Chapter 10

2296 Words
TAHIMIK lang kaming kumakain. Hindi kumikibo ang dalawang nasa harapan ko. Mabuti na rin iyon dahil ayoko sa maingay na paligid. "Kami na nga pala ang bahala ni Light sa iba pang mga nilalang na hinahanap ng bolang crystal," pambabasag ni Dark sa katahimikan. Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Wala rin naman akong maisasagot kaya bakit pa ako sasagot? Tumayo ako pagkatapos kong kumain at nalakad papalayo sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa man ako makalabas ng kusina ay nilingon ko muna sila. "Magpapahinga na ako," tanging sambit ko bago nilisan ang kusinang iyon. Agad na tinungo ko ang isang kwarto at sinarado iyon. Gusto ko munang magpahinga, medyo napagod din ako sa araw na ito. NAGISING ako dahil sa ingay na narinig ko na nagmumula sa ibaba. Kaagad akong napatayo at agad na bumaba sa may sala para tingnan kung ano ang ingay na iyon. Bumungad sa akin sina Light at Dark na marami ang sugat at hinihingal. Seryoso ko naman silang tiningnan. Ano ba ang problema ng dalawang ito? Nababaliw na yata sila e. Napailing-iling na lang ako at saka itinaas ang kanang kamay ko sa kanila. Sa isang iglap ay nawala na lahat ng mga sugat nila sa katawan. Napatingin ako sa labas, bukas ang pinto. Pasikat na ang araw, may nararamdaman akong hindi maganda. "Umaga na pala." Napatingin ako sa nagsalita. "Ano ba ang trip niyo sa buhay?" bungad na tanong ko kay Light. "Ginawa lang namin ang dapat na gawin." Hindi ko siya pinansin at napabaling ang tingin ko kay Teresa na bigla na lang sumulpot. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya at siya naman ay nakangiti lang sa akin. "Tapos na ba?" biglang tanong ni Light kay Teresa. Tumango naman ito. "Makukuha niyo na ang kailangan niyo. Syranah, ako na ang bahala sa kanilang dalawa. Ang mabuti pa ay bumalik ka na sa kaharian. May nangyayari roon na kailangan mong masolusyunan," makahulugang pahayag ni Teresa. "Ano ang nagyayari sa kaharian?" biglang sambit ni Dark. Gising na pala siya. "Hayaan niyo na si Syranah, siya na ang bahala roon," makahulugan niyang sabi. Paano niya nalaman ang tungkol sa kaharian? Well, ano nga ba ang inaasahan ko sa tagapangalaga ng espada ng Diyos ng Dilim at Liwanag? Hindi na ako nagdalawang isip pa at naglaho na kaagad ako at lumitaw agad sa kaharian. Malakas ang kutob ko na may masamang mangyayari. Pagdating ko sa loob ng gate ay kaagad kong tinungo ang sala ng palasyo. Nakita ko ang mga Elementalists kasama nina Selene at Luke na umaawat sa nagwawalang si Jed. Lumapit ako sa kinaroonan nila. Nakagapos ngayon si Jed sa isang upuan habang galit na galit na nakatingin sa mga nilalang na nasa paligid niya. "Pakawalan niyo ako!" paulit-ulit niyang sigaw. "Tama na, Jed," biglang sabi ko dahilan para matigil at mapatingin silang lahat sa akin. "Ate Sy? Anong nangyayari kay Jed?" maluha-luhang tanong ni Selene sa akin. "Nasaan sina Dark at Light?" tanong naman ni Luke. Hindi ko sila sinagot. Lumapit ako kay Jed at tiningnan siya sa mata. "Tumigil ka na, walang mapapala ang pagwawala mo, Jed," cold kong sabi sa kanya. "Talaga? Bakit? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Kung ano ang reaksiyon ko sa mga nalaman ko? At ang higit pa roon ay alam mo pala ang lahat!" galit na may pagkainis niyang sabi sa akin. Hindi ako umimik at tiningnan lang siya. Alam kong galit na galit na siya sa akin. Hindi ko siya masisisi pero hindi niya rin ako masisisi. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang spell na mayro’n sa kanya para makawala siya. "Dahil sa'yo, dahil sa'yo masisira ang mga bagay-bagay," may diin niyang sabi sa akin. Sinakal niya ako sa leeg ng sobrang higpit. "Jed! Tama na iyan!" akmang pipigilan ni Selene si Jed pero bago pa man siya makalapit ay may kung anong pwersa ang lumabas kay Jed dahilan para tumilapon si Selene sa may 'di kalayuan. "Ganyan mo na pala tratuhin ang mga naging kaibigan mo," seryoso at kalmado kong sabi. Mas diniinan pa niya ang pagkakasakal sa akin. Walang nagtangkang lumapit sa amin dahil pinapalibutan si Jed ng itim na usok. "Nalaman ko ang totoo sa mga tinuturing ninyong kalaban. Kaibigan? May kaibigan ba na naglilihim? Wala akong kaibigan," malalim ang boses niyang sabi saka ako binitawan. Tiningnan niya ako ng matalim at tiningnan niya ng may pagkainis ang kinaroroonan ni Selene saka naglaho na lang bigla. Humihingal na napaupo ako sa sahig. "Ayos ka lang ba Sy?" tanong ni Liry sa akin. Hindi ako sumagot at naghahabol pa rin ng hininga. "Sy!" Napatingin ako sa lalaking kakarating lang. Hinihingal siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero bigla na naman akong kinabahan. Hanggang kailan ba matatapos ang mga problema sa mundo? "Bakit Mike?" tanong ni Irza. Wala na si Shandie, Luke, at Draz dito. Dinala nila sa kwarto si Selene para matingnan kung ayos lang ba. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at tiningnan si Mike. "Si Kelly! Bigla na lang siyang nawala kanina. Inikot na namin ang buong palasyo pero hindi pa rin namin siya nakikita!" Halata ang pagkataranta sa boses ni Mike. Hahakbang na sana ako nang may maalala ako. "Ang kwintas? Hinubad ba niya ang kwintas na ibinigay ko sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko. "Hindi ko alam, ang alam ko lang ay naligo siya. Baka nga hinubad niya," sabi ni Mike. Napamura naman ako sa isip ko. Ano ba namang katangahan ang pinaggagawa ng babaeng iyon? "Bakit hinayaan mo? Pinaalala mo sana na hindi niya dapat hubarin iyon!" biglang sambit ni Krioz. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Sumusobra na siya. Wala na sa lugar ang mga pinaggagawa niya. Talagang nababaliw na ang nilalang na iyon. Aalis na sana ako pero napahinto ako nang makaramdam ng kakaibang enerhiya. Napatingala ako at napapikit. Naramdaman kong umaangat ang katawan ko sa ere. Hindi nila nakikita ang nilalang na sumasakal sa akin pero nakikita ko siya ng malinaw. Nilalang na alam kong kasapi ng Dempire. Hindi ako gumalaw at hinayaan ko siyang sakalin ako. Tama lang ito. Mas maganda kung sa akin nila ibibigay ang lahat-lahat ng sakit o pasakit, tatanggapin ko iyon. Ayokong may magdusa o may malungkot dahil lang sa hindi ko sila natulungan. Nagsasawa rin naman ako minsan sa buhay ko. Hindi kailanman masaya ang magkaroon ng responsibilidad at kakayahang kakaiba. Hinahabol ko ang hininga ko nang mabitawan ako ng nilalang na nagsakal sa akin. Napaupo ako sa sahig habang blanko pa rin ang expresiyon. "Ayos ka lang ba, Sy?" rinig kong tanong ni Liry sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nawala na rin ang presensiya ni Jed sa paligid. "Iwan niyo muna kaming tatlo." Isang malamig na tinig ang narinig ko sa may likuran ko. Hindi na ako nag-abalang lingunin siya dahil kilala ko na kung kaninong boses iyon. Umalis naman silang lahat at kaming tatlo na lamang na natitira. Ako, si Dark, at si Light. Tumayo ako sa hinarap ang dalawa. Nararamdaman ko ang kapangyarihan nila. Mukhang lumakas nga sila. "Buti natapos agad ang training niyo," pag-uumpisa ko. Hindi nila ako sinagot, tiningnan lang nila ako. Napabuntong hininga na lang ako at akmang aalis na pero hinawakan ni Light ang braso ko. "Who are you?" malamig niyang tanong sa akin. Nakatitig siya sa akin kaya tinitigan ko rin siya. Ngumiti ako ng mapait bago siya sinagot. "Bakit? May magbabago ba kung malalaman niyo kung sino talaga ako?" pabalik na tanong ko sa kanya. Wala akong intensiyon na magsinungaling pero wala rin namang magbabago kung malaman nila. Bakit? Malulutas ba ang lahat kapag nalaman nila kung sino talaga ako? Ayokong mag-iba ang turing nila sa akin. "Tell us Sy, we are one here. Hindi ka dapat nagtatago ng sekreto. Trusts us so that we will also trusts you," sambit naman ni Dark. "So you mean, hindi niyo ako pinagkakatiwalaan?" tanong ko naman kay Dark dahilan para matahimik siya. Binawi ko kay Light ang braso ko at tiningnan silang dalawa. "Jed is the son of Jedlon. Jedlon is the King of Dempire. Hindi tunay na tao si Kelly, she is a Vampire Princess, gustong kunin ng mga Dempire si Kelly inorder to make their Vampire Blood stronger. Hindi niyo ako pinagkakatiwalaan kaya ano pa ang silbi ko dito? You are the Emperors? Then, solve those things," malamig na malamig kong sabi sa kanila bago ako maglaho sa harap nila. "THANK God! You're here!" bungad sa akin ni Travious sa sala ng bahay niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad papuntang kusina. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin. "Alam na niya... alam na nila," kalmado kong sabi habang umiinom ng tubig. "Ano? Ano ang reaksiyon niya? Bakit mo sinabi?" sunod-sunod na tanong ni Travious. Napahilot naman ako sa noo ko. Dumadami na talaga ang problema ko. Hindi ko na alam kung saan at kung kailan ako magsisimulang lutasin ang mga iyon. "Gaya ng sinabi mo noon, magagalit siya ng sobra. Hindi ko pa alam kung ano ang reaksiyon nilang lahat tungkol kay Jed dahil bigla akong umalis doon," sagot ko naman sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at parang may iniisip. "Nagpunta ako kay Jedlon kanina. May sinabi siya sa akin," may bahid na lungkot niyang sabi sa akin. Hindi ako sumagot at hinintay na lang ang susunod niyang sasabihin. "Gagamitin nga nila si Kelly. Huwag daw akong makialam para hindi ako masali sa g**o," dugtong niya. Hindi ako kumibo at katahimikan ang namayani sa amin. "Hindi ba talaga siya titigil?" pambabasag ko sa katahimikan namin. Tiningnan ako ni Travious at umiling-iling. "Wala na tayong magagawa, kailangan natin siyang labanan. Sasama na ako sa'yo sa Mystic World. Siguro, ito na ang tamang panahon para bumalik na sa tunay kong mundo." "Huwag kang pupunta kung napipilitan ka lang. Ako na ang gagawa ng paraan para malutas ang lahat ng ito. Tungkulin ko iyon." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at naglakad na lang ako deretso sa kwarto ko. Nalilito na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin, mas mabuti kung magpapahinga na muna ako ngayon. Pagdating ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama ko at pinikit ko ang mata ko. Sana pagising ko, maaayos ko na ang mga problemang nasa isip ko. NAGISING ako dahil sa katok ng pinto na nagmumula sa mismong pintuan ng kwarto ko. "Sy, may bisita ka." Kung hindi ako nagkakamali ay si Travious iyon. Sino naman kaya ang dadalaw ng ganitong oras? Gabi na kasi ngayon sa mundong ito. "Sige, papasukin mo," tanging naisagot ko. Nakatingin lang ako sa nilalang na nagbukas ng pinto at pumasok sa kwarto ko. Kusang natali ang buhok ko at umupo ako ng maayos. Tiningnan ko ulit ang nilalang na ngayon ay nakatingin rin sa akin. "Ano ang kailangan mo?" malamig kong tanong sa kanya. Palagi namang malamig ang boses ko, walang pinagbago. Tumingin siya sa may sahig at ilang segundo lang ay may lumitaw na upuan doon. Umupo siya at humarap sa akin ng seryoso. "We can't settle this thing if you keep your attitude like that," may diin niyang sabi sa akin. "Hindi ko kailangang baguhin ang ugali ko para lang sa iba, Light." Natahimik naman siya. Oo, si Light nga ang nilalang na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang trip niya at naligaw siya sa kwarto ko. Wala yata siyang mapa. "I'm dead serious, Syranah. Nanganganib ang buhay ni Kelly pati na kay Jed. We have to stick to each other para makuha sila at manatili ang kapayapaan sa totoo mong pinanggalingan." Sa mga sinabi niyang iyon ay halata sa boses niya ang pagkainis. Bakit siya naiinis? Naninisi ba siya sa mga nangyayari? "Alam mo naman pala e, edi ikaw ang sumagip sa kanila. You are an Emperor, Light. Alam kong kaya mo na iyon," kalmado kong sabi sa kanya. "Yes I am, pero mas magiging malakas kung magtutulungan tayo. We should stick to each other to save our world, Sy. Mundo mo rin iyon, doon ka nanggaling noon pa man." Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Tama siya pero may mali. Hindi ko masyadong matukoy kung ano ang maling iyon. Kahit naman hindi siya pumunta dito ay tungkulin ko namang iligtas at mapanatiling mapayapa ang mundo ng Mystic. "Hindi ka pa rin nagbabago," biglang sabi ko at tiningnan si Light ng mabuti. Ganoon pa rin siya tulad ng dati, napakahalaga sa kanya ang responsibilidad niya sa mundo ng Mystic kaysa — napabuntong hininga naman siya. "Iba na ngayon, Sy. Hindi ko maikukumpara ang dati at ngayon. Hindi ka rin naman namin pinipilit na tumulong. Gusto lang namin na maging isa ka ulit sa amin kahit sa pagkakataong ito na lang." Hindi ako umimik at tumayo naman siya. Napapikit ako ng mata at naikuyom ko naman ang mga kamao ko. "Ayokong may masira na naman ulit dahil sa akin," halos pabulong na sabi ko dahilan para mapahinto si Light sa may pintuan. "Wala namang nasira, e. Sinisisi mo lang ang sarili mo kaya nasasabi mo iyan. Lahat naman ng nilalang may nagagawang mali, Sy. Nasa iyo na iyon kung didibdibin mo." Minulat ko ang mata ko at doon ko na lang namalayan na bumagsak na ang luha ko na nagmumula sa mata ko. Nagiging mahina nanaman ako. Palagi na lang ba na ganito ang nangyayari kapag bumabalik ang mga ala-alang iyon? May naramdaman akong mga bisig na nakagapos sa akin. "Nandito lang ako, Sy. Nandito lang kami." Napapikit ako at niyakap pabalik si Light. Humagulgol ako sa mga bisig niya. Sa tagal ng panahon na kinimkim ko ang lahat ng nararamdaman ko ay ngayon ko lang ito nailabas. Ngayon ko lang napagtanto na kahit gaano ka pa katibay na nilalang, ang luha ay hindi marunong magsinungaling lalo na kung sakit na ang pag-uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD