Bumped Into

2879 Words
Chapter 1 ...napamulagat ako ng mga mata ng di oras. Gusto ko pa ngang mapaupo pero parang walang lakas ang katawan ko kaya nanatili akong nakahiga. Unti-unting nag-adjust ang paningin ko sa pagkabigla ko but I squinted my eyes dahil hindi masyadong malinaw ang kisame. Nasaan ako ngayon? Napalingon ako sa aking kanan at may nakitang babae na natutulog sa mesa. Hindi ko nakilala kung sino dahil sa labo ng mata ko. Teka, anong nangyari? "Nasaan ako?" mahina kong sabi. Nagising ang babae dahil doon, nagulat at agad akong nilapitan. "Ninya anak, gising ka na pala." Anak? Si Mama ang kausap ko? "Nasaan ako Ma?" mahina kong tanong. "Nasa hospital ka anak." Ano? Hospital? "Anong nangyari?" tanong ko. "Hindi ko rin alam anak,” sagot ni Mama. “Basta nabalitaan ko nalang na naaksidente ka kaya ka nandito ngayon. Ano bang pakiramdam mo?" Bumangon ako unti-unti at nakaramdam ng sakit sa likod ng ulo ko kaya napahawak ako roon. "Ang sakit ng ulo ko at ang labo ng paningin ko," sagot ko. "Sige sandali. Tatawag lang ako ng doktor," at kasabay nun ay lumabas siya ng kwarto. Aksidente? Anong klaseng aksidente ang napasukan ko kaya ako nakarating dito? Habang hawak-hawak ko pa rin ang masakit kong ulo, nag-isip ako ng mabuti pero walang lumabas na pangyayari sa utak ko. Tinignan ko ang kamay ko at mukhang malinaw pa naman pero nung tumingin ako sa lamesa kung saan galing si Mama, lumabo ang paningin ko. Naningkit muli ang mga mata ko, iniisip na baka makakatulong na luminaw ang paningin ko… pero walang nangyari. May rason ba kung bakit ang labo ng mata ko ngayon? Mayamaya lang, dumating si Mama na may kasamang doctor to check me up. Nagtanong siya tulad nalang ng anong nakikita ko, kung may naalala ba ako at kung anu-ano pa. Wala akong maalala bago ako nakarating dito. Pagkatapos ng mga tanong, kinausap ng doktor si Mama at sinabi na mukhang okay lang naman ang lagay ko at wala namang malala na injury. Sinabi niya na idala lang ako sa eye doctor para tignan kung anong meron sa mata ko. Nang ma-check-up naman ang mga mata ko, binigyan lang ako ng eyeglasses ng eye doctor kaya bumalik sa normal ang paningin ko. Pagkatapos, inasikaso ni Mama ang mga papeles na kailangan bago ako tuluyang nakalabas ng hospital. Huling bilin lang ng doktor na magpahinga lang ako sa bahay para bumalik ang lakas ko. Nang makalabas kami sa hospital, “Ma,” tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako. “Alam mo ba kung saan ako galing bago ako nakarating dito sa hospital?” tanong ko. “May alam ka rin ba kung anong klaseng aksidente ako galing kaya nakarating ako sa hospital?” “Anak,” sabi niya. “Nagpaalam ka lang sa akin na umalis para makipagkita sa isang tao. Hindi ko nga lang alam kung sino dahil mukhang nagmamadali ka tapos may nakakita nalang sa iyo sa isang tagong lugar nakahilata sa sahig at dinala rito sa hospital.” Nagulat ako sa sinabi ni Mama. “Ibig sabihin…” Ayaw kong mag-assume pero kung nasa tagong lugar nga ako, pwedeng masamang pangyayari— “Huwag kang mag-alala anak. Hindi ka na-r**e,” sabi naman ni Mama kaya nakahinga ako ng maluwang. “Hindi rin pagnanakaw ang motive sa iyo. Pati nga pulis hindi alam kung anong nangyari sa iyo.” Napatingin ako kay Mama pagkatapos niyang sabihin yun. “Pero kung ano mang nangyari sa iyo nung mga oras na yun, ang importante…” nginitian ako ni Mama. “…ligtas ka ngayon at walang malalang nangyari sa iyo.” Binalikan ko ng ngiti si Mama. Binalik niya ang tingin sa daan habang ako naman ay napayuko at napalitan ng alala ang mukha. Hindi napansin ni Mama na pilit lang ang ngiti ko kanina.   Pagkarating namin sa bahay, "ATEEE!!" sigaw ng nag-iisa kong kapatid habang tumatakbo siya papunta sa akin at niyakap ang beywang ko. “Kyle,” sabay binalik ko ang yakap niya. “Kamusta ang baby brother ko?” habang lumuluhod ako para makalebel siya. “Okay lang ako ate,” sagot niya. “Ikaw ate okay ka lang ba? Sabi ni Mama nandun ka raw sa hospital, yung lugar na may injection?” Nginitian ko siya. “Oo. Galing nga ako roon.” “Ala, ibig sabihin tinusukan ka din nila?” pagpanik niya. “Di ba masakit ate? Di ba?” Parehas kami ni Mama ay napatawa dahil sa reaksyon ni Kyle. May trauma kasi siya sa mga injection simula nang bakunahan siya sa school. Wala kasi si Mama sa tabi niya nun kaya iyak siya ng iyak kahit tapos na ang injection. Dumiretso din ako agad sa kwarto ko para makapagpahinga at pagkarating, tinanggal ko muna ang eyeglasses ko bago ako tuluyang humiga sa kama ko. Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko habang puno ng alala ang mukha ko. Kahit wala ngang malalang nangyari sa akin, at buti nga hindi nangyari sa akin ang pinaka-ayaw ko sa lahat na mangyari… bakas ngayon ang alala sa mukha ko dahil may isang malala na nangyari na hindi alam ng lahat. Ang mga mata ko. Oo minsan normal lang sa mga tao na lumabo ang paningin pero, hindi kasi ordinaryo sa akin. Hindi ko alam kung paano at saan ba talaga nanggaling ang “peculiarity” na ito but, my eyes can see right through almost anything, like x-ray eyes. I can see right through thick objects at hindi lang yun. Pag titignan ko rin ang isang equation sa math o di kaya mga test questions, alam ko agad ang solusyon at sagot. Tapos pwede kong malaman kung nag-sisinungaling ang isang tao pagtitignan ko sila diretso sa mata nila. I also have a 360 degree vision kaya nakikita ko din ang nasa likod ko. Ang nakakapanibago ngayon… napatingin ako sa nakalatag na eyeglasses sa aking mesa. …ang biglaang paglabo ng paningin ko. Hindi normal yun sa akin dahil may pagkakaiba nga ang mga mata ko. Gumagana pa rin naman ang ‘kapangyarihan’ ng mga mata ko kahit malabo ang paningin ko pero pag nakasuot na ako ng eyeglasses, kahit simpleng bagay ito at kahit lilinaw ang paningin ko, hindi gagana ang kapanyarihan ko. Kaya buong buhay ko, nang malaman ko iyon, ginawa ko ang lahat para lang hindi lumabo ang paningin ko at gumamit ng eyeglasses pero eto ngayon. Dahil sa aksidente na hindi ko maalala, kailangan kong gumamit nito. Ano kayang klaseng aksidente ang nangyari sa akin kaya nagkaganito ang mga mata ko?   Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay para mag-enrol sa aking school. Buti nga may reminder akong naiwan sa aking kwarto ko pero mukhang late na ako sa enrolment. Siguro dahil yun sa aksidente. Umabot ng alas dos (2) ng hapon bago ko natapos ang enrolment. Buti nga naproseso ko din agad ang lahat kaya nakahinga rin ako ng maluwang. Dumiretso rin ako pauwi at pagkarating ko sa bahay, “O Ninya anak,” bati ni Mama. “Kamusta ang enrolment?” “Natapos ko din Ma,” sagot ko. “Mabuti naman kung ganun,” sabi ni Mama. “Ah oo nga pala, tumawag sa akin si Ma’am Lani para kamustahin ka sana at kung pwede ka raw ba mag-raket ngayon.” Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Mama. “Anong sinabi niyo po?” “Sinabi ko na nag-e-enrol ka ngayon kaya sabi ko nalang na sasabihan kita pagkarating mo para kayo nalang ang mag-usap,” sagot ni Mama. “Ah okay po,” sabay nilabas ko ang phone ko para i-text si Ma’am Lani. Sino si Ma’am Lani you may ask? She’s my manager. Manager of what? Well, I have a secret that I am hiding from everyone, except my family. I'm a model. Nag-start ako mag-model nung 14 palang ako simula nung namatay si Papa. May trabaho naman si Mama pero hindi niya kayang tustusin kaming dalawa ng kapatid ko kaya naghanap din ako na pwedeng pasukan bilang ate. Nakakatawa nga kung paano ko nakuha ang trabahong ito. Nasa kwarto na ako ngayon habang tinetext si Ma’am Lani, sabay napatingin ako sa aking salamin. Ang totoo niyan, hindi naman ganun kaganda ang mukha ko. I have freckles at ilang mga pimples sa mukha. Medyo singkit din ang mga mata ko kaya minsan, napapagkamalan akong Korean, Chinese o di kaya Japanese. Hindi naman ako nilait sa mukha ko pero dumating ang mga araw na naging self-conscious ako at ang daming nagsasabi tungkol sa mga pimples ko sa mukha. I tried using some cleansers pero mas pinalala lang niya ang dami ng pimples ko kaya hindi na ako gumamit ever since… sabon at tubig lang. Lagi akong may mga nadadaanan na mga make-up shops pero hanggang tingin lang ako at walang balak sumubok pero nung may nakita akong video nang ipakita niya ang face niya with and without make-up, nagulat ako. Pwede pala yun? Tanong ko pa sa sarili ko kaya simula nun, naging interesado ako kung paano nila ginawa yun. On my first try, I actually failed. Pinagtawanan pa nga ako ni Kyle eh dahil mukha akong ewan dahil sa kapal ng foundation ko kaya nag-research talaga ako kung paano gamitin ang mga iyon at doon ko na-meet si Ma’am Lani sa isang make-up shop. Nang bigyan niya ako ng advice about my eyebrows and my eyes, doon kami naging close. She helped me with some tips until naging second nature ko na ang pag make-up ng mukha ko. Sabi pa nga ni Ma’am Lani ibang-iba talaga ang mukha ko with and without make-up. At dahil doon, may nakapansin sa akin na modelling agency at sinabing subukan ko raw mag-model. Dahil sa desperada na akong magkaroon ng trabaho nun, sinubukan ko nga at natanggap ako agad. Sinabi ko kay Ma’am Lani ang tungkol doon at doon niya rin naisipang pumasok bilang manager ko. Simula nun, gabi-gabi akong pumupunta roon pagkatapos ng school. Kinareer ko na siya kaya minsan nakikita mukha ko sa billboard at kung ano-ano pa. Pero dahil sa parang dalawa akong tao with and without make-up, pati pangalan may konti akong iniba. Kung Ninya ako sa pagmomodel, Nia ako sa school. Hindi masyadong malayo pero okay lang dahil wala namang nakakahalata. Kung bakit ko ginawa yun, malalaman niyo rin. Ngayon, ka-text ko pa rin si Ma’am Lani at sabi niya na hindi muna siya kumuha ng raket para sa akin ngayon dahil sa nangyari sa akin. Pero agad akong napatingin sa orasan ng kwarto ko at nakitang 2 na ng hapon. Lumabas din ako agad ng kwarto ko at bumaba sabay nagpaalam kay Mama. "Ma, aalis lang ako. Bili lang ako ng contact lens." "Okay. Mag-ingat ka anak," sagot naman ni Mama. "Opo Ma," at hinalikan ko siya sa right cheek niya bago tuluyang umalis ng bahay. Pagkarating ko sa mall, pumunta ako agad sa isang shop kung saan nagbebenta ng mga eyeglasses at contact lens. Bumili ako ng kulay pink na contact lens para maganda ang disguise ko as Ninya. Na-remind kasi ako ni Ma’am Lani na may magandang contact lens ngayon ang binibilhan kong shop. Sakto, since lumabo ang mga mata ko, kailangan ko ito para sa modelling ko. Pagkatapos, bumili rin ako ng ilang make-up na kulang ko at umalis din ako agad para makapagpahinga na ako sa bahay. Naglalakad ako ngayon sa sidewalk dala-dala ang maliit kong bag na laman ang mga pinamili ko nang may iba akong naramdaman… something bad... like… …napalingon ako. I think someone is following me. Nagsimula akong magtaka at kabahan pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Siguro guni-guni ko lang yun. O di kaya tanggalin ko muna ang eyeglasses ko sakaling hindi nga guni-guni yun at makita ko kung anong nasa likod ko— Boogsh! Dahil sa mga pinag-iisip ko, may nakabangga ako sa harapan ko kaya ako napaupo. Patanggal na ako ng eyeglasses ko kaya nahulog ko rin iyon. "Ala Miss, sorry," paumanhin niya. "Hindi. Uhm okay lang,” sagot ko naman. “Kasalanan ko naman dahil hindi ako tumitingin sa daan.” I stayed on the floor habang hinahanap ko ang eyeglasses ko. Mukha akong kawawang bulag dito na naghahanap. "Ah miss, ito yung eyeglasses mo o," habang inaabot niya iyon sa akin. Tumingala ako sa malabo niyang mukha at kinuha ang eyeglasses at agad ko itong sinuot. Mabuti nalang hindi nasira yung lenses. "Salamat..." pero nung tumingala ako ulit para makita ang itsura niya... nagulat ako. Luminaw ang paligid ko gawa ng eyeglasses kong suot pero... "Kailangan mo ng tulong?" tanong niya at sabay nag-abot siya ng kamay. Doon lang ako bumalik sa katotohanan at kinuha ang kamay niya at tumayo. "Sorry talaga miss. Wala bang masakit sa iyo?" tanong niya. Binalikan ko lang siya ng tingin at hindi umimik. "Uhm, miss?" "Uh hah?” pagkabigla kong tanong. “I mean uhm… okay lang talaga ako," nautal kong sagot. "Ah mabuti naman kung ganun." Nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Hindi ko talaga maintindihan eh, bakit ganito? Tinanggal ko eyeglasses ko at binalik. Kinamot ko pa nga ang mga mata ko pero... ganun pa rin. "Uhm miss bakit? May something ba sa mukha ko?" tanong niya. "Uh hah? Wa-wala. Wala naman," umiwas ako ng tingin. Nakakahiya yun. “Ah alam ko na,” sabi niya bigla kaya bumalik ako sa katotohanan at napatingin sa kanya. “Siguro na-gwapuhan ka sa akin noh miss? Naku huwag ka nang mahiyang sabihin yun. Alam ko naman na yun eh.” …I paused. Anong sabi? “Anong pinagsasabi mo kuya—“ “Babe,” sabi ng isang babae kaya naputol ang sasabihin ko. Napatingin ako sa lumalapit na babae na parang nakulangan ng tela ang mundo dahil sa suot niya. She immediately cling on the arms of the boy right in front of me pagkalapit niya sa kanya. “I was looking for you everywhere,” sorry for the word pero malanding sinabi yun ng babae sa kaharap kong lalaki at nagmukha pang pabebe. Bigla siyang napatingin sa akin at kasabay nun ay umiba ang tingin niya, like examining me with disgust in her face. “Sino siya babe?” maarte niyang tanong. “Sabi mo ako lang ang kasama mo ngayon.” Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Anong sa tingin niya? Na aagawin ko ang babe niya sa kanya? “Huwag kang mag-alala babe. Nabangga lang siya sa akin at nahulog niya eyeglasses niya kaya tinulungan ko lang siya.” “Wow. Ang gentleman naman ng babe ko,” malanding sagot ng babaita. I rolled my eyes dahil sa PDA na nangyayari sa harapan ko at tumalikod nalang. Let’s just get out of here.   I was already halfway papunta sa paradahan ng jeep namin nang mapatigl ako… …dahil may bigla nalang humawak ng braso ko. Napalingon naman ako agad at nagulat kung sino ang nakahawak. "Miss,” sabi niya bigla. Siya na naman? “Bakit?” tanong ko. “May nakalimutan ba ako kanina?” “Hindi wala naman,” sagot niya. “Gusto ko lang tanungin kung anong pangalan mo?" tanong niya. Bahagya akong nagulat at hindi nakaimik agad. "Bakit?" seryoso kong tanong. "Wala lang. You seem very… nice. Parang gusto kitang makilala.” Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. “Kahit may cellphone ako, hindi ko ibibigay number ko,” sagot ko naman agad at tumalikod para maglakad paalis. “Uy teka miss,” sabay hinawakan niya na naman ang braso ko para tumigil na naman ako. “Hindi number mo habol ko pero haha…” he chuckled. “…grabe naunahan mo talaga ako. That was rather cool.” Naglabas ako ng buntong hininga at hinarap siya. “Look kuya. Wala akong oras para makipag-usap sa iyo. I don’t even know you.” “Kaya nga magpapakilala na ako. I’m Nathan,” sabi niya at biglang nag-alok ng kamay. Napatingin naman ako sa kamay niya saglit bago napabalik sa mukha niya. "Nia," sagot ko. “Now, will you please leave me alone?” sabay talikod and walked away without even shaking his hand. "Ooh suplada," rinig kong komento niya. “Anyways…” “…Nice to meet you Nia!” sigaw niya bigla kaya napatigil ako saglit sa paglalakad bago nagmadali dahil sa kahihiyan. What’s that guy even thinking to shout my name at a public place?! Dapat hindi ko nalang sinabi pangalan ko sa kanya. Pero bakit nga ba I willingly gave my name to him? Siguro nga dahil siya ang unang nagpakilala sa akin out of nowhere pero… kakaiba siya. Pansin ko nung dumating ang babae kanina, sorry for the word again pero hindi lang ang babae ang malandi… pati siya. Akala niya isa ako sa mga babae diyan na madaling mahulog sa mga pakulo niya? Pero hindi lang yun. Nakakapagtaka… Bakit siya lang ang taong malabo pa rin ang mukha kahit nakasuot na ako ng eyeglasses? Ngayon lang nag-react ang mata ko ng ganito. Parang may gusto siyang iparating sa lalaking yun. Yun ang kakaiba.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD