2

3616 Words
-Uno "Pens at isang cattleya notebook." Minarkahan ko ng check mark ang gilid ng nakasulat sa listahan ko saka ko ipinagpatuloy ang paglalakad at tumingin-tingin sa paligid ng bookstore. Baka kasi may kailangan pa ako na hindi ko nailista. Gusto ko kasi na isang bilihan na lang para hindi na pabalik-balik. Nakakatamad kaya. Ilang minuto ko rin nilibot ang buong bookstore pero wala na akong makitang ibang kailangan ko. "I think okay na ito." I shrugged then put the list in my pocket. Lumapit na ako sa cashier then binayaran na iyong mga pinamili ko. Nang mabayaran ko na, ang dinaanan ko naman ay iyong grocery store. Bibili kasi ako ng mga kakailanganin ko para sa unit ko. Nakalimutan... well... tinamad is the right term. Dapat kasi noong isang araw pa ako bibili pero tinamad ako at naglaro na lang ng xbox sa loob ng kwarto ko buong magdamag. Iniwan ko muna sa counter ang mga pinamili ko sa NBS saka ako dumiretso sa kuhaan ng cart. Kinuha ko rin iyong isa ko pang list sa backpocket ko saka iyon tinignan habang itinutulak iyong malaking cart na nakuha ko. Para sa hygiene, foods, kitchen utensils, snacks and a dozen of Choco Baby. Wala lang. I love Choco Baby. Hindi kasi ako nag-aalis ng stock nuon. Priority ko iyon kapag namimili. Ang inuna kong puntahan ay iyong isle ng chocolate products. Kumuha na ako ng twelve pieces ng Choco Baby saka inilagay ang mga ito sa cart tapos tinignan ko habang nakangiti ang mga ito. I may look like a creep planning a bad thing but so what? Look at these tiny chocolates. Para silang little, tiny, puny pieces of heaven inside a little container. Okay, I'm being redundant. And I better get another one para on the way sa unit, may kinakain ako at nang hindi mabaswasan iyong one dozen. After sa heavenly isle (chocolate isle), foods naman ang kinuha ko. From meats, veggies and everything that I can stock. Marunong naman ako magluto kahit papaano kaya hindi ko problema kung paano gagamitin ang mga ito. Choco Baby, check. Foods, check. And now iyong mga kitchen utensils naman. After the utensils, mga gamit naman para sa katawan like sabon, toothbrush, toothpaste and the likes ang kinuha ko. Nagulantang ako at napako sa kinatatayuan ko nang may makita akong babae na bahagyang nakangiti habang may hawak na kutsilyo. Hinahawakan niya pa nga iyong tulis nito. Sinong hindi kikilabutan sa ganuon? May balak ba siyang pumatay ng tao? Sa itsura niya kasi, mukhang oo. Para siyang may bloodlust. Ang ganda pa man rin pero ang creepy niya. Pero parang pamilyar siya. Naramdaman niya yata na may nakatitig sa kaniya kaya napatingin siya sa gawi ko na siyang dahilan kaya mas nakaramdam ako ng takot. Sabi na pamilyar siya; siya iyong babaeng nakatapon ng soup sa akin duon sa restaurant. Iyong ngiti niya, nabura at naging blangko ang ekspresyon niya. Bumuntong-hininga siya at ilalagay na sana ulit iyong kutsilyo sa kinuhaan niya kaya lang may lumapit na babae sa kaniya. "Nakuha ko na, Sis!" masayang bungad nito sa kaniya saka ipinakita ang hawak nitong dalawang Pringles. Bakit ba ako nakatayo lang dito? Tae. At saka, bakit ba ako natatakot duon sa babaeng iyon? For sure naman hindi ako sasaktan nuon. Kahit maganda pa siya, kung pagtatangkaan niya akong saktan, aba naman, lalaban ako. Lumapit na ako sa kung nasaan sila at kinuha na ang mga sa tingin ko ay kailangan ko pati na rin iyong mga nakalagay sa listahan. Nang makuha ko naman na ang mga iyon, kasabay ng pag-alis ko sa isle ay ang pag-alis nila habang tulak ang cart nila. Ganda nuong babae, seryoso. Parang artista. "Padala mo na lang po sa unit ko ang mga iyon. Sayang naman kung hindi magagamit. At saka, kailangan ko pa po iyong mga iyon para sa pag-eexercise." "Oh, sige." Nauna nang ibinaba ni Papa ang tawag bago ko pa man siya babaan. At habang nakatitig sa cell phone ko, bigla akong may naalala kaya nakatok ko ng ilang beses ang ulo ko. Shit. Nakalimutan ko na ipadala rin iyong mga libro ko. Itinext ko na lang sa kaniya na ipadala rin ang mga iyon. Kaysa naman tumawag ulit ako, hassle pa. Itinago ko na sa bulsa ko iyong cell phone saka ako tumuloy papasok sa bago kong university. Nakatayo lang kasi ako sa harap ng nito kanina habang kausap si Papa. Ito na iyong first day ko rito sa bago kong school. Napabuntong-hininga ako habang tinitignan iyong mga naglalakad na estudyante papasok sa gate. Sana naman okay itong school na ito. Sasali rin ulit ako sa basketball team dito if ever. Napabuntong-hininga na lang ulit ako habang naglalakad. Tangina. Mapagkakamalan akong malaki ang problema ng mga makakakita sa akin, eh. Naisip ko kasi na hindi magiging normal ang pagpasok ko rito. Pinagtitinginan kasi ako nuong mga babae habang naglalakad. Gustuhin ko man silang dedmahin, pero dahil sa nature ko, nginitian ko na lang ang mga ito kapag nginingitian nila ako. Ang tangkad ko na kasi, ganito pa mukha ko, buffed pa katawan ko, medyo maputi pa ako – maputi kasi talaga ako dati kaya lang dahil sa baskeball, medyo nabawasan iyong kaputian kong iyon. Hindi sa pagmamayabang pero eye catcher talaga ako, na minsan ay nakakainis lang. Maganda ang lahat sa akin. Iyon nga lang, ang boses ko, sintunado. Napangisi na lang ako sa naisip ko, ignoring the fact na nakita kong tinaasan ako ng kilay ng iba. Siguro nagtaka sila kung bakit bigla na lang ako ngumiti mag-isa. Minsan talaga, isinusumpa ko itong pagmumukha ko. Ewan ko ba. Imbis na magpasalamat ako at pinagpala ang mukha ko, parang hirap pa minsan ako gawin. Mahirap kasi talaga minsan maging habulin. Pogi problems. Oo, dati talaga, laking pasasalamat ko dahil nga ganito iyong mukha ko kasi nagagwapuhan siya. Uno, huwag mo na nga siyang isipin. Ang tigas rin ng ulo mo, eh. Nandito ka para makalimot, hindi iyong iisipin mo pa rin siya. Paano ka makakamove on kung palagi mo na lang siya iisipin? Mag-isip-isip ka nga. Minsan – no. Madalas, tanga ka, lalo na sa pag-ibig na iyan. Letse ka. Nandito ako, nakatayo sa harap ng isang room, nakatingin sa papel na hawak ko matapos kong tignan ang room number. Ito na nga ang room ko. Pagpasok ko, natahimik iyong ibang nag-uusap. Ewan ko kung bakit. Tumingin ako saglit sa kanila pero iniwas ko rin kaagad at umupo sa pinakalikod. Ayoko nga sa unahan. Matatalino lang iyong nanduon. Nakakahiya mang aminin, hindi ako ganuon katalino. Average lang? Hindi kasi ako palaaral. Mas gugustuhin ko pa magbasa ng mga libro kaysa makinig sa mga teacher. Hindi naman ako nagkakaproblema sa studies ko since nakakapasa naman ako kahit papaano. Hindi naman rin nag-eexpect parents ko sa akin kasi nga ang pinagtutuunan lang nila ng pansin ay ang trabaho nila. Wala naman sa akin iyon. Pabor pa kamo sa akin. At saka, alam naman nila na mas gugustuhin ko pa magbasa, tumambay kasama iyong mga kaibigan ko o kaya magbasketball kaysa mag-aral. Kaya, ayun. Sinusuportahan na lang nila ako sa mga ginagawa ko. Kaysa naman raw magdrugs ako, mas maigi na iyong mga ginagawa ko dahil panatag silang wala akong ibang ginagawang masama. They're cool, huh? Tungkol naman sa iniisip nila na babaero ako kasi nga habulin ako dahil sa physical appearance ko, nagkakamali sila duon. Never akong naging babaero. Ako pa kamo ang nabaliw ng dalawang beses sa babae. Iyong pangalawa nga lang talaga ang iniyakan ko. Well, kaya nga nandito ako ngayon sa Manila. If naging sa akin lang talaga siya at hindi ako nasaktan, walang transferan na mangayari. Kung naging sa akin lang talaga siya. Napaatras ako dala ng gulat saka lumingon sa tabi ko. "Oh, s**t!" Tangina naman, oo. Nagulat ako sa biglang sumundot sa tagiliran ko. Nag-iisip ako, eh. Bwiset. Taeng babae ito, ha? "Bakit?" "Sorry, nagulat ba kita?" "Medyo." Anong medyo?! Uno, ayusin mo, ha?! "Anong pangalan mo?" nakangiting tanong niya. Napatingin ako sa likuran niya kasi biglang may tatlong babae na lumapit sa kaniya. Lahat sila nakangiti habang nakatingin sa akin. Ang creepy nila, tangina. "Uhh..." sagot ko habang unti-unting iniaatras ang upuan ko. Tae. Sila naman, palapit nang palapit. "Juan." Tatawa na sana sila pero sumapaw kaagad ako. "Uno! Uno na lang." "Ah." sabay-sabay nilang sinabi. "Ang funny naman ng Juan na name mo." Aba. Siraulo ito, ha? Kailangang isampal na nakakatawa iyong pangalan ko?! Ang lakas kasi maka-Pinoy. Wala namang mali sa pangalan ko pero kasi, para sa akin, napakasinauna nito. Natapos na iyong tatlong na subject namin. Ipinasa lang naman namin iyong classcard tapos ilang kaewanan lang ang sinabi ng mga prof tapos lumalabas naman kaagad ang mga iyon. Ang sabi sa bluecard na tinitignan ko ngayon habang naglalakad sa corridor, vacant na. Tapos dalawang subject na lang after ng vacant, uwian na. Yes! Makakapanuod ako ng kung ano-ano sa Youtube ng matagal mamaya. Hindi na lang ako kakain tutal naman uwian na mamaya. Malibot na nga lang itong campus. Siyempre para makabisado ko na ang pasikot-sikot rito. Iyong mga nadadaanan kong estudyante, kung makaporma, wagas. Nakakatawa sila kaya hindi ko maiwasang mapangisi kapag nakakakita ako ng katawa-tawang estudyante. Sa sobrang pagporma nila, sa dami ng accessories na suot nila, nakakatawa na iyong itsura nila. Hindi sa pag-aano pero kasi ang daming kung ano-anong nakasabit sa katawan nila kaya ang dungis tignan. Kung gwapo ka talaga, hindi mo na kailangang pumorma. Diyos ko. Ito namang mga babaeng nakikita ko, nagiging dahilan ng pagngiwi ko kasi kung makapaglagay ng make-up, grabe. Patawarin ang bulsa ng mga magulang nitong mga ito sa panghihingi nila ng perang pangbili ng make-up. Napailing na lang ako at nagpasak ng earphones sa magkabilang tenga at nakinig na lang ng music. Para na rin kunwari, hindi ko naririnig ang mga tumatawag at sumusutsot sa akin. Napadaan naman ako sa isang parte ng campus na may restricted area ay tumigil ako sa harap nito. Bawal magpadaan? May tali kasi na nagsisilbing harang. Hagdan siya. Bakit bawal daanan rito? Under construction? Pero mukhang maayos naman, ha? Since curious akong tao, walang harang ang makakapigil sa akin. Umakyat ako sa second floor para tignan kung may tao ba sa part na iyon ng campus. Puro estudyanteng nakatambay kasi sa paanan ng hagdan sa first floor, eh. At saka, maraming tao, baka mabisto ako sa pagpasok ko sa restricted area na iyon. Ano ba kasi ang mayroon duon? Sakto naman na walang tao sa parte na ito ng campus. Tulad nuong sa baba, may nakatali rin dito. Luminga-linga muna ako at sinigurado na walang tao bago ako pumunta duon at pumasok sa hagdan na restricted. Parang wala namang kakaiba rito. I don't get it. Bakit kailangang isara itong area na ito? Itong hagdan na ito? Parang normal na hagdan lang talaga siya. Nag-ingat lang ako sa pag-akyat dahil baka may makakita sa akin mula sa first floor. Napatigil naman ako sa paghakbang paakyat dahil may narinig ako na parang umiiyak, babaeng umiiyak to be specific. Tangina! Baka kaya restricted ito kasi minumulto itong hagdan na ito?! Unti-unti akong sumilip, dumapa pa kamo ako sa hagdan. Kaonti na lang... Napatigil ako sa paggapang. Babae? Babae nga itong nakikita ko. Nakaupo ito habang nakayakap sa mga hita niya tapos nakabaon ang mukha sa mga tuhod habang may hawak siyang cell phone. Multo ba ito? Bakit may hawak na cell phone? Hightech itong multo na ito, ha? Pero... parang hindi naman siya multo. "Uhh..." Bahagya siyang narattle nang marinig niya ako. Umayos na rin ako ng tayo. Nakakahiya kasi nakadapa ako sa hagdan. Parang gumagapang lang, eh. Well, technically, ganuon na nga ginawa ko kanina. "Are you okay?" May kinuha siya sa bulsa niya. Panyo. Ipinunas niya iyon sa mukha niya saka tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong niya sa akin. Siya? "Ikaw?" Siya iyong babae sa restau pati sa mall. Wow. Lagi kaming nagkikita, ha? Tadhana na ba ito? "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakatingin ng masama sa akin. Ano ba kasalanan ko sa kaniya at ganiyan na lang siya makatingin? Kung tignan niya ako, parang ako iyong pumatay kay Lapu-Lapu, ha? Napatingin naman ako sa cell phone niya. Kung hindi ako nagkakamali, ang nakita ko duon bago niya pa man maitago sa bag niya iyon ay picture ng isang lalake. Baka boyfriend niya. Inibinalik ko iyong tingin ko sa kaniya at tinignan siya ng may pagtataka. "Naglilibot?" "Bawal ka rito." Napansin ko lang, ha? Parang pinipigilan niya kasi iyong boses niya na mapataas. Pinipigilan niya iyong sarili niya na sumigaw. Marahil ay bawal ang estudyante rito kaya pinipigilan niya ang magtaas ng boses. Nilapitan ko siya pero tinignan niya ako ng masama kaya napatigil ako sa paglapit. Napansin ko rin na may kuminang sa pisngi niya saka niya iyon marahas na pinunasan gamit ang likod ng palad niya. "Bakit ikaw? Bawal rito ang estudyante, ha?" "Wala kang pakielam. Umalis ka na dito." asik niya saka niya isinubsob ulit ang mukha sa mga tuhod niya. Iiyak na naman ba siya? Napabuntong-hininga ako saka umupo sa harap niya. Kinuha ko rin iyong Choco Baby sa bulsa ko saka ito binuksan. Magsheshare ako. Mabait kasi ako. Ayoko kasi makakita ng babaeng naiyak. Siguro iniwan ito ng boyfriend niya kaya umiiyak. Sinayang nuong lalake itong babae, oh? Maganda pa naman. Pinakawalan pa, ang tanga. Pero baka masama ugali nito kaya iniwan? I don't know. "First day of school, umiiyak ka." Napaangat naman siya ng ulo saka ako tinignan ng masama. Baka akala niya umalis na ako. Inilahad ko sa kaniya iyong case ng Choco Baby habang nakangiti kasi gusto ko ipaalam sa kaniya na hindi ako kaaway. "Gusto--" Dahil sa ginawa niyang pagtabig sa kamay ko na may hawak sa Choco Baby kanina, unti-unti akong napanganga habang nakatingin sa nagsslow motion na mga piraso ng heaven – iyong pellets ng Choco Baby na nasa ere papunta sa malaking opening ng hagdan. "Umalis ka rito!" Napatingin ako sa likuran ng ulo niya – sa wall – nang umubob ulit siya sa tuhod niya. May nakasulat kasing Aira Han tapos sa baba nuon, Jake Lee Trinidad. Ang Choco Baby ko! Ang Choco Baby ko, lumipad papuntang first floor! "Palitan mo iyon!" Pagalit na sinabi ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan na sumigaw kasi ibang usapan na iyong ginawa niya! Nang dahil sa kaniya, nasayang Choco Baby ko! Naging mabait na nga ako pero ganuon pa iyong ginawa niya! Hindi makatarungan iyon, lalo pa at nasayang iyong Choco Baby ko! "Umalis ka na!" Pigil na sigaw niya habang nakaubob. Aba naman! "Palitan mo sabi iyon! Halika!" Hinila ko siya patayo na siyang ikinagulat niya. Wala akong pakielam basta mapalitan niya iyon! Bagong bukas iyon! Hindi ko pa nga natitikman ni isa! "Ano ba?! Bitawan mo ako!" Pilit niyang ikinakalas iyong pagkakahawak ko sa braso niya kaya ang ginawa ko, binitawan ko siya tapos kinuha ko iyong bag niya. "Hindi! Palitan mo iyon!" Hinila ko sa strap iyong bag niya kasi bigla niyang nahawakan iyong isa pang strap. Naghilahan kami habang nagpapalitan ng mga salita tapos nang maagaw ko sa kaniya iyong bag, tumakbo ako paakyat at tumawid kaagad sa tali na nagsisilbing harang sa hagdan. "Hoy!" "Hindi ko ibibigay itong bag mo hangga't hindi mo pinapalitan iyong Choco Baby ko!" Tinignan ko siya ng masama saka ko yinakap iyong bag niya. "Ibalik mo nga iyang bag ko!" utos niya habang natawid sa tali. Nang makatawid siya, itinaas ko kaagad iyong bag dahil bigla niya akong sinunggaban para makuha ito. Lord, thank you po dahil matangkad ako! Hindi makukuha ng babaeng ito iyong bag niya! "Palitan mo mun – aw!" Napaupo ako dahil sa sakit habang yakap pa rin iyong bag at iyong isa ko namang kamay ay nakahawak kay best friend. Tangina. Sinipa si best friend! Ang sakit! "Ibalik mo sabi, eh!" sigaw niya habang hinihila iyong strap ng bag na yakap-yakap ko. "No! s**t! Ang sakit! Palitan mo muna iyong Choco Baby ko!" "Augh! Fine!" frustrated na sagot niya. Napaangat ang tingin ko habang kagat-kagat ang ibabang labi ko at siya, nakatingin pa rin ng masama sa akin. "Halika na! Tumayo ka na riyan!" "Tulungan mo kaya ako tumayo! Ang sakit-sakit ng ginawa mo!" "Akin na iyong bag para matulungan kitang tumayo." Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya ibinigay ko iyong bag. Pero mali ako. Bigla kasi siyang tumakbo. Kahit masakit pa si best friend, tumayo kaagad ako saka siya hinabol. Nang malapit na ako sa kaniya, hindi ko alam kung saan ko siya hihilahin. Hindi naman puwede sa buhok dahil masasaktan siya. Hindi puwede sa balikat dahil makakakalas kaagad siya. Tama! Nang maabutan ko siya, ibinackhug ko siya na nagpatigil sa kaniya. Nang ilibot ko ang paningin ko, mas nafrustrate ako. Tae. Ang rami na pala ng mga nanunuod. Iyong iba naman, parang kinilig pa. Ano bang akala nila? Girlfriend ko ito? Puwede ba? "Akala mo makakatakas ka, ha?" Bumitaw ako sa yakap saka hinawakan iyong kwelyo ng uniform niya "Palitan mo na iyon." "Oo na! Ang epal kasi!" "Ikaw iyong epal!" Bumaba kami na talaga namang todo inda ko sa sakit ng ginawa niya habang iyong isa kong kamay, nakahawak sa kwelyo niya. Nang makalabas kami sa campus, dumiretso kaagad kami sa mall kung saan ko siya dati nakita, na katabi lang ng campus namin. Ice, ha? Puwedeng tumambay rito kapag nagcutting. "Parang ito lang, kung makapagwala ka diyan. Bitawan mo na ako!" singhal niya saka inihampas sa dibdib ko iyong plastic na may lamang Choco Baby. Binitawan ko na siya mula sa pagkakahawak ko sa kwelyo niya nang makuha ko na iyong plastic. "Makaalis na nga." Nainis yata? Nakabili na kasi siya ng chocolate ko. Mula kasi talaga kanina nang pumunta kami dito, hawak ko ang kwelyo niya. Mula sa pagkuha ng Choco Baby pati sa pagbayad sa cashier, hawak ko pa rin iyong kwelyo niya. Siya lang ba may karapatang mainis?! Sinipa niya nga iyong ano ko, eh! Mas may karapatan akong mainis dahil may chance na mabaog ako dahil sa ginawa niya! Aba! Siya pa lang iyong gumanuon sa akin, ano! Hindi pa nga natetest kung hindi ako baog o... well... natest na pala. Hindi na pala kasi ako virgin dahil may nagawa na akong kababalaghan kasama iyong unang babae na nagustuhan ko. Pero teka. Considered as test na ba iyon kung hindi ko naman pinasabog ang aking jewels sa loob nito? Wait nga! Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganito?! Kababuyan mo, Uno! Iyang utak mo, ha?! Basta. Malalaman ko rin naman someday kung baog ako o ano. Bumili muna ako ng McFloat bago ako bumalik sa campus. At nalaman ko na late na pala ako nang tignan ko iyong wristwatch ko. Lagpas na ng ten minutes sa time ng subject ko ngayon, eh. Whatever. First day ko pa lang naman ngayon. Ibibigay pa lang iyong classcard namin. Nang makarating ako sa room, sakto namang labas ng isang matandang babae duon kasabay ng mga kablock ko. Nilapitan ko kaagad ito saka tinanong kung siya ba ang prof ng block na iyon. Block section kasi kami, eh. Um-oo naman ito kaya ibinigay ko iyong classcard ko rito at humingi ng sorry dahil nalate ako. May ilan lang siyang sinabi sa akin bago siya tuluyang umalis. Ang bilis niyang umalis, ha? Siguro kinuha lang iyong classcard ng iba kaya umalis kaagad siya. Nang pumasok ako sa room, nanglaki iyong mata ko dahil iyong pinwestuhan ko kanina, nanduon iyong babaeng baraguda, nakaupo. Aba. Aba. Pwesto ko kaya iyon. At hindi ko alam kung pinagtitripan ako ng tadhana o ano, eh. "Hoy," pagkuha ko sa atensyon niya pagkalapit ko pero hindi niya ako pinansin. Tumingin lang siya sa kanan. Nasa harap niya ako, eh. Bastusing babae ito, ha? "Hoy," Wala pa rin. Napatingin naman ako sa hawak kong McFloat saka napangiti dahil sa pumasok na ideya sa utak ko. Idinikit ko ito sa pisngi niya kaya nakuha ko na iyong atensyon niya. Finally. "Good. Tumingin ka rin." "Ano na naman ba? Bakit nandito ka? Kulang pa ba iyong chocolate na binili ko at kailangan mo pa akong sundan at bulabugin rito?" pabalang na tanong niya, na siyang dahilan kung bakit nakuha namin ang atensyon ng mga kablock namin na malapit sa puwesto namin. Sungit, ha? "Upuan ko kasi iyang inuupuan mo." nakangiting sinabi ko. "May pangalan mo? Binili mo? Sa pagkakatanda ko, school property ito." "Actually, yes. May pangalan ko iyan." nakangising itinuro ko iyong armchair na may nakasulat na Uno. Sinulatan ko kasi kanina dahil wala akong magawa. "See? Sa akin iyan." "Augh!" Padabog siyang tumayo saka lumipat sa katabing pwesto ng upuan ko. "Ang epal." pabulong niyang reklamo pero narinig ko. Umupo ako saka isinabit iyong bag sa sandalan sa harap ko. "Oh," Inilahad ko iyong case ng Choco Baby habang nakatingin pa rin ng diretso. "Kumuha ka," Inilapag ko ito sa armchair niya saka ipinasak ang earphone sa tenga ko. I love music kasi kahit na it doesn't love me. Napatingin naman ako sa kaniya nang makita ko sa peripheral vision ko ang pag-angat ng kamay niya. "Subukan mong ibato; papalitan mo na naman iyan!" Napatigil siya sa pagtatangkang paghagis sa Choco Baby ko dahil sa sinabi ko saka ibinaba ang kamay niyang nakataas. Padabog siyang sumandal saka binuksan iyong case tapos kumuha ng ilang piraso duon. Bakit ba ganito ugali nitong babaeng ito? Siya na nga binibigyan, eh. Ibinalik naman niya sa akin iyong Choco Baby saka nagsalita. "Huwag mo na ulit akong papansinin o kakausapin." seryosong sinabi niya saka kinain iyong mga pellets na nasa palad niya. "Whatever." As if naman na gusto kitang kausapin. Ang sama ng ugali mo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD