Pt. 003

2058 Words
Habang nagkaklase kami, syempre hindi muna ako nag-day dreaming baka ipahiya nanaman ako ni Sir Manaoag no. CHEMISTRY oh CHEMISTRY bakit kasi may subject pang ganito, bakit hindi nalang para sa mga Scientist ipagawa ang subject na ito, at kaming mga batang walang kinalaman pa sa mga elements-elements at kung ano-ano pa ang magdusa. ang Chemistry ay para sa dalawang tao. ang chemistry ay para malaman kung ang dalawang tao ay para sa isa't isa. Hindi iyong mga tinuturo ni Sir sa white board na wala talaga pumapasok sa isipan ko. kahit siguro batuhin ako ng mortar and pestel hindi parin ako matatauhan. pero, naalala ko nanaman ang lalaking halimaw na si Borg. naalala ko kung paano niya sinagutan ang mga problems ng Chemistry, ay uo nga pala, hinuhulaan niya lang ang sagot. at kaya ko din yun no. ang dali kayang manghula ng sagot. pwedeng a or b, c or d. it's up to you, pag walang choices, wag sagutan. dali dali eh, ginagawang komplikado. (*___*) ang tagal naman matapos nitong subject na ito. kakainis! "What is the symbol for sulfur?" ayan nagtanong nanaman siya-- malay ko sa mga symbols na yan. okay lang, may mga nagtataas naman ng kamay, ang mga feeling bright kong mga kaklase. "Baustista, what is the symbol for Sulfur?" HUH? AKO? AKO TALAGA! BAKIT NAMAN AKO, HINDI NAMAN AKO NAGTATAAS NG KAMAY HA! naku ha! pinag-iinitan ako ng gurang na ito ah! "ah eh-- Sir." <--ako. letche! hindi ko alam. "stand up Mr. Bautista." <-Sir. tayo naman ako, iyong mga impakto kong kaklase, nagtatawanan. eh hindi ko nga alam ang sagot eh. "ah eh-- S.R.?" ayun, tumahimik si Sir. SR means, serious relationship. wahohoho! mukhang tama naman ang sagot ko eh. dapat kasi water nalang tinanong niya, mas sure pa ako dun. H2O. "Anyone can tell Mr. Bautista what is the symbol for Sulfur, it seems like he's not in the room again." Sabi ni Sir. so mali ang sagot ko? so kailangan ipahiya ako? naku ha! eh hindi ko alam ang sagot. nagtaasan ng kamay ang mga tiyanak kong klasmate. tinawag ni Sir si Becky ang kaibigan ni Sarah, ang tabaching ching kasi kaya becky ang tawag ko sa kaniya. "S sir." sagot ni Beky. tumingin sa akin si Sir. "ngayon alam mo na Mr. Bautista, tutuklawin ka nalang ng sagot dahilnakasulat na sa white board hindi mo pa masagot." Sabi niya--- "Now sit." para naman akong aso nun. letcheng mga klasmate to' kaya naman pala nagtataasan ng kamay kasi nasa white board na ang sagot. feelingero'tra talaga. =____= OKAY LANG NA MAPAHIYA SA CHEMISTRY KASI ALAM NAMAN NG LAHAT NA HIRAP AKO SA SUBJECT NAYAN NO. PATI PALA MATH. URGHES!! *___* mga subjects na dapat talaga binibigay lang sa matatalino eh. nalampasan ko na nga sa Highschool ang mga subjects na iyan, hanggang ngayon pa ba sa College. urghes! at nag bell na nga. so uwian na namin... at syempre, ipinaalalahanan nanaman ako ni Sir na mag-aral ng maigi kong gusto ko daw makapasa sa subject niya. hayyy... anyway, back to my real life... nandito ako sa school, hindi para sa Chemistry no, para kay Trevor. Noong malaman kong dito siya nagschooling, dito agad ako nagtake ng exam, at nakapasa naman ako. lakad na kami ni Nayette sa hallway. Hinahanap si Trevor. "Neng, baka nasa Gym ang pag-ibig mo... tandaan mo, doon lagi ang mga cheerdancers nagpapractice, nandoon si Betty O. Yuno." "ay naku teh, wag mo ngang bigkasbigkasin yang pangalan na yan no, naiinis ako. Pero, sige for the sake of Trevor, sisilip tayo dun." sabeee! haha. Dami talagang pogi dito sa university, ang kasu--- kay Trevor lang talaga nahulog ang puso ko. para sa akin siya na ang pinkagwapong nilalang sa mundo. walang wala sa kaniya ang mga matinee idol ng industriyang pang-pelikula. at kung magiging artista si Trevor, ako ang magiging presidente ng Fans Club niya, dahil lang naman, ako ang magiging asawa ni Trevor at makakasama niya habangbuhay. Hindi na ako makapaghintay na mangyari ang mga araw na iyon na magkahawak kamay kami ni Trevor at laglag panga ng lahat ng taong nandito. mawewendang ang lahat dahil mapapasa-akin si Trevor. si trevor! si trevor ay sa akin. WAHAHAHAHAHHA!!! "neng okay ka lang? bigla bigla kang natawa na parang isang malupet na kontrabida sa pelikula." sabi ni Nayette. my Gad! napalakas ata ang halakhak ko, iyong mga tsismosong students ng school naman. bzz bzz bzz bzz blah blah blah mga nakatingin sa akin, mga ingettero'tra. "Okay lang ako teh, iniimagine ko lang namagiging kami ni Trevor." Sabi ko. Smile, taas kilay. "Hay naku neng' bahala ka sa buhay mo, basta ako suportado ako sa mga balak mo sa buhay, huwag lang sosobra dahil hindi na kita matutulungan no." Maarting sabi ni Nayette sa akin. "anu kaba teh, wala naman akong binabalak na masama ko, nagmamahal lang naman ako ng tao-- wala namang masama doon no." "magiging masama kong gagawa ka ng masama para lang mapasa iyo ang taong mahal ko." "Tsee! kakampi ba kita o spy ka sa akin???" tanong ko na may halong pagdududa sa kaibigan ko. "syempre kakampi mo ako no, wait nga maiba ako-- sino ba iyong kasama mo kahapon sa puno ng balete?" usisa ni Nayette. "Di ko kilala iyon no, halimaw lang iyon sa balete, pero sabi niya, Borg daw pangalan niya. Narinig mo naman diba?" Sabi ko. "Alam mo mas pogi iyon kay Trevor, tsaka mukhang mabait pa. Bakit minalditahan mo??" <--nayette. lakad parin kami... "hoy teh, wala ng mas popogi at gugwapo kay Trevor no? kung gusto mo, landiin mo--- tapos, paligaw ka, edi magkakaroon ka na ng jowa. Mukha namang bagay kayong dalawa teh. Maganda ka nman no, mahaba ang buhok, straight, maputi, kasu kulang kalang sa height." sabi ko sa kaniya. "nahiya naman ako sa height mo neng? tandaan mo mataas ka lang ng 2 inches sa akin." Sabi niya. "anu kaba teh? 5'2 ako, eh ikaw? 5 flat? mahiya ka talaga sa akin no, try mo maghills para pantay na tayo no. tska, ano kaba! height doesnt matter teh, bagay kayo nun ni Borg--- matangkad siya, moreno, mabango siya-- naamoy ko kasi, tska, teh-- ang braso, itake down notes mo, sure ako nag gigym iyon. Kaya, paligaw ka na sa kaniya no. Go na teh!" Sabi ko. hindi ko tlaga bet ang lalaking iyon no. "talaga, sa akin na si Borg no." napatingin ako kay Nayette. "Go teh! i'll support you." with matching go! go! pa sa fist. "Bulag kana talaga kay Trevor no." sabini Nayette "ay naku teh, siya lang ang nakikita ko ngayon, kaya naiinis ako kapag may umaaligid sa kaniya! urghes teh." ayan nandito na kami sa Gymn. may mga nagbabasketball. ang mga mayayabang na Varsity players. kala mo magagaling, ay magagaling pala talaga sila kasi lagi silang nagchachampion, pero wala akong pakialam sa kanila. =___= ayun, ang mga cheerdancers. hagisan sila ng hagisan, huwag sanang masalo para tumama ang ulo sa sahig, tawa ko lang talaga ng malakas. hindi na nga nila ako tinggap noon, tinawanan pa nila ako. mga halang ang kaluluwa. mga tseee! "neng' si Trevor." mahinang sabi ni nayette. "NASAAN??" malakas ko namang sabi. napatingin ang mga nagbabasketball sa akin. "Hoy bawal bakla dito!" sabi noong letcheng #35. "ay nahiya naman ako sa mga nagchecheerdance doon na mga beki kung bawal bakla dito? ano babae na sila? ganun ganun?" pagmamaldita ko. tapos, iyong ibang players tawanan sila, si #35 kumindat sa akin. tsseee! chaka mo no! "oy neng, wag ka makipag-away dito--" hinawakan ako ni Nayette sa braso ko. "ay naku teh, hindi ako nakikipag away, mayabang kasi." wait nasaan naba si Trevor??? MAY GODDDDD!!! ayun na ang mahal ko. Nakaupo lang sa gilid. ang gwapo niya talaga. haaayyyy--- kelan kaya ako makakaupo sa tabi niya??? (...=___=...) ang braso niyang kay laki, ang binti niya mala adobe, ang itsura nilang makalaglag panty. "I love you Trevor. Pakasalan mo na ako." bigkas ko. "neng! nag-day dreaming ka nanaman." panira ni Nayette. "Tsee! tara maghanap tayo ng pwesto... iyong nakatapat tayo sa mahal ko..." akyat na kami sa hagdan hagdan palayan style na upuan ng Gym. Tapos, nadidinig ko ang ingay ng mga Varsity players at ng mga malalanding Cheerdancers. At--- nakapwesto na ako ngayon. Nakatapat ako kay Trevor. haaayyyy.... ang gwapo niya talaga. Sana mahalin niya rin ako kagaya ng pagmamahal na handa kong ialay sa kaniya. nakakulambaba ako habang nakatingin kay Trevor, iyong pakalumbaba na pacute style. ^__^) wala na akong ibang napapansin kong hindi siya lang talaga. alam kong darating din ang time na makakatabi ko siya, magkahawak kamay kami at sasandal ako sa kaniyang matitigas na braso habang sinasabi niya sa akin na... mahal na mahal kita Koi, ikaw lang ang tinitibok ng puso ko. at hahalikan niya ako.. uuuummmmmm... "Hoy neng--- bakit ka naka-nguso diyan? anong drama mo?" <---Nayette. O.O natauhan ako bigla, nakanguso pa ako. ano bayan! "tsee! wag mo nga akong pansinin teh." sabi ko. tingin ako ulit kayTrevor. haaayyyyy-------- at-- May Gad!!! tumingin siya sa akin!!! nakatingin siya sa akin... eeeeeeeeeeeeekkkkkkkkk!!! ambilis ng t***k ng puso ko. ohmaygad ohmaygad eeeeeeeeeekkk! ngumiti siya sa akin. pwede na akong mamatay ngayon. urghhh.... mukhang hihimatayin na nga ako. "HOY NENG! anune? statwa ka na diyan? galaw galaw baka maging maniquine ka!" <---Nayette. "ANO KABA TEH! ngumiti sa akin si Trevor. oh em talaga! nakita mo ba iyon???" "OO nakita ko, pero parang hindi naman ikaw ang nginitian... tignan mo." Ngumuso siya banda kay Trevor. oh my Gad! si Betty O Yuno yun ah! at lumalapit sya kay Trevor. This is not happening! this aint happening. urgh! she's now flirting my boy! naiinis ako! naiinis ako!!!! at... NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!! hinalikan ng p****k na babaeng iyon si Trevor ko sa lips. ang sakit sa puso. hindi ko kinakaya ang eksena. mamatay ako. pero parang mas gusto kong pumatay ng tao muna. nanginginig ako sa galit. urghes!!! "Hoy neng? okay ka lang?" "hindi ako okay teh!! nanlulumo ako, hindi mo ba nakita iyon? naghahalikan si Trevor at Yuno!!!" "over ka naman neng, smack lang iyon hindi iyong halikan no." Tinaasan ako ng kilay ni Nayette. "..tsaka, natural lang iyon kasi magsyota silang dalawa!" "ano ba teh? kakampi ba kita o kalaban? anong sinasabi mong magsyota sila! huwag mo ngang binibigkas sa akin iyan ng harapan. nasasaktan ang puso ko." sabi ko, tapos napatingin ako ulit kay Trevor. letcheng babae yan oh! ang lawak lawak ng upuan nakakandong pa kay Trevor. nakakainis!!! "TARA NA TEH! UMALIS NA TAYO DITO BAGO PA AKO MAKAPATAY NG TAO!!!" sigaw ko talaga. nagtinginan ang mga halimaw sa baba. tumayo na ako at nagwalk out. nakakaasar. ang sakit ng babaeng iyon sa bangs! "anune teh? gora na tayo!" sabi ko ulit. tapos tumayo na si Nayette. bumababa na kami sa upuan. "hoy bakla, ang ingay ng bibig mo, bawal maingay dito." sabi ni #35 ulit. "Hoy panget! tigil tigilan mo ako ha itong nabuburaot ako! kayo nga itong sigawan ng sigawan na ipasa ang bola ipasa ang bola, try nyo kayang magdala ng tig-iisang bola no para hindi kayo nag-aagawan sa isa." Pagmamaldita ko kay #35. "HAHAHA! hindi ako panget, huwag kang mandamay ng kapwa mo sa kung anong itsura meron ka." <----#35. ay ako talaga binabad vibes ng mukhang platinum na halimaw na ito ah! "excuse me? nakita mo na ba ang mukha mo sa harap ng salamin? o sadyang malabo lang talaga ang mga mata mo sa tuwing titingin ka sa salamin. Tigil tigilan mo ko at baka gawin kong flying saucer yang mukha mo." sabi ko. "HAHAHA! ASAR TALONG BAKLA." mga hampaslupang to. "TSSEEEE!!! MGA ULIKBA KAYONG LAHAT!!!!" sigaw ko. "tara na teh, hindi mga tao ang nandito--- mga halimaw sa banga. mga letche-plan na maasim." walk out ako sa gym. kainis! nasira ata ang beauty ko dun ah. habang naglalakad kami sa hallway.. "teh, panget ba ako?" bigla kong natanong kay nayette. "ay hindi mo ba alam iyon neng?" <---NAYETTTE!!!! "teh naman eh! kainis to!" naconcious tuloy ako. :( "joke lang iyon no, insecure lang sa beauty mo ang mga iyon neng. iyong si #35 baka bet ka nun kaya inaasar ka." "letcheng #35 yun, mukha siyang alien!" pero--- basta importante, nasight ko si Trevor. pero, asar lang kasi nasaktan ako sa pakikipaglandian niya kay Yuno. bwiset!!! "KOI???" pagtingin ko sa gawing balete. si Borg ang halimaw. Pinapalapit niya ako--- kami ni nayette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD