Chapter 1

1730 Words
Dumating na 'yong Prof namin sa Science, kasunod lang nito si Leigh. Napanguso ako at pumangalumbaba. He's so adorable! Gusto kong lapitan siya at halikan sa labi – what the, Coleen? I mean, gusto ko siyang mas makilala pa. Tingin ko ay hindi lang panlabas na anyo ang maganda sa kanya kung hindi pati panloob din – wait, wait. Don't get me wrong, I'm thinking about his attitude and not his – this is enough. Napaismid na lang ako nang makarinig ako ng ilang mga usapan at makakita ng malalagkit na tingin kay Leigh. Such a bad dreamer! Hindi nila alam na para sa akin lang si Leigh. Saka... sa lagay na 'to, hindi pa ako gusto ni Leigh. Sa ganda at talino kong ito. Paano pa kaya ang mga nananaginip ng gising na iba diyan? I pity them. Finocus ko na lang ang sarili ko sa mga dinidiscuss ni Prof pero iyong mga mata ko, parang may sariling buhay. Napansin ko na lang na na kay Leigh na pala ang tingin ko. Gusto kong makinig kay Prof at i-ignore 'tong si Leigh pero... paano? It's just that he's so cute to the point that I can't take my eyes off him!  Tapos tuwing mapapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay iirapan niya ako. Kahit na ginagawa niya ang bagay na iyon, ang cute-cute niya pa rin! When I say that he's cute, it means he's the right person that I'll marry! Take note, it's not the same to those girl who're just dreaming... it's the truth! No one's capable to be my husband but Leigh! Napangiti ako sa iniisip ko. Soon, alam kong mapapansin niya rin ako. "Miss Montecillo?" Nanlaki ang mata ko at nabalik agad ako sa reyalidad nang marinig kong tinawag ang apelido ko. Anong mayroon? Shems. Lumutang na sa kalangitan 'yong isip ko dahil kay Leigh. "Ano po 'yon, Prof?" Magalang na tanong ko at bahagyang ngumiti. "Are you listening?" I nodded quickly. "Yes, prof." I replied. "Then, what is the meaning of genetics?" Inayos nito ang salamin niya at maigi akong tiningnan. Genetics? What the hell is that word? Alright, alright. Did I thought that I'm a smart and pretty student? Please drop the smart, I'm lying in that part.  "Uh..." Ano nga ba? Shems. Hindi ako pwedeng mapahiya! Mapahiya na sa lahat ng sulok ng mundo pero hindi rito! "H-Hindi ko po alam, e..." I give up. Hindi ko malalakihan ng mata si Elise ngayon dahil masyadong malayo ang upuan niya sa akin. Looks like my unlucky day is today, huh? Yumuko ako at hindi na nangahas pang tingnan si Leigh. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Prof na tiyak ang ibig sabihin ay disappointment. I messed up! "Take your seat. Mr. Hudson, can you answer my question?" I let out a sigh. Umupo na ako sa upuan ko ulit. "Genetics is the study of heredity and variation." Malamig na sabi nito at umupo na. Yeah, right. Isang nagustuhan ko kay Leigh ay dahil matalino ito. Ang hirap din pala kapag bobo ka tapos nagkagusto ka sa matalino. Pero, hindi ako dapat sumuko. Tutal, sabi nga nila ay love is blind, aasa na lang din ako na mabubulag si Leigh at ma-in love sa akin. Iniangat ko ang tingin ko at tumingin kay Leigh. Nagulat pa ako nang nakatingin din pala ito sa akin. "Tss." Walang emosyon ang boses nito at halatang nainis sa kalat na ginawa ko. Sabagay, nakakainis naman talaga na saluhin ang problema ng iba. Napangiti na lang ako ng alanganin at umiwas ng tingin. Tanginis. Nakakahiya. Lupa, kung maaari ay kainin mo na ako, now na! "So, like Mr. Hudson have said, genetics is..." Nakatulala lang ako kay Prof habang nakikinig sa mga dinidiscuss niya. Medyo kasalanan din naman kasi ni Prof! Kung hindi niya lang sana ako tinawag para sagutin kung ano 'yong bwisit na genetics na iyon, e 'di sana hindi nainis sa akin si Leigh. "Class dismissed." Hay, at least makakahinga na rin ako kahit papaano. Natapos rin ang kahihiyan na dinaranas ko. Though, tingin ko ay normal lang 'yon para sa mga kaklase ko. Hindi kasi nila alam ang pakiramdam ng walang naiintindihan sa klase! Huminga muna ako ng malalim at kinuha na ang bag ko. Last subject namin ang science kaya uwian na. Ipagdarasal ko na lang ang kaluluwa ni Prof mamaya sa bahay at nawa'y hindi niya na ulit ako tawagin sa klase niya. Pumunta ako sa harapan, doon kasi nakaupo si Elise. Ako naman ay nasa bandang likod. "Uwi na tayo, Elise." Tumingin sa akin si Elise habang inaayos niya iyong mga gamit niya. "Akala ko ba magpapakilala ka pa kay Leigh?" Tanong niya habang nilalagay niya na sa bag niya iyong mga gamit niya. Teka, magpapakilala? "Aray! Tanginis naman!" Singhal ko kay Elise, best friend ko siya since nasa sinapupunan pa lang ako ng nanay ko. Anak siya ni Ninang Elainne at Ninong panget – este Louise. Nagagaya na ako sa nanay ko. Hinimas-himas ko ang ulo ko habang tinitingnan si Elise. Ang sakit ng batok niya sa akin. "Tulala ka na naman kay Leigh! Bakit ba kasi ayaw mong lapitan." Inirapan ko siya. Aba 'tong maldita na 'to, kung makapag-utos! "Para namang mapapansin ako ng lalaking iyon, e, ni pangalan ko nga yata hindi niya kilala! Partida, grade 3 pa lang magkaklase na kami," paliwanag ko. Saka kahit naman kilala ako ni Leigh, tingin ko mahirap pa rin ang pakikipag-usap sa kanya. Tumawa si Elise. "Ayaw mo kasing magpakilala." Muli kong sinulyapan si Leigh, naggigitara siya ngayon habang nakaupo sa may mga d**o sa garden. "Hindi na 'no, okay na sa akin na hanggang tingin lang." Sabi ko at sinakbit na 'yong bag ko. "Sure ka?" Tumingin ako kay Elise. "Uh... let me think," huminto ako saglit. "Anong tingin mo mamayang hapon?" Tinaas ko ang kilay ko. "Sure na iyan?" I smirked. "Sure na sure, beh." Tumango si Elise. Well, beh ang tawag namin sa isa't-isa. Tunog plastic pero plastic namin kasi kaming dalawa. Plastic in a good way syempre. Tumingin ulit ako sa pwesto ni Leigh, kumakanta naman siya, hindi ko naririnig pero dahil sa paggalaw ng bibig niya. Napabuntong-hininga ako at napahilot sa sintido ko. Sinabi ko nga pala 'yon. "Hindi na pala, nagbago 'yong isip ko. Napahiya ako kanina, e." I heard her chuckled. "Lagi ka kasing tulala." Naglakad na kami palabas ng classroom. See? Imbis na i-cheer up niya ako ay mas lalo niya lang akong dinown. Plastic, 'di ba? Well, the best plastic. "E... basta, ayoko na pala. Uuwi na lang ako." Less heartbreak pa kung matutulog na lang ako sa bahay. "Sigurado ka?" Tumango ako. "Sige, una na ako, beh." Hinalikan ko siya sa pisngi at kinawayan na. Naiwan ako rito mag-isa. Tinatamad pa kasi akong umuwi. Wala pa rin naman iyong service ko. Pumunta muna ako sa may garden kung saan laging pumupunta si Leigh. Nagmasid-masid pa ako bago tuluyang pumasok dahil baka narito siya. Hindi pa naman ako handang makita siya pero mukhang wala naman siya rito. Siguro ay umuwi na. Binuksan ko iyong phone ko at sinalpak ang earphone sa tainga ko. Isinet ko rin sa full volume para mas madama ko 'yong kanta. Buti pa rito ay ang tahimik, no doubts kung bakit gustong-gusto rito ni Leigh na tumambay. Napapikit na lang ako habang ninanamnam iyong music. Nang matatapos na ang music na pinapakinggan ko ay napadilat agad ako dahil sa naramdaman kong presensya ng tao sa harapan ko. Teka. Si Leigh? Anong ginagawa niya rito? Tumaas iyong kaliwang kilay niya. Argh! Nakakaasar siya, bakit ang hot niyang tingnan? "Sumama ka sa'kin." He said, coldly. Ano raw? "Uh... ha?" Shems, nabingi yata ako roon! "Sumama ka sa akin." Dahan-dahan kong pinilig ang ulo ko sa kanya na tila nalilito. "Bakit?" What the hell... parang nanaginip lang ako na nakikita ko si Leigh na nasa harap ko. "Itu-tutor kita sa science." Tipid na tugon nito. "E?" Nalilito pa rin ako. He rolled his eyes. "Ang baba kasi ng grade mo." Compliment ba 'yon? Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. "Uh, saan mo ba ako tuturuan?" I curiously asked. "Library." Tipid niyang sagot at tumalikod na, sinundan ko lang naman siya habang naglalakad kami. Nagpunta kami roon sa bandang gitna ng library kung saan nandoon 'yong mga libro ng Science. Nakaseperate naman kada branch. Inilagay namin 'yong bag sa upuan at umupo kami sa katabi. "What do you want? Physics? Chemistry? Biology? Earth science?" Nasa mga libro ang tingin niya habang tinatanong ako. "Pwedeng ikaw na lang?" Mahinang sagot ko. "Ha?" Tumingin ito sa akin. "I mean, kahit ano basta ituro mo lang ng ayos sa akin." I said and smiled a little. He nodded. "I think, physics muna tayo." Tumango na lang din ako. Nagsimula na siyang magsalita sa harap ko. Magkatapat kasi kami. Nakikinig naman ako ng mabuti sa kanya, nakakahiya naman kasi. Baka mamaya ay magpatest si Prof tapos bagsak na naman ako, e 'di wala na!  Lalo akong nawalan ng pag-asa na magustuhan ni Leigh. Pero, hindi rin naman nakakadown na mababa ang grades ko. Kung iisipin, dahil nga rito ay nakasama ko pa si Leigh. "So, nagets mo ba lahat ng mga tinuro ko sa'yo? Including the computation?" He eyed me. "Ano, kasi iyong computation, hindi ko masyadong gets. Alam mo na, medyo mahina sa math..." I honestly said. Mamaya niyan, tanungin ako nito sa computation ta's hindi ko masagot. So, mas okay na rin na sabihin ko na. May computation din kasi sa science kapag physics. "Ah, pero okay na naman iyong iba?" Tumango ako at ngumiti. Tinap niya iyong katabi niyang upuan. "Dito ka para mas makita mo." Napalunok ako sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Makakatabi ko na si Leigh, shems! He raised his left eyebrow. "Can you sit in this chair faster?" Napakagat ako sa labi at agad akong umupo sa tabi niyang upuan. Tinuro niya ulit sa akin 'yon and this time mas nagets ko na siya. Parang mapeperfect ko na nito 'yong board exam ng Engineering, ah. "May sundo ka ba?" I nodded and smiled. "Yup." Nakita ko na si Manong sa may parking lot. "Uh, una na ako Leigh, nand'yan na kasi iyong sundo ko. Bye!" Kumaway ako sa kanya. He looked at me with his poker face as he nodded. "Bye."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD