-Uno At dahil hindi ako kaagad pinapasok ng guard ng subdivision kung saan nakatira sina Aira, tinawagan ko pa si ate Aya para makapasok ako. Pinasakay ko na rin naman siya sa kotse nang makapasok ako. Umuulan kasi, hindi ba? Medyo malayo pa man rin iyong bahay nila. Alangan naman rin na paglakarin ko lang siya. "Nandiyan parents niyo?" Tanong ko pagkaparada ko ng kotse sa tapat ng bahay nila. I know, I know. Alam ko naman talaga na wala sila diyan kasi nga nag-usap kami ni Aira kanina, right? Tapos nabanggit niya pa na wala parents niya. Tinatanong ko lang naman kasi baka mag-isip ito ng kung ano ano kapag pumasok ako nang basta basta, na parang ako iyong may ari ng bahay. "Wala. Ako na magdadala sa rabbit mo since wala ka namang payong." Tumango na lang ako dahil ayoko mabasa si Wrinc

