"Nand'yan na si Prof!" Sigaw ng kaklase ko na akala mo'y may parating na sakuna. 'Yong mga iba ko namang kaklase ay parang mamamatay na nagsiayusan ng upo nila. Umayos na lang din ako at humikab. Mga ilang segundo ay bumukas ang pinto namin at iniluwal nito ang professor namin sa MAPEH. "Good afternoon," bati nito sa'min. "Good afternoon, Prof." Bati rin namin dito at tumayo. "Alright, sit down." Isinenyas nito ang kamay niya na magsiupo na kami at saka tumikhim. I wonder kung anong topic namin ngayon? Music iyong component na pag-aaralan namin ngayon. Mayroong apat na component ang MAPEH. Music, arts, physical education at health. Wala kaming schedule kung kailan ang bawat component, basta kailangan naming tapusin ang buong topic ng isang component bago pumunta sa isang component.

