MASAYA ako bilang Slayer pero mas sasaya ako kung kasama ko ang mga taong napamahal na sa akin. "And for our next Candidates! Mr. Jed Merdz and Miss Selene Bouria!" Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nang tawagin ang pangalan nina Jed at Selene. "Ano sa tingin mo? Bagay sila, hindi ba?" tanong sa akin ni Creseal habang sumusubo ng popcorn. Nandito kami sa event ng Shanlene University. Ang event ay may title na Mr. and Miss University. Mga iba't-ibang Universities ang kalaban nila. "Siguro... pero mga bata pa sila. Marami pa silang pagsubok na haharapin," sagot ko naman kay Creseal na nakatuon ang pansin sa mga nangyayari sa stage. Almost five months na simula nang mangyari ang makasaysayang labanan sa Mystic World. Isang Slayer pa rin ako at isang Diyosa pa rin si

