Nalaman ko na isang kanto lang pala ang layo ng tinutuluyang Boarding house ni Borg mula sa bahay namin.
taga probinsiya siya, at dito lang nag-aral.
Bakit kaya ganun ang mga taga probinsya, nasadya pa sa Maynila para lang mag-aral, wala bang school pang kolehiyo sa probinsya? =___=
wala kayang Chemistry sa Province? kung wala, doon nalang ako mag-aaral, pero pare-parehas lang naman ata ng itinuturo ay, pangalan lang ng school ang dadalhin. Wala naman talaga sa School yan eh, nasa estudyante iyan.
Pero, wala talaga akong alam, kung makapagsalita ako, parang ang galing galing kong student no? eh palpak din naman ako. wahahaha!
basta, hindi parin mawawala sa aking isipan na kaya ako sa LAS ISLAS PILIPINAS UNIVERSITY pumasok ay dahil kay Trevor. Iyon yun eh. Wala ng iba pa.
at ang Course kong Business Adminstration, charot charot ko lang iyon no. Wala nga akong alam sa kinuha kong course eh, dapat talaga HRM eh, nadiscourage ako sa Height ko. *___*
Nakalimutan ko, saturday na pala bukas at wala akong pasok, o scheduled subject pag saturday. Pero, dapat pumunta parin ako sa school. Dapat araw araw kong makita si Trevor. Hindi ko lang siya makita ng isang araw, nanulumo na ako.
haist---
nakaka-irritation talaga si Betty.
nandito na ako ngayon sa kwarto ko, tinatamad na akong lumabas pa, bababa nalang ako mamaya kapag kakain, sabi ko kanina kay Mama na wag akong istorbohin dahil may ginagawa akong project, kahit wala naman.
Gusto kong mag-isip isip kong ano ano ang dapat kon gawin para tuluyan na akong mapalapit kay Trevor.
Nakadapa ako, may hawak akong ballpen at notebook na maliit, isusulat ko ang mga hakbang at rules na gagawin ko para mapansin na ako ng tuluyan ni trevor at maagaw ko na siya kay Betty O yuno.
-------
* una... dapat kapag makikita ko siya, dapat lagi ko na siyang kakawayan, letche... bahala na no! basta, dapat mapansin niya ako, lagi ko siyang i-hi hi.
magpapaka-feeling close na ako no, total naman kilala siya ng lahat, i'm sure din na matatandaan niya ako dahil sa nangyari kanina.
* pangawala... dapat lagi akong maganda.
hmmm.... lagi naman akong maganda ^___^)
* pangatlo... dapat alamin ko pa ang mga pinagagawa niya, ang lahat ng pinagkakaabalahan niya, kung saan saan siya napunta. especially, every Sunday, kasi walang schooling.
* pang-apat, dapat makilala ko ang mga kaibigan niya, kahit siguro isa lang sa kaibigan niya ang magiging kaclose ko, malaki na din ang pagkakataong mas mapalapit ako sa kaniya.
* pang lima, dapat friend ko siya sa social networking sites, dapat updated ako sa lahat ng ginawa niya, eh--- ang kasu-- iyong sss niya, hanggang ngayon, di pa niya ako kinoconfirm, anu bayan!
* pang-anim, dapat makagawa ako ng paraan para mapag-hiwalay si Betty at Trevor, nang sa gayun, ay maging single na siya ulit..
at pag naging single na siya...
* pang pito, dapat close ko na siya, aayain ko siya makipaghappy happy, at paiinomin ko siya ng pampatulog, at iyon na...
wahahahahhaaha!!!!
baliw na talaga ako, parang mali iyong pang pito, eh paano kong magapang ko siya, tapos after noon, hindi niya parin ako gusto? Nonsense... wag muna iyon,
* pang pito, dapat gumawa ako ng paraan para mahulog ang loob niya sa akin, kapag naghiwalay sila ni Betty, dapat maging to the rescue ako, dapat ako lang kakausap sa kaniya.
* pang walo... hmm, ano ba? hindi ko na alam, bahala na.. bsta, dapat magawa ko muna ang unang pitong iyon.
at pagnagkataon..
BWAHAHAHAHA! MAGIGING SYOTA KO NA SI TREVOR.
mapapasa akin nadin siya sa wakas!! wala ng makakapigil sa akin.
pero, paano kung ayaw niya sa bakla?
urghes! hindi iyon pwede, gagawa ako ng paraan para magustuhan niya ako.
kailangan, hindi muna ako maglalandi bilang isang bakla,
kaya ko kaya? bahala na.
AJA!
* 6PM bumaba ako sa sala, para kumain, tapos umakyat din at natulog.
-=-=-=-=-=-
KINAUMAGAHAN....
* 9AM
"Ma' may practice kami ngayon kaya punta ako ng school ngayon." Paalam ko kay Mother.
"Every Saturday nalang may practice kayo ah? akala ko ba hindi ka nakapasok sa cheering squad? ano ba iyong practice na yan at hindi matapos tapos??"
Naku naman, naghihinala na ang Mother ko ah, ano kayang iaalibi ko? hmm...
"ano kasi Ma' may Role Playing kaming gagawin no, kaya dapat akong magpractice." sabi ko.
ALIBI KO LANG IYON NO! tapos na role playing namin Last Sem pa.
"ah-- okay sige, wag kang magpapagabi ha?"
oh diba? ambilis ko maloko si Mother. Naku naman, kasalanan to ni Trevor, nang dahil sa kaniya, nakakagawa ako ng matinding kasalanan kay Mother ko.
pero kailangan kong gawin ito!
for the sake of my Love.
LAKAD NA AKO SA LABAS...
syempre, dapat may dala akong bag para makapasok ako sa school no. pero, walang laman ang bag ko, ang notebook ko lang at mga pampaganda ko.
ANTAY FX MODE.
SAKAY FX MODE.
TRAVELING MODE PAPUNTA SA SCHOOL.
BABA MODE.
PASOK SCHOOL.
oh diba? Galing ko talaga ^___^)
dapat makita ko ngayon si Trevor.
Every Saturday nasa Field siya at nagpapractice, Runner kasi siya ng school. Player siya ng Track and Field. kaya, doon ang destination ko ngayon.
Medyo madaming lakad ang gagawin ko bago ako mapunta sa field. Letcheng school kasi na to eh, over exaggerated sa laki, dapat may libreng roller blades dito para hindi nakakapagod maglakad no *___*
Dadaan muna ako sa Gym...
tapos sa sunod sa Gym ay ang malawak na Pool. ay naku, ayaw kong manuod sa mga nagsuswiming paano naman kasi-- puro babae ang nakikita ko no, kung may mga lalaki naman, ang lalaki ng tiyan, kung hindi malaki ang tiyan, parang tuko lang.
nakakainis, dapat sa swimming naging player si Trevor eh para makita ko ang maganda niyang katawan.
EEEEEEEEKKK! naiimagine ko palang kinikilig na ako ng buong husay. ewan ko ba!
masilayan ko lang katawan niya, haaayyyy---- baka lagnatin na ako habangbuhay.
lakad ako, makikita ko ang malawak na pool kasi, hindi naman bakod na pader ang wall eh, bakal na may box box kaya makikita ang loob ng buong husay. kaya kung bet mo makasilip sa mga naliligo, you're free to stare.
pero kagaya nga ng sinabi ko.
MASAKIT SA MATA ANG MAKIKITA.
at nakadinig ako ng
SPLASSSHHH---
may nagdive nanamn from the diving board na sobrang taas. Na caught nag attensyon ko, bet kong makita kong sino ang nagdive.
so, sumampa muna ako sa gutter at sumilip sa pool.
naku ha! ang tagal umahon ah, namatay na ata.
maya maya--
O.O NO WAY!!
IS THAT BORG???
SIYA NGA....
oh my Goddess of fire!!!
HE IS SO GORGEOUS!!
SO HOT...
SO YUMMY...
hindi ko maalis ang mata ko sa basa niyang katawan... at pag-ahon niya...
naka-swimming brief lang siya, iyong hapit na hapit.
OH MY GOD.. TITINGIN SIYA DITO....
oooppsss..
NAKATAGO KAAGAD AKO.
napahawak ako sa puso ko.
ANO BA YUN.
bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko... nang dahil sa katawan ni Borg aynagkakaganito ako? Oo bakla ako, pero--- dapat kay Trevor lang ang aking isipan, wala ng iba.
GINUGULO TALAGA NG BORG NA YUN ANG ISIPAN KO AH.
pero... ganda talaga ng katawan niya, gusto ko ulit makita.. kahit isang beses nalang ... kahit isang beses nalang.
so dahan dahan akong umangat para masilip ko siya..
dahan dahan lang baka mapansin niya ako.
nakasilip na ang mata ko. hinahanap ko siya sa Pool, hindi ko siya makita..
nasaan na siya??
"Oi Koi, ano ginagawa mo diyan?" <---BORG!!!! nasa gilid lang.kaya pala hindi ko na siya makita sa pool, nakaahon na pala siya.
at OH MY GOD! napansin ba niyang sumisilip ako???
"HA AH EH... wala! wag mo nga akong pakialamanan no!" sabi ko. Tumayo na ko ng tuwid.
napatingin ako sa katawan niya ulit, pero may tapis na ang ibaba niya ng towel.
URghes!!
ganda ng katawan niya...
UMILING ILING AKO..
hindi ito dapat. nakakainis!!!
"ano nangyayari sa iyo Koi?" tanongni Borg.
"wala... sige! iwan na kita diyan. babu!!!" tumalikod na ako.. lakad na ako papunta sa Field.
pero, ewan kinikilig ako sa magandang katawan ni Borg.
WEEEEEEEEEEEE ^__^
ano ba yan. bigla akong naglandi. wahahaha!
ayan nandito na ako sa Field. at mula dito, nakikita ko na si Trevor, nakasuot ng white shirt at maikling shorts. may mga band pa siya sa hita, tuhod at braso.
pawis na pawis siya, haayyy--- kung pwede lang ako nalang ang magpupunas na pawis niya. tapos ang towel na ipangpupunas ko ay itatago ko at aamoy amoyin ko gabi gabi.
haaayyy---
naiinlove talaga ako sa kagwapuhan niya.
buti nalang at wala si Betty, masosolo ko si Trevor.. kahit na for your eyes only ang drama ko, masaya na ako ng ganito... sa ngayon.
pag lumingon siya dito, kakaway na ako sa kaniya..
rule #1. dapat laging mag "Hi"
eh ang kasu... 30 minutes na ako dito, hindi man lang siya napapatingin dito sa pwesto ko...
kinuha ko ang phone ko, at sige ako picture sa kaniya, buti nalang may zoom tong phone ko at napapalapit kahit papaano ang image na kukuhaan ko.
at madame akong pictures niya, puro stolen pictures niya na nga lang ang laman ng phone ko eh.. at bago matulog nakiss ako sa pictures niya..
eeeeeeeeeehhhkkkk...
sobra sobra na talaga pagkainlove ko sa kaniya.
"Pwedeng pa-join?" <---boses ni Borg sa likod ko. Napatingin ako sa kaniya... may hawak siyang dalawang drinks.
naalala ko nanaman ang katawan niya.
"Okay, basta wag kang mangugulo sa akin okay?" Sabi ko.
Umupo siya sa tabi ko.
"Oh para sa iyo oh." Inabot niya sa akin ang drinks na isa, kinuha ko na no. Nauuhaw na din naman ako.
"Thanks." sabi ko. Higop higop.
"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya na gusto mo siya?" tanong ni Borg. Natingin din pala siya kay Trevor.
napatingin ako sa kaniya...
"akala mo ba ganun lang kadali iyon? hindi no, step by step dapat ginagawa iyon, tsaka--- ano kaba, hindi mo ba nakita na may jowa na siya??" Sabi ko.
"Anong masama, eh sasabihin mo lang naman na gusto mo siya--- sa tono ng pananalita niya kahapon, mabait naman siya. Sure ako, magiging kaibigan mo din siya."
"sa tingin mo magiging magkaibigan talaga kami?"
"Oo." <--siya.
"tapos, kapag naging magkaibigan na kami, pwede ko ng mahulog ang loob niya sa akin?" sabi ko.
"Oo, ganun na nga..." sabi ni Borg.
wow, i like Borg na, kasi nakapa-supportive niya.
"eh kasu nga, hindi naman ganun kadali sabihin na gusto ko siya no." Sabi ko. bigla akong nalungkot, napatingin ako kay Trevor ulit.
hirap kaya nun.
"Gusto kita Koi." <----BORG!!!
napatingin ako sa kaniya!!!
ANONG SINABI NIYA???
tapos, biglang bumilis ang t***k ng puso ko, bakit ganito?? hindi ito normal.
bakit niya biglang sinabi iyon?
URGHES!! baliw na itong halimaw na ito eh.
"ANONG SINABI MO???" malakas kong pagkakasabi sa kaniya.
pero, nakatingin lang siya sa akin..
then, hinawakan niya ang palad ko...
urgh... anong ginawa ng lalaking to!!!
bumibilis ang tibokng puso ko, nakatingin siya sa aking mga mata..
"Sabi ko Koi, gusto kita..."
URGH!! BALIW NA TALAGA TONG HALIMAW NA TO OH!!!