Saan ba nagpunta si Leigh? Kanina pa ako rito paikot-ikot para hanapin siya. Bigla-bigla na lang kasing tumatakbo, e. Ang sakit-sakit na rin ng paa ko dahil magkakalahating oras na akong naglalakad. Pabalik-balik lang ako sa kung saan ako nanggaling pero hindi ko siya mamataan. Kapag nakita ko talaga 'yon, itatali ko na sa kama. Bakit ba kasi umalis 'yong si Leigh? Sexy naman ako, ah? May nakita ba siyang hindi kaaya-aya sa katawan ko at tinakasan niya ako bigla? "What's your name?" Napatigil ako sa paglalakad no'ng makita ko na ang likuran niya. May kausap siyang babae na nakatwo piece din na pula. Really! Red ba ang gusto niyang kulay? Maganda naman ang black, ah? Saka mas maputi rin ako roon sa babae. Gusto niya ba ng morena? Inis akong lumapit sa kanila. "Hmm... I'm Leigh, and you

