WAHF-CHAPTER1

1764 Words
CHAPTER 1 GAB's POV 'kringgggg...... kringgggg.....kringgggg' napamulat ang aking mata dahil sa ingay na nagmumula sa aking alarm clock. bago tumayo ay nilibot ko muna ang aking mata sa maliit kong kwarto na may kalumaan na pero malinis dahil ayaw ko ng madumi ang mga gamit ko. Nang tumayo ako ay kaagad kong kinuha ang marker at pumunta sa maliit kong kalendaryo dito sa aking kwarto. Nakasanayan ko na kasing pag kagising ko ay mamarkahan ko ang mga araw na lumilipas. At ngayon ay Marso akinse o sa english ay March 15 na at ang ibig sabihin nun ay tatlong araw na lang magtatapos na ako ng senior high. Nakakaexcite at the same time nakakalungkot kasi matatapos na ang highschool life ko at tutungtong na ako sa huling baitang ng pag aaral, yun ay ang kolehiyo. Matapos kong markahan ang kalendaryo ay lumabas na ako ng kwarto at agad kong nakita si ate Naomi na nakaupo sa kahoy naming upuan sa sala at nanonood ng balita. Si ate ay isang single mom ng aking pamangkin na si jacob. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang ama ni jacob ay wala akong alam dahil di sinasabi ni ate at nirerespeto naman namin ni mama. "Good Morning ate, asan si Jacob?". Tanong ko sa kaniya kayat napatingin siya sa akin at ako naman ay pumunta sa aming munting lababo at naghilamos ng mukha. "Good Morning din bunso, si Jacob tulog pa dahil napuyat sa paggawa ng assignment niya", pagpapaliwanag nito sa akin. "Ahhh, ehh si Mama? asaan?". Tanong ko ulit sa kaniya. "Ahhh si mama pumunta na ng palengke, alam mo naman yun early bird lagi." pagsagot naman nito sa akin. "May pagkain na diyaan, kumain kana! nakaluto na ako kanina kaya dimo na kailangan mag luto". paalala nito sa akin at akoy tumango. Nang matapos na ako ay tumabi ako sa kaniya at tinignan ang pinapanood niya. Oo nga pala, talak ako ng talak di niyo pa pala ako kilala. Ako nga pala si Gabriel Y. Menesez, Gab for short, ako ay kasalukuyang nag aaral sa CNHS o Cagayan National High School kasalukuyang grade 12 student ng stem. Tungkol sa akin ay simple lang, gusto ko simple, maayos, malinis, at tahimik, yan ang mga gusto kong tema ng buhay ko. At huli sa lahat ako ay gay. "Hoy Gab!.." Sigaw ni ate na nagpabalikwas sa pag mumunimuni ko. "Kanina pa kita kinakausap dika pala nakikinig!". galit niyang turan sa akin. Napangiti naman akong maasim at nag peace sign sa kaniya."Sorry naman ate may iniisip lang ehh" pagpapliwanag ko sa kaniya. "Ano ba yun?". Tanong ko naman sa kaniya. "Tsss. ang sabi ko saan ka magaaral pag ka graduate mo ng senior high?". Ahhh yun lang naman pala, saan nga ba ako mag aaral tsaka kakayanin ba nila ako pagaralin. Si nanay ay isa lang tindera sa palengke at si ate naman ay nagtratrabaho sa isang hotel. "Diko pa alam ate ehhh, tsaka baka dina siguro ako mag cocolege kasi baka di niyo kaya." nang sabihin ko yan ay isang malutong na batok ang natangap ko kay ate at pinaikutan ako nito ng mata. "Naririnig mo ba sarili mo gab? diba ang sabi ni mama kahit ikaw lang mapagtapos niya ay magiging masaya na sya at syempre ganun din ako kaya gagawin namin ang lahat para makapag aral ka!"mahabang panenermon sa akin. "Oo na ate, sorry po". paghihingi ko ng despensa sa kaniya, alam ko naman na ako na lang ang pag asa ni mama na may mapagtapos siya na hindi nagawa ni mama dahil elementary graduate lang siya at si ate naman ay nabuntis ng grade 10 kaya di na niya pinagpatuloy ang kaniyang pag aaral alang alang kay jacob. Napagisipan ko naman na yun pero wala talaga sana akong balak na magaral na para makatulong na sana ako sa kanila pero iniisip ko rin yung mararamdaman ni mama at ni ate kung diko ipagpapatuloy ang aking pagaaral. Alam kong mataas ang expectation ni mama sa akin, kahit di nila sabihin nararamdaman ko iyon. Alas sais palang kaya nakaupo parin ako dito sa sala at nanonood ng balita na araw araw naming pinapanood ni ate sa maliit na tv namin. Ito ang daily routine ko, maagang gigising at pagkatapos maghihilamos at tapos manonood ng balita at kakain tapos maliligo at diretso na ng eskwelahan namin. "Mainit na balita, isang bussiness tycoon na nagmamayari ng mahigit kumulang isang bilyong ari arian ay natagpuang patay sa paligid ng rizal park na nakabalandra ang katawan at halatang tinorture ang biktima nagbabalita John Fuego". sabi ng balita, agad namang napailing ang ate. "Grabi naman ang mga taong gumawa niyan, grabe mga walang awa!" sabi ni ate. Napaisip naman ako, bakit kaya ginagawa nila yun sa mga tao. Bakit kaya nila masikmurang gumawa ng ganung bagay, dahil ba sa pera?, sa kapangyarihan?, hayy buhay nga naman ng mga mayayaman oh oh. iwinaglit ko nalang ito at pumunta na ng kusina at kumain at pagtapos ay naligo na at nagbihis ng aming uniform. Maganda ang aming uniform, hindi yung tipikal na uniform ng mga public school. Yung sa amin ay yung parang pang korean style at may pa neck tie pa. may sillico na kulay navy blue at slacks na kulay navy blue din. Libre lang ng school ang aming uniform kaya wala kaming binayaran pero uniform ko nato mula ng grade 11 kaya medyo hapit na sa akin yung uniform ko pero di na ako nagrereklamo kasi malapit naman na akong magtapos. Lumabas na ako ng aming munting bahay at nadatnan ko si Mika na inaantay ako kasama boyfriend niya na si Jefrey. Sila ang dalawa kong best friend, si Mika na lokaret ang pinaka kaclose ko. Kasama ko na siya mula nung bata pa lang kami kaya naging mag bestfriend kami. Nakilala naman namin si jefrey nung tumungtong kami ng junior highschool, bali grade 10 kami noon at transfery siya noon. tungkol naman sa lovestory nila ay tipikal na puppy love, na love at first sight daw tong si jefrey kaya niya niligawan si Mika and the rest is hystory. "Oyyy, tagal mo naman bilis sakay kana!." pagputol naman nito sa pag de daydreaming ko. "Kahit kailan talaga ang bagal mo paring kumilos na bakla ka!." pagbubunganga naman nito sa akin kaya sinamangutan ko siya. "Kainis ka talaga Mika, kahit kailan di ka na nagbago baho parin ng bunganga mo!." pangbabara ko naman sa kaniya na kinakunot ng kilay niya na nakapag pangisi sa akin. "hayy nako tumigil na kayo ng makaalis na tayo."pag putol naman nito sa alitan namin ni mika. Nakamotor si jefrey at sinasabay nila ako sa pagpasok sa eskwelahan, nung una ayaw ko dahil nahihiya ako sa kanila at the same time natatakot akong maksira sa bonding nilang mag jowa pero ininsist naman nila kaya umoo nalang ako. Matapos ang sampung minuto nakarating na kami sa school namin at ng pagpasok namin sa gate ay agad na nagtinginin ang mga tao sa amin, di niyo kasi naitatanong ay si jefrey ang mr. intramurals ngayong school year kaya ganun sila tumingin sa gawi namin. siguro? Kahit naiilang ay nagderederetso kami sa classroom namin which is STEM 12 at humiwalay na si jefrey dahil iba ang track na kinuha niya which is cookery dahil hobby nito ang mag luto. Pagpasok namin ay lumapit agad sa akin si josh na classmate namin ni Mika at matatawag ko ding kaibigan, bumati ito sa akin at bamati sin ako pabalik. "Hi Gab, hi Mika goodmorning nakareview naba kayo?"bati niya samin pagkapasok namin ng room namin."Goodmorning din Josh, at oo naka review na ako kagabi pa"pagsagot ko naman dito, tumango lang si mika Nakalimutan kong sabihin na final exam na pala namin ngayon at pagkatapos ng exam ay aasikasuhin na namin yung mga kulang namin. pagkaupo namin ni mika ay saktong dating ng aming adviser at agad na kaming nag umpisa.. Lahat naman ng questions ay ayos lang, himdi mahirap dahil nareview ko na ito kayat mabilis akong natapos... Makalipas ng mahabang oras, ayy natapos din kami at agad lumabas ng makapag miryenda na. Lalabas na sana kami ng makita kong naghihintay si mama sa labas at umiiyak ito kaya agad akong lumabas at pinuntahan ko siya. "Ma!, bakit po kayo nandito?, Ano pong nangyari, bakit kayo umiiyak?!" sunod sunod kong tanong kayat napatingin sa akin si mama at biglang humagulgol at napayakap sa akin at sinabi ang dahilan ng kaniyang luha sa akin, ng malaman ko ang dahilan ay agad na nanlambot ang aking tuhod at kalamnan at napaiyak narin. "Ga-b, a-anak wala na si tiya ev-evelyn mo!" "Ga-b, a-anak wala na si tiya ev-evelyn mo!" "Ga-b, a-anak wala na si tiya ev-evelyn mo!" Paulit ulit sa utak ko yung sinabi sa akin ni mama, hindi ito mag sink in sa utak ko, hindi ay mali ayaw tangapin ng utak ko ang sinapit ng tiya ko. Si tiya ang nag iisang malapit na kamag anak ni papa na tanging sumusoporta sa amin hangang ngayon ayy wala na.. "Ma tumahan po muna kayo at sabihin niyo po sa akin ang detalye" pagpapatahan ko sa kaniya para masagit lahat ng tanong na lumulukob sa sistema ko ngayon. "Anak, namatay si tiye Evelyn mo dahil sa sakit niya sa puso, nadala pa daw siya sa hospital pero dead on arrival na daw ang tiya mo, anak wala na ang tiya mo, wala na si ate Evelyn"pagkatapos niyang sabihin iyon ayy umiyak siya ulit at niyakap ako ulit. "Ma alam naba to ni ate? anong gagawin natin ma!" nagsimula nadin akong magtaas ng boses sa kaniya. Oo alam kong ina ko siya at mali ang ginagawa ko pero di na ako makapagisip ng maayos sa mga panahon na ito. Naramdaman ko naman na may humaplos sa likod ko at ng tignan ko ito ay nakita ko si mika na may malungkot na mata at wariy nagsasabinh nakikiramay ako. "Di niya pa alam, at anak kailangan nating pumunta doon sa lamay niya, sinabi ng boss ng tiya mo na pumunta tayo ng manila ng makasama natin si tiya evelyn mo" mahaba ngunit malamunay ngunit may halo paring iyak. Ngunit napaisip ako kung paano ang pag aaral ko, yung mga kaibigan ko ngunit sa kabilang banda ayy huli na namin sandali kasama si tiya kaya susulitin na namin habang may pagkakataon pa kami. Di ko alam kung ano ang mapapala namin dito ngunit wala kaming choice dahil mahal na mahal namin ang tiya ko kaya pupunta kami nila mama sa manila, sa bahay ng pinagtatrabauhan ni tita. Sana lang ay maging mabait siya sa amin, sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD