Hindi ako mapakali rito sa sala ni Leigh kaiikot na parang may bulate sa pwet. Sino ba naman kasi ang kakalma kung magde-date kayo ng isang yelong 'yon. Long time crush ko pa. Take note, siya ang nag-aya sa'kin at hindi ako. Ang ganda ng simula ng sembreak ko, pakiramdam ko naalis bigla ang sumpa. Nagbibihis siya ngayon sa cr kaya wala siya rito. Kaya heto ako, nanonood muna ng TV. Binalaan niya na ako na kapag lumapit na naman daw ako sa cr, hindi na namin itutuloy ang date. Hay, medyo strict talaga si Leigh at naiintindihan ko naman 'yon. Saka wala naman talaga akong balak na pumunta roon sa cr! Nagkaroon yata ng sariling utak 'yong mga paa ko – o napunta 'yong utak ko sa paa ko. Mag-iisang oras na akong naghihintay rito sa sala niya pero hindi pa rin siya lumalabas ng cr. Ano pa bang

