"BAKIT ka nandito?" Tanong niya sa savior nila. Nakaupo sila sa upuan na kahoy sa labas ng kanilang apartment habang ang dalawa niyang kaibigan ay naghahanda ng dinner nila. "Bakit ka nandito?" Balik tanong nito sa kanya na sa malayo nakatingin. "I want to live with my own. Gusto kong maranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan nung mga panahon na nakukuha ko pa ng isang kisap mata ang mga bagay na gusto ko." "Iyan lang ba ang dahilan?" She smile bitterly. "Nope," Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri na nasa kandungan. "Ryxer broke my heart, that's the main reason why I needed to runaway and forget the pain." "Effective naman ba?" Nakatuon pa rin ang mata nito sa malayo. Umiling siya. "Nandito pa rin 'yung sakit." Turo niya sa dibdib kung nasaan ang puso niya. "Akala ko gano’n

