Chapter 6

2064 Words
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa rami ng iniisip ko – particularly, 'yong kay Leigh. Hindi ko alam pero parang mas komplikado pa ang buhay ko ngayon kaysa noong nagso-solve ako ng Math dati sa university. Si Dad naman kasi, e! Kasalanan 'to ni Daen dahil sinabi-sabi niya pa kay Dad. Argh! Anong sasabihin ko nito ngayon kay Leigh? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto siyang mameet ni Daddy. 'Tsaka anong idadahilan ko?! Nakakahiya namang sabihin na kaya siya gustong makita Dad ay dahil suspetya nito na nililigawan niya ako or what. Seriously, man. What would I do? Muntik pa akong madulas pagpasok sa cr, buti na lang at nakahawak agad ako sa pader. I feel so frustrated. Hinilot ko ang sintido ko habang binubuksan ang shower. Dumampi agad sa katawan ko ang malamig na tubig na nanggagaling dito. Maaga pa pero init na init na ako. So weird. Kinuha ko ang uniform ko sa loob ng closet at ibinalot ang towalya sa buhok ko. Nagmamadali akong nagbihis at bumaba agad sa dining room. Gusto ko ng pumasok para makita si Leigh – lalo ngayong alam ko na magkapatid lang sila ni Mae. Though, hindi pa rin ako sigurado kung niloloko lang ba ako ni Leigh doon pero mukha namang hindi siya ganoong tao. Besides, ano bang mapapala niya kung lolokohin niya ako? Ako lang naman 'to. Si Coleen, 'yong asawa niyang napakaganda at mahal na mahal siya. However, gusto ko pa ring i-confirm kung totoo iyon. Kung sakaling totoo... anong gagawin ko? Nakapagdesisyon na ako na lalayuan siya – titigilan rather. Itutuloy ko ba 'yon o ipu-pursue ko pa rin ang pangarap ko? When I say pangarap ko, it means it's Leigh. "Good morning, Mom, Dad." Humihikab akong lumapit sa kanila at umupo. "Good morning, baby." Masiglang bati ni Mom sa akin habang inaayos ang table namin. Responsable sa mga ganitong bagay si Mom, hindi niya na pinapakilos ang mga maid. Actually, 10am na sila pinagsisimulang kumilos ni Mom. "Morning, baby." Ang aga-aga ay halatang tinatamad agad si Dad. Sa kanya ako nagmana. "Ako walang good morning?" Napatingin ako kay Daen na ngayon ay pinaglalaruan ang kutsara sa mga daliri niya. Aba himala, maagang nagising ang loko. Inirapan ko lang siya at umupo na sa katapat niyang upuan. Tumawa lang siya nang nakakaloko. Mas mabuting hindi pansinin si Daen para hindi agad masira ang araw ko. "Mamaya baby, ha? Don't forget it, dalhin mo rito mamaya 'yang tutor mo." Paalala sa akin ni Dad habang nasa kamay niya pa ang tasa ng kape. Speaking of tutor... "Dad, wala na nga pala akong tutor." Wika ko. Tumingin sa akin si Dad at nagtaas ng isang kilay. "Sabi ko kasi ay kaya ko na. I mean, self study?" I said in a tone of you-know-it-already. Agad namang humagalpak ng tawa si Daen, reaksyon sa sinabi ko. Huminga lang ako ng malalim at pinigilan ang pagpukpok sa ulo nito. "Ikaw? What the hell? Self study my ass." He teased. I massaged the back of my neck as I exhaled. Na-i-stress ang mga muscles ko sa tuko na 'to. Hindi siya sinasaway ni Mom ngayon dahil mukhang nasa mood ito. Hiling ko lang talaga na sana badtrip si Mom kaso kung mangyayari man iyon, tiyak na damay-damay kami. "Okay, okay. Basta dalhin mo siya rito," desididong sabi ni Dad. Wala ako ibang nagawa kundi tumango na lang. Ano kayang sasabihin ko nito kay Leigh? This thing is seriously beating me. Nang makatapos ako sa pagkain, nagpaalam na agad ako sa kanila at nagpahatid na kay Daen sa South University. "Ingat panget, tanga ka pa naman." Nang-aasar pa rin hanggang sa makababa ako sa kotse. Tulad ng ginawa ko kanina ay inirapan ko lang 'to ulit. Wala pa akong maisip na magandang pambara rito dahil busy ako sa pag-iisip kay Leigh kahit na araw-araw ko naman siyang iniisip... pero iba ngayon. Kapag nalusutan ko 'to, humanda 'yang si Kuya sa'kin. "Okay, okay," sagot ko rito. Kumunot ang noo nito, halatang nagtataka sa isinagot ko pero iniwan ko na lang siya roon. Alright. Nandito na ako sa school para simulan ang operation: lapitan si Leigh at sabihing gusto siyang makita ni Dad! – wait, medyo mahirap siyang sabihin kung paulit-ulit kaya gagawin ko na lang na OLLSGSMD – seriously, mahirap pa ring sabihin. Teka nga, bakit ba kasi kailangang may pangalan pa? Hay! Masyado akong na-i-stress, e. "Uy, beh!" May humawak bigla sa balikat ko kaya napaatras ako. "s**t!" I exclaimed. Elise giggled as she walked around me. "Lutang ka d'yan! Anong iniisip mo, ha?" She eyed me and raised her left eyebrow. "But, anyway..." She made her lips curved. Disgusting. "I saw Daen!" Kinikilig na sigaw niya. Napanguso na lang ako. Tingin ko ay ini-snob lang naman siya ni Kuya. Ayaw pa kasing magmove on nito sa one-sided niyang feelings. Naglakad kami sa corridor papuntang classroom namin pero patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan. "Elise, alam mo ba–" panimula ko pero pinutol niya agad. "'Di ko pa alam." Bagay nga sila ni Daen. Pareho silang nakakastress. "Joke lang. Sige, tuloy mo na," nagpeace sign pa ang loka-loka. Umiling na lang ako at sinimulan ulit ang kwento ko. "So, iyon nga. Medyo naging komplikado ang mga bagay," panimula ko ulit. "Paano komplikado?" Inigala ko ang mata ko nang nadaanan namin ang classroom ni Mae. Mukhang wala pa siya rito. "Gustong makita ni Dad si Leigh," I quietly said as we entered the classroom. Hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong nanlaki ang mata niya. "What?!" Sa sigaw pa lang niya. Napatingin tuloy sa amin ang iba naming kaklase pero bumalik din sila agad sa kanya-kanya nilang mundo. Ito ang maganda kapag nagchichismisan kayo, walang pakialam ang iba kaya kahit gaano pa kalakas ang boses mo, safe ang chismis mo. "Kung ano 'yong narinig mo, 'yon na 'yon," pagco-confirm ko rito. "Seriously? Woah! How come?" She amusedly asked. Ipinatong ko ang bag ko sa upuan. Malaki ang space ng upuan namin, kasya ang tatlong tao. Wala namang problema roon dahil malaki ang classroom namin. Umupo ako at may pagkainis na tiningnan si Elise. "Bwisit kasi si Daen," "E? Why are you looking at me like that?" She pouted. "Future husband mo 'yon, 'di ba?" She smiled ear to ear. "Ih! Sabi na, best friend talaga kita, e!" She giggled. I frowned. "Of course, I was just kidding." Pinukpok nito ang desk ng kamay niya. "No fair!" Reklamo nito. Nangiti na lang ako. I'm glad na kahit bobo man ako sa ibang subject ay hindi naman ako pinagkaitan sa pagsasalita ng English – ito na lang nga ang bala ko kay Leigh. "Joke lang ulit," sabi ko at bahagyang tumawa. "Oh, so ano na? Bakit nga pala sinabi ni Tito 'yun? Sama ako mamaya, ha? Para makita ko si Daen." Sunod-sunod na sabi nito habang malaki ang ngisi. Napailing na lang ako. Ang lakas talaga ng tama nito sa kapatid kong pangit. "E, ganito kasi iyon..." Kinuwento ko sa kanya iyong pumunta kaming park. Lahat ng nangyari roon, including iyong pagkapit ko sa baywang ni Leigh, paglibre niya sa akin ng ice cream, pagyakap at paghalik niya akin sa noo. Syempre, pati na rin 'yong part na pagsumbong sa akin ni Daen. Ang gaga, kilig na kilig naman. Pero well, hindi ko siya masisisi dahil maski ako ay magLBM sa sobrang kilig. "Paano mo mapapapunta si Leigh?" Tanong nito matapos ko ikwento. "Actually, iyan nga rin 'yong iniisip ko mula pa kagabi," tumingin ako sa labas at nakita ko si Leigh na papasok sa classroom namin. Kasama niya si Mae na parang may sinisilip pa rito sa loob ng classroom namin pero umalis din naman agad. Ako siguro 'yong hinahanap ng bruha na 'yon. Ah, tama. Dapat ko ring ikwento kay Elise iyon. "Elise!" Kumunot ang noo niya. "Oh? Makatawag naman 'to." Naglalaro kasi siya sa phone niya kaya mukhang nataya pa no'ng tinawag ko. Sinamaan ako nito ng tingin pero tumawa lang ako. Hindi ko na kasalanan na wala siyang focus sa ginagawa niya. "Kilala mo si Mae, 'di ba?" Bulong ko sa kanya. "Oo. 'Yong pinagseselosan mo kasi sila na ni Leigh," ngumisi ako nang malaki. "No, no. You've got it wrong," I proudly said. "Bakit?" Nagtataka siya. "Kapatid ni Leigh si Mae." I said in a tone of in-a-matter-of-fact. Napa-o ang bibig nito habang ipinipihit ang tingin niya kay Leigh. "Weh?" Tiningnan ko siya ng masinsinan. "'Di ka ba naniniwala sa akin?" I asked. "Syempre naniniwala, pero paano?" Mahirap nga naman maniwala na walang paliwanag. "Sinabi–" "Good morning, class." Napabuntong-hininga ako. Wrong timing naman ni Prof. Lumakad na si Elise papunta sa upuan niya sa bandang harapan at naiwan ako rito sa likuran. "Good morning, Prof." Bati rin namin. "Mamaya na lang," I mouthed to Elise and she just nodded. Tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Prof at nakinig sa mga dinidiscuss niya. Lecture discussion ang peg namin ngayon. Magsusulat ka na, makikinig ka pa. Pero hindi pa rin ito hadlang para mamasdan ko si Leigh. Sa peripheral vision ko, nakita kong nakatingin siya sa akin. Aish! Leigh naman! 'Wag mo akong i-distruct! Kainis, oh. Bumalik na lang ako sa pakikinig at 'di na pinansin si Leigh. Nakaka-overwhelm kasi masyado kapag nakita kong nakatingin ito sa akin! Nagquiz kami saglit at as expected, highest si Leigh. And guess what, highest din ako! Pantay kami ng score ni Leigh. Ang saya lang, feeling ko ang talino ko rin. Sayang lang at hindi pa ako lumamang para naman mas mapansin niya ako. "Class dismissed." Umalis na ang professor namin at sumunod na 'yong isang terror na Prof. Si Miss Santos, teacher namin sa math. Kaya ayoko rin ng math, parehas kami ni Mom na ayaw ng math. Virus iyon! Naglipatan na ng seats, kapag math kasi ay iba-iba ang seats. Doon na ako sa medyo harap. Nakakainis lang na kung kailan ko ayaw 'yong subject ay saka ako napupunta sa harapan. Sumpa ba 'to? "Ang project natin ngayong 2nd grading ay by partner. You will make a game but not just a game, it should have a relationship to our topic in 2nd grading. Any topic will do. You understand?" Anunsyo ni Miss Santos pagkapasok niya pa lang. Relationship? Dapat ba magjowa 'yong game na gagawin namin at 'yong topic sa 2nd grading? Nagbulungan naman ang mga kaklase ko. "Hala? Ang aga naman magpa-project ni Prof." Reklamo ng isa. "Sana tayo na lang ang partner." Sabi nito sa katabi niya. "Ano naman kayang game ang pwede?" Tanong ni JP sa sarili niya. "I SAID, DO YOU UNDERSTAND?! ANSWER MY f*****g QUESTION!" Natahimik bigla ang classroom namin dahil sa isang malakas na sigaw ni Prof. "Y-Yes." Utal na sagot namin. Nakakatakot talaga iyang si Prof. Nagmumura 'yan pero English naman kaya 'di ganoon kasama pakinggan. Though, may times na ang awkward pa rin pakinggan. "Ito iyong mga magpa-partner," kinuha ni prof ang isang pirasong papel sa table niya. Sana partner kami ni Elise. Shems. Magaling si Kuya sa Math kaso... never. Kahit pa bumagsak ako sa Math, hindi ako magtatangkang magpaturo sa kanya. "Cruz and Aquino." "Tan and Enriquez." "Ashford and Agustin." Uy, parehong A. Teka. A? Ashford? Ashford si Elise, 'di ba? What the f**k? Hindi ko pa kapartner si Elise? Paano na ako nito ngayon? Kahit papaano ay maaasahan ko si Elise. "Montecillo and Hudson." Montecillo? Montecillo ako, 'di ba? What? Kapartner ko Leigh? s**t! Hindi pwede! Bobo ako sa Math at tiyak na matuturn off sa akin iyon... pero, tutal sabi ko naman ay kakalimutan ko na siya, 'di ba? Tama, tama. Walang dahilan para magpanik. "Hey," napatingin ako sa gilid ko at nakita si Leigh. Napadukdok na lang ako sa table ko. "Hey," bati ko rin sa kanya. Umupo siya sa tabi kong upuan. Tanginis naman, bakit parang bumalik lahat ng feelings ko sa kanya? "May problema?" Tanong niya pero 'di siya lumingon sa akin. "Wala." umiling ako. Napansin kong tumango lang siya. "Saan tayo gagawa ng project?" Mahinang tanong nito. Ang tahimik siguro katabi ni Leigh. Saan nga ba kami pwedeng gumawa ng project? Hindi naman pwedeng sa library dahil 4pm na ang uwian namin at 5pm ay nagsasara na ang library. Hindi namin agad matatapos ang project noon. Asahan ng medyo maingay pa dahil sa ibang estudyante. Hindi naman kasi masyadong active ang manigaw ngayon ang librarian unlike daw noong panahon nila Mommy. Napangisi ako nang may naisip. Pero... kung sa bahay kami gagawa ay mas madali. May library naman kami sa bahay. At makikita pa ni Dad si Leigh. Yes! Buo na ang plano. Operation: lapitan si Leigh at sabihing gusto siyang makita ni Dad is now complete. Seriously, masyadong mahaba talaga ang pangalan. Ngumiti ako. "Sa bahay na lang kung okay lang?" Tumingin ako sa kanya. Tumango naman siya dahilan para mas mapangiti ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD