NAPAGTANTO ni Jay na iyon ang pangalawang beses na sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Cherry hanggang mawala na sa kanyang paningin. Noon ay ayaw niyang siya palagi ang naiiwan. Sa lahat ng bagay, sinisiguro ni Jay na siya ang unang umaalis o hinihintay kaysa ang kabaligtaran. He hated waiting and most of all, he hated watching someone left him. Katulad ng ginawa ng kanyang ina nang mamatay ito na hindi man lang inintindi kung ano ang mararamdaman niya. Subalit katulad ng isa sa mga personal rule na huwag masyadong mapalapit sa isang tao, mukhang may nalabag na naman siya dahil kay Cherry—It’s better to leave someone than be the one left behind. Pero kahit may nakapa si Jay na pagkadismaya na umalis na sina Cherry at Justin ay wala na siyang nararamdaman pang kahit anon