CJ's POV "Manang,asan sila kuya?"takang tanong ko pagbaba ko ng hagdanan. "Ay!Sina Daddy mo may inaaksikaso raw sa kompanya,yung kuya mo may date tapos yun namang si Geon ay kasama yung si Jaexah."sabi ni manang at napatango-tango na lang ako. Hindi ko pala nabanggit na mamaya pang ten ang pasok ko kasi wala daw ang prof. namin sa Foreign Language which is si Ma'am Paula kaya yun. Today is Friday kaya hindi kami naka-uniform. Ewan ko ba kila Mommy at yun ang ginawang sched ng suot. Pero ayos rin para naman maiba. Teka,makapag online nga muna,baka mamaya i-chat ako ng little einsteins at sabihing sinusundo na nila ako tsk! Pagbukas ko ng f*******: ko sa iPad ay bumungad sakin ang madaming notifs. Hindi naman sobrang dami pero for me ang dami na ng hundred plus hehe.. Pagtingin ko sa mga notifs ay karamihan is messages at yung iba mga mentions na lang nila Jen. Meron din naman akong mga nakapilang friend reqs. at karamihan dun is hindi ko talaga kilala as in. Baka mamaya pinagkakalat na ni Dora sa iba't ibang parte ng pilipinas yung pangalan ko haysss..joke lang hehehe. Xaver sent you a message. O______O >_________O O______< O___________O "WAAAAAAAHHHHHHH!!!!" *BLAGGG!!* "Anong nangyare sayo Ma'am CJ??"tanong ng isa sa mga kasambahay namin. "Ah hehe..wala naman nakakita lang ng cockroach.."pagpapalusot ko. "Ahh ok sorry po akala ko kung ano na eh."sabi niya at lumabas na tapos sabay sara na ng pinto. I immediately clicked his name to read his message. Xaver Routledge Active now AUG. 29 20** Xaver is waving at you tap to wave back!?? I'm sorry napindot. 8:43 AM Hey. Huh? My mom asked me to tell you that she'll just send you her gift.? Uhmm...for what? I don't know either. Ahh ok.?Tell tita Nazarene that i miss her and thank you for the gift kung para Saan man yun☺️? Seen. _____________ Hindi naman masakit? Pagkalipas ng ilang oras na pagbababad sa iPad ko ay ginawa ko na ang aking mga morning routines pag papasok sa school at pagkatapos noon ay isinakbit ko na ang bag ko at lumabas na ng bahay. "Si manong po?"tanong ko sa mga hardinero/hardinera namin. "Ay naku ma'am! Nagkaniya-kaniya po sila sir ng driver tapos yung iba nagbabakasyon kaya wala pong driver na natira."paliwanag nung isa. "Ah sige po salamat!"ngumiti ako at lumabas na ng gate. So paano na ako? TToTT *BEEP BEEP!!* "Ay mga little einsteins na sumama sa paglalakbay ni Dora!"napatalon ako dahil sa pagbusina ng isang sasakyan sa tapat ko habang naglalakad ako. "Get in."sabi ni Blake. "Ah hindi n—- "Sakay ka na,Carlizle!" =____= "Sabi ko nga hehe.." ^_____^v After 12345678 minutes ay nakarating na kami sa school. Haaayy! Pagbaba namin sa kotse ni Blake ay dumiretso na agad kami sa room namin. Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase. Math time nga pala namin. "Good Morning class! Get one whole sheet of yellow paper,we'll be having a 50 item test."lahat naman kami ay nagbulong bulungan. "Wala naman sinabi si Miss last meeting ah?" "Wala nga..nubayan!" "Kaasar naman si Miss tch!" "Agang surprise."napalingon naman ako sa katabi kong si Blake. Ah teka! Asan nga pala sila Jen??? O______O??? "Hinahanap mo sila?"napatango naman ako. "Hindi raw sila makakapasok sa first and second subject natin." sabi niya. Kung kelan naman birthday ko tsaka sila wala? Wala pa ni isa ang nakaalala na birthday ko ngayon. TT o TT Buti pa ang mga little einsteins,si dora at ang wonder pets kahit hindi ako binabati lagi naman silang nan—- "Miss Yap are we on the same page??"bigla naman akong kumuha ng Math book at binuklat ito. "Y-yes Miss!"nagtawanan silang lahat maliban sa prof. "I mean can you follow? We're taking a dictation test here Miss Yap so if you don't mind,close your book and listen."napatango tango na lang ako. "Sorry Miss." Author's Point of View (Third Person's POV) Natapos ang nakakapiga ng utak na surprise test nila CJ at kasalukuyan na silang lilipat sa computer laboratory dahil may activity silang gagawin. Hindi ba at Computer time rin ng G-11? Tanong ni CJ sa sarili. Bakit nga ba kasi walang bumabati kay CJ? Ayan tuloy napaka-pre occupied niya ngayon! Dati kasi tuwing birthday niya halos imbitahan ng mommy niya ang buong Pilipinas at magpapahanda ng bongga! 17th Birthday nga pala ni CJ ngayon! Pagdating ng 10-Honesty sa Lab ay nadatnan nila ang 11-Albert Einstein kahit naman dalawang klase ang nandito ay ayos lang dahil napakalaki talaga ng Computer Laboratory nila,meron silang apat na Comp. Lab dito sa University. Nagkataon lang talaga na ngayon ay ginagamit lahat ng Lab. Sa CL1 ay ang grade 7,CL2 Grade 8 at 9 CL3 10 at 11 tapos CL4 5 at 6. Pinakamalaking Lab na kasi ang CL2 at CL3,pang isang klase lang talaga ang CL1 kaya ganoon. CL4 naman pang Elem. "Good Morning 11-Albert Einstein! Sorry to disturb you but please proceed at the left side of our Lab because 10-Honesty will be using the right side of the Lab. Thank You!"sabi ni Sir Bie. Kasalukuyan na silang gumagawa ng kaniya kaniyang activity samantalang ang magkapatid na Rutherford ay nagsesenyasan. "Ipakuha mo yung damit na susuotin ni Carlizle!"Jameson Blake mouthed. "Ikaw na! I-text mo ang maalin kila Ariana!"Jaxon Blaine mouthed. "Si Jaexah na lang ipadiskarte kung paano mapapasuot yung damit!"Blake mouthed and Blaine just gave him a nod. Talaga nga naman ang dalawang Rutherford! Paano kaya napagbati ni Eixiah itong dalawa? Natapos ang dalawang oras nila sa Comp. Lab at break time na nila. Si Jaxon Blaine ay itine-text na ang kapatid na si Jaexah para sa nasabing plano. Si CJ? Ayun bagot na bagot na kaiintay kila Jen. Mapagkakamalan tong broken hearted sa itsura niya eh! Umaasa pa rin pala siya....