"SIYA si Syranah, kakampi natin siya kaya huwag kang mag-aalala," rinig ko namang sabi ng isang pamilyar na boses. May biglang lumitaw na nilalang sa tabi ni Mike. "Krioz..." banggit ko sa pangalan niya. "Ligtas ka ditto, Sy. Hindi ka niya naalala pero — " Pinutol ko ang sasabihin niya. "Kung ganoon ay ipapaalala ko sa kanya... sa kanila," seryoso kong sabi at ipinikit ang mata. "L'em rim'vier eim," bulong ko at may naramdaman akong enerhiya na lumalabas sa katawan ko. Translation: Let them remember everything. Habang tumatagal ay sumasakit ang katawan ko dahil sa enerhiyang lumalabas sa katawan ko. Makalipas ang ilang minuto ay napasigaw ako dahil sa sakit na dulot ng paglabas ng enerhiya sa katawan ko. Hindi ko alam ang nangyari dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko at n

