya at humarap na sa akin, at nagulat ako na hindi lang pala makisig si sir Liam, dahil mala adonis ito sa gwapo, makapal na kilay mapangakit na mata, grabe, napaka amo ng mukha nya, pero ang talas makatingin, yung tipong pagtinititigan ka nya kaya ka nyang tunawin, napakunot nuo naman sya ng makita ako, kaya bahagya ako nakaramdam ng inis 'bakit para syang nakakita ng kung ano sa harapan nya." bulong ng isip ko hindi ko nalang pinansin, sumenyas naman sya na lumapit ako, kaya lumapit ako sa table, at pinaupo nya ako sa chair katabi ng table, may inabot ito sa akin, magalang ko naman itong tinanggap, Yan ang contract mo nakalagay dyan lahat ng information at condition sa pagttrabaho mo dito, basahin mo at sabihin mo kung may mga tanong ka, basta, ang ayaw ko lang yung malikot ang kamay, chismosa, hindi kayo allowed dito sa office ko asside from manang miding understand? may pagkasarkastikong Saad pa nya. ewan ko naman kung bakit may parte ko na naiinis sa asta niya, 'Wala naman po kayong problema saken dyan sir, dahil hindi naman po ako chismosa, at di malikot ang kamay ko at hindi din po ako papasok sa office na ito kung hindi nyo po sasabihin." may diin kong saad na nakangiting aso, 'sayang gwapo pa naman may pagka antipatiko pala." mahinang sabi ko sa isip 'Good then!." saad pa nya 'pirmahan mo na yan kung wala ka nang tanong." saad nito, ang lakas ng dating ng pagkasimpatiko nya. pinirmahan ko naman agad at binigay sa kanya 'may pag uutos ka paba sir." pagtatanong ko pa 'No thanks thats all." sabi pa nya pero presko parin ang pagkakasabi nya kaya papalabas na ako ng magsalita sya. 'Wait!!." pagpigil nito. 'yes sir?." agad kong tugon 'Can you please tie your hair, it irritates me, ayoko rin magkalat yang hibla ng buhok mu sa buong bahay." aniya. na nagpakulo sa dugo ko pero pinigilan ko ang magalit, kasi sayang naman malaki sahod ko dito, hindi ko naman laging makikita ang antipatikong ito, ngumiti nalang ako ng peke at tumango sabay labas, paglabas na paglabas ko gusto sipain yung pinto, kakaasar akala ko anghel ang amo kasi ng mukha, hindi pala, ngayon confirm ko na hindi lahat ng maamo ang mukha anghel, yung iba maskara lang. Liam's POV Kasalukuyan kong kausap si Laurence ng may kumatok sa pinto, pinapasok ko naman ito kaagad dahil expect ko na siya ang bagong maid, nang matapos ang usapan naming dalawa agad ko syang hinarap, napangiwi ako ng makita ko sya, as in ang baduy nya, yung suot nya tshirt kupas na sa sobrang kalumaan at short na hanggang tuhod ang haba, at sa liit nyang yun ang haba ng buhok nya, hindi naman yun buhaghag natural na straight at bagsak ang buhok nya, kaso ang problema parang natatabunan na ng buhok ang buong ulo nya, buti at hindi sya maputi dahil mapag aakalaan ko syang si sadako, Wala pa naman balon dito sa office ko saan ko sya ihuhulog pag nagkataon, Hindi naman ako nageexpect na maganda sya kaso medyo ang weird kasi ang dating nya saakin, parang kinocostplay nya si sadako, Parang medyo nainis pa yata sya ng sinabi ko mga ayaw ko, hindi ko naman sinasabing ganun sya, ang akin lang sinasabi ko lang ang realidad, wala akong pake kung mainis sya, lalo na nung sinabi ko na itali nya ang buhok nya nakakairita lang talaga tignan nun. bigla naman tumunong ang phone ko, it's Shaun, malamang magaaya ito sa bar, inaaccept ko ang tawag, at itinapat sa tenga ang phone 'hello." sagot ko, 'Liam punta ka dito sa bar, andito na kami, ikaw at si Laurence lang ang wala. 'marami pa akong gagawin." pagtanggi ko naman, 'come on bro, buong araw tayo nag tatrabaho, di kaba napapagod enjoy na muna tayo, maraming chicka babe ngayon dito bro, Im sure magugustuhan mo sila." pagpupumilit pa nya. napailing naman ako 'loko ka talaga Shaun akala ko ba gawain lang ni ryan yan." pangiintriga ko sa kanya, tinawanan naman nya ako, 'anu kaba Im just enjoying, saka mas mapili naman ako kesa sa lokong yun." natatawang saad nya." 'sige, pupunta na ako." saad ko bago iniend ang call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD