CHAPTER 36

1532 Words

Nang dumating si Cherry sa malaking bahay ng pamilya ni Jamie ay marami nang tao. Dim na rin ang ilaw sa loob at sumasayaw ang strobe lights. Malakas ang tugtog at ni hindi niya makita ang kanyang mga kaibigan pero binale-wala niya iyon. Hindi naman iyon ang unang beses na nagpunta siya sa bahay ni Jamie at dumalo sa house party kaya kabisado na niya ang pasikot-sikot doon. Madali siyang nakarating sa kusina na walang katao-tao. Binuksan ni Cherry ang malaking refrigerator at naglabas ng apat na bote ng beer. Pagkatapos ay sumalampak siya ng upo sa isang stool, binuksan ang mga bote, at nagsimulang uminom. Hinayaan niyang humagod sa lalamunan at sikmura niya ang init ng alak para pawiin ang sakit na nararamdaman sa pagtataksil ni Jomari. Subalit kahit ano ang gawin niya, kahit naubos n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD