SUMMER
Iniwanan ko na si Mallow sa bench, kailangan kong umalis at may kailangan pa akong puntahan, bibili pa ako ng bulaklak. Pupuntahan ko si Daryll.
"Summer, hija ikaw pala iyan!" nginitian ko iyong matanda na hindi ko balak alamin ang pangalan, sa kaniya ako bumibili ng bulaklak kapag dumadalaw kay Daryll. Isang taon na niya akong binabati pero isang taong ko na rin siyang nginitian lang.
"Manang, ito nga ho pabili" iniabot ko agad ang bulaklak at kaagad naman niya iyong inayos.
"Isang taon na pala ano?" naiiling na wika ng matanda. Ako naman ay napatigil sandali, biglang nag-flashback lahat ng nangyari noon. Isang taon na pero parang kahapon lang ang lahat.
Mabilis akong nagpaalam sa tindera at saka naglakad papunta kay Daryll. Sa puntod niya. Nakakailang hakbang pa lang ako tumutulo na agad iyong sipon ko, pati ang mga mata ko ay nag-uulap na naman.
Mabilis ko silang pinunasan ng makita kong malapit na ako sa tarangkahan ng sementeryo. Binati ako ng mga guard, "Summer! Di mo ata kasama si Crystal" nginitian ko sila, isang beses sa isang linggo ay dumadalaw kami dito ngunit sa ngayon ay ako lang muna.
"Galing po kase ako sa school, next week po nandito ulit kami, kasama naman iyong parents’ ng dinadalaw ko" sagot ko naman. Sumaludo ng mga ito sa'kin bago ako pinagbuksan ng gate.
Pumunta agad ako sa kinaroroonan nang puntod ni Daryll at naupo sa tabi nito, inilagay ko rin sa tabi ang mga bulaklak.
"Hi Love, kumusta?" napangiti ako habang hinahaplos ang pangalan na nakaukit sa marmol na bato. "Nandito na naman ako as usual, nagsasawa ka na ba sa pagmumukha ko?" tumingin ako sa langit upang pigilan ang luha na nagbabalak lumabas. Unti-unting nilukob ng lungkot ang aking puso habang mag-isang nakaupo.
"Ako Daryll, hindi ako magsasawa sa mukha mo, hinding hindi" pinipigilan ko ang pag-iyak, pero epic fail lahat ng attempt.
Hanggang sa hindi ko na kayanin, bumilis ang aking paghinga at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Pakiramdam ko may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
"I-isang taon na Daryll, isang taon pero masakit pa rin talaga, hindi ko pa rin matanggap" napahawak ako sa may bandang dibdib, hanggang sa ang mahinang hikbi ay naginghagulgol na.Hindi ko alam kung ilang minute akong umiyak ng ganoon, Kumalma ako at pinunasan ang aking mukha.
"Oo nga pala, dadalaw dito sina Mama at Papa mo, kasama namin si Crystal" sabi ko bago ko inayos ang aking sarili at tumayo "Pupunta ako sa bahay ninyo, maglilinis" patalikod na sana ako nang maramdaman ko ang isang malamig na hangin na bumalot sa katawan ko.
Sunny
"Bumubulong ka na naman, multuhin mo nga ako one time!" natatawang sabi ko sa sarili ko habang palabas ng sementeryo.
Pagdating ko sa mansyon nila Daryll ay agad kong inumpisahan ang paglilinis. Ganito ang routine ko kapag hindi abala. Dadalaw sa sementeryo at maglilinis ng bahay nila.
Simula ng mamatay si Daryll a year ago, nag-migrate na sa US ang parents niya dahil nandoon ang ilan sa mga kamag-anak nila at ang kakambal ni Daryll na hindi ko pa nakikita ni minsan. Tinawagan ako ni Tita Mel noong isang araw na dadalaw daw sila kaya naman halos gabihin na ako sa paglilinis.
Sa sobrang subsob ko sa paglilinis, napaupo ako sa sofa at napapikit nang may mahagip ang paningin ko sa taas ng hagdan.
Sunny naman, sinabi ko na sa'yo hindi ka katulong dito, hayaan mo silang maglinis diyan!
Napaayos ako bigla ng upo sa narinig at nakita. Alam ko, this is just another imagination, some call it hallucination, I don't want to blink or move even an inch dahil alam ko mawawala sa harapan ko ang imahe na ito.
Titig na titig ako sa kanya habang siya naman papalapit sa kinauupuan ko, nang tuluyan nang makalapit si Daryll ay hinaplos niya ang pisngi ko. Inayos pa nito ang nakakalat na buhok sa mukha ko. Katulad ng palagi niyang ginagawa.
Then I cried, I cried while looking at him. Ayaw kong gumalaw dahil mawawala na naman si Daryll. His memories and Crystal are what keeps me alive.
You are my Sunny you're my only Sunny, you make me happy when skies are gray, you never notice how much I love you, please don't take my Sunny away
Si Daryll lang ang natawag sa akin nang Sunny. But when he died, nawalan ng halaga ang pangalan na iyon.
Para naman akong nagising nang mag-ring ang phone ko. Parang hangin na inihipan, nawala ang imahe ni Daryll sa harap ko. I am all alone again.
"Hello" sagot ko habang hinahanap si Daryll na imagination ko lamang, si Tita Martha pala, hinahanap na daw ako ni Crystal "Opo uuwi na ako" I slowly packed my things and went out, isang lingon pa bago ako umalis and gave the house a sad smile.
"Summer! Anak gising na baka mahuli ka sa school! Iiwan ka na ng Papa mo, bahala ka diyan!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba, agad namang tumayo ako at naligo. Ganito kami araw-araw. Simpleng buhay lang.
"GOOD MORNING!!" masayang bati ko sa mga magulang ko na nasa harap na ng hapag. Hinalikan ko pa sila sa pisngi bago umupo sa hapag at kumain.
"Anak, bilisan mo na baka ma-late ka niyan" sabi naman ng Papa. Si Papa ay isang office worker sa isang government sector. Ang Mama naman ay isang member ng AVON.
"Pa, wag na lang kaya akong pumasok? Dito na lang ako sa bahay" ungot ko habang kumakain ng paborito kong corned beef.
Ewan ko rin kung ano bang iniisip ko at nasabi ko ang mga iyon, hinaplos ni Mama ang noo ko, "Ma wala po akong sakit, gusto ko lang kayong makasama"
"At siguro naman alam mo na ang isasagot namin ng Papa mo diyan sa request mo, diba?" natatawang sabi naman ni Mama sabay kindat sa'kin.
"Eto na nga po, nagmamadali ng kumain para hindi ma-late sa school" busangot ko naman na sagot samantalang silang dalawa naman ay natatawa lang sa'kin. Binilisan ko ang pagkain para makasabay kay Papa para libre pamasahe!
"Mama, aalis na po kami ni Papa" niyakap ko si Mama sa likod habang siya naman ay naghuhugas ng pinggan.
Binitawan ni Mama ang hawak niyang plato saka ito humarap at niyakap rin ako, "Summer, anak palagi kang mag-iingat ha? kahit saan ka mapunta, wag mong aalisin iyang ngiti tsaka kabutihan sa puso mo" natawa ako sa sinabi ng Mama, para bang naghahabilin.
"Ang weird mo po, Ma! Pero sige po, I promise na magiging mabait ako kahit anong mangyari" hinalikan ko si Mama sa pisngi tsaka mabilis na tumakbo papunta sa nag-aantay na si Papa.
Hinatid ako ni Papa sa harap ng school, panay ang kwentuhan at tawanan namin ng mapansin na nasa tapat na pala ako ng gate. Papasok na sana ako ng tawagin ulit ako ni Papa, he extended his arms kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.
They're still treating me as a baby kahit na 1st year college na ako.
"Anak, always be strong ok? Alam mo naman na mahal na mahal ka namin ng Mama mo dahil ikaw lang ang anak namin" niyakap ako ng mahigpit ni Papa tsaka hinalikan sa noo. Wow ang weird nilang dalawa.
"Pa, ok lang kayo ni Mama? Weird ninyo eh!" natatawang tiningnan ko si Papa. Ginulo lang naman nya ang buhok ko bago ako pinapasok sa loob ng school.
Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla na lang akong napahinto dahil may parang bumalot na malamig na hangin sa katawan ko.
Uwi na lang kaya ako? Kaso lang magagalit si Mama. Nagtatalo ang isip at puso ko pero ayaw ko namang suwayin si Mama kaya dumiretso na lang ako sa classroom.
"Huy Summer, kanina ka pa di mapakali diyan!" Ilang beses pa akong napakurap bago ko napansin ang ilong ng kaklase kong si Janet na nasa may mata ko na.
"Kanina ka pa tulala, may problema ba?" tanong nito habang kumakain ng banana cue. Vacant namin at halos kami lang ang natira sa room.
"Wala ito, Ja. Wag mo na lang ako pansinin" sandali akong lumabas ng room at balak sanang magpahangin.
Nakailang ikot pa ko sa kinatatayuan ko nang mapansin ang isang maitim na usok na papunta sa langit, hindi kalayuan sa school, kaya pala kanina pa may mga bumbero na kanina pa nag-iingay malapit sa school. Siya namang biglang pag-atakae ng kaba sa dibdib ko.
Si Mama!