HINGAL na hingal kong tiningnan si Zandro na nakatayo sa may 'di kalayuan. Kalmado lang siya at hindi iniinda ang mga galos na natatamo niya mula sa akin dahil naghihilom rin naman iyon kaagad. Marami na rin akong galos at hindi iyon naghihilom kaagad dahil limitado lang ang kapangyarihan ko ngayon. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga kasama ko na nakikipaglaban. Gaya ng inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman kami ni Zandro. Tinutumbasan niya ang kakayahan at kapangyarihan ng mga kasama ko. Halimbawa ay kay Selene, cherubim siya at ang kalaban niya ay mukhang cherubim din pero kakaiba ang lakas nito kaya natatalo si Selene. May mga galos na si Selene at minsan ay tinutulungan naman siya ni Jed. Alam kong pati si Jed ay nahihirapan na rin sa kalaban niya pero pilit pa rin niy

