"Baby..." Narinig ko ang pagkatok ni mom sa pinto ng kwarto ko. "Po?" Nanatili lang akong nakahiga sa kama kasabay nang pagkawala ng mahabang buntong-hininga na kanina ko pa pinipigilan sa hindi malamang dahilan. "Labas ka muna d'yan, may bisita ka!" Sigaw nito. Oh, mayro'n? Bakit kaya? Wala naman masyadong dumadalaw sa'kin... well, at the very least, hindi pa naman ako patay. Patay sa kanya, siguro... hay, really... ano bang alikabok ang pumasok sa utak ko at naiisip ko na naman 'to? "Susunod na lang po ako!" Sigaw ko rin pabalik. Rinig ko ang paalis na yabag ng mga paa ni mom kaya alam kong umalis na siya. Umupo ako sa kama at kinuha ang maliit na salamin na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama ko. "Maganda naman ako, 'di ba?" I mumbled to myself as I stared at my face in the mirr

