Chapter 25 ...napamulagat ako ng mga mata ng di oras. Gusto ko pa ngang mapaupo pero parang walang lakas ang katawan ko kaya nanatili akong nakahiga. Unti-unting nag-adjust ang paningin ko sa pagkabigla ko but I squinted my eyes dahil hindi masyadong malinaw ang kisame. Nasaan ako? “You’re finally awake,” salita ng isang tao kaya napalingon ako sa aking kanan dahil doon nanggaling ang boses. Napatitig ako sa mukha niya dahil doon at medyo malabo iyon. Nang mapansin ko ang eyeglasses na nakapatong sa isang mesa, sinubukan kong kunin ito pero, naunahan niya ako. “Here. For you to see better,” habang binibigay sa akin ang eyeglasses. Kinuha ko naman ito at sinuot at tumingin muli sa kanya. Ngayon, malinaw na rin ang mukha niya. “So, kamusta pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. Hindi ak

