"Hi, Coleen!" Magiliw na bati sa akin ni Tita Elainne at hinalikan ako sa pisngi. Hindi makapal ang make-up nito pero ang nangingibabaw ang kagandahan niya, kahit na nasa malayo ay amoy na amoy ko rin ang perfume ni Tita. Hindi siya nakangiti pero sobrang lakas ng appeal niya. Mapapasana all ka na lang talaga sa ganda niya. Minsan, feeling ko mas matanda pa ako kay Tita Elainne. Lalo na kapag stress ako sa school. "Hi po, Tita." Bati ko rin dito at tipid na ngumiti. "Uy, beh." Hindi na ako nagulat nang sumabit sa braso ko si Elise. Maganda rin naman si Elise pero karamihan ng features niya, namana niya kay Tito Louise. Speaking of Tito, narito na rin siya at palapit sa amin ni Elise. Ngiting-ngiti ito habang kausap si Daen. Close kami ni Tito pero mas close talaga si Daen sa kanya, s

